"Kung papalakarin mo ang kalabaw, iangat mo lang ang mga paa mo at dahan-dahang ipalo iyon sa tagiliran nito sabay sabi ng, "hing tsk tsk!" Ibig sabihin no'n aabante na. Kung pakanan, hilain mo ang taling ito sa kanan ganun din kung pakaliwa. Kung gusto mong pahintuin ang kalabaw, hilain mo ang taling ito sa gitna. Sabay sabi ng Ho." Paalala niya kay Irish.Sana hindi magluko ang kapatid ni Damulag. Alam kasi niyang may kalokohan din ang kalabaw na ito lalo na kung hindi tama ang paraan ni Irish sa pagbibigay ng kaniyang direksiyon."Magkaangkas na lang kaya tayo at baka..." kasisimula pa lang sabihin iyon ni Daniel ay sunud-sunod nang ipinalo ni Irish ang kaniyang paa sabay ng malakas niyang pagsabi ng "Hing Tsk Tsk!"Bumilis ang lakad ng kalabaw, dumiretso ito sa putikan at dahil doon, ninerbiyos si Irish. Hindi na niya alam ang gagawin. Ang kanina'y mabilis na paghakbang ng kalabaw ay naging pagtakbo. Sa mismong putikan na sila at nawala sa isip niya ang mga itunuro sa kaniya ni Da
Nakatalikod siya. Wala din siyang pakialam kung makita ni Daniel ang kaniyang maputi at matambok na puwit. Wala naman siyang dapat itago o ikahiya, makinis at maputi ang lahat ng bahagi ng kaniyang katawan. Sanay siyang maghubad sa mga beach na napupuntahan niya sa US. Lalo na kung nakatalikod lang naman siya. Ang kailangan niyang isipin ay kung paano siya makakaiwas sa mga tukso. Kung paano niya maisasakatuparan ang kaniyang pinaplanong pagtakas. Kailangan niya ang kaniyang cellphone at pitaka. Iyon ang kailangan niya ngayong pag-isipan at hindi ang kamunduhan. Kung di siya makakatakas, may isa pa siyang iniisip na gagawin para si Daniel na ang kusang magsasabing babalik na lang sila sa Manila.Nagulat si Daniel sa ginawa ni Irish na biglang paghuhubad. Hindi niya iyon inaasahan. Walang ganong babae. Iba talaga ang mayayaman. Parang wala lang sa kanila na may lalaking nakatingin. Oo nakatalikod siya ngunit kita niya ang maputing kabuuan ni Irish at napalunok siya. Bago siya bibigay a
Kinagabihan ay masaya ang lahat sa salu-salo. Nagugutom siya ngunit hindi siya sanay makigulo dahil lang sa pagkain. Parang ang lahat ay gutum na gutom. Nagtatawanan sa mga bagay na para sa kaniya hindi naman nakakatawa. Hindi siya maka-relate. Hindi niya naiintindihan ang kanilang mga sinasabi. Ilokano.Pinagmasdana niya ang paligid.. Madaming kulisap at lamok. Tahimik na tahimik. Madilim ang paligid. Malayo sa liwanag ng Malakanyang. Tanging ilaw mula sa gasera ang nagsasabog ng liwanag sa mga kubo. Walang TV, walang ibang puwedeng pagkaabalahan sa gabi. Paano siya makakatagal sa ganito kalungkot at kahirap na lugar?"Tara na, sumabay kang kumain sa amin doon.”“Mamaya na, hindi pa ako gutom.”“Makipagkuwentuhan ka naman sa kanila. Kanina ka pa lumayo e, kanina pa kita gustong makisalamuha sa lahat. Kung nahihiya ka, mas lalo na sila sa'yo.""Bakit kailangan ako ang mahiya sa kanila? Ilokano ang salita ninyo. Hindi nila maiintindihan ang kuwento ko. Iba ang kuwento nila sa kuwento k
Napakabilis nitong nahugot ang baril mula sa kaniyang ulunan. Ikakasa na sana niya ito nang makitang si Irish lang pala lumikha sa ingay na iyon.Napakamot saka niya tinanggal ang ilang santol at suha na naipon sa kaniyang kumot na sa kaniyang paa. Napailing ito saka siya tuluyang bumangon.Kitang-kita pa rin ni Irish ang pag-angat ni Mr. Pinkish sa kaniyang boxer short at nang napansin ni Daniel ang pagkakadikit ng paningin ni Irish dito ay mabilis siyang tumalikod at inayos niya pababa kahit pa bumabalik ito sa pag-angat."Ano ba kasing ginagawa mo?" tumingin ito sa pambisig nitong orasan. Huminga ng malalim. "Mag-aalas dos palang ng madaling araw. Hindi ka ba napagod o napuyat sa biyahe?" Kinukusot nito ang kaniyang mga mata. Nang naramdaman niyang umamo na si Mr. Pinkish ay saka siya humarap sa kanina pa natatamemeng si Irish."Ano ha? Bakit di ka makasagot?""Wala, kasi kuwan..""Kasi ano? Huwag mong sabihing balak mo akong takasan?" nakapamaywang si Daniel sa harap niya."Tataka
“You knew I what I did.”“Fuck you! Bakit mo ako binasa!" singhal niya. Basa ang kumot, unan at ang buong niyang katawan. Nagtatalon muna siya sa pagkabigla at inis!"May angal ka pa? Gusto mong dagdagan ko pa ng isang drum?" natatawang sagot ni Daniel na may hawak na balde.Sa galit niya ay bigla siyang tumayo at mabilis niyang sinampal si Daniel ngunit magaling umilag ang huli. Wala sa mga sampal niya ang tumama hanggang sa hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at binuhat siya. Doon sa balikat ni Daniel ay para siyang kinatay na baboy. Nang ibinaba siya sa harap ng mesa ay hindi pa rin nawawala ang inis niya. Pinulot niya nga isang dos por dos at nang makita ni Daniel iyon ay tumakbo na rin ito palayo. Pinagtatawanan pa siya kaya lalong siyang nainis. Nagpaikot-ikot sila sa sagingan, hanggang sa hindi na niya mahanap pa si Daniel."Duwag! Naku kapag makita kita tandaan mo, mga mata mo lang ang walang latay!" sigaw niya.Hinubad niya ang basam-basa niyang pantulog at sando na lang n
sang gabi pagkaraan ng tatlong araw niyang pakikipagmatigasan kay Daniel ay naisipan nitong umupo sa isang bench na yari sa kawayan. Nilagang kamote lang ang ipinakain sa kaniya ni Daniel ng gabing iyon. Ang dahilan, bakit daw siya kakain ng masarap kung wala naman siyang ginawa sa maghapon. Gustuhin man niyang pumunta sa tindahan para bumili ng softdrinks o kahit anong makakain ay wala din naman siyang pera. Magkakapera lang daw siya kung makikigapas siya, makikitanim ng palay o tululong sa pangingisda sa kalapit nilang ilog para may pambili siya ng sabon at shampoo. Kinakati siya at pakiramdam niya dumidikit na ang libag sa buo niyang katawan. Hindi na niya nagugustuhan ang amoy putik niyang katawan. Matigas na rin ang kaniyang buhok na alaga dati sa conditioner. Dahil na rin siguro sa tatlong araw nang bareta na sabong panlaba ang ginagamit niya kapag naliligo sa banyo na tinatakpan lang nila ng nipa. Nakaramdam na siya ng sobrang lungkot. Namimiss na niya ang kaniyang pamilya. Ang
"Okey din yang Assistant Bodyguard mo ano? Kung nasaan tayo, nando'n din siya. Kung nag-aaway tayo, lagi siyang nandiyan para pagaanin ang loob ko. Mabuti na nga lang talaga nandiyan si Christian, kung wala siguro siyang nagpapalakas sa loob ko, noon pa ako tuluyang bumitaw.""Noon pa naman bumitaw ka na talaga, Irish e. Ngunit ako, di kita puwedeng ibalik sa Palasyo na ganyan pa rin. I still believe the goodness in you kaya naman kahit tuyo na ang pasensiya ko ay pilit kong pinupunan kasi naniniwala akong di talaga ikaw 'yan e. Ewan ko ba, napakalakas kasi ng kutob ko na may kabutihan sa'yo na pilit mong itinatago."Tinamaan siya sa narinig niyang iyon kay Daniel. Iba ang naging dating niyon sa kaniya. Noon lang muli siya nakarinig ng mga ganoong salita. Katagang kahit sarili niyang ama ay hindi niya nahintay na sabihin iyon. Wala na ni sinuman ang nagsabi na mabuti pa rin naman siyang tao. Kaya niya pinanindigan ang pagrerebelde kasi wala naman sa kanya nakaka-appreciate at ngayon,
Ilang sandali pa ay pumasok na muli si Irish. Tahimik pa rin ang lahat. Tinitiis pa ring kainin ang niluto niya. Sayang naman kasi kung di pagtiisan."Excuse me po." Mabilis na pinagkukuha ni Irish ang pinggan ng mga kumakain. Natigilan ang lahat sa ginawa niyang iyon. Nakatingin lang sila sa kanya. Nagtataka. Nasasayangan sa mga pagkaing nasa hapag-kainan na noon ay itinabi at mukhang itatapon na lang niya."Sa labas na lang tayo kakain. Paseniya na." paghingi niya ng dispensa.Nagtataka pa rin silang lahat ngunit sumunod pa rin sila sa kahiligang niya.Paglabas ni Daniel ay naabutan niya ang mga iba pa nilang kapitbahay na nagtitimpla ng kape habang nakahain ang maraming tinapay, puto at kutsinta. Lahat nahihiya at wala ni isang gustong gumalaw sa nasa mesang yari sa kawayan na pagkain.Tumabi siya kay Christian. "Sinong bumili diyan?"Inginuso ni Christian ang noon ay di mapakaling si Irish. "Saktong magdeliver sana ng paninda ang panadero diyan sa tindahan. Pinakyaw niya ang panin
CHAPTER 100 Christmas Eve. December 24.Abala si Janna sa paghahanda ng kanilang Noche Buena habang tinutulungan siya ng anak na si Raymond. Alam niyang gabi pa darating ang asawa dahil sa pagiging abala nito dahil siya na ang naatasang Chief Commanding Officer ng lahat nga mga PSG ng bansa. Kasabay ng pag-angat ng posisyon nito ang maraming responsibilidad ngunit bilang isang mabait at responsableng maybahay. Lagi niya itong inuunawa. Mahal niya ang kaniyang asawa. Hinding-hindi siya magsasawang pagsilbihan ito at intindihin lalo pa't ramdam din naman niya ang tunay na pagmamahal sa kaniya ni Daniel.Hindi niya inakalang magiging maayos din ang lahat. Akala niya tuluyan na noong mawawala si Daniel sa kaniya at siya lang ang tatayong magulang ng kaniyang ipinagbubuntis. Dahil nagdesiyosn siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Daniel, nilawakan niya ang kaniyang isip na intindihin na lahat ay puwedeng magkamali kaya ngayon, nagkatotoo din ang pangarap niyang magkaroon ng buo at
CHAPTER 99Nakita niya ang mga rosas malapit kay Irish. Mabilis siyang kumuha ng tatlo. Lumapit siya. Hinawakan niya ang bisig ni Irish saka niya ipinahawak dito ang tatlong pulang rosas, bumaba ang hawak niya hanggang sa nagtagpo ang kanilang palad. "Akin na ba talaga ito?" tanong ni Irish. Tumango lang si Christian. Umagos pa rin ang luha sa kaniyang pisngi. Itinaas ni Christian ang kamay ni Irish.Natigilan si Christian nang makita niya ang dugong umagos sa daliri ni Irish dahil siguro sa pagkakatusok niya sa tinik ng rosas na ibinigay niya.Kinuha na muna muli ni Christian ang tatlong rosas sa kamay ni Irish.“Akala ko ba akin na ‘yan?”“Sa’yo lang ito. Kinuha ko lang sandali para mawala yung pagdurugo ng kamay mo. Ibabalik ko rin naman sa’yo kapag nasigurado kong hindi ka na nasasaktan, hindi na dumudugo.”“Hmmmnnn ang lalim naman. Parang yung nangyari lang sa atin ah. Sinabi mong mahal mo ako nang dumudugo pa ang puso ko at binawi mo agad ako kung kailan mahal na kita ngunit h
CHAPTER 98Sumabay ang Nanang niya sa pag-iyak pati na rin ang mga kapatid na pinatapos at pinapaaral niya. Ngunit pagkatapos ng sabik nilang yakapan sa isa't isa ay nauwi sa walang tigil na kuwentuhan at tawanan. Ipinaghanda siya ng mga paborito niyang pagkain. Simple lang naman ang gusto niya. Tinolang native na manok, pinakbet at pritong bangus na mataba ang tiyan. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng paghihirap at pagod niya sa ibang bansa. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka na kasama ng buong pamilyang tunay na nagmamahal.Maaga siyang gumising sa umagang iyon. Nasanay kasi siyang mag-jogging sa umaga. Marami sa mga nakasalubong niya sa daan ang titig na titig sa matikas at maskulado niyang katawan na binagayan pa ng kanyang maputing balat. Lalong tumingkad ang kanyang sobrang kaguwapuhan. Isang parang prinsipe na hindi nababagay sa purok. Hindi na siya yung moreno ngunit may makinis na kutis na medyo patpatin noon kabataan niya. Nakadagdag ng kapogian ni
Dumating ang araw na umuwi siya ng Pilipinas. Paglabas na paglabas niya sa immigration ay sinalubong na siya ng familiar na mukha. Nakangiting itong sumaludo sa kanya. Nang una hindi niya ito agad nakilala dahil sa uniform nito at bahagyang lumaki pa ang katawan. Nagiging yummy daddy na ang minsan ay minahal niya na bodyguard niya. Tinanggal niya ang malaking sunglasses niya. Ang pigil niyang ngiti ay naging tawa hanggang sa hindi na lang niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha. Luha ng kagalakan. Luha ng pagkasabik. Hindi niya alam kung yayakapin niya si Daniel dahil sa na-mimiss din naman niya ito o panatilihin niya ang agwat ng estado nila- si Daniel bilang bodyguard at siya bilang kagalang-galang na President’s Princess.Mabilis ang mga hakbang ni Daniel na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang mga hakbang. Napansin niya ang pamumula ng kaniyang mga mata tanda rin ng pinipigilang pagluha. Kumilos ang kamay niya para yakapin sana ito ngunit bigla niyang binawi. Patay-malisy
"Sayang naman" Huminga nang malalim si Kurt. "Akala ko ba hindi ka madaling sumuko? Akala ko talaga may paninindigan ka?" inulit niya ang sinabi niya kanina baka lang iyon ang magpabago sa desisyon ni Christian."Ewan ko ba? Para kasing gusto kong tulungan muna si Irish na harapin ang buhay niya nang di ako nanggugulo pa." Hinawakan ni Christian ang balikat ni Kurt. "Paano, kailangan ko nang umalis. Sana huwag mo na lang mabanggit pa kay Irish na dumating ako pero hindi ko siya nakausap. Ayos na sa akin yung nakita ko siya bago ako aalis. Sapat na sa akin iyon para lalong magpursigi sa buhay. Kung sakaling kayo ni Irish ang magkasama sa US, sana Bob, alagaan mo siya. Tulungan mo sa mga problema niya. Sana may masasandigan siyang kaibigan."“Hindi ka natatakot na mabuo muli ang pagmamahalan sa pagitan namin? Na maaring maging kami pala sa huli?”“Kung ganoon man ang mangyari, masaya ako para sa’yo, para sa inyo pero naniniwala ako na mapupunta si Irish sa tamang lalaki. Yung lalaking k
Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan
CHAPTER 94Umalis si Christian dahil iyon ang gusto niya. Ngunit habang hindi pa sila nagkikita, wala siyang ibang gawin kundi ang ayusin ang buhay niya at magsimula. Inaamin niyang hindi rin ganoon kadaling kalimutan si Daniel ngunit panahon na lang din ang makapagdedesisyon kung magkikita pa silang muli. Bahala na ang pagkakataon kung sila nga talaga ang itinadhana. Ayaw na niyang maghabol. Pagod na siyang lumaban. Hindi naman kasi kailangang habulin ng habulin ang pagmamahal. Naniniwala siyang kung ang pagmamahal iyon ay ukol sa isang tao, hindi iyon dapat laging ipinaglalaban, dapat umaayon ang lahat. Walang mali, walang dapat katakutan, hindi din dapat ganito ang pakiramdam.Bumalik siya sa Malakanyang na bigo ngunit may nabuong pag-asa sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay mas malakas na siya ngayon.Sinubukan pa rin niyang hanapin si Christian. Pumunta sa dati nitong apartment ngunit sinabi ng kapitbahay nilang matagal na raw na walang umuuwi roon. Dumaan pa ang ilang araw at ha
CHAPTER 93Pagkalapag ng eroplano ay agad na siyang pumunta sa paradahan ng jeep. Nagawa niyang takasan ang kanyang mga bagong PSG. Bahala na kung kagalitan siya ng Mommy o Daddy niya. Ang mahalaga ay maabutan at makausap niya si Christian.Dahil nakaalis na ang huling biyahe ng jeep ay nagdesisyon siyang umarkila na lang ng masasakyan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pinaghandaan na niya ang mga maaring tanong ni Christian sa kaniya. Ayaw niyang isipin ni Christian na panakip-butas lang siya dahil batid niyang noon pa man, may espesyal nang bahagi si Christian sa puso niya. Nauna lang kasing nabuo yung paghanga niya kay Daniel. Naunang umusbong ang pag-ibig para sa nauna niyang bodyguard kaya nagawa niyang i-ignore ang sumisibol na pagmamahal niya para kay Christian. May tumubong paghanga nang panahong iniligtas siya ni Daniel sa kamay ng mga holdaper sa bus. Mula no'n, may kung ano na siyang naramdamang pagtatangi. Huli na nang napansin niya si C
CHAPTER 92 Bakit gano'n? Bakit siya ngayon naguguluhan? Bakit may kung ano siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.Nang una niyang makita si Christian pagbaba niya sa jeep ay matagal silang nagkatitigan. Naiinis lang siya noon kay Daniel at sa mahirap niyang immersion kaya naman ang lahat ay naituon sa pagkaaburido niya. Ngunit noon pa man, napansin na niya ang kaguwapuhan nito. Noon pa man, may kung ano na siyang naramdamang paghanga kay Christian. Madalas na rin ang pagpapansin ni Christian noong unang araw palang niya sa purok. Ang pagbibigay nito ng pagkain nang ayaw niyang humarap sa mga ibang tiga-baryo. Ang pag-gu-goodnight nito sa kaniya na tanging pag-irap lang ang itinutugon niya.Hindi niya makalimutan nang unang nakaramdam siya ng kakaiba noon kay Christian nang magka-angkas silang sumakay sa kalabaw."Natatakot ka ba sa akin Christian?" tanong niya."Hindi Ma’am, nahihiya lang ako.""Bakit ka nahihiya? Lumapit ka nga sa akin baka mahulog ka pa.""Ako mahuhulog? Astig