Chapter 6
"We had a short encounter outside at may kaunting bagay hong sa tingin ko ay kinainisan niya sa akin. But I assure you Sir President that she will be in a good hands po. Pangako ko ho 'yan Sir."
"Then, I think that would be all! Everything is now settled. Okey my princess, mamayang gabi na ang alis ninyo. You can go ahead kasi may pag-uusapan pa kami ni Mr. Sandoval." Mahina ngunit makapangyarihang tugon ng Presidente.
Tumayo si Irish. Nagngingit siya sa inis. Kung nakakasugat ang tingin ay kanina pa duguan si Daniel.
Kung alam lang sana ng Daddy niya kung bakit siya tumatanggi na si Daniel ang makakasama niya. Kung sana alam lang niya ang kaniyang lihim na pinagdadaanan.
Pabagsak na isinara ni Irish ang pinto ng kaniyang kuwarto. Wala siyang pakialam kung ikinagulat iyon ng ilang PSG na noon ay nakatayo sa pasilyo. Kumukulo ang dugo niya sa Mr. Sandoval na iyon. “Ang yabang-yabang ng tingin niya. Akala mo kanina kung sino!”
Humiga siya sa kaniyang kama na hindi nagpapalit ng damit o kahit nagtanggal man lang sana ng sapatos. Pumikit siya. Hinilot niya ang kumikirot niyang sintido kasunod ng pagpapakawala niya ng malalim na hininga.
Madaling araw na kasi siya nakauwi mula sa gimik nilang magbabarkada. Hindi pa nga siya nakakatulog ng mahaba-haba nang maaga siyang ginising ng Mommy niya para i-remind siyang kailangan niyang pumunta sa office ng Daddy niya tungkol sa naging usapan nila nang nakaraang araw. Pakiramdam nga niya hindi pa tuluyang nawawala ang pagkalasing niya. Ngayon lang naniningil ang alak sa pagpapakasasa niya dito kagabi. Pagbukas niya ng kaniyang mga mata ay kaagad niyang nakita ang litrato ng Presidente ng Pilipinas niyang ama. Naglakbay ang kaniyang diwa sa nakaraan. Kasabay iyon ng muli niyang pagpikit ng kaniyang mga mata.
Hindi niya alam kung kanino siya maiinis at magagalit kasi napakalaki na ng ipingabago ng buhay niya, ng buhay nilang pamilya. May tinuturing nga siyang Daddy ngunit pakiramdam niya, nakikihati lang siya ng katiting na oras nito sa malaking porsiyentong panahon nito sa buong bansa. Magpasalamat na siya kung matapunan niya sila ng kakarampot nitong oras. Hindi niya alam kung paano natanggap ng dalawang kapatid at ng Mommy nila ang ganoong set up ng kanilang buhay.
Maaring kinaiinggitan siya ng karamihan dahil galing siya sa kilalang angkan ng mga pulitiko. Oo nga't hindi niya naranasang dumaan sa kahit anong hirap ng buhay. Nang ipinanganak siya ay para na siyang Prinsesa dahil lahat ng kakailanganin niya o kahit mga ka-pritso lang ay madali sa kaniyang makamit. Ngunit hindi nila alam na hindi lang naman material na bagay ang nagpapasaya at nagpapakumpleto sa buhay ng isang tao. Higit niyang hinangad ang simple lang at sana ay anng madalas sanang buong pamilya. Simple lang naman din kung tutuusin ang kailangan niya bilang isang normal na bata, iyon ay ang maibalik ang kinasanayan niyang atensiyon at panahon ng kaniyang ama. Bata pa kasi siya nang huling nakasama niya ang Daddy niya tuwing may school activities. Musmos pa siya nang nakakasabay niya ang Daddy niya sa pamamasyal, paglalaro at kahit simpleng panonood lang ng TV. Sinanay siyang naroon lagi ang Daddy niya ngunit nagbago ang lahat nang naisipan nitong maglingkod sa bayan. Doon na nagsimulang nawala sa kanila ang dati ay buong oras at pagmamahal ng kaniyang Daddy. Nagkaroon nga ng tapat, responsable at mahusay na tagapaglingkod at Pangulo ang Pilipinas ngunit kapalit naman no'n ang pagkawala ng kaniyang ama sa kanilang pamilya.
Bumangon siya at umupo siya sa gilid ng kaniyang kama. Binuksan niya ang drawer at nakita niya doon ang kumpul-kumpol niyang mga medalya noong Elementary at High School siya. Huminga siya ng malalim. Isa-isa niya iyong pinagmasdan. Ni isa yata sa mga medalyang hawak niya ay hindi nagawang isabit ng Daddy niya sa kanya. Maraming mga pangakong napako. Maraming mga araw na umasa siyang darating ito, maraming beses na napako ang mga pangako at hindi na niya narinig pa ang katagang, “proud na proud ako sa mga karangalang nakakamit mo anak.”
Yung madalas nitong sinasabi na “hahabol ako”, “pupunta ako” o “mahihindian ko ba naman ang Prinsesa ko?” Lahat ng mga katagang iyon ay puro paasa. Walang Daddy na dumadating. Ang laging idinadahilan? “Busy sa office”, “May biglaang meeting”, “Marami an gang nangangailangan ng tulong,” o “kailangan kong unahin ang taong-bayan.” Inagaw na ng Pilipinas ang Daddy niya sa kanya. Salat na salat na siya ng pagmamahal at ang pag-ibig na lang sa bayan ang pinakamahalaga sa isip at puso ng Daddy niya. Muli niyang kinumpol ang mga medalya at ibinalik sa lagayan nito.
Hinubad niya ang sapatos niya at itinabi iyon sa nakahilera pa niyang mga sapatos. Kumuha siya ng tuwalya ngunit napansin niya ang naka-frame na picture nilang pamilya sa taas ng kaniyang maliit na aparador. Hinawakan niya iyon at nag-init ang paligid ng kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang litrato.
Noong Congresman at Senator pa lang ang Daddy niya, kahit papaano ay nakakabakasyon pa sila ngunit madalas na siyang hindi napapansin. Hinahanap niya kasi yung samahan nilang mag-anak noong simple at payak pa ang kanilang buhay. Naging consistent honor student siya noon ngunit Mommy lang niya at mga kapatid ang nakapansin sa kaniyang katalinuhan, ang daddy niya madalas tulog na siya kung umuuwi ito at paggising niya sa umaga ay nagmamadali ring aalis dahil sa out of town engagements nito o kaya kung may mga sakuna at maraming kailangang tulungang tao. Daig pa nga yata ng Daddy niya ang pinagsama-samang sina Superman, Spiderman at Batman kung magligtas ng kababayan ngunit sarili niyang mag-isang babaeng anak ay napababayaan. Kulang na nga lang yata na tumira siya sa Senado.
Dahil mukhang wala namang mangyayari kung magiging ordinary intelligent student lang siya ay naisipan niyang sumama sa agos ng buhay ng ibang mga kabataan. Nagsasawa na kasi siya sa pagiging mabuting anak. Naboboring na siya sa buhay na school at bahay lang na madalas wala naman ang Mommy o Daddy niya na naabutan niya sa bahay dahil nga abala silang pagsilbihan ang bayan at hindi ang mismong pamilya nila.
Ang resulta, noong High School na siya, napadalas ang pagsama-sama niya sa mga barkada. Kasabay ng pagtaas ng posisyon ng kaniyang ama ang pagkalihis naman ng kaniyang landas. Mabuti pa nga ang mga barkada niya dahil sa tuwing nagtetext o tumatawag siya na kailangan niya ng makakasama at mangako silang darating sila ay lagi silang naroon ngunit ang mismong Daddy at Mommy niya, kailangan pa yata niya ng appointment para harapin siya. Hanggang sa wala na siyang ganang pumasok pa sa school. Natuto na rin siyang manigarilyo, uminom ng alak sa mga bar at umabot din sa sukdulang gumagamit na din sila ng droga. Noon lang siya napansin ng kaniyang Daddy. Noon lang niya nakuha ang atensiyon nito ngunit akala niya, daddy niya ang mag-aadjust para sa kaniya. Mabibigyan na siguro siya ng sapat na panahon para patinuin. Sana magigising ang Daddy niya sa katotohanang, paano niya mapapatakbo ang bansa kung ang mismong anak niya ay hindi kayang patinuin?
Inilibot niya ang paningin sa kuwarto. Nakita niya ang mga isang malaking travelling bag. Naempake na pala nila ang mga damit niya para sa kaniyang immersion. Pagbibigyan niya ang Daddy niya kapalit ng muli niyang kalayaan. Wala namang bago, heto at para lang siyang tuyong dahon na sasama kung saan ang buga ng hangin. Hinaplos niya ang travelling bag. Muli siyang napaisip.
Nagkamali siya sa akala niya na kung malaman ng Daddy niya na napapasama na siya sa maling barkada ay muli na niyang makukuha ang atensiyon nito. Hindi niya akalain na mas lalala lang pala ang sitwasyon. Tuluyan siyang inilayo sa kanyang Daddy at Mommy. Isinabay siya ng kuya niya na mag-aral sa US. Doon na raw rin siya mag-aaral. Nangyari iyon dalawang taon bago tatakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas ang kaniyang ama. Labag man sa kalooban niya ay wala rin siyang nagawa. Pakiramdam niya ay inilayo siya dahil ayaw ng Daddy niya na madungisan ang pangalan niya dahil sa pagkakaroon niya ng anak na katulad niya. Pinag-aral siya sa US at pagkaraan ng ilang taon din, nang kasalukuyan na itong Pangulo ay saka siya pinabalik sa Pilipinas. Kung kailan siya nasanay sa bansang iyon ay saka naman siya ngayon pinababalik na parang ganoon lang sa kanilang diktahan ang buhay niya. Mahirap na sa kaniyang iwan ang US dahil doon na kasi niya naranasang maging malaya. Dahil walang nakakakilala sa kaniyang
Chapter 8"Tayo? What the fuck Ash! Walang tayo. Hindi kailanman maging tayo. I admit, the sex that we often had was superb but it doesn't mean anything! Hindi kita kayang mahalin at di ako puwedeng patali sa iisa. I am still enjoying my youth!" sagot nito.Tumayo na siya mula sa pagkakadagan sa kaniya at kitang-kita pa niya ang tuluyang paglambot ng kanina ay galit na galit nitong pagkalalaki. “Kurt babae ako. You knew that you were my first. Kaya hindi ako maruming babae para makuntento sa ganito lang!” huminga siya ng malalim. Frustrated. “"So that's it? Kahit mahal na mahal na kita, we will just be a fucking buddies hanggang magsawa tayo sa isa't isa? Ganoon lang ba ang gusto mong mangyari?""Not anymore, Ash. We are not be doing this anymore. Ayaw kong nahahaluan ng emosyon ang ginagawa nating ganito. It will spoil all that we have. I tell you, when emotion comes in in this kind of relationship, I assure you that it will complicate everything. Kaya bago pa lumala ito, dapat nang
CHAPTER 9Kinagabihan ay dumating na si Daniel para sunduin si Irish."Hindi puwede yung suot mo ma’am. Baka puwede kang magpalit ng mas simple, mas mainam kung may sombrero kayo para hindi kayo makilala." Puna agad ni Daniel nang tumambad sa kaniya si Irish na naka-dress pa at todo make up."Wow! Really? Pati isusuot ko kailangan mong pakialaman? Dad, if he wants me to treat him well, he should minimize his intrusion." Mabigat na tinuran ni Irish sa Daddy niya na katabi ang Mommy nito."Do whatever he asked you to do. Sinabi ko na sa'yo, siya ang dapat mong pakisamahan, hindi siya ang dapat makisama sa'yo. Siya ng kailangan masunod at hindi ikaw ang dapat niyang paglingkuran.""What? Dad naman, hin-…”“I’ve said it. You should obey him.”Huminga siya ng malalim. “Sige, bigyan mo ako ng isang mabigat na dahilan Mr. Sandoval kung bakit hindi puwede ang suot ko."Huminga rin si Daniel ng malalim. “Mukhang may katigasan talaga ng ulo ang isang ito.” Naisip niya. Ngunit kailangan niya man
CHAPTER 10 Nang mga sandaling nakabalik na sa upuan si Daniel ay muli niyang pinagmasdan ang mala-anghel na mukha ni Irish. Kung pagmamasdan kasi ito, napakainosente ng hitsura. Saka lang nagbabago ang tingin ng kahit sino pagbukas ng kaniyang bibig at kung kumilos na. Matalim ang mga salita at magaspang ang kilos ngunit ano kaya ang nakatagong pagkatao sa likod ng ipinapakita niyang iyon? Gusto niyang maintindihan sana siya para mas madali niya itong pakisamahan ngunit nag-aalangan siyang makipagkuwentuhan dahil baka mapapahiya lang siya. Isa pa, ano naman ang pagkukuwentuhan nila e, magkalayong-magkalayo ang mundong kinalakhan nila. Saka nararamdaman niyang walang interes si Irish na kakuwentuhan siya.Hindi niya alam kung ang jacket na suot niya ang ibibigay niya o ang malaking tuwalya niya na kinuha niya sa kaniyang backpack para may pangharang si Irish sa lamig. Hindi nga pala puwede ang jacket kasi naroon ang itinatago niyang sandata.May kalakihan ang tuwalya at sa tingin niya
"Ano hong pinagsasabi ninyo? Bakit ba parang sa tuwing nag-uusap ho tayo e, parang laging lumalayo sa talagang usapan? Ang tinatanong ko lang, kung gutom ka at gusto mo munang bumaba kasi aabutin pa ng lima hanggang anim na oras ang biyahe natin.""Ikaw na lang." mapaklang sagot ni Irish."Hindi puwede e!" pagtutol ni Daniel pero tumayo na ito.Dumaan sa harap niya ngunit hindi ito umaalis sa tabi niya."Tara na! Nagugutom ako saka naiihi rin." Muli niyang ibinunggo ang siko nito sa balikat ng nakaupong si Irish."Ayaw ko nga!""Aysus! Sige naman na Miss A!" hinawakan ni Daniel ang isang kamay niya.Napalunok siya.Hinila na siya habang hawak siya sa braso."Bitiwan mo nga ako! Ano ba!" tinanggal niya ang kamay ni Daniel.Lalong mukhang nairita."Tara na kasi! Hindi nga kita kasi puwedeng iwan saka kahit hindi ka magsabi sa akin, alam kong nagugutom ka na kaya puwede bang bawas-bawasan ang tigas ng ulo. Sige ka, kung ayaw mo, bubuhatin kita!""Ayaw ko!" pagmamatigas pa rin ni Irish.U
Siya ang natakot ngayon sa pinabayaang niyang nilikhang multo.Ngunit napangiti siya nang makita niya ang bagsak na balikat ni Irish na bumaba sa huling bus na inakyat nito. Nang makita siya ay mabilis itong umiwas ngunit wala na silang oras. Kailangan na nilang sumakay kaya hinabol niya ito at hinawakan sa braso."Tara na Irish. Walang magpapasakay sa taong walang pera. Wala ring naman bakante dahil punuan ngayon. Lahat yan nakatiket na. Gano'n ang buhay. Mahalaga sa lahat ang pera ngayon. Hindi mo sila masisisi dahil karamihan sa mga 'yan ay pamilyadong mga tao at may umaasa sa araw-araw nilang kinikita. May magugutom na pamilya.""Ayaw ko! Dito lang ako hanggang may magpapasakay sa akin hanggang Manila.""Magalit ka na sa akin pero hindi mo ako kakayanin. Hindi ako susuko sa katigasan ng ulo mo.""Ako ang hinahamon mo?" palabang tinuran ni Irish."Oo, hinahamon kita! Sorry pero nakahanap ka ng katapat mo Irish at sasabihin ko sa'yong saka ka na lang magpakaamo pagbalik mo ng Malaka
Naramdaman niya ang paggalaw ni Irish sa tabi niya kaya naputol ang pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan. Hanggang sa ang ulo ni Irish ay tuluyang pumatong sa kaniyang balikat. Narinig niya pa rin ang mahina nitong paghilik. Inalapit na lang niya ang kaniyang balikat para maging komportable ang First daughter sa malamang pinakamahaba at pinakamahirap nitong biyahe. Naiintidihan niya ang anak ng Presidente kung bakit ganoon na lang ito mahirap pakitunguhan. Siya ay sanay sa ganitong hirap, batid kasi niyang hindi lang nag-iinarte si Irish. Lahat ng ito bago lang sa kaniya kaya siya na sanay ang dapat umintindi sa baguhan. Siya ang aalalay. Ngunit hindi siya dapat maawa, kailangan niyang gawin ito para lumawak ang kaisipan at pang-unawa ng anak ng Presidente sa buhay ng masa. Hanggang sa tuluyan na rin siyang nakatulog sa pagod. Pinagbigyan na rin niya ang pagbigat ng talukap ng kaniyang mga mata.Nang magising siya ay magkadikit ang ulo nila ni Irish. Mabilis siyang umayos ng upo at saka
Mapagtatagumpayan niya kaya ang immersion o pipiliin nito ang tumakas?" Sa kalabaw mo ako pasasakayin? Iyan ang sundo na pinagmamalaki mo sa akin?" takot niyang tanong."Oo, bakit ayaw mo?"Gusto na niyang maiyak. Kagabi pa siya pagod at hapon na muli pero nasa biyahe pa siya,. Ang masaklap ngayon, sa kalabaw naman siya pasasakayin!"Anong pahirap itong ginagawa mo sa akin daddy! Bakit mo ako pinaparusahan ng ganito?" naupo siya saka niya pinakawalan ang masaganang luha habang nakayuko. Di na niya kasi kayang pigilan ang sarili. Di niya niya kinakaya pa ang lahat. Sukung-suko na talaga siya. Sukang-suka sa hirap na ipinararanas ng kanyang Daddy. Sana hindi na lang pala siya pumayag.Dahan-dahang umupo si Daniel sa harap niya. Sa totoo lang, parang kinukurot ang puso niya sa nakita niyang pagtulo ng luha ni Irish. Siya na sanay na sa biyahe ay masakit na rin ang kaniyang katawan, idagdag pa ang magkakahalong pagkahapo, pagkapuyat at pagkahilo niyang nararamdaman. Itinaas niya ang kani
CHAPTER 100 Christmas Eve. December 24.Abala si Janna sa paghahanda ng kanilang Noche Buena habang tinutulungan siya ng anak na si Raymond. Alam niyang gabi pa darating ang asawa dahil sa pagiging abala nito dahil siya na ang naatasang Chief Commanding Officer ng lahat nga mga PSG ng bansa. Kasabay ng pag-angat ng posisyon nito ang maraming responsibilidad ngunit bilang isang mabait at responsableng maybahay. Lagi niya itong inuunawa. Mahal niya ang kaniyang asawa. Hinding-hindi siya magsasawang pagsilbihan ito at intindihin lalo pa't ramdam din naman niya ang tunay na pagmamahal sa kaniya ni Daniel.Hindi niya inakalang magiging maayos din ang lahat. Akala niya tuluyan na noong mawawala si Daniel sa kaniya at siya lang ang tatayong magulang ng kaniyang ipinagbubuntis. Dahil nagdesiyosn siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Daniel, nilawakan niya ang kaniyang isip na intindihin na lahat ay puwedeng magkamali kaya ngayon, nagkatotoo din ang pangarap niyang magkaroon ng buo at
CHAPTER 99Nakita niya ang mga rosas malapit kay Irish. Mabilis siyang kumuha ng tatlo. Lumapit siya. Hinawakan niya ang bisig ni Irish saka niya ipinahawak dito ang tatlong pulang rosas, bumaba ang hawak niya hanggang sa nagtagpo ang kanilang palad. "Akin na ba talaga ito?" tanong ni Irish. Tumango lang si Christian. Umagos pa rin ang luha sa kaniyang pisngi. Itinaas ni Christian ang kamay ni Irish.Natigilan si Christian nang makita niya ang dugong umagos sa daliri ni Irish dahil siguro sa pagkakatusok niya sa tinik ng rosas na ibinigay niya.Kinuha na muna muli ni Christian ang tatlong rosas sa kamay ni Irish.“Akala ko ba akin na ‘yan?”“Sa’yo lang ito. Kinuha ko lang sandali para mawala yung pagdurugo ng kamay mo. Ibabalik ko rin naman sa’yo kapag nasigurado kong hindi ka na nasasaktan, hindi na dumudugo.”“Hmmmnnn ang lalim naman. Parang yung nangyari lang sa atin ah. Sinabi mong mahal mo ako nang dumudugo pa ang puso ko at binawi mo agad ako kung kailan mahal na kita ngunit h
CHAPTER 98Sumabay ang Nanang niya sa pag-iyak pati na rin ang mga kapatid na pinatapos at pinapaaral niya. Ngunit pagkatapos ng sabik nilang yakapan sa isa't isa ay nauwi sa walang tigil na kuwentuhan at tawanan. Ipinaghanda siya ng mga paborito niyang pagkain. Simple lang naman ang gusto niya. Tinolang native na manok, pinakbet at pritong bangus na mataba ang tiyan. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng paghihirap at pagod niya sa ibang bansa. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka na kasama ng buong pamilyang tunay na nagmamahal.Maaga siyang gumising sa umagang iyon. Nasanay kasi siyang mag-jogging sa umaga. Marami sa mga nakasalubong niya sa daan ang titig na titig sa matikas at maskulado niyang katawan na binagayan pa ng kanyang maputing balat. Lalong tumingkad ang kanyang sobrang kaguwapuhan. Isang parang prinsipe na hindi nababagay sa purok. Hindi na siya yung moreno ngunit may makinis na kutis na medyo patpatin noon kabataan niya. Nakadagdag ng kapogian ni
Dumating ang araw na umuwi siya ng Pilipinas. Paglabas na paglabas niya sa immigration ay sinalubong na siya ng familiar na mukha. Nakangiting itong sumaludo sa kanya. Nang una hindi niya ito agad nakilala dahil sa uniform nito at bahagyang lumaki pa ang katawan. Nagiging yummy daddy na ang minsan ay minahal niya na bodyguard niya. Tinanggal niya ang malaking sunglasses niya. Ang pigil niyang ngiti ay naging tawa hanggang sa hindi na lang niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha. Luha ng kagalakan. Luha ng pagkasabik. Hindi niya alam kung yayakapin niya si Daniel dahil sa na-mimiss din naman niya ito o panatilihin niya ang agwat ng estado nila- si Daniel bilang bodyguard at siya bilang kagalang-galang na President’s Princess.Mabilis ang mga hakbang ni Daniel na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang mga hakbang. Napansin niya ang pamumula ng kaniyang mga mata tanda rin ng pinipigilang pagluha. Kumilos ang kamay niya para yakapin sana ito ngunit bigla niyang binawi. Patay-malisy
"Sayang naman" Huminga nang malalim si Kurt. "Akala ko ba hindi ka madaling sumuko? Akala ko talaga may paninindigan ka?" inulit niya ang sinabi niya kanina baka lang iyon ang magpabago sa desisyon ni Christian."Ewan ko ba? Para kasing gusto kong tulungan muna si Irish na harapin ang buhay niya nang di ako nanggugulo pa." Hinawakan ni Christian ang balikat ni Kurt. "Paano, kailangan ko nang umalis. Sana huwag mo na lang mabanggit pa kay Irish na dumating ako pero hindi ko siya nakausap. Ayos na sa akin yung nakita ko siya bago ako aalis. Sapat na sa akin iyon para lalong magpursigi sa buhay. Kung sakaling kayo ni Irish ang magkasama sa US, sana Bob, alagaan mo siya. Tulungan mo sa mga problema niya. Sana may masasandigan siyang kaibigan."“Hindi ka natatakot na mabuo muli ang pagmamahalan sa pagitan namin? Na maaring maging kami pala sa huli?”“Kung ganoon man ang mangyari, masaya ako para sa’yo, para sa inyo pero naniniwala ako na mapupunta si Irish sa tamang lalaki. Yung lalaking k
Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan
CHAPTER 94Umalis si Christian dahil iyon ang gusto niya. Ngunit habang hindi pa sila nagkikita, wala siyang ibang gawin kundi ang ayusin ang buhay niya at magsimula. Inaamin niyang hindi rin ganoon kadaling kalimutan si Daniel ngunit panahon na lang din ang makapagdedesisyon kung magkikita pa silang muli. Bahala na ang pagkakataon kung sila nga talaga ang itinadhana. Ayaw na niyang maghabol. Pagod na siyang lumaban. Hindi naman kasi kailangang habulin ng habulin ang pagmamahal. Naniniwala siyang kung ang pagmamahal iyon ay ukol sa isang tao, hindi iyon dapat laging ipinaglalaban, dapat umaayon ang lahat. Walang mali, walang dapat katakutan, hindi din dapat ganito ang pakiramdam.Bumalik siya sa Malakanyang na bigo ngunit may nabuong pag-asa sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay mas malakas na siya ngayon.Sinubukan pa rin niyang hanapin si Christian. Pumunta sa dati nitong apartment ngunit sinabi ng kapitbahay nilang matagal na raw na walang umuuwi roon. Dumaan pa ang ilang araw at ha
CHAPTER 93Pagkalapag ng eroplano ay agad na siyang pumunta sa paradahan ng jeep. Nagawa niyang takasan ang kanyang mga bagong PSG. Bahala na kung kagalitan siya ng Mommy o Daddy niya. Ang mahalaga ay maabutan at makausap niya si Christian.Dahil nakaalis na ang huling biyahe ng jeep ay nagdesisyon siyang umarkila na lang ng masasakyan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pinaghandaan na niya ang mga maaring tanong ni Christian sa kaniya. Ayaw niyang isipin ni Christian na panakip-butas lang siya dahil batid niyang noon pa man, may espesyal nang bahagi si Christian sa puso niya. Nauna lang kasing nabuo yung paghanga niya kay Daniel. Naunang umusbong ang pag-ibig para sa nauna niyang bodyguard kaya nagawa niyang i-ignore ang sumisibol na pagmamahal niya para kay Christian. May tumubong paghanga nang panahong iniligtas siya ni Daniel sa kamay ng mga holdaper sa bus. Mula no'n, may kung ano na siyang naramdamang pagtatangi. Huli na nang napansin niya si C
CHAPTER 92 Bakit gano'n? Bakit siya ngayon naguguluhan? Bakit may kung ano siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.Nang una niyang makita si Christian pagbaba niya sa jeep ay matagal silang nagkatitigan. Naiinis lang siya noon kay Daniel at sa mahirap niyang immersion kaya naman ang lahat ay naituon sa pagkaaburido niya. Ngunit noon pa man, napansin na niya ang kaguwapuhan nito. Noon pa man, may kung ano na siyang naramdamang paghanga kay Christian. Madalas na rin ang pagpapansin ni Christian noong unang araw palang niya sa purok. Ang pagbibigay nito ng pagkain nang ayaw niyang humarap sa mga ibang tiga-baryo. Ang pag-gu-goodnight nito sa kaniya na tanging pag-irap lang ang itinutugon niya.Hindi niya makalimutan nang unang nakaramdam siya ng kakaiba noon kay Christian nang magka-angkas silang sumakay sa kalabaw."Natatakot ka ba sa akin Christian?" tanong niya."Hindi Ma’am, nahihiya lang ako.""Bakit ka nahihiya? Lumapit ka nga sa akin baka mahulog ka pa.""Ako mahuhulog? Astig