CHAPTER 2.Malapit lang kasi sa paaralan ang bahay ng Tiya Dely niya. Nakiusap nga ang Nanay niya na doon na muna siya tumira dahil nga sa mga magkakasunod na dumating na malakas na bagyo na siyang sumira sa pananim ng mga magsasaka, idagdad pa ang pagkakasakit ng panganay nila. Pumayag naman ang Tiya Dely niya basta kailangan daw tumulong siya sa mga trabahong bahay at sa carinderia tuwing Sabado at Linggo. Dahil kamag-anak, malayo sa isip niyo na alilain siya ng mga ito. Nang una, mabait naman ang Tiya Dely at ang tiyo at mga pinsan niya ngunit nang naglaon lumabas din ang kanilang masamang ugali. Ang Sabado at Linggo na dapat pagtulong niya sa carinderia ay naging araw-araw na. Kailangan niyang magising ng madaling araw para samahan niya ang Tiya Dely niya sa pamamalengke. Ang masaklap, sa edad niyang sampung taong gulang, pinapabitbit na siya ng mabibigat nilang pinamili. Madalas, nahuhuli siya sa pagpasok sa klase. Kahit sa tanghali, bago siya makapananghalian ay kailangan niya
Last Updated : 2024-01-13 Read more