Share

CHAPTER 27

"Bakit kasi ikaw pa? Bakit nga ba minahal kita kahit alam kong hindi puwedeng mahulog ako sa kagaya mo? Bakit ikaw pa na alam ko namang hindi mo na ako puwedeng mahalin."

Pinuno niya ang isip niya sa alaalang iyon. Alaala ng pagkalapat ng labi niya sa labi ng natutulog na si Daniel. Mahirap ngang turuan ang puso ngunit may magagawa pa siya para tuluyang makaiwas. Kahit masakit, kahit sobrang hirap, ang mahalaga sa ngayon ay ang paglayo at tuluyang pag-iwas.

Umaga na at sumisikat na ang araw nang magising si Daniel. Masakit ang kaniyang ulo. Nakahiga nga pala siya sa kama na tinutulugan ni Irish. Tanging brief lang ang suot niya. Wala na si Irish sa tabi niya.

"Nalintikan na!" bulong niya sa sarili.

Lasing nga siya kagabi ngunit naalala din niya ang kaniyang ginawa! Ang lahat nangyari bago siya tuluyang nakatulog.

Isinuot niya ang boxer short niya at tinungo ang bahay nina Christian. Sigurado kasi siyang nandoon na din at tumutulong sa pagluluto ng agahan si Irish. Iyon na kasi ang nak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
more update pa pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status