CHAPTER 2
.
Malapit lang kasi sa paaralan ang bahay ng Tiya Dely niya. Nakiusap nga ang Nanay niya na doon na muna siya tumira dahil nga sa mga magkakasunod na dumating na malakas na bagyo na siyang sumira sa pananim ng mga magsasaka, idagdad pa ang pagkakasakit ng panganay nila. Pumayag naman ang Tiya Dely niya basta kailangan daw tumulong siya sa mga trabahong bahay at sa carinderia tuwing Sabado at Linggo.
Dahil kamag-anak, malayo sa isip niyo na alilain siya ng mga ito. Nang una, mabait naman ang Tiya Dely at ang tiyo at mga pinsan niya ngunit nang naglaon lumabas din ang kanilang masamang ugali. Ang Sabado at Linggo na dapat pagtulong niya sa carinderia ay naging araw-araw na. Kailangan niyang magising ng madaling araw para samahan niya ang Tiya Dely niya sa pamamalengke. Ang masaklap, sa edad niyang sampung taong gulang, pinapabitbit na siya ng mabibigat nilang pinamili. Madalas, nahuhuli siya sa pagpasok sa klase. Kahit sa tanghali, bago siya makapananghalian ay kailangan niya rin munang tumulong sa pagseserve sa mga kakain at makapaghugas ng minsan sa mga pinggan samantalang ang mga pinsan niya ay naroon at katulong din kung ituring siya. Kahit nga tubig lang nila o kaya mga simpleng gawain sa bahay ay sa kanya lahat iniaasa. Pagdating niya sa hapon ay sa carinderia pa rin siya didiretso at doon siya hanggang sa wala ng customer na kakain. Ang masaklap, wala na siyang panahon pa para mag-review. Sa mismong carinderia pa siya pinapatulog dahil kailangan daw may magbabantay o tatao doon sa gabi kasama ng kusinerong may katandaan na rin. Ang matandang iyon ang siyang tanging nakakaalam kung paano siya tratuhin. Naawa man sa kaniya ang kusinero ngunit mahirap rin lang ang matanda katulad niya at may sinusuportahan ding pamilya.
Kahit may sakit siya ay wala silang pakundangan na utusan siya. Nagsabi siya ngunit pinalabas na nagdadahilan siya para makaiwas sa trabaho. Gumaling lang siya dahil sa gamot na ibinigay ng matandang kusinero. Mabuti pa ang ibang tao, nagagawang pagmalasakitan siya ngunit ang mismo niyang kadugo walang pakialam sa kanya.
Hindi lang pang-aalila ang ginagawa sa kaniya sa trabaho. Higit pa ang emosyonal na pagpapahirap sa kaniya. Sa harap kasi ng ibang mga tao ay sinisigawan siya ng asawa ng kaniyang Tiya at mga pinsan. Utos dito, utos diyan at kung nagkamali, may kasundo pang sipa o kaya pambubulyaw. Sa gabi napapaluha siya, naghahanap ng kalinga, ng pagmamahal. Oo nga't masarap ang mga pagkain, may ibinibigay silang baon niyang sampung piso araw-araw (ang sampung piso ng mga panahong iyon ay marami na rin ang puwedeng mabili) ngunit parang hindi naman tao kung ituring siya.
Naiinggit siya sa mga pinsan niya sa tuwing nakikita niya silang nagdidiwang sa kanilang mga birthday. May bagong mga damit, mga regalo na bubuksan, mga laruan at cake. Ni minsan hindi pa niya naranasang mag-birthday, ni hindi pa nga siya nakatanggap kahit isang regalo lang. Ang mga suot niya, iyon ang mga damit na di na kasya o kaya napaglumaan na ng mga pinsan niya. Kapag sumasapit noon ang pasko ay gustung-gusto niyang umuwi sa kanila dahil namimiss na niya ang kaniyang mga magulang at kapatid ngunit sinabihan siya ng Tiya Dely niya na kung babakasyon siya, wala na siyang babalikan pang trabaho. Hindi na siya muli pang tatanggapin doon at di na siya papag-aralin pa. Kaya kahit umiiyak siya sa gabi ay mas pinili nitong magtiis at gugulin ang mga bakasyon tulad ng pasko at iba pang mga araw na wala siyang pasok sa pagtulong sa kanilang carinderia. Tinitiis niya ang pagpapaalila.
Masakit yung nakikita niyang masaya ang buong pamilya ng kamag-anak niya ngunit dahil katulong ang turing sa kaniya ay hindi siya naging bahagi ng pamilyang iyon. Bumubunot na lang siya ng malalim na hininga nang nakikita niyang nagbibigayan sila ng regalo sa pasko at siya ay naroon lang, nakatingin sa kanila habang ang mga pinsan niya ay nagbubukas ng kani-kanilang regalo at masayang-masaya. Pangalawang pasko na kasing ganoon ang sitwasyon. Noong nakaraang pasko sobrang sakit at kinaiinggitan niya ang mga ganoon ngunit nang sumunod na pasko, kinakaya na niya kahit papaano. Tahimik lang siya sa tabi at pangiti-ngiti kahit nakaramdam ng inggit at pagkaawa sa sarili. Ni hindi niya alam kung napapansin ba siya o sadyang pilit kinakalimutan. Kung sana binisita lang siya ng kaniyang nanay ngunit alam naman niya at sa edad niyang labindalawa noon ay naiintindihan na niya ang sitwasyon ng pamilya niya. Isa pa sigurado rin naman siya na abala sila sa bukid at mas humirap na nga rin ang kanilang buhay dahil sa tumitinding sakit ng kuya niya. Hindi na lang pagkain at baon ng mga kapatid niya ang iniisip ng kaniyang mga magulang kundi ang mga gamot na rin ng kuya niya. Dumadalaw man ang nanay niya doon ngunit iyon ay kung hihiram lang siya ng pera at sa tuwing kinakausap siya ng nanay niya ay pinipilit niyang maging masaya para mapagtakpan lang ang hirap na kaniyang pinagdadaanan. Alam niya kasing kung magsabi siya ng totoo, paniguradong iuuwi na siya ng nanay niya at malabo nang makapagtapos pa siya sa kaniyang pag-aaral. Ang masaklap lang, paniguradong kapag ganoong uuwi na ang nanay niya ay saka sa kaniya ibubunton ng kaniyang Tiyo na asawa ng Tiya Dely niya ang inis at galit.
"'Yan, mahirap pa kayo sa daga kaya sa amin na lang kayo laging umaasa. Punum-puno na ako sa walang tigil ninyong panghuthot sa amin. Kulang pa ang pinagtrabahuan mo sa mga hinihiram ng nanay mo sa amin kaya doblehin mong magsipag. Kulang na na lang ibenta ka nila sa amin. Aba, hindi madaling kumita ng pera. Palibhasa kasi mga patay-gutom!"
Nang una, nasasaktan siyang marinig ang patutsadang iyong ng Tiyo niya ngunit nang naglaon, tinanggap na lang niya. Hindi dahil nasanay na siya kundi iyon naman talaga ang totoo. Mahirap lang sila at wala naman siyang puwedeng ipagmalaki. Ngunit darating din ang araw na aangat siya. Hindi nga lang niya alam kung paano ngunit umaasa siyang giginhawa rin ang buhay nila.
Kahit mahirap sila ay dama niya ang kahalagahan at pagmamahalan nilang pamilya. Kahit salat ang kanilang hapag-kainan sa Noche Buena ay siguradong lahat naman sila ay nagbabahagian ng pagmamahal at matutulog na may ngiti sa labi. Iyon na lang kasi ang mayroon sila, ang pagmamalasakit at pagmamahal nila sa isa't isa bilang pamilya. Hindi nagkulang ang nanay niya sa pagtanong kung maayos lang ba ang kalagayan niya at kung hindi ba siya nahihirapan pero alam niyang walang mabuting maidudulot ang pagsusumbong niya. Siya ang mawawalan. Siya ang madedehado. Kaya kahit anong pagod, hirap at pang-iinsulto sa kaniyang pagkatao at buong pamilya ang naririnig niya ay kakayanin niyang magtiis. Kaya nga para hindi na siya lulunurin ng lungkot at inggit sa nakikita niyang saya ng mga pinsan niya sa mga natanggap nilang mga regalo ay sinikap niyang balikan ng alaala ang sarili niyang pamilya. Ang malulutong na tawanan nila noong kasama pa niya ang pamilya niya. Iba na kasi ang sitwasyon noong naging alila na siya ng mismong kamag-anak niya. Hinubaran na kasi siya ng karapatang magsaya at ang tanging bumubuhay na lang sa kaniya ay ang kaniyang pangarap at pag-asa. Doon na lang siya humuhugot ngayon ng lakas. Tumayo siya. Maluha-luha na siyang umalis noon sa nagkakasiyahang mga kamag-anak niya. Nagdesisyon siyang matutulog na lang nang habulin siya ng pinsan niyang sa Maynila nagtatrabaho at noong paskong iyon lang din nakauwi dahil bihira lang nga ito magbakasyon.
Siya ay si Kuya Paul niya.
"O insan, hindi mo na ba hihintayin na mag-alas dose?" tanong nito noon.
"Gigising na lang ho kuya kung tapos na kayong kumain para hugasan ko ang mga pinagkainan ninyo at magligpit." Nahihiya niyang tugon.
"Ano? Halika nga at mag-usap tayo."
Hinila siya sa harap ng carinderia kung saan may upuan doon.
Maingay ang paligid. Nagkakasiyahan ang mga bawat tahanan ngunit naroon siya't naluluha. Pinunasan niya ang kaniyang luha at napansin iyon ng Kuya Paul niya.
"Inaalila ka ba rito sa bahay insan?"
"Hindi ho kuya."
"Huwag kang magsinungaling. Dalawang araw palang ako rito pero napansin ko ang trato nila sa'yo."
"Wala ho 'yun kuya. Ayos lang po 'yun." Pinilit niyang pigilan ang sariling mapahikbi.
"Hindi ayos 'yun sa akin. Bukas na bukas, umuwi ka na."
"Ho? Hindi ho puwede kuya. Magagalit ang Mama at Papa mo. Mawawalan ho ako ng trabaho. Titigil ako sa pag-aaral ko."
"Ako ang bahala sa kanila insan. Kailangan mong gugulin ang bakasyon mo sa pasko kasama ang mga kapatid mo at sina Tito at Tita. Heto, may pasalubong at regalo rin ako sa'yo." Iniabot ng kuya Paul niya ang regalo nito. Nahihiya at nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya iyon. Sa tanang buhay nito, ngayon lang siya nakatanggap ng ganoong regalo at pagpapahalaga ng isang kamag-anak.
"Buksan mo, bilis!" nakatawa pang sinabi ng Kuya Paul niya sabay ang pag-akbay sa kaniya.
Nakangiti rin siyang sumunod at nang mabuksan niya iyon ay nagulat siya nang makita niyang bagong sapatos at t-shirt ang laman no'n. Hindi niya alam kung paano siya magpasalamat. Bigla na lang umagos ang luha nito sa kaniyang pisngi habang nakatingin siya kay Kuya Paul niya.
"Oh, bakit ka umiiyak pa rin insan?"
"Ngayon lang ho kasi ako magkakaroon ng bagong damit at sapatos kuya. Salamat po." Garalgal ang boses niya.
"Huwag ka ngang parang iba sa akin. Sige na, isuot mo na at makita natin kung kasya ang sapatos mo?"
"Sandali lang ho at huhugasan ko pa ang mga paa ko. Mahirap na kasing madumihan eh."
"Huwag na, tatagal pa. Bukas mo na lang din isuot 'yan saka sigurado akong kasya mo 'yan kasi bago ako bumili niyan ay sinukat ko muna yung sira-sira mo nang tsinelas kaya ito ang kapalit ng tsinelas mo." Inabutan siya ng bagong tsinelas at lalo lang bumalon ang kaniyang luha.
"Bukas pag-uwi mo isuot mo 'yan ha? Saka may mga damit pa doon na itinabi ko na iuuwi mo sa inyo. May mga sapatos at tsinelas na pasalubong mo sa mga kapatid mo."
"Talaga ho?" nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Sa totoo lang, mas gusto talaga niyang bigyan ang mga kapatid niya kaysa sa magkaroon siya. Uunahin at uunahin pa rin niya ang para sa pamilya bago ang sarili niya kaya nang narinig niya iyon ay bigla na langs iyang napayakap sa kuya Paul niya.
"Salamat sa kabaitan mo kuya. Napakabait mo po."
"Wala 'yun. Pamilya tayo e. Saka bibigyan kita ng pera. Alam kong magkakasya na hanggang sa makatapos ka ng Grade 6. Nakausap ko kasi ang cook nina Mama at sinabi sa akin ang lahat-lahat. Masakit sa aking malaman na mismong pamilya ko ang umaalila sa'yo kaya bilang pamasko ko, bukas na bukas malaya ka na at ang perang ibibigay ko ay gagamitin mo para makatapos ka ng Grade 6, okey?"
Hindi na niya napigilan ang sarili. Ang kanina'y tahimik niyang pagluha ay nauwi sa paghikbi na may kasamang tawa. Iyon ang pinakamasayang pasko ng kaniyang buhay.
Bumunot siya ng malalim na hininga. Tapos na ang bahagi ng kanyang buhay na iyon. Kailangan na niyang kalimutan kasama ng sakit na kanyang pinagdaanan.
CHAPTER 3 Tumunog ang cellphone niya.Napakislot siya.Si Janna ang nagtext."Good morning Hon, see you at lunch. Good luck sa new designation mo. Love u.""Thanks Hon. See u at lunch." Reply niya.Si Janna, ang kanyang mahal na mahal na kasintahan.Malaki ang bahagi ni Janna at ang pamilya nito sa kaniyang tagumpay.Huminga siya ng malalim.Inilapag niyang muli ang cellphone niya sa tabi ng laptop saka niya kinuha ang nakasabit niyang pantalon. Isinuot niya iyon habang nakaharap sa salamin na di muna inilalagay ang butones. Ilang hakbang lang ang layo ng kama sa kinatatalungkuan niya kung saan niya inilatag ang kaniyang longsleeves. Muli niyang pinagmasdan ang isusuot niya. Ngayon ay parang nagdadalawang isip na siya kung iyon ang susuotin niya dahil itim pala ang suit na ipapatong niya doon. Ngayon niya higit na kailangan ang opinyon ng girlfriend niya. Hindi siya sigurado sa magiging kalalabasan pero mukhang okey naman siguro, naisip niya. Ngunit minabuti niyang ibalik na lang sa
CHAPTER 4Pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi. Iyon lang naman kasi ang tanging nagagawa niya hanggang ngayon. Sa tuwing naaalala niya kasi ang nangyaring iyon ay nailalabas lang niya ang galit sa pamamagitan ng pagluha. Daman-dama kasi niya yung sakit na kung sino pa ang sana ay aasahan niyang kadugo na siyang tutulong sa kaniya sa mga oras na nasa kagipitan siya ay sila pa yung bumaboy at umalipusta sa kaniya.Muli siyang humugot ng malalim na hininga. Kailangan niyang ilabas ang poot sa dibdib. Ito na siya, ibang-iba na. Malayo na ang natahak niyang landas. Kailangan na sana niyang kalimutan ang mapait na mga nakaraan.Dahan-dahan na niyang inilagay ang butones ng kaniyang longsleeve. Nang maitali niya ang kaniyang necktie at nasuklay ang buhok ay nagwisik na siya ng mamahaling pabango na regalo sa kaniya ni Janna. Muli niyang binuksan ang aparador niya at kinuha ang isa sa mga suits niya. Isinuot niya iyon habang nakaharap sa salamin and that's it. He's ready to go!Ganoon
Chapter 5Sa edad ng First Daugher na dalawampu, masasabing isa ito sa pinakamaganda sa buong Pilipinas. Hilera ang mga Network Company at mga brands para mag-offer ng acting contract at mga brand para i-promote niya noong di pa lumalabas ang tunay niyang ugali ngunit nang nalaman ng midya ang kamalditahan at kasupladahan nito ay biglang nag-atrasan. Malakas na panghila nito ang maamo at maganda nitong mukha, ang parang nililok na kaseksihan at ang maputi at makinis na kutis ngunit kung magsalita na ito at kumilos, swertehan na lang kung hindi ka mamalditahan. Dahil nasa labas ng toilet ang salamin at faucet ay nagpang-abot sila doon habang pinapatuyo nito ang katiting na natapunan ng kape sa dulo ng dress niya samantalang nang pagmasdan ni Daniel ang natapong kape sa suot niya ay halos kalahati na nito ang kulay lupa na naikalat sa putim-puti niyang longsleeve."Sinusundan mo ba ako?" maangas na tanong ng anak ng Presidente habang hinuhubad ni Daniel ang kaniyang puting longsleeve
Chapter 6"We had a short encounter outside at may kaunting bagay hong sa tingin ko ay kinainisan niya sa akin. But I assure you Sir President that she will be in a good hands po. Pangako ko ho 'yan Sir.""Then, I think that would be all! Everything is now settled. Okey my princess, mamayang gabi na ang alis ninyo. You can go ahead kasi may pag-uusapan pa kami ni Mr. Sandoval." Mahina ngunit makapangyarihang tugon ng Presidente.Tumayo si Irish. Nagngingit siya sa inis. Kung nakakasugat ang tingin ay kanina pa duguan si Daniel.Kung alam lang sana ng Daddy niya kung bakit siya tumatanggi na si Daniel ang makakasama niya. Kung sana alam lang niya ang kaniyang lihim na pinagdadaanan.Pabagsak na isinara ni Irish ang pinto ng kaniyang kuwarto. Wala siyang pakialam kung ikinagulat iyon ng ilang PSG na noon ay nakatayo sa pasilyo. Kumukulo ang dugo niya sa Mr. Sandoval na iyon. “Ang yabang-yabang ng tingin niya. Akala mo kanina kung sino!” Humiga siya sa kaniyang kama na hindi nagpapalit
Nagkamali siya sa akala niya na kung malaman ng Daddy niya na napapasama na siya sa maling barkada ay muli na niyang makukuha ang atensiyon nito. Hindi niya akalain na mas lalala lang pala ang sitwasyon. Tuluyan siyang inilayo sa kanyang Daddy at Mommy. Isinabay siya ng kuya niya na mag-aral sa US. Doon na raw rin siya mag-aaral. Nangyari iyon dalawang taon bago tatakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas ang kaniyang ama. Labag man sa kalooban niya ay wala rin siyang nagawa. Pakiramdam niya ay inilayo siya dahil ayaw ng Daddy niya na madungisan ang pangalan niya dahil sa pagkakaroon niya ng anak na katulad niya. Pinag-aral siya sa US at pagkaraan ng ilang taon din, nang kasalukuyan na itong Pangulo ay saka siya pinabalik sa Pilipinas. Kung kailan siya nasanay sa bansang iyon ay saka naman siya ngayon pinababalik na parang ganoon lang sa kanilang diktahan ang buhay niya. Mahirap na sa kaniyang iwan ang US dahil doon na kasi niya naranasang maging malaya. Dahil walang nakakakilala sa kaniyang
Chapter 8"Tayo? What the fuck Ash! Walang tayo. Hindi kailanman maging tayo. I admit, the sex that we often had was superb but it doesn't mean anything! Hindi kita kayang mahalin at di ako puwedeng patali sa iisa. I am still enjoying my youth!" sagot nito.Tumayo na siya mula sa pagkakadagan sa kaniya at kitang-kita pa niya ang tuluyang paglambot ng kanina ay galit na galit nitong pagkalalaki. “Kurt babae ako. You knew that you were my first. Kaya hindi ako maruming babae para makuntento sa ganito lang!” huminga siya ng malalim. Frustrated. “"So that's it? Kahit mahal na mahal na kita, we will just be a fucking buddies hanggang magsawa tayo sa isa't isa? Ganoon lang ba ang gusto mong mangyari?""Not anymore, Ash. We are not be doing this anymore. Ayaw kong nahahaluan ng emosyon ang ginagawa nating ganito. It will spoil all that we have. I tell you, when emotion comes in in this kind of relationship, I assure you that it will complicate everything. Kaya bago pa lumala ito, dapat nang
CHAPTER 9Kinagabihan ay dumating na si Daniel para sunduin si Irish."Hindi puwede yung suot mo ma’am. Baka puwede kang magpalit ng mas simple, mas mainam kung may sombrero kayo para hindi kayo makilala." Puna agad ni Daniel nang tumambad sa kaniya si Irish na naka-dress pa at todo make up."Wow! Really? Pati isusuot ko kailangan mong pakialaman? Dad, if he wants me to treat him well, he should minimize his intrusion." Mabigat na tinuran ni Irish sa Daddy niya na katabi ang Mommy nito."Do whatever he asked you to do. Sinabi ko na sa'yo, siya ang dapat mong pakisamahan, hindi siya ang dapat makisama sa'yo. Siya ng kailangan masunod at hindi ikaw ang dapat niyang paglingkuran.""What? Dad naman, hin-…”“I’ve said it. You should obey him.”Huminga siya ng malalim. “Sige, bigyan mo ako ng isang mabigat na dahilan Mr. Sandoval kung bakit hindi puwede ang suot ko."Huminga rin si Daniel ng malalim. “Mukhang may katigasan talaga ng ulo ang isang ito.” Naisip niya. Ngunit kailangan niya man
CHAPTER 10 Nang mga sandaling nakabalik na sa upuan si Daniel ay muli niyang pinagmasdan ang mala-anghel na mukha ni Irish. Kung pagmamasdan kasi ito, napakainosente ng hitsura. Saka lang nagbabago ang tingin ng kahit sino pagbukas ng kaniyang bibig at kung kumilos na. Matalim ang mga salita at magaspang ang kilos ngunit ano kaya ang nakatagong pagkatao sa likod ng ipinapakita niyang iyon? Gusto niyang maintindihan sana siya para mas madali niya itong pakisamahan ngunit nag-aalangan siyang makipagkuwentuhan dahil baka mapapahiya lang siya. Isa pa, ano naman ang pagkukuwentuhan nila e, magkalayong-magkalayo ang mundong kinalakhan nila. Saka nararamdaman niyang walang interes si Irish na kakuwentuhan siya.Hindi niya alam kung ang jacket na suot niya ang ibibigay niya o ang malaking tuwalya niya na kinuha niya sa kaniyang backpack para may pangharang si Irish sa lamig. Hindi nga pala puwede ang jacket kasi naroon ang itinatago niyang sandata.May kalakihan ang tuwalya at sa tingin niya
CHAPTER 100 Christmas Eve. December 24.Abala si Janna sa paghahanda ng kanilang Noche Buena habang tinutulungan siya ng anak na si Raymond. Alam niyang gabi pa darating ang asawa dahil sa pagiging abala nito dahil siya na ang naatasang Chief Commanding Officer ng lahat nga mga PSG ng bansa. Kasabay ng pag-angat ng posisyon nito ang maraming responsibilidad ngunit bilang isang mabait at responsableng maybahay. Lagi niya itong inuunawa. Mahal niya ang kaniyang asawa. Hinding-hindi siya magsasawang pagsilbihan ito at intindihin lalo pa't ramdam din naman niya ang tunay na pagmamahal sa kaniya ni Daniel.Hindi niya inakalang magiging maayos din ang lahat. Akala niya tuluyan na noong mawawala si Daniel sa kaniya at siya lang ang tatayong magulang ng kaniyang ipinagbubuntis. Dahil nagdesiyosn siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Daniel, nilawakan niya ang kaniyang isip na intindihin na lahat ay puwedeng magkamali kaya ngayon, nagkatotoo din ang pangarap niyang magkaroon ng buo at
CHAPTER 99Nakita niya ang mga rosas malapit kay Irish. Mabilis siyang kumuha ng tatlo. Lumapit siya. Hinawakan niya ang bisig ni Irish saka niya ipinahawak dito ang tatlong pulang rosas, bumaba ang hawak niya hanggang sa nagtagpo ang kanilang palad. "Akin na ba talaga ito?" tanong ni Irish. Tumango lang si Christian. Umagos pa rin ang luha sa kaniyang pisngi. Itinaas ni Christian ang kamay ni Irish.Natigilan si Christian nang makita niya ang dugong umagos sa daliri ni Irish dahil siguro sa pagkakatusok niya sa tinik ng rosas na ibinigay niya.Kinuha na muna muli ni Christian ang tatlong rosas sa kamay ni Irish.“Akala ko ba akin na ‘yan?”“Sa’yo lang ito. Kinuha ko lang sandali para mawala yung pagdurugo ng kamay mo. Ibabalik ko rin naman sa’yo kapag nasigurado kong hindi ka na nasasaktan, hindi na dumudugo.”“Hmmmnnn ang lalim naman. Parang yung nangyari lang sa atin ah. Sinabi mong mahal mo ako nang dumudugo pa ang puso ko at binawi mo agad ako kung kailan mahal na kita ngunit h
CHAPTER 98Sumabay ang Nanang niya sa pag-iyak pati na rin ang mga kapatid na pinatapos at pinapaaral niya. Ngunit pagkatapos ng sabik nilang yakapan sa isa't isa ay nauwi sa walang tigil na kuwentuhan at tawanan. Ipinaghanda siya ng mga paborito niyang pagkain. Simple lang naman ang gusto niya. Tinolang native na manok, pinakbet at pritong bangus na mataba ang tiyan. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng paghihirap at pagod niya sa ibang bansa. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka na kasama ng buong pamilyang tunay na nagmamahal.Maaga siyang gumising sa umagang iyon. Nasanay kasi siyang mag-jogging sa umaga. Marami sa mga nakasalubong niya sa daan ang titig na titig sa matikas at maskulado niyang katawan na binagayan pa ng kanyang maputing balat. Lalong tumingkad ang kanyang sobrang kaguwapuhan. Isang parang prinsipe na hindi nababagay sa purok. Hindi na siya yung moreno ngunit may makinis na kutis na medyo patpatin noon kabataan niya. Nakadagdag ng kapogian ni
Dumating ang araw na umuwi siya ng Pilipinas. Paglabas na paglabas niya sa immigration ay sinalubong na siya ng familiar na mukha. Nakangiting itong sumaludo sa kanya. Nang una hindi niya ito agad nakilala dahil sa uniform nito at bahagyang lumaki pa ang katawan. Nagiging yummy daddy na ang minsan ay minahal niya na bodyguard niya. Tinanggal niya ang malaking sunglasses niya. Ang pigil niyang ngiti ay naging tawa hanggang sa hindi na lang niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha. Luha ng kagalakan. Luha ng pagkasabik. Hindi niya alam kung yayakapin niya si Daniel dahil sa na-mimiss din naman niya ito o panatilihin niya ang agwat ng estado nila- si Daniel bilang bodyguard at siya bilang kagalang-galang na President’s Princess.Mabilis ang mga hakbang ni Daniel na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang mga hakbang. Napansin niya ang pamumula ng kaniyang mga mata tanda rin ng pinipigilang pagluha. Kumilos ang kamay niya para yakapin sana ito ngunit bigla niyang binawi. Patay-malisy
"Sayang naman" Huminga nang malalim si Kurt. "Akala ko ba hindi ka madaling sumuko? Akala ko talaga may paninindigan ka?" inulit niya ang sinabi niya kanina baka lang iyon ang magpabago sa desisyon ni Christian."Ewan ko ba? Para kasing gusto kong tulungan muna si Irish na harapin ang buhay niya nang di ako nanggugulo pa." Hinawakan ni Christian ang balikat ni Kurt. "Paano, kailangan ko nang umalis. Sana huwag mo na lang mabanggit pa kay Irish na dumating ako pero hindi ko siya nakausap. Ayos na sa akin yung nakita ko siya bago ako aalis. Sapat na sa akin iyon para lalong magpursigi sa buhay. Kung sakaling kayo ni Irish ang magkasama sa US, sana Bob, alagaan mo siya. Tulungan mo sa mga problema niya. Sana may masasandigan siyang kaibigan."“Hindi ka natatakot na mabuo muli ang pagmamahalan sa pagitan namin? Na maaring maging kami pala sa huli?”“Kung ganoon man ang mangyari, masaya ako para sa’yo, para sa inyo pero naniniwala ako na mapupunta si Irish sa tamang lalaki. Yung lalaking k
Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan
CHAPTER 94Umalis si Christian dahil iyon ang gusto niya. Ngunit habang hindi pa sila nagkikita, wala siyang ibang gawin kundi ang ayusin ang buhay niya at magsimula. Inaamin niyang hindi rin ganoon kadaling kalimutan si Daniel ngunit panahon na lang din ang makapagdedesisyon kung magkikita pa silang muli. Bahala na ang pagkakataon kung sila nga talaga ang itinadhana. Ayaw na niyang maghabol. Pagod na siyang lumaban. Hindi naman kasi kailangang habulin ng habulin ang pagmamahal. Naniniwala siyang kung ang pagmamahal iyon ay ukol sa isang tao, hindi iyon dapat laging ipinaglalaban, dapat umaayon ang lahat. Walang mali, walang dapat katakutan, hindi din dapat ganito ang pakiramdam.Bumalik siya sa Malakanyang na bigo ngunit may nabuong pag-asa sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay mas malakas na siya ngayon.Sinubukan pa rin niyang hanapin si Christian. Pumunta sa dati nitong apartment ngunit sinabi ng kapitbahay nilang matagal na raw na walang umuuwi roon. Dumaan pa ang ilang araw at ha
CHAPTER 93Pagkalapag ng eroplano ay agad na siyang pumunta sa paradahan ng jeep. Nagawa niyang takasan ang kanyang mga bagong PSG. Bahala na kung kagalitan siya ng Mommy o Daddy niya. Ang mahalaga ay maabutan at makausap niya si Christian.Dahil nakaalis na ang huling biyahe ng jeep ay nagdesisyon siyang umarkila na lang ng masasakyan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pinaghandaan na niya ang mga maaring tanong ni Christian sa kaniya. Ayaw niyang isipin ni Christian na panakip-butas lang siya dahil batid niyang noon pa man, may espesyal nang bahagi si Christian sa puso niya. Nauna lang kasing nabuo yung paghanga niya kay Daniel. Naunang umusbong ang pag-ibig para sa nauna niyang bodyguard kaya nagawa niyang i-ignore ang sumisibol na pagmamahal niya para kay Christian. May tumubong paghanga nang panahong iniligtas siya ni Daniel sa kamay ng mga holdaper sa bus. Mula no'n, may kung ano na siyang naramdamang pagtatangi. Huli na nang napansin niya si C
CHAPTER 92 Bakit gano'n? Bakit siya ngayon naguguluhan? Bakit may kung ano siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.Nang una niyang makita si Christian pagbaba niya sa jeep ay matagal silang nagkatitigan. Naiinis lang siya noon kay Daniel at sa mahirap niyang immersion kaya naman ang lahat ay naituon sa pagkaaburido niya. Ngunit noon pa man, napansin na niya ang kaguwapuhan nito. Noon pa man, may kung ano na siyang naramdamang paghanga kay Christian. Madalas na rin ang pagpapansin ni Christian noong unang araw palang niya sa purok. Ang pagbibigay nito ng pagkain nang ayaw niyang humarap sa mga ibang tiga-baryo. Ang pag-gu-goodnight nito sa kaniya na tanging pag-irap lang ang itinutugon niya.Hindi niya makalimutan nang unang nakaramdam siya ng kakaiba noon kay Christian nang magka-angkas silang sumakay sa kalabaw."Natatakot ka ba sa akin Christian?" tanong niya."Hindi Ma’am, nahihiya lang ako.""Bakit ka nahihiya? Lumapit ka nga sa akin baka mahulog ka pa.""Ako mahuhulog? Astig