"Bakit kasi ikaw pa? Bakit nga ba minahal kita kahit alam kong hindi puwedeng mahulog ako sa kagaya mo? Bakit ikaw pa na alam ko namang hindi mo na ako puwedeng mahalin."Pinuno niya ang isip niya sa alaalang iyon. Alaala ng pagkalapat ng labi niya sa labi ng natutulog na si Daniel. Mahirap ngang turuan ang puso ngunit may magagawa pa siya para tuluyang makaiwas. Kahit masakit, kahit sobrang hirap, ang mahalaga sa ngayon ay ang paglayo at tuluyang pag-iwas.Umaga na at sumisikat na ang araw nang magising si Daniel. Masakit ang kaniyang ulo. Nakahiga nga pala siya sa kama na tinutulugan ni Irish. Tanging brief lang ang suot niya. Wala na si Irish sa tabi niya."Nalintikan na!" bulong niya sa sarili.Lasing nga siya kagabi ngunit naalala din niya ang kaniyang ginawa! Ang lahat nangyari bago siya tuluyang nakatulog.Isinuot niya ang boxer short niya at tinungo ang bahay nina Christian. Sigurado kasi siyang nandoon na din at tumutulong sa pagluluto ng agahan si Irish. Iyon na kasi ang nak
Pagkababa niya sa naghatid sa kaniya na traysikel ay dumiretso na kaagad siya sa bilihan ng ticket. 10:30 pa raw ang susunod na biyahe papuntang Maynila at 9:45 na sa pambisig niyang orasan. Minabuti niyang mag-agahan na muna sa kalapit na fastfood. Maraming nakapila at isa sa mga natutunan niya ang matiyagang maghintay at pumila. Bakit gano'n? Sa lahat ng gagawin niya ngayon, si Daniel pa rin ang nasa isip niya. Two weeks lang silang magkasama pero bakit ganoon kalaki ang impact niya sa kaniyang buhay? Siguro kasi marami siyang natutunan dito sa totoong buhay. Paano kung magku-krus muli ang landas nila ng lalaking bumago sa kaniyang buhay sa Malakanyang? Kaya pa rin kaya niyang panindigan ang pag-iwas?Kumakain na siya nang tumunog ang kaniyang cellphone."God! Malapit na din akong malowbat!" bulong niya sa sarili.International Call ang nag-appear sa screen ng phone niya."Hello!" Nakilala niya kaagad ang boses na iyon.Si Kurt."Hello! I'm sorry I wasn't able to call you na kasi wa
Nang mga sandaling iyon ay nakaupo si Daniel sa gilid ng daan. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asang mapigilan si Irish. Hindi na kasi niya ito matawagan. Sinapo na lang niya ang ulo niya at ipinasa-Diyos ang kaligtasan ni Irish.Napagkasunduan nila ni Christian na sundan na lang niya sa Tuguegarao at kung nakaalis na si Irish ay babalik na rin siya sa Manila. Pagdating mamaya ng isang jeep, aarkilahin na lang niya iyon para may masakyan siya papunta ng Tuguegarao. Si Christian na lang ang inutusan niyang bumalik sa baryo para kunin ang mga naiwang bagahe nila ni Irish.Huminga siya ng malalim. Nagdadasal siya ng taimtim na sana hindi mangyari kay Irish ang nangyari noon kay Jay. Kung nagkataon, siguradong kahit kailan ay di na niya kayang patawarin ang sarili. Dahil do'n ay unti-unting bumalik sa alaala niya ang lahat.Walang pagsidlan ang kasiyahan nilang tatlo noon sa bus papunta ng Manila. Tatluhan ang upuan noon sa bus at nasa gitna siya. Masaya si Jay at Janna dahil sa wakas ay
"Kuya, wala pa ba yung jeep?" Nagulat siya sa tinurang iyon ni Christian.Nasa tabi na pala niya ito. Ibinababa niya ang mga mga bagahe nila ni Irish sa kariton na hila ni Damulag. Ilang oras na din siya doong naghihintay sa pagdating ng jeep.“Wala pa eh. Antagal nga.”Nakaramdam siya ng pagkauhaw at gutom."Heto nga pala kuya, nagdala ako ng makakain mo at maiinom." Inabot niya ang pagkaing binalot sa dahon ng saging at tubig na inilagay sa lumang bote ng mineral water. "Mamaya darating na rin yung jeep. Ikaw na lang bahalang kakausap kuya. Pera-pera lang naman ang labanan dito.""Sige Bok, salamat dito ha?"Tahimik siyang kumain samantalang si Bok ay nagbasa sa dala nitong English pocketbook.Ilang sandali pa ay dumating na rin ang jeep na aarkilahin niya. Pumayag naman ang driver pero may kalakihan ang sinisingil. Okey na 'yun basta masundan lang niya si Irish. “Paano Bok, mauna na ako ha?”“Pasensiya na kuya, failed ang ating mission.”“Okey lang iyon. Nangyayari talaga ‘yan. Pa
Para sa kaniya, imposible ang tungkol sa kanila ni Jay. Siya nga mismo ay hindi nagsasabing mahal siya. Pakiramdam niya libog lang sa katawan ang namamagitan sa kanila. Naibibigay muna ni Jay ang di niya kayang gawin sa babae. Ngunit dahil desidido siyang gawin ang alam niyang tama lang na gawin ng katulad niyang lalaki, Pinagbigyan niya ang sarili niyang mahalin lang ng lihim si Janna. Iyon ang gusto niya, ang binubulong ng isip niya. Mas magandang tignan na sa babae siya magkakagusto at hindi sa kapwa niya lalaki."Sigurado kang magsusundalo ka talaga?" tanong ni Jay sa kaniya ilang araw bago siya aakyat ng Baguio para sa training niya sa PMA.Si Jay ay nag-enrol sa kilalang University sa Manila at kukuha ng Engineering kaya magkakahiwalay na rin sila sa wakas."Oo, pangarap ko 'yun, e" sagot niya.Gusto rin kasi ng Daddy ni Jay na may susunod sa yapak nito at bilang respeto sa nagpapaaral sa kaniya ay siya na ang nagkusa na pumasok sa PMA."Paano tayo?""Anong tayo?”“Yung tungkol
Ngayon, panibagong buhay sa katauhan naman ni Irish. Mas masalimuot ang pagdating nito sa kaniyang buhay. Sila na ni Janna at nakatakda na ang kanilang kasal ngunit ayaw rin naman niyang basta na lang talikuran si Irish. Paano nga kung hindi nga talaga si Janna ang para sa kanya? Paano kung huli na naman ang kaniyang pagsisisi? Lalo na ngayon at nasa pangangalaga niya si Irish. Sa kaniya naiatang ang kaligtasan nito. Paano niya kakayanin iyon kunsakali lalo pa't sa sandaling pinagsamahan nila ay naramdaman niya ang kabutihan nito. Naramdaman din niya ang pagmamahal nito sa kaniya.Si Irish!Hindi siya puwedeng magkakamali.Si Irish nga!Siya ang nakatitigan niyang nakasakay sa nakasalubong nilang jeep."Pakihinto lang ho sandali, Manong!" malakas niyang nasabi iyon sa driver.Agad naman siyang sinunod ng driver na halatang nabigla sa lakas ng boses nito.Tumingin siya sa side mirror. Nakita niya na tumigil din ang jeep na nakasalubong nila sa hindi kalayuan.Mabilis siyang bumaba.Nak
"I am suggesting na hayaan mo ang sarili mong bukas sa kahit anong maramdaman mo. Hayaan mo ang damdamin mong gumana at hindi muna manghimasok ang isip mo."Napaisip si Daniel. Sinapo niya ang kaniyang ulo. Kailangan ba niyang guluhin ang tahimik niyang buhay dahil lang sa may hindi na niya kayang supilin pa sa pusong nararamdaman kay Irish?"Wait, I have this proposition," masayang tumayo si Irish sa harap ni Daniel. "What if in two weeks, let's just enjoy each other's company, no string attached. Walang tayo. Iparamdam ko sa'yong mahal kita at hayaan mo rin ang sarili mo kung hanggang saan ang kaya nitong maramdaman. Mag-enjoy lang tayo kasama ang isa't isa. You'll decide kung nasa Manila na tayo. Ano? Deal?""I am suggesting na hayaan mo ang sarili mong bukas sa kahit anong maramdaman mo. Hayaan mo ang damdamin mong gumana at hindi muna manghimasok ang isip mo."Napaisip si Daniel. Sinapo niya ang kaniyang ulo. Kailangan ba niyang guluhin ang tahimik niyang buhay dahil lang sa may
Hanggang dahil sa pagod ay nakatulog si Irish sa dibdib ni Daniel. Matagal niyang pinagmasdan ang maganda at maamong mukha ni Irish. Iniisip niya kung ano ang magiging kahihinatnan ng laro nilang ito. Kung sino ang matatalo. Ngayon payag na siyang sumubok. Sa pagpayag niyang halikan siya ni Irish kanina ay hudyat na iyon nang pagsisimula ng lahat. Kung ano ang magiging katapusan, iyon ang kaniyang hihintayin. Bahala na.Dahil sa maginaw na ang hamog at masakit na din ang katawan niya sa hindi komportableng pagkakahiga nila ni Irish ay tinapik niya ito sa balikat para gisingin at babalik na sila sa kubo."Tara na sa kubo at baka magkasakit ka sa hamog." Bulong ni Daniel.Uminat ang ginising na si Irish. Ngumiti ito ng pilit. Masarap ang gising kahit pa madaling araw kung ang lalaking pinakamamahal niya ang una niyang makikita.Inalalayan pa siyang tumayo si Daniel. Halos payakap siyang inalalayan ni Daniel hanggang sa kubo. Nakayakap pa rin si Irish kay Daniel nang humiga na sila sa k