Ilang sandali pa ay pumasok na muli si Irish. Tahimik pa rin ang lahat. Tinitiis pa ring kainin ang niluto niya. Sayang naman kasi kung di pagtiisan."Excuse me po." Mabilis na pinagkukuha ni Irish ang pinggan ng mga kumakain. Natigilan ang lahat sa ginawa niyang iyon. Nakatingin lang sila sa kanya. Nagtataka. Nasasayangan sa mga pagkaing nasa hapag-kainan na noon ay itinabi at mukhang itatapon na lang niya."Sa labas na lang tayo kakain. Paseniya na." paghingi niya ng dispensa.Nagtataka pa rin silang lahat ngunit sumunod pa rin sila sa kahiligang niya.Paglabas ni Daniel ay naabutan niya ang mga iba pa nilang kapitbahay na nagtitimpla ng kape habang nakahain ang maraming tinapay, puto at kutsinta. Lahat nahihiya at wala ni isang gustong gumalaw sa nasa mesang yari sa kawayan na pagkain.Tumabi siya kay Christian. "Sinong bumili diyan?"Inginuso ni Christian ang noon ay di mapakaling si Irish. "Saktong magdeliver sana ng paninda ang panadero diyan sa tindahan. Pinakyaw niya ang panin
Tuluyan na niyang inilapat ang labi niya sa labi ni Daniel. Ramdam niya ang kalambutan no'n...ang kaibahan. Ang ilang araw na niyang pinangarap ay bigla na lamang nagkatotoo.Nakakapanibago ang dating niyon kahit pa sabihing ilang lalaki na rin ang nakahalikan niya noon. Lalaking-lalaki ang dating ng labing iyon na lumapat sa kaniyang labi. Naroon ang kiliti ng naahit na bigote at ang nakakadarang na naahit ding balbas na lumapat sa kaniyang baba. Sumasabog ang kaniyang puso. Pinanghihinaan siya ng tukso at sa sandaling iyon ay para siyang biglang ipinaghele sa kalawakan. Nang ibuka niya ang kaniyang labi at hawakan niya ang batok ni Daniel para siilin niya ng mas marubdob na halik ay nagsalita si Daniel."Mali ito! Maling-mali ito!" kasabay nang marahan nitong pagtulak sa kaniya. Nababahiran na naman ng iba ang kanyang pakikisama. Ang pakikipaglapit sa ipinagkatiwala sa kanya. Nangyari na ito noon sa kanila ni Jay at ngayon sa anak mismo ng Presidente. Dahil lang sa utang na loob, pa
"Relasyon bilang boss ko at ako ang bodyguard mo. Dito sa baryo, ako yung parang boss mo at ikaw yung pinapasunod ko ngunit pansamantala lang kung anong meron tayo ngayon, pagkaraan ng isang buwan, babalik tayo sa kung sino ka at ano ang papel ko sa buhay mo. Ayaw ko sanang mahaluan ng ganito kung ano yung nasimulan natin e.""Paano kung gusto kita, kung mahal na kita." Lantarang pagbubunyag ni Irish."Tang-ina naman ‘yan! Alam mo ba ang ibig sabihin ng mga sinasabi mo?""Huwag kang magmura!""E di huwag kang magsabi ng di ko gusto kung ayaw mong makarinig ng pagmumura!""Alin ba ang ayaw mong marinig? Ang sabihin kung ano ang totoo?""Hindi mo alam na yang totoong sinasabi mo ang siyang sisira din sa'yo. Ang sisira sa relasyong meron ako ng ilang taon na. Ang integridad ko sa trabaho. Ang tingin sa akin ng Daddy mo. Ang sasabihin sa iyo ng buong bansa! Mainam pang ngayon palang, kalimutan mo na ang totoo at gawin mo na lang ang dapat at tama!"Mabilis na naglakad si Daniel palayo. Ay
Sa di kalayuan ay naroon si Daniel. Iyong ginawa noon ng Tito niya sa kaniya nag-ugat ang mga galit niya. Doon nagsisimula ang kawalan ng tiwala. Doon na nagsimula ang pananahimik niya kahit pa alam niyang hindi niya gusto ang kanyang ginagawa. Naayos na niya iyon noon. Nangako na siya sa kanyang sarili na hindi siya gagawa ng bagay na ikasisira niya at ng tingin sa kanya ng ibang tao. Na hindi niya kailangan manahimik. Hindi niya kailangang gawin ang bagay na ayaw niya dahil lang sa pakikisama at utang na loob. Kinasusuklaman na niya iyong maalala. Nabababuyan siya! Ngunit sa tulong ni Jay, nawala ang galit niya noon sa mga katulad ng Tito niya. Naintindihan niya ang ugaling meron si Irish ngunit hindi ang kanilang ginagawa. Napatawad niya ang Tito niya ngunit hindi na niya makalimutan ang ginawang pagsasamantala sa kaniya. Iba si Jay na kaibigan niya. Iba din ang hatid nitong alaala. At iyon ang ayaw niyang mangyari kay Irish. Kaya naman siya galit na galit dahil natatakot siyang ma
Nahiga si Irish sa matigas na kama niya at si Daniel ay ayaw pumasok sa kubo. Nanatili itong nakaupo sa hagdanan. Ramdam ni Irish na sadyang nagkaroon na ng bakod sa pagitan nilang dalawa ni Daniel. Pagkarating nga nila sa kubo kanina ay kaagad itong nagdamit patalikod sa kaniya na para bang ayaw na niyang ipakita ang kaniyang kahubdan. Kahit kapag nagtatanong siya ay hindi siya nito tinitignan. Para bang isang malaking kasalanan ang titigan siya ni Daniel. Masakit man iyon sa kaniya ngunit iyon na siguro ang bunga ng kaniyang ginawa. Paano nga ba siya mamahalin ng katulad ni Daniel may iba nang laman ang puso? Alam niyang mali pero hindi pa naman sila kasal ni Janna ah?Kahit sa pananghalian ay dumidistansiya sa kaniya si Daniel. Madalas man itong panakaw na tumitingin sa kaniya na para bang naninigurado na hindi siya malingap dito pero alam kasi niyang bahagi lang iyon ng pagiging PSG nito. Iyon ang masakit, nililingon siya ng lalaking mahal niya hindi dahil nagkakagusto ito sa kani
"Bakit kasi ikaw pa? Bakit nga ba minahal kita kahit alam kong hindi puwedeng mahulog ako sa kagaya mo? Bakit ikaw pa na alam ko namang hindi mo na ako puwedeng mahalin."Pinuno niya ang isip niya sa alaalang iyon. Alaala ng pagkalapat ng labi niya sa labi ng natutulog na si Daniel. Mahirap ngang turuan ang puso ngunit may magagawa pa siya para tuluyang makaiwas. Kahit masakit, kahit sobrang hirap, ang mahalaga sa ngayon ay ang paglayo at tuluyang pag-iwas.Umaga na at sumisikat na ang araw nang magising si Daniel. Masakit ang kaniyang ulo. Nakahiga nga pala siya sa kama na tinutulugan ni Irish. Tanging brief lang ang suot niya. Wala na si Irish sa tabi niya."Nalintikan na!" bulong niya sa sarili.Lasing nga siya kagabi ngunit naalala din niya ang kaniyang ginawa! Ang lahat nangyari bago siya tuluyang nakatulog.Isinuot niya ang boxer short niya at tinungo ang bahay nina Christian. Sigurado kasi siyang nandoon na din at tumutulong sa pagluluto ng agahan si Irish. Iyon na kasi ang nak
Pagkababa niya sa naghatid sa kaniya na traysikel ay dumiretso na kaagad siya sa bilihan ng ticket. 10:30 pa raw ang susunod na biyahe papuntang Maynila at 9:45 na sa pambisig niyang orasan. Minabuti niyang mag-agahan na muna sa kalapit na fastfood. Maraming nakapila at isa sa mga natutunan niya ang matiyagang maghintay at pumila. Bakit gano'n? Sa lahat ng gagawin niya ngayon, si Daniel pa rin ang nasa isip niya. Two weeks lang silang magkasama pero bakit ganoon kalaki ang impact niya sa kaniyang buhay? Siguro kasi marami siyang natutunan dito sa totoong buhay. Paano kung magku-krus muli ang landas nila ng lalaking bumago sa kaniyang buhay sa Malakanyang? Kaya pa rin kaya niyang panindigan ang pag-iwas?Kumakain na siya nang tumunog ang kaniyang cellphone."God! Malapit na din akong malowbat!" bulong niya sa sarili.International Call ang nag-appear sa screen ng phone niya."Hello!" Nakilala niya kaagad ang boses na iyon.Si Kurt."Hello! I'm sorry I wasn't able to call you na kasi wa
Nang mga sandaling iyon ay nakaupo si Daniel sa gilid ng daan. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asang mapigilan si Irish. Hindi na kasi niya ito matawagan. Sinapo na lang niya ang ulo niya at ipinasa-Diyos ang kaligtasan ni Irish.Napagkasunduan nila ni Christian na sundan na lang niya sa Tuguegarao at kung nakaalis na si Irish ay babalik na rin siya sa Manila. Pagdating mamaya ng isang jeep, aarkilahin na lang niya iyon para may masakyan siya papunta ng Tuguegarao. Si Christian na lang ang inutusan niyang bumalik sa baryo para kunin ang mga naiwang bagahe nila ni Irish.Huminga siya ng malalim. Nagdadasal siya ng taimtim na sana hindi mangyari kay Irish ang nangyari noon kay Jay. Kung nagkataon, siguradong kahit kailan ay di na niya kayang patawarin ang sarili. Dahil do'n ay unti-unting bumalik sa alaala niya ang lahat.Walang pagsidlan ang kasiyahan nilang tatlo noon sa bus papunta ng Manila. Tatluhan ang upuan noon sa bus at nasa gitna siya. Masaya si Jay at Janna dahil sa wakas ay