The First Daughter's Bodyguard

The First Daughter's Bodyguard

last updateLast Updated : 2024-02-17
By:   MissThick  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
100Chapters
12.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Si Irish ang kaisa-isang anak ng Presidente ng Pilipinas. Maganda, sopistikada, matalino ngunit nagrerebelde sa kanyang mga magulang. Upang tumino, pinadala siya ng kanyang ama sa isang immersion sa pangangalaga ng pinagkakatiwalaang gwapo at matipunong si Daniel na isang PSG/ Bodyguard. Kapwa may kasintahan sina Irish at Daniel ngunit sa liblib na lugar na iyon, nabuo ang hindi inaasahang pagtitinginan ng dalawa. Paano nila ipaglalaban ang kanilang lihim na pagmamahalan sa kani-kanilang mga karelasyon at sa Pangulo ng Pilipinas? Paano napabago ng isang simpleng bodyguard ang isang tigre sa kasungitang anak ng Presidente?

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1

Kanina pa siya gising pero tinatamad pa siyang bumangon. Uminat-inat muna siya at hu ikab saka muli siyang pumikit. Kung pwede lang siyang magpahinga sana muna. Kung pwede lang sanang manatili siya maghapon sa higaan kasi pakiramdam niya, hindi pa siya nakababawi sa kanyang mga pagod.Pakiramdam kasi niya, kakaiba ang umagang iyon sa mga nagdaang umaga. Haharap kasi siya sa isang hamon na susubok sa kaniyang pagkatao at katatagan. Kaya kahit alas nuwebe pa ang kaniyang appointment ay gumising na siya ng 6 o'clock, hindi dahil sa excited siya kundi kinasanayan na talaga niya ang magising ng maaga. Kung tutuusin nga late na ang gising na iyon ng mga katulad niya. Minabuti na din niyang maligo dahil sigurado naman siyang hindi na siya muli pang dadalawin ng antok saka baka kung makatulog siyang muli ay ma-late pa siya na maaring ikasisira ng inalagaan niyang reputasyon sa trabaho. Pagkaligo niya ay nanginginig pa siyang pumasok dahil sa ginaw ng buga ng aircon sa kaniyang kuwarto.Nakasa...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Mayfe de Ocampo
Nice story...highly recommended
2024-02-09 14:15:01
0
100 Chapters
CHAPTER 1
Kanina pa siya gising pero tinatamad pa siyang bumangon. Uminat-inat muna siya at hu ikab saka muli siyang pumikit. Kung pwede lang siyang magpahinga sana muna. Kung pwede lang sanang manatili siya maghapon sa higaan kasi pakiramdam niya, hindi pa siya nakababawi sa kanyang mga pagod.Pakiramdam kasi niya, kakaiba ang umagang iyon sa mga nagdaang umaga. Haharap kasi siya sa isang hamon na susubok sa kaniyang pagkatao at katatagan. Kaya kahit alas nuwebe pa ang kaniyang appointment ay gumising na siya ng 6 o'clock, hindi dahil sa excited siya kundi kinasanayan na talaga niya ang magising ng maaga. Kung tutuusin nga late na ang gising na iyon ng mga katulad niya. Minabuti na din niyang maligo dahil sigurado naman siyang hindi na siya muli pang dadalawin ng antok saka baka kung makatulog siyang muli ay ma-late pa siya na maaring ikasisira ng inalagaan niyang reputasyon sa trabaho. Pagkaligo niya ay nanginginig pa siyang pumasok dahil sa ginaw ng buga ng aircon sa kaniyang kuwarto.Nakasa
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more
CHAPTER 2
CHAPTER 2.Malapit lang kasi sa paaralan ang bahay ng Tiya Dely niya. Nakiusap nga ang Nanay niya na doon na muna siya tumira dahil nga sa mga magkakasunod na dumating na malakas na bagyo na siyang sumira sa pananim ng mga magsasaka, idagdad pa ang pagkakasakit ng panganay nila. Pumayag naman ang Tiya Dely niya basta kailangan daw tumulong siya sa mga trabahong bahay at sa carinderia tuwing Sabado at Linggo. Dahil kamag-anak, malayo sa isip niyo na alilain siya ng mga ito. Nang una, mabait naman ang Tiya Dely at ang tiyo at mga pinsan niya ngunit nang naglaon lumabas din ang kanilang masamang ugali. Ang Sabado at Linggo na dapat pagtulong niya sa carinderia ay naging araw-araw na. Kailangan niyang magising ng madaling araw para samahan niya ang Tiya Dely niya sa pamamalengke. Ang masaklap, sa edad niyang sampung taong gulang, pinapabitbit na siya ng mabibigat nilang pinamili. Madalas, nahuhuli siya sa pagpasok sa klase. Kahit sa tanghali, bago siya makapananghalian ay kailangan niya
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more
CHAPTER 3
CHAPTER 3 Tumunog ang cellphone niya.Napakislot siya.Si Janna ang nagtext."Good morning Hon, see you at lunch. Good luck sa new designation mo. Love u.""Thanks Hon. See u at lunch." Reply niya.Si Janna, ang kanyang mahal na mahal na kasintahan.Malaki ang bahagi ni Janna at ang pamilya nito sa kaniyang tagumpay.Huminga siya ng malalim.Inilapag niyang muli ang cellphone niya sa tabi ng laptop saka niya kinuha ang nakasabit niyang pantalon. Isinuot niya iyon habang nakaharap sa salamin na di muna inilalagay ang butones. Ilang hakbang lang ang layo ng kama sa kinatatalungkuan niya kung saan niya inilatag ang kaniyang longsleeves. Muli niyang pinagmasdan ang isusuot niya. Ngayon ay parang nagdadalawang isip na siya kung iyon ang susuotin niya dahil itim pala ang suit na ipapatong niya doon. Ngayon niya higit na kailangan ang opinyon ng girlfriend niya. Hindi siya sigurado sa magiging kalalabasan pero mukhang okey naman siguro, naisip niya. Ngunit minabuti niyang ibalik na lang sa
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more
CHAPTER 4
CHAPTER 4Pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi. Iyon lang naman kasi ang tanging nagagawa niya hanggang ngayon. Sa tuwing naaalala niya kasi ang nangyaring iyon ay nailalabas lang niya ang galit sa pamamagitan ng pagluha. Daman-dama kasi niya yung sakit na kung sino pa ang sana ay aasahan niyang kadugo na siyang tutulong sa kaniya sa mga oras na nasa kagipitan siya ay sila pa yung bumaboy at umalipusta sa kaniya.Muli siyang humugot ng malalim na hininga. Kailangan niyang ilabas ang poot sa dibdib. Ito na siya, ibang-iba na. Malayo na ang natahak niyang landas. Kailangan na sana niyang kalimutan ang mapait na mga nakaraan.Dahan-dahan na niyang inilagay ang butones ng kaniyang longsleeve. Nang maitali niya ang kaniyang necktie at nasuklay ang buhok ay nagwisik na siya ng mamahaling pabango na regalo sa kaniya ni Janna. Muli niyang binuksan ang aparador niya at kinuha ang isa sa mga suits niya. Isinuot niya iyon habang nakaharap sa salamin and that's it. He's ready to go!Ganoon
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more
CHAPTER 5
Chapter 5Sa edad ng First Daugher na dalawampu, masasabing isa ito sa pinakamaganda sa buong Pilipinas. Hilera ang mga Network Company at mga brands para mag-offer ng acting contract at mga brand para i-promote niya noong di pa lumalabas ang tunay niyang ugali ngunit nang nalaman ng midya ang kamalditahan at kasupladahan nito ay biglang nag-atrasan. Malakas na panghila nito ang maamo at maganda nitong mukha, ang parang nililok na kaseksihan at ang maputi at makinis na kutis ngunit kung magsalita na ito at kumilos, swertehan na lang kung hindi ka mamalditahan. Dahil nasa labas ng toilet ang salamin at faucet ay nagpang-abot sila doon habang pinapatuyo nito ang katiting na natapunan ng kape sa dulo ng dress niya samantalang nang pagmasdan ni Daniel ang natapong kape sa suot niya ay halos kalahati na nito ang kulay lupa na naikalat sa putim-puti niyang longsleeve."Sinusundan mo ba ako?" maangas na tanong ng anak ng Presidente habang hinuhubad ni Daniel ang kaniyang puting longsleeve
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more
CHAPTER 6
Chapter 6"We had a short encounter outside at may kaunting bagay hong sa tingin ko ay kinainisan niya sa akin. But I assure you Sir President that she will be in a good hands po. Pangako ko ho 'yan Sir.""Then, I think that would be all! Everything is now settled. Okey my princess, mamayang gabi na ang alis ninyo. You can go ahead kasi may pag-uusapan pa kami ni Mr. Sandoval." Mahina ngunit makapangyarihang tugon ng Presidente.Tumayo si Irish. Nagngingit siya sa inis. Kung nakakasugat ang tingin ay kanina pa duguan si Daniel.Kung alam lang sana ng Daddy niya kung bakit siya tumatanggi na si Daniel ang makakasama niya. Kung sana alam lang niya ang kaniyang lihim na pinagdadaanan.Pabagsak na isinara ni Irish ang pinto ng kaniyang kuwarto. Wala siyang pakialam kung ikinagulat iyon ng ilang PSG na noon ay nakatayo sa pasilyo. Kumukulo ang dugo niya sa Mr. Sandoval na iyon. “Ang yabang-yabang ng tingin niya. Akala mo kanina kung sino!” Humiga siya sa kaniyang kama na hindi nagpapalit
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more
CHAPTER 7
Nagkamali siya sa akala niya na kung malaman ng Daddy niya na napapasama na siya sa maling barkada ay muli na niyang makukuha ang atensiyon nito. Hindi niya akalain na mas lalala lang pala ang sitwasyon. Tuluyan siyang inilayo sa kanyang Daddy at Mommy. Isinabay siya ng kuya niya na mag-aral sa US. Doon na raw rin siya mag-aaral. Nangyari iyon dalawang taon bago tatakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas ang kaniyang ama. Labag man sa kalooban niya ay wala rin siyang nagawa. Pakiramdam niya ay inilayo siya dahil ayaw ng Daddy niya na madungisan ang pangalan niya dahil sa pagkakaroon niya ng anak na katulad niya. Pinag-aral siya sa US at pagkaraan ng ilang taon din, nang kasalukuyan na itong Pangulo ay saka siya pinabalik sa Pilipinas. Kung kailan siya nasanay sa bansang iyon ay saka naman siya ngayon pinababalik na parang ganoon lang sa kanilang diktahan ang buhay niya. Mahirap na sa kaniyang iwan ang US dahil doon na kasi niya naranasang maging malaya. Dahil walang nakakakilala sa kaniyang
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more
CHAPTER 8
Chapter 8"Tayo? What the fuck Ash! Walang tayo. Hindi kailanman maging tayo. I admit, the sex that we often had was superb but it doesn't mean anything! Hindi kita kayang mahalin at di ako puwedeng patali sa iisa. I am still enjoying my youth!" sagot nito.Tumayo na siya mula sa pagkakadagan sa kaniya at kitang-kita pa niya ang tuluyang paglambot ng kanina ay galit na galit nitong pagkalalaki. “Kurt babae ako. You knew that you were my first. Kaya hindi ako maruming babae para makuntento sa ganito lang!” huminga siya ng malalim. Frustrated. “"So that's it? Kahit mahal na mahal na kita, we will just be a fucking buddies hanggang magsawa tayo sa isa't isa? Ganoon lang ba ang gusto mong mangyari?""Not anymore, Ash. We are not be doing this anymore. Ayaw kong nahahaluan ng emosyon ang ginagawa nating ganito. It will spoil all that we have. I tell you, when emotion comes in in this kind of relationship, I assure you that it will complicate everything. Kaya bago pa lumala ito, dapat nang
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more
CHAPTER 9
CHAPTER 9Kinagabihan ay dumating na si Daniel para sunduin si Irish."Hindi puwede yung suot mo ma’am. Baka puwede kang magpalit ng mas simple, mas mainam kung may sombrero kayo para hindi kayo makilala." Puna agad ni Daniel nang tumambad sa kaniya si Irish na naka-dress pa at todo make up."Wow! Really? Pati isusuot ko kailangan mong pakialaman? Dad, if he wants me to treat him well, he should minimize his intrusion." Mabigat na tinuran ni Irish sa Daddy niya na katabi ang Mommy nito."Do whatever he asked you to do. Sinabi ko na sa'yo, siya ang dapat mong pakisamahan, hindi siya ang dapat makisama sa'yo. Siya ng kailangan masunod at hindi ikaw ang dapat niyang paglingkuran.""What? Dad naman, hin-…”“I’ve said it. You should obey him.”Huminga siya ng malalim. “Sige, bigyan mo ako ng isang mabigat na dahilan Mr. Sandoval kung bakit hindi puwede ang suot ko."Huminga rin si Daniel ng malalim. “Mukhang may katigasan talaga ng ulo ang isang ito.” Naisip niya. Ngunit kailangan niya man
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more
CHAPTER 10
CHAPTER 10 Nang mga sandaling nakabalik na sa upuan si Daniel ay muli niyang pinagmasdan ang mala-anghel na mukha ni Irish. Kung pagmamasdan kasi ito, napakainosente ng hitsura. Saka lang nagbabago ang tingin ng kahit sino pagbukas ng kaniyang bibig at kung kumilos na. Matalim ang mga salita at magaspang ang kilos ngunit ano kaya ang nakatagong pagkatao sa likod ng ipinapakita niyang iyon? Gusto niyang maintindihan sana siya para mas madali niya itong pakisamahan ngunit nag-aalangan siyang makipagkuwentuhan dahil baka mapapahiya lang siya. Isa pa, ano naman ang pagkukuwentuhan nila e, magkalayong-magkalayo ang mundong kinalakhan nila. Saka nararamdaman niyang walang interes si Irish na kakuwentuhan siya.Hindi niya alam kung ang jacket na suot niya ang ibibigay niya o ang malaking tuwalya niya na kinuha niya sa kaniyang backpack para may pangharang si Irish sa lamig. Hindi nga pala puwede ang jacket kasi naroon ang itinatago niyang sandata.May kalakihan ang tuwalya at sa tingin niya
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status