Halatang naguguluhan kung alin sa dalawang ulam sa tabi ng pinggan niya ang uunahin "Oo Ma’am Irish, titikman naming lahat 'yan! Kita mo, uubusin namin ang astig na afritada mo at ang appealing pochero ni Janna!" singit ni Christian. Mahirap nang magkabukuhan kaya muli niyang sinalo ang namamayaning ilangan.Kumuha si Christian ng afritada saka niya ipinasa sa mga magulang niya, kapatid at nang si Daniel na ang kukuha ay sinalo na ni Irish.Kapwa sila nakahawak sa mangkok.Walang gustong bumitaw."May tapsilog na sa pinggan mo." mahina at makahulugang sinabi iyon ni Irish. “Hindi pwede iyang pinagsasabay. Tapusin mo muna yung isa bago ka kukuha ng panibago para hindi maghalo ang lasa.”"Uyy ano ka ba ma’am! Favorite ko 'yang dalawang 'yan kaya kahit may tapsilog na sa pinggan ko, gusto ko din ng afritada pa!""Ahh so, okey lang sa'yo ang dalawang pagsabayin?" malalim na tinuran iyon ni Irish. “Kaya mong pagsabayin ang dalawa?”Napayuko si Christian. Alam niyang may ibang kahulugan
"Please, huwag mo nang pahirapan ang sitwasyon." Kumislap ang mga mata ni Daniel nang mga sandaling iyon. Kung mga luha iyon, hindi alam ni Irish, ngunit nang muling nahuli ng kamay ni Daniel ang kamay niya ay hindi na siya pumalag pa."Thank you." Muling bulong ni Daniel.Pinilit niyag ngumiti. "Good night" saka siya pumikit.Dahan-dahang lumingon si Daniel kay Janna at nang nakakasiguradong tulog na ito ay mabilis niyang hinalikan sa pisngi ang nakatihayang si Irish. Ikinagulat din ni Irish ang ginawang iyon ni Daniel. Muli, nabuo ang pag-asa. Tumibay ang kagustuhan niyang huwag bumitaw kasi nabibigyan siya ni Daniel ng maliliit na dahilan para huwag bumitaw kahit sobrang sakit na ang lahat sa kaniya. Ang rupok niya. Ang rupok-rupok niya pagdating kay Daniel.Mailap ang antok sa kanilang dalawa. Magkaiba ang tinatakbo ng kanilang isip. Madalas pinagmamasdan ni Daniel sina Janna at Irish. Siya ang dapat sisihin sa lahat ng nangyayari ngayon. Pumayag siyang magulo ang buhay niya at ng
Natigilan tuloy silang dalawa.Hindi aakalain ni Christian na gagawin ni Irish ang kalokohang iyon sa kaniya."Daya naman! Nanghihila?" reklamo ng mabilis na tumayong si Christian nang maramdaman niya ang katawan niyang lumapat sa katawan ni Irish."Aba! Sino bang nagyabang na malakas daw siya kuno?""Malay ko bang ang hihila ay yung ibabangon. Dapat ako lang ang hihila sa'yo ma’am! Wala eh! Nautakan lang ako! Nadaya." tumayo siya.Hinubad niya ang sando siya saka niya ipinakita ang mga braso niya at dibdib na parang nakikipagpaligasahan sa palakihan ng katawan. "Kita mo 'to? Wala ka lang kasi bilib dito e!"" Ganun ba ang labanan?" tumayo din si Irish. Itinaas niya ang kanyang braso! "Bilib na sana ako diyan sa muscles na 'yan e, kaso dibdiban ang labanan. Kung matigas ang loob mo hindi ka tatablan ng kahit anong pagsubok?""Sige, patutunayan mo 'yan ha! Sasama ka sa akin sa araw na ito, magpaligsahan tayo maghapon ng makita natin kung sino ang mas tigasin sa ating dalawa." paghahamo
Namangha dahil sa nakita niyang napakagandang tanawin sa kinatatayuan nila ni Christian. Kitang-kita niya ang malawak na bukirin at sa baba ng burol ay may malinaw na batis. Kulay berde rin ang kalapit na magubat na bundok sa gawing kanan nila."Ang ganda dito! Gusto kong balik-balikan ang lugar na 'to Christian.""Tama ka, Ma’am. Kaya ako, sa tuwing nangangarap ako noon, nasasaktan, nawawalan ng pag-asa o kaya pakiramdam ko hirap na hirap na akong maabot ang mga pangarap ko, ito yung lugar na lagi kong pinupuntahan. Bubusugin ko lang ang mata ko sa magandang tanawin, hihinga ng malalim at hihiga sa silong ng akasya hanggang sa makatulog ako. Paggising ko, parang masamang panaginip na lang lahat ang mga kasalukuyang tinitiis kong problema. Madalas, kapag nilisan ko ang lugar na ito, may baon na muli akong bagong pag-asa. Kaya kita dinala dito, Ma’am para makita rin ninyo ang kagandahan ng lugar na ito. Malanghap niyo at maramdaman yung presko at malamig na hangin.""Grabe. Akalain mon
Kinagabihan ay nagkaroon ng salu-salong inihanda nina Janna at Daniel para sa matagumpay na immersion ng President’s Princess. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nagdesisyon silang ilayo muna ni Christian si Irish para makapaghanda ang lahat ng isang salu-salo kasama ng lahat ng mga Barangay Officials at School teachers. Nagsimula iyon sa kainan at ang pasasalamat ng Barangay Captain at School Principal sa mga naiambag ni Irish sa Purok nila. Binigyan din siya ng pagkakataong makapagsalita. Ito ang bahagi ng kaniyang mga nasabi."Noong una, inaamin ko hong gusto kong gamitin ang Purok ninyo para matakasan ang Pilipinas para malayang gawin ang lahat ng gusto kong gawin. Para sa akin, ang Pilipinas ay isang malaking kulungan dahil sa hindi ko malayang gawin ang lahat ng gusto kong gawin. Nakikita kasi ako ng lahat. Ang Pilipinas ay kakompentensiya sa pagmamahal at atensiyon ni Daddy sa akin. Nasa bus pa lang ho ako noon, sumusuko na ako. Nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko na kakayan
Right from the startYou were a thiefYou stole my heartAnd I your willing victimNatulala silang lahat sa ganda ng boses din ni Irish.Nakatingin si Irish kay Daniel nang kinanta niya iyon. Galing sa puso ang bawat linya. Di naman talaga niya planong mahalin si Daniel. Kusang sumuko ang damdamin niya dito at kahit sinubukan naman niyang umiwas ay huli na dahil nakuha na ni Daniel ang bawat pintig ng kaniyang puso. Wala na siyang lakas pa para tumakas pa. Para bang isa siyang biktima na kusang pumasok sa bitag ng pagmamamahal.I let you see the parts of meThat weren't all that prettyAnd with every touch you fixed themTinanggal ni Daniel ang pagkakaakbay sa kaniya ni Janna. Tumayo ito at lumapit kay Irish. Noon ay nagsimulang bumalon ang luha sa mga mata ni Irish. Pinipigilan lang niyang tuluyan itong bumaybay sa kaniyang pisngi.Kung sino siya ngayon, dahil iyon kay Daniel. Binago ni Daniel ang dating masungit, walang pakialam sa mundo at easy go lucky na si Irish. Isang Daniel la
"Kung nasasaktan ka, nahihirapan ka, ganoon na rin ako!" boses ni Daniel.Sinundan din pala siya nito.Lumuwang nag pagkakayakap ni Christian kay Irish. Tumalikod siya. Tinignan niya ang Kuya Daniel niya. Napailing. Huminga ng malalim. Halatang marami pa sana siyang gustong sabihin pero nagpigil. Nilingon niya muna si Irish na noon ay humihikbi saka niya iniwan ang dalawa para mas makapag-usap."Doon ka na sa girlfriend mo, hayaan mo na lang ako!" hagulgol ni Irish."Pumanhik na si Janna sa kubo. Magpapahinga na raw siya at sinabi niyang sundan kita at gawin ang trabaho ko bilang PSG mo, bilang tagapagligtas mo.""Bakit pa! Bakit ang hirap naman! Bakit ganito kasakit! Ikakasal ka na Daniel, paano ako? Paano tayo?"Dahan-dahan siyang napasalampak sa puno ng isang saging. Kung sana nakikita lang ni Daniel ang pagdurugo ng puso niya, higit pa sa dami ng luha na bumabagtas sa kaniyang pisngi. Ang pintig nito ay higit pa sa bilis ng kaniyang paghikbi."I'm sorry. Gagawin ko ang lahat para
“Nagdududa ka ba? Pinagdududahan mo ba ako?”“Bakit? Wala bang kaduda-duda sa ginagawa ninyo?”"Ako 'to, honey. 6 years mo nang boyfriend. Ni minsan ba nagawa kong magluko?”“Hindi pa, pero baka ngayon lang.”“Hon, Si Ma’am Irish ‘yan. Sa kanya ka pa talaga magseselos? Nakakahiya." Desperado niyang pagdadahilan. Kailangan niyang sabihin iyon. Bigla siyang kinabahan, pinagpawisan. Alam niyang may pagkaselosa ang fiancee niya ngunit ngayon lang siya muli nagiging ganoon at alam niya sa sarili niya na ngayon ay may karapatan naman talaga si Janna."Mabuti naman at alam ninyong nakakahiya. Sana naisip niyo din iyan bago kayo magyakapan at mag-iyakan sa may kadilimang bahagi ng sagingan. Kasi hindi ako tanga. Hindi ako boba. Hindi ako ang mang-aagaw rito. Hindi ang babaeng ‘yan ang biktima, ako. Walang siyang karapatang mag-iiyak na akala mo santa. Wala siyang karapatang mag-inarte ng ganyan dahil alam naman lahat ng buong bansa ang baho ng pagkatao niya!" Palabang tinuran ni Janna.“Dahan
CHAPTER 100 Christmas Eve. December 24.Abala si Janna sa paghahanda ng kanilang Noche Buena habang tinutulungan siya ng anak na si Raymond. Alam niyang gabi pa darating ang asawa dahil sa pagiging abala nito dahil siya na ang naatasang Chief Commanding Officer ng lahat nga mga PSG ng bansa. Kasabay ng pag-angat ng posisyon nito ang maraming responsibilidad ngunit bilang isang mabait at responsableng maybahay. Lagi niya itong inuunawa. Mahal niya ang kaniyang asawa. Hinding-hindi siya magsasawang pagsilbihan ito at intindihin lalo pa't ramdam din naman niya ang tunay na pagmamahal sa kaniya ni Daniel.Hindi niya inakalang magiging maayos din ang lahat. Akala niya tuluyan na noong mawawala si Daniel sa kaniya at siya lang ang tatayong magulang ng kaniyang ipinagbubuntis. Dahil nagdesiyosn siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Daniel, nilawakan niya ang kaniyang isip na intindihin na lahat ay puwedeng magkamali kaya ngayon, nagkatotoo din ang pangarap niyang magkaroon ng buo at
CHAPTER 99Nakita niya ang mga rosas malapit kay Irish. Mabilis siyang kumuha ng tatlo. Lumapit siya. Hinawakan niya ang bisig ni Irish saka niya ipinahawak dito ang tatlong pulang rosas, bumaba ang hawak niya hanggang sa nagtagpo ang kanilang palad. "Akin na ba talaga ito?" tanong ni Irish. Tumango lang si Christian. Umagos pa rin ang luha sa kaniyang pisngi. Itinaas ni Christian ang kamay ni Irish.Natigilan si Christian nang makita niya ang dugong umagos sa daliri ni Irish dahil siguro sa pagkakatusok niya sa tinik ng rosas na ibinigay niya.Kinuha na muna muli ni Christian ang tatlong rosas sa kamay ni Irish.“Akala ko ba akin na ‘yan?”“Sa’yo lang ito. Kinuha ko lang sandali para mawala yung pagdurugo ng kamay mo. Ibabalik ko rin naman sa’yo kapag nasigurado kong hindi ka na nasasaktan, hindi na dumudugo.”“Hmmmnnn ang lalim naman. Parang yung nangyari lang sa atin ah. Sinabi mong mahal mo ako nang dumudugo pa ang puso ko at binawi mo agad ako kung kailan mahal na kita ngunit h
CHAPTER 98Sumabay ang Nanang niya sa pag-iyak pati na rin ang mga kapatid na pinatapos at pinapaaral niya. Ngunit pagkatapos ng sabik nilang yakapan sa isa't isa ay nauwi sa walang tigil na kuwentuhan at tawanan. Ipinaghanda siya ng mga paborito niyang pagkain. Simple lang naman ang gusto niya. Tinolang native na manok, pinakbet at pritong bangus na mataba ang tiyan. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng paghihirap at pagod niya sa ibang bansa. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka na kasama ng buong pamilyang tunay na nagmamahal.Maaga siyang gumising sa umagang iyon. Nasanay kasi siyang mag-jogging sa umaga. Marami sa mga nakasalubong niya sa daan ang titig na titig sa matikas at maskulado niyang katawan na binagayan pa ng kanyang maputing balat. Lalong tumingkad ang kanyang sobrang kaguwapuhan. Isang parang prinsipe na hindi nababagay sa purok. Hindi na siya yung moreno ngunit may makinis na kutis na medyo patpatin noon kabataan niya. Nakadagdag ng kapogian ni
Dumating ang araw na umuwi siya ng Pilipinas. Paglabas na paglabas niya sa immigration ay sinalubong na siya ng familiar na mukha. Nakangiting itong sumaludo sa kanya. Nang una hindi niya ito agad nakilala dahil sa uniform nito at bahagyang lumaki pa ang katawan. Nagiging yummy daddy na ang minsan ay minahal niya na bodyguard niya. Tinanggal niya ang malaking sunglasses niya. Ang pigil niyang ngiti ay naging tawa hanggang sa hindi na lang niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha. Luha ng kagalakan. Luha ng pagkasabik. Hindi niya alam kung yayakapin niya si Daniel dahil sa na-mimiss din naman niya ito o panatilihin niya ang agwat ng estado nila- si Daniel bilang bodyguard at siya bilang kagalang-galang na President’s Princess.Mabilis ang mga hakbang ni Daniel na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang mga hakbang. Napansin niya ang pamumula ng kaniyang mga mata tanda rin ng pinipigilang pagluha. Kumilos ang kamay niya para yakapin sana ito ngunit bigla niyang binawi. Patay-malisy
"Sayang naman" Huminga nang malalim si Kurt. "Akala ko ba hindi ka madaling sumuko? Akala ko talaga may paninindigan ka?" inulit niya ang sinabi niya kanina baka lang iyon ang magpabago sa desisyon ni Christian."Ewan ko ba? Para kasing gusto kong tulungan muna si Irish na harapin ang buhay niya nang di ako nanggugulo pa." Hinawakan ni Christian ang balikat ni Kurt. "Paano, kailangan ko nang umalis. Sana huwag mo na lang mabanggit pa kay Irish na dumating ako pero hindi ko siya nakausap. Ayos na sa akin yung nakita ko siya bago ako aalis. Sapat na sa akin iyon para lalong magpursigi sa buhay. Kung sakaling kayo ni Irish ang magkasama sa US, sana Bob, alagaan mo siya. Tulungan mo sa mga problema niya. Sana may masasandigan siyang kaibigan."“Hindi ka natatakot na mabuo muli ang pagmamahalan sa pagitan namin? Na maaring maging kami pala sa huli?”“Kung ganoon man ang mangyari, masaya ako para sa’yo, para sa inyo pero naniniwala ako na mapupunta si Irish sa tamang lalaki. Yung lalaking k
Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan
CHAPTER 94Umalis si Christian dahil iyon ang gusto niya. Ngunit habang hindi pa sila nagkikita, wala siyang ibang gawin kundi ang ayusin ang buhay niya at magsimula. Inaamin niyang hindi rin ganoon kadaling kalimutan si Daniel ngunit panahon na lang din ang makapagdedesisyon kung magkikita pa silang muli. Bahala na ang pagkakataon kung sila nga talaga ang itinadhana. Ayaw na niyang maghabol. Pagod na siyang lumaban. Hindi naman kasi kailangang habulin ng habulin ang pagmamahal. Naniniwala siyang kung ang pagmamahal iyon ay ukol sa isang tao, hindi iyon dapat laging ipinaglalaban, dapat umaayon ang lahat. Walang mali, walang dapat katakutan, hindi din dapat ganito ang pakiramdam.Bumalik siya sa Malakanyang na bigo ngunit may nabuong pag-asa sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay mas malakas na siya ngayon.Sinubukan pa rin niyang hanapin si Christian. Pumunta sa dati nitong apartment ngunit sinabi ng kapitbahay nilang matagal na raw na walang umuuwi roon. Dumaan pa ang ilang araw at ha
CHAPTER 93Pagkalapag ng eroplano ay agad na siyang pumunta sa paradahan ng jeep. Nagawa niyang takasan ang kanyang mga bagong PSG. Bahala na kung kagalitan siya ng Mommy o Daddy niya. Ang mahalaga ay maabutan at makausap niya si Christian.Dahil nakaalis na ang huling biyahe ng jeep ay nagdesisyon siyang umarkila na lang ng masasakyan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pinaghandaan na niya ang mga maaring tanong ni Christian sa kaniya. Ayaw niyang isipin ni Christian na panakip-butas lang siya dahil batid niyang noon pa man, may espesyal nang bahagi si Christian sa puso niya. Nauna lang kasing nabuo yung paghanga niya kay Daniel. Naunang umusbong ang pag-ibig para sa nauna niyang bodyguard kaya nagawa niyang i-ignore ang sumisibol na pagmamahal niya para kay Christian. May tumubong paghanga nang panahong iniligtas siya ni Daniel sa kamay ng mga holdaper sa bus. Mula no'n, may kung ano na siyang naramdamang pagtatangi. Huli na nang napansin niya si C
CHAPTER 92 Bakit gano'n? Bakit siya ngayon naguguluhan? Bakit may kung ano siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.Nang una niyang makita si Christian pagbaba niya sa jeep ay matagal silang nagkatitigan. Naiinis lang siya noon kay Daniel at sa mahirap niyang immersion kaya naman ang lahat ay naituon sa pagkaaburido niya. Ngunit noon pa man, napansin na niya ang kaguwapuhan nito. Noon pa man, may kung ano na siyang naramdamang paghanga kay Christian. Madalas na rin ang pagpapansin ni Christian noong unang araw palang niya sa purok. Ang pagbibigay nito ng pagkain nang ayaw niyang humarap sa mga ibang tiga-baryo. Ang pag-gu-goodnight nito sa kaniya na tanging pag-irap lang ang itinutugon niya.Hindi niya makalimutan nang unang nakaramdam siya ng kakaiba noon kay Christian nang magka-angkas silang sumakay sa kalabaw."Natatakot ka ba sa akin Christian?" tanong niya."Hindi Ma’am, nahihiya lang ako.""Bakit ka nahihiya? Lumapit ka nga sa akin baka mahulog ka pa.""Ako mahuhulog? Astig