Hinalikan muna niya si Irish at pagkatapos ay hinawakan siya sa palad. Mabilis ang kanilang mga pang tinungo ang isang malapit na kubo. Sumasabay ang walang tigil na ulan at manaka-nakang pagkulog at kidlat sa binabalak nilang gawin.Ngunit may darating na bisita. Dala ng bisitang iyon ang magandang balita kay Christian ngunit ang bisitang iyon ang babawi sa tingin niya ay naunang kanya. Saan hahantong ang sinubukan nilang laro ng puso?Sa bakanteng kubo, sa gitna ng bukid, habang walang tigil ang pag-ulan, doon nila pinagsaluhan ang pagkasabik nila sa isa’t isa. Hindi aakalain ni Irish na ganoon kainit ang naglalagablab na apoy na kanyang sinimulan. Ang nagbabagang apoy na iyon ang siyang tumupok sa kanila ni Daniel. Sumasabog na noon si Daniel. Pagkapasok pa lang nila sa kubo ay sumasabay na din ito sa kaniyang mapusok na paghalik. Mabilis ang pintig ng kaniyang puso at bawat hagod ni Daniel sa kaniyang katawan ay lalong nagpapaigting sa kaniyang nararamdaman.Basa ang kanilang dami
"Dito ka lang. Huwag kang aalis Janna. I love you honey ko...uhmm hmnnn"Nalungkot talaga siya sa narinig. Dahil sa gusto niyang matigil na ang panaginip na iyon ay nagdesisyon siyang gisingin na lang ito."Daniel.. Daniel!" tinapik niya ang balikat ni Daniel. Nang nagmulat ito ng mga mata ay parang nagulat pa na siya ang kaniyang nakita."Nananginip ka yata, may mga sinasabi ka e." Malambing niya iyong ibinulong sabay ng mahigpit niyang yakap."I know. Akala ko nga siya ang katabi ko..." natigilan si Daniel. Mukhang mali yatang sabihin pa niya iyon. "I'm sorry Irish." Huminga siya ng malalim at muli siyang yumakap."Go back to sleep. You don't need to worry about me. Sige na, matulog na tayo."Isinubsob ni Daniel ang ulo niya sa leeg ni Irish at naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito. Muli niyang pinakawalan ang kanina pa niya pinigipilang malalim na paghinga para ilabas ang sakit na nararamdaman niya. Naisip niya kasi, mabuti pa si Janna, kahit sa panaginip nasasabihan siya ni Da
Ang paulit-ulit na pagbigkas ni Janna ng honey kay Daniel ang ikinakairita ni Irish na marinig. Ngunit kailangan niyang sanayin ang kaniyang tainga. Alam niyang habang kasama nila si Janna ay hindi puwedeng hindi niya marinig iyon. Nakarating na sila sa kabahayan ay napakarami pa ring kuwento ang babae. Di kaya ito nauubusan ng ibibida?Parang walang kapaguran ang bibig ni Janna. Pagdating niya sa baryo ay naghugas lang ito ng paa at tuluy-tuloy na ito sa pamamahagi ng pasalubong at ang walang katapusan at magiliw nitong pakikipagkuwentuhan sa lahat. Lagi itong nakatawa, kilala niya sa pangalan ang lahat ng naroon pati mga bata. Kinagigiliwan din pala siya ng mga tao sa baryo. Naisip ni Irish, mukhang matindi ang babaeng babanggain niya. Mukhang wala siyang panama. Mukhang matagal na siyang may laban kay Daniel at siya ay ginamit dahil very much willing siyang ibigay lang ang katawan habang wala pa ang girlfriend nitong sasawsawan. Okey lang. Tama lang iyon sa kanyang desperada.Kanin
Halatang naguguluhan kung alin sa dalawang ulam sa tabi ng pinggan niya ang uunahin "Oo Ma’am Irish, titikman naming lahat 'yan! Kita mo, uubusin namin ang astig na afritada mo at ang appealing pochero ni Janna!" singit ni Christian. Mahirap nang magkabukuhan kaya muli niyang sinalo ang namamayaning ilangan.Kumuha si Christian ng afritada saka niya ipinasa sa mga magulang niya, kapatid at nang si Daniel na ang kukuha ay sinalo na ni Irish.Kapwa sila nakahawak sa mangkok.Walang gustong bumitaw."May tapsilog na sa pinggan mo." mahina at makahulugang sinabi iyon ni Irish. “Hindi pwede iyang pinagsasabay. Tapusin mo muna yung isa bago ka kukuha ng panibago para hindi maghalo ang lasa.”"Uyy ano ka ba ma’am! Favorite ko 'yang dalawang 'yan kaya kahit may tapsilog na sa pinggan ko, gusto ko din ng afritada pa!""Ahh so, okey lang sa'yo ang dalawang pagsabayin?" malalim na tinuran iyon ni Irish. “Kaya mong pagsabayin ang dalawa?”Napayuko si Christian. Alam niyang may ibang kahulugan
"Please, huwag mo nang pahirapan ang sitwasyon." Kumislap ang mga mata ni Daniel nang mga sandaling iyon. Kung mga luha iyon, hindi alam ni Irish, ngunit nang muling nahuli ng kamay ni Daniel ang kamay niya ay hindi na siya pumalag pa."Thank you." Muling bulong ni Daniel.Pinilit niyag ngumiti. "Good night" saka siya pumikit.Dahan-dahang lumingon si Daniel kay Janna at nang nakakasiguradong tulog na ito ay mabilis niyang hinalikan sa pisngi ang nakatihayang si Irish. Ikinagulat din ni Irish ang ginawang iyon ni Daniel. Muli, nabuo ang pag-asa. Tumibay ang kagustuhan niyang huwag bumitaw kasi nabibigyan siya ni Daniel ng maliliit na dahilan para huwag bumitaw kahit sobrang sakit na ang lahat sa kaniya. Ang rupok niya. Ang rupok-rupok niya pagdating kay Daniel.Mailap ang antok sa kanilang dalawa. Magkaiba ang tinatakbo ng kanilang isip. Madalas pinagmamasdan ni Daniel sina Janna at Irish. Siya ang dapat sisihin sa lahat ng nangyayari ngayon. Pumayag siyang magulo ang buhay niya at ng
Natigilan tuloy silang dalawa.Hindi aakalain ni Christian na gagawin ni Irish ang kalokohang iyon sa kaniya."Daya naman! Nanghihila?" reklamo ng mabilis na tumayong si Christian nang maramdaman niya ang katawan niyang lumapat sa katawan ni Irish."Aba! Sino bang nagyabang na malakas daw siya kuno?""Malay ko bang ang hihila ay yung ibabangon. Dapat ako lang ang hihila sa'yo ma’am! Wala eh! Nautakan lang ako! Nadaya." tumayo siya.Hinubad niya ang sando siya saka niya ipinakita ang mga braso niya at dibdib na parang nakikipagpaligasahan sa palakihan ng katawan. "Kita mo 'to? Wala ka lang kasi bilib dito e!"" Ganun ba ang labanan?" tumayo din si Irish. Itinaas niya ang kanyang braso! "Bilib na sana ako diyan sa muscles na 'yan e, kaso dibdiban ang labanan. Kung matigas ang loob mo hindi ka tatablan ng kahit anong pagsubok?""Sige, patutunayan mo 'yan ha! Sasama ka sa akin sa araw na ito, magpaligsahan tayo maghapon ng makita natin kung sino ang mas tigasin sa ating dalawa." paghahamo
Namangha dahil sa nakita niyang napakagandang tanawin sa kinatatayuan nila ni Christian. Kitang-kita niya ang malawak na bukirin at sa baba ng burol ay may malinaw na batis. Kulay berde rin ang kalapit na magubat na bundok sa gawing kanan nila."Ang ganda dito! Gusto kong balik-balikan ang lugar na 'to Christian.""Tama ka, Ma’am. Kaya ako, sa tuwing nangangarap ako noon, nasasaktan, nawawalan ng pag-asa o kaya pakiramdam ko hirap na hirap na akong maabot ang mga pangarap ko, ito yung lugar na lagi kong pinupuntahan. Bubusugin ko lang ang mata ko sa magandang tanawin, hihinga ng malalim at hihiga sa silong ng akasya hanggang sa makatulog ako. Paggising ko, parang masamang panaginip na lang lahat ang mga kasalukuyang tinitiis kong problema. Madalas, kapag nilisan ko ang lugar na ito, may baon na muli akong bagong pag-asa. Kaya kita dinala dito, Ma’am para makita rin ninyo ang kagandahan ng lugar na ito. Malanghap niyo at maramdaman yung presko at malamig na hangin.""Grabe. Akalain mon
Kinagabihan ay nagkaroon ng salu-salong inihanda nina Janna at Daniel para sa matagumpay na immersion ng President’s Princess. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nagdesisyon silang ilayo muna ni Christian si Irish para makapaghanda ang lahat ng isang salu-salo kasama ng lahat ng mga Barangay Officials at School teachers. Nagsimula iyon sa kainan at ang pasasalamat ng Barangay Captain at School Principal sa mga naiambag ni Irish sa Purok nila. Binigyan din siya ng pagkakataong makapagsalita. Ito ang bahagi ng kaniyang mga nasabi."Noong una, inaamin ko hong gusto kong gamitin ang Purok ninyo para matakasan ang Pilipinas para malayang gawin ang lahat ng gusto kong gawin. Para sa akin, ang Pilipinas ay isang malaking kulungan dahil sa hindi ko malayang gawin ang lahat ng gusto kong gawin. Nakikita kasi ako ng lahat. Ang Pilipinas ay kakompentensiya sa pagmamahal at atensiyon ni Daddy sa akin. Nasa bus pa lang ho ako noon, sumusuko na ako. Nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko na kakayan