Sa di kalayuan ay naroon si Daniel. Iyong ginawa noon ng Tito niya sa kaniya nag-ugat ang mga galit niya. Doon nagsisimula ang kawalan ng tiwala. Doon na nagsimula ang pananahimik niya kahit pa alam niyang hindi niya gusto ang kanyang ginagawa. Naayos na niya iyon noon. Nangako na siya sa kanyang sarili na hindi siya gagawa ng bagay na ikasisira niya at ng tingin sa kanya ng ibang tao. Na hindi niya kailangan manahimik. Hindi niya kailangang gawin ang bagay na ayaw niya dahil lang sa pakikisama at utang na loob. Kinasusuklaman na niya iyong maalala. Nabababuyan siya! Ngunit sa tulong ni Jay, nawala ang galit niya noon sa mga katulad ng Tito niya. Naintindihan niya ang ugaling meron si Irish ngunit hindi ang kanilang ginagawa. Napatawad niya ang Tito niya ngunit hindi na niya makalimutan ang ginawang pagsasamantala sa kaniya. Iba si Jay na kaibigan niya. Iba din ang hatid nitong alaala. At iyon ang ayaw niyang mangyari kay Irish. Kaya naman siya galit na galit dahil natatakot siyang ma
Nahiga si Irish sa matigas na kama niya at si Daniel ay ayaw pumasok sa kubo. Nanatili itong nakaupo sa hagdanan. Ramdam ni Irish na sadyang nagkaroon na ng bakod sa pagitan nilang dalawa ni Daniel. Pagkarating nga nila sa kubo kanina ay kaagad itong nagdamit patalikod sa kaniya na para bang ayaw na niyang ipakita ang kaniyang kahubdan. Kahit kapag nagtatanong siya ay hindi siya nito tinitignan. Para bang isang malaking kasalanan ang titigan siya ni Daniel. Masakit man iyon sa kaniya ngunit iyon na siguro ang bunga ng kaniyang ginawa. Paano nga ba siya mamahalin ng katulad ni Daniel may iba nang laman ang puso? Alam niyang mali pero hindi pa naman sila kasal ni Janna ah?Kahit sa pananghalian ay dumidistansiya sa kaniya si Daniel. Madalas man itong panakaw na tumitingin sa kaniya na para bang naninigurado na hindi siya malingap dito pero alam kasi niyang bahagi lang iyon ng pagiging PSG nito. Iyon ang masakit, nililingon siya ng lalaking mahal niya hindi dahil nagkakagusto ito sa kani
"Bakit kasi ikaw pa? Bakit nga ba minahal kita kahit alam kong hindi puwedeng mahulog ako sa kagaya mo? Bakit ikaw pa na alam ko namang hindi mo na ako puwedeng mahalin."Pinuno niya ang isip niya sa alaalang iyon. Alaala ng pagkalapat ng labi niya sa labi ng natutulog na si Daniel. Mahirap ngang turuan ang puso ngunit may magagawa pa siya para tuluyang makaiwas. Kahit masakit, kahit sobrang hirap, ang mahalaga sa ngayon ay ang paglayo at tuluyang pag-iwas.Umaga na at sumisikat na ang araw nang magising si Daniel. Masakit ang kaniyang ulo. Nakahiga nga pala siya sa kama na tinutulugan ni Irish. Tanging brief lang ang suot niya. Wala na si Irish sa tabi niya."Nalintikan na!" bulong niya sa sarili.Lasing nga siya kagabi ngunit naalala din niya ang kaniyang ginawa! Ang lahat nangyari bago siya tuluyang nakatulog.Isinuot niya ang boxer short niya at tinungo ang bahay nina Christian. Sigurado kasi siyang nandoon na din at tumutulong sa pagluluto ng agahan si Irish. Iyon na kasi ang nak
Pagkababa niya sa naghatid sa kaniya na traysikel ay dumiretso na kaagad siya sa bilihan ng ticket. 10:30 pa raw ang susunod na biyahe papuntang Maynila at 9:45 na sa pambisig niyang orasan. Minabuti niyang mag-agahan na muna sa kalapit na fastfood. Maraming nakapila at isa sa mga natutunan niya ang matiyagang maghintay at pumila. Bakit gano'n? Sa lahat ng gagawin niya ngayon, si Daniel pa rin ang nasa isip niya. Two weeks lang silang magkasama pero bakit ganoon kalaki ang impact niya sa kaniyang buhay? Siguro kasi marami siyang natutunan dito sa totoong buhay. Paano kung magku-krus muli ang landas nila ng lalaking bumago sa kaniyang buhay sa Malakanyang? Kaya pa rin kaya niyang panindigan ang pag-iwas?Kumakain na siya nang tumunog ang kaniyang cellphone."God! Malapit na din akong malowbat!" bulong niya sa sarili.International Call ang nag-appear sa screen ng phone niya."Hello!" Nakilala niya kaagad ang boses na iyon.Si Kurt."Hello! I'm sorry I wasn't able to call you na kasi wa
Nang mga sandaling iyon ay nakaupo si Daniel sa gilid ng daan. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asang mapigilan si Irish. Hindi na kasi niya ito matawagan. Sinapo na lang niya ang ulo niya at ipinasa-Diyos ang kaligtasan ni Irish.Napagkasunduan nila ni Christian na sundan na lang niya sa Tuguegarao at kung nakaalis na si Irish ay babalik na rin siya sa Manila. Pagdating mamaya ng isang jeep, aarkilahin na lang niya iyon para may masakyan siya papunta ng Tuguegarao. Si Christian na lang ang inutusan niyang bumalik sa baryo para kunin ang mga naiwang bagahe nila ni Irish.Huminga siya ng malalim. Nagdadasal siya ng taimtim na sana hindi mangyari kay Irish ang nangyari noon kay Jay. Kung nagkataon, siguradong kahit kailan ay di na niya kayang patawarin ang sarili. Dahil do'n ay unti-unting bumalik sa alaala niya ang lahat.Walang pagsidlan ang kasiyahan nilang tatlo noon sa bus papunta ng Manila. Tatluhan ang upuan noon sa bus at nasa gitna siya. Masaya si Jay at Janna dahil sa wakas ay
"Kuya, wala pa ba yung jeep?" Nagulat siya sa tinurang iyon ni Christian.Nasa tabi na pala niya ito. Ibinababa niya ang mga mga bagahe nila ni Irish sa kariton na hila ni Damulag. Ilang oras na din siya doong naghihintay sa pagdating ng jeep.“Wala pa eh. Antagal nga.”Nakaramdam siya ng pagkauhaw at gutom."Heto nga pala kuya, nagdala ako ng makakain mo at maiinom." Inabot niya ang pagkaing binalot sa dahon ng saging at tubig na inilagay sa lumang bote ng mineral water. "Mamaya darating na rin yung jeep. Ikaw na lang bahalang kakausap kuya. Pera-pera lang naman ang labanan dito.""Sige Bok, salamat dito ha?"Tahimik siyang kumain samantalang si Bok ay nagbasa sa dala nitong English pocketbook.Ilang sandali pa ay dumating na rin ang jeep na aarkilahin niya. Pumayag naman ang driver pero may kalakihan ang sinisingil. Okey na 'yun basta masundan lang niya si Irish. “Paano Bok, mauna na ako ha?”“Pasensiya na kuya, failed ang ating mission.”“Okey lang iyon. Nangyayari talaga ‘yan. Pa
Para sa kaniya, imposible ang tungkol sa kanila ni Jay. Siya nga mismo ay hindi nagsasabing mahal siya. Pakiramdam niya libog lang sa katawan ang namamagitan sa kanila. Naibibigay muna ni Jay ang di niya kayang gawin sa babae. Ngunit dahil desidido siyang gawin ang alam niyang tama lang na gawin ng katulad niyang lalaki, Pinagbigyan niya ang sarili niyang mahalin lang ng lihim si Janna. Iyon ang gusto niya, ang binubulong ng isip niya. Mas magandang tignan na sa babae siya magkakagusto at hindi sa kapwa niya lalaki."Sigurado kang magsusundalo ka talaga?" tanong ni Jay sa kaniya ilang araw bago siya aakyat ng Baguio para sa training niya sa PMA.Si Jay ay nag-enrol sa kilalang University sa Manila at kukuha ng Engineering kaya magkakahiwalay na rin sila sa wakas."Oo, pangarap ko 'yun, e" sagot niya.Gusto rin kasi ng Daddy ni Jay na may susunod sa yapak nito at bilang respeto sa nagpapaaral sa kaniya ay siya na ang nagkusa na pumasok sa PMA."Paano tayo?""Anong tayo?”“Yung tungkol
Ngayon, panibagong buhay sa katauhan naman ni Irish. Mas masalimuot ang pagdating nito sa kaniyang buhay. Sila na ni Janna at nakatakda na ang kanilang kasal ngunit ayaw rin naman niyang basta na lang talikuran si Irish. Paano nga kung hindi nga talaga si Janna ang para sa kanya? Paano kung huli na naman ang kaniyang pagsisisi? Lalo na ngayon at nasa pangangalaga niya si Irish. Sa kaniya naiatang ang kaligtasan nito. Paano niya kakayanin iyon kunsakali lalo pa't sa sandaling pinagsamahan nila ay naramdaman niya ang kabutihan nito. Naramdaman din niya ang pagmamahal nito sa kaniya.Si Irish!Hindi siya puwedeng magkakamali.Si Irish nga!Siya ang nakatitigan niyang nakasakay sa nakasalubong nilang jeep."Pakihinto lang ho sandali, Manong!" malakas niyang nasabi iyon sa driver.Agad naman siyang sinunod ng driver na halatang nabigla sa lakas ng boses nito.Tumingin siya sa side mirror. Nakita niya na tumigil din ang jeep na nakasalubong nila sa hindi kalayuan.Mabilis siyang bumaba.Nak
CHAPTER 100 Christmas Eve. December 24.Abala si Janna sa paghahanda ng kanilang Noche Buena habang tinutulungan siya ng anak na si Raymond. Alam niyang gabi pa darating ang asawa dahil sa pagiging abala nito dahil siya na ang naatasang Chief Commanding Officer ng lahat nga mga PSG ng bansa. Kasabay ng pag-angat ng posisyon nito ang maraming responsibilidad ngunit bilang isang mabait at responsableng maybahay. Lagi niya itong inuunawa. Mahal niya ang kaniyang asawa. Hinding-hindi siya magsasawang pagsilbihan ito at intindihin lalo pa't ramdam din naman niya ang tunay na pagmamahal sa kaniya ni Daniel.Hindi niya inakalang magiging maayos din ang lahat. Akala niya tuluyan na noong mawawala si Daniel sa kaniya at siya lang ang tatayong magulang ng kaniyang ipinagbubuntis. Dahil nagdesiyosn siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Daniel, nilawakan niya ang kaniyang isip na intindihin na lahat ay puwedeng magkamali kaya ngayon, nagkatotoo din ang pangarap niyang magkaroon ng buo at
CHAPTER 99Nakita niya ang mga rosas malapit kay Irish. Mabilis siyang kumuha ng tatlo. Lumapit siya. Hinawakan niya ang bisig ni Irish saka niya ipinahawak dito ang tatlong pulang rosas, bumaba ang hawak niya hanggang sa nagtagpo ang kanilang palad. "Akin na ba talaga ito?" tanong ni Irish. Tumango lang si Christian. Umagos pa rin ang luha sa kaniyang pisngi. Itinaas ni Christian ang kamay ni Irish.Natigilan si Christian nang makita niya ang dugong umagos sa daliri ni Irish dahil siguro sa pagkakatusok niya sa tinik ng rosas na ibinigay niya.Kinuha na muna muli ni Christian ang tatlong rosas sa kamay ni Irish.“Akala ko ba akin na ‘yan?”“Sa’yo lang ito. Kinuha ko lang sandali para mawala yung pagdurugo ng kamay mo. Ibabalik ko rin naman sa’yo kapag nasigurado kong hindi ka na nasasaktan, hindi na dumudugo.”“Hmmmnnn ang lalim naman. Parang yung nangyari lang sa atin ah. Sinabi mong mahal mo ako nang dumudugo pa ang puso ko at binawi mo agad ako kung kailan mahal na kita ngunit h
CHAPTER 98Sumabay ang Nanang niya sa pag-iyak pati na rin ang mga kapatid na pinatapos at pinapaaral niya. Ngunit pagkatapos ng sabik nilang yakapan sa isa't isa ay nauwi sa walang tigil na kuwentuhan at tawanan. Ipinaghanda siya ng mga paborito niyang pagkain. Simple lang naman ang gusto niya. Tinolang native na manok, pinakbet at pritong bangus na mataba ang tiyan. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng paghihirap at pagod niya sa ibang bansa. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka na kasama ng buong pamilyang tunay na nagmamahal.Maaga siyang gumising sa umagang iyon. Nasanay kasi siyang mag-jogging sa umaga. Marami sa mga nakasalubong niya sa daan ang titig na titig sa matikas at maskulado niyang katawan na binagayan pa ng kanyang maputing balat. Lalong tumingkad ang kanyang sobrang kaguwapuhan. Isang parang prinsipe na hindi nababagay sa purok. Hindi na siya yung moreno ngunit may makinis na kutis na medyo patpatin noon kabataan niya. Nakadagdag ng kapogian ni
Dumating ang araw na umuwi siya ng Pilipinas. Paglabas na paglabas niya sa immigration ay sinalubong na siya ng familiar na mukha. Nakangiting itong sumaludo sa kanya. Nang una hindi niya ito agad nakilala dahil sa uniform nito at bahagyang lumaki pa ang katawan. Nagiging yummy daddy na ang minsan ay minahal niya na bodyguard niya. Tinanggal niya ang malaking sunglasses niya. Ang pigil niyang ngiti ay naging tawa hanggang sa hindi na lang niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha. Luha ng kagalakan. Luha ng pagkasabik. Hindi niya alam kung yayakapin niya si Daniel dahil sa na-mimiss din naman niya ito o panatilihin niya ang agwat ng estado nila- si Daniel bilang bodyguard at siya bilang kagalang-galang na President’s Princess.Mabilis ang mga hakbang ni Daniel na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang mga hakbang. Napansin niya ang pamumula ng kaniyang mga mata tanda rin ng pinipigilang pagluha. Kumilos ang kamay niya para yakapin sana ito ngunit bigla niyang binawi. Patay-malisy
"Sayang naman" Huminga nang malalim si Kurt. "Akala ko ba hindi ka madaling sumuko? Akala ko talaga may paninindigan ka?" inulit niya ang sinabi niya kanina baka lang iyon ang magpabago sa desisyon ni Christian."Ewan ko ba? Para kasing gusto kong tulungan muna si Irish na harapin ang buhay niya nang di ako nanggugulo pa." Hinawakan ni Christian ang balikat ni Kurt. "Paano, kailangan ko nang umalis. Sana huwag mo na lang mabanggit pa kay Irish na dumating ako pero hindi ko siya nakausap. Ayos na sa akin yung nakita ko siya bago ako aalis. Sapat na sa akin iyon para lalong magpursigi sa buhay. Kung sakaling kayo ni Irish ang magkasama sa US, sana Bob, alagaan mo siya. Tulungan mo sa mga problema niya. Sana may masasandigan siyang kaibigan."“Hindi ka natatakot na mabuo muli ang pagmamahalan sa pagitan namin? Na maaring maging kami pala sa huli?”“Kung ganoon man ang mangyari, masaya ako para sa’yo, para sa inyo pero naniniwala ako na mapupunta si Irish sa tamang lalaki. Yung lalaking k
Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan
CHAPTER 94Umalis si Christian dahil iyon ang gusto niya. Ngunit habang hindi pa sila nagkikita, wala siyang ibang gawin kundi ang ayusin ang buhay niya at magsimula. Inaamin niyang hindi rin ganoon kadaling kalimutan si Daniel ngunit panahon na lang din ang makapagdedesisyon kung magkikita pa silang muli. Bahala na ang pagkakataon kung sila nga talaga ang itinadhana. Ayaw na niyang maghabol. Pagod na siyang lumaban. Hindi naman kasi kailangang habulin ng habulin ang pagmamahal. Naniniwala siyang kung ang pagmamahal iyon ay ukol sa isang tao, hindi iyon dapat laging ipinaglalaban, dapat umaayon ang lahat. Walang mali, walang dapat katakutan, hindi din dapat ganito ang pakiramdam.Bumalik siya sa Malakanyang na bigo ngunit may nabuong pag-asa sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay mas malakas na siya ngayon.Sinubukan pa rin niyang hanapin si Christian. Pumunta sa dati nitong apartment ngunit sinabi ng kapitbahay nilang matagal na raw na walang umuuwi roon. Dumaan pa ang ilang araw at ha
CHAPTER 93Pagkalapag ng eroplano ay agad na siyang pumunta sa paradahan ng jeep. Nagawa niyang takasan ang kanyang mga bagong PSG. Bahala na kung kagalitan siya ng Mommy o Daddy niya. Ang mahalaga ay maabutan at makausap niya si Christian.Dahil nakaalis na ang huling biyahe ng jeep ay nagdesisyon siyang umarkila na lang ng masasakyan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pinaghandaan na niya ang mga maaring tanong ni Christian sa kaniya. Ayaw niyang isipin ni Christian na panakip-butas lang siya dahil batid niyang noon pa man, may espesyal nang bahagi si Christian sa puso niya. Nauna lang kasing nabuo yung paghanga niya kay Daniel. Naunang umusbong ang pag-ibig para sa nauna niyang bodyguard kaya nagawa niyang i-ignore ang sumisibol na pagmamahal niya para kay Christian. May tumubong paghanga nang panahong iniligtas siya ni Daniel sa kamay ng mga holdaper sa bus. Mula no'n, may kung ano na siyang naramdamang pagtatangi. Huli na nang napansin niya si C
CHAPTER 92 Bakit gano'n? Bakit siya ngayon naguguluhan? Bakit may kung ano siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.Nang una niyang makita si Christian pagbaba niya sa jeep ay matagal silang nagkatitigan. Naiinis lang siya noon kay Daniel at sa mahirap niyang immersion kaya naman ang lahat ay naituon sa pagkaaburido niya. Ngunit noon pa man, napansin na niya ang kaguwapuhan nito. Noon pa man, may kung ano na siyang naramdamang paghanga kay Christian. Madalas na rin ang pagpapansin ni Christian noong unang araw palang niya sa purok. Ang pagbibigay nito ng pagkain nang ayaw niyang humarap sa mga ibang tiga-baryo. Ang pag-gu-goodnight nito sa kaniya na tanging pag-irap lang ang itinutugon niya.Hindi niya makalimutan nang unang nakaramdam siya ng kakaiba noon kay Christian nang magka-angkas silang sumakay sa kalabaw."Natatakot ka ba sa akin Christian?" tanong niya."Hindi Ma’am, nahihiya lang ako.""Bakit ka nahihiya? Lumapit ka nga sa akin baka mahulog ka pa.""Ako mahuhulog? Astig