Titig na titig si Via sa lalaking natutulog, ito ang kan’yang iniibig at minamahal, si Sean Reviano. Ang pagmamahal na bumubugso sa kan’yang kalooban ay hindi na niya mapigilan. Gustong-gusto niyang sabihin ang tatlong sagradong mga salita, ngunit tiyak na matatapos ang kanilang relasyon kapag sinabi niya iyon. Pilit niyang kinakagat ang kaniyang labi at nilulunok ang katagang ‘pagmamahal’ para lang mapanatili ang kanilang walang kinabukasang relasyon.
Marahan n’yang hinaplos ang pisngi ni Sean at napangiti. Tumibok nang mabilis ang kan’yang puso nang magdikit ang kanilang balat. Tumigil sa ere ang kan’yang malambot na kamay nang gumalaw ang lalaki. Nagpakawala ito ng mahinang ungol kaya napakagat s’ya sa kan’yang labi, naalala kasi niya ang nangyari kagabi.
Hindi inalis ni Via ang titig sa napakagwapong mukha ni Sean, para sa kanya ay sobrang perpekto nito, ang kan’yang matangos na ilong, matigas na panga at broken chin. Kitang-kita rin niya ang dalawang dimples na nagpadagdag sa kan’yang perpektong mukha.
Naalala niya ang una nilang pagkikita, noong pumasok siya sa interview room, ni minsan ay hindi nag-angat ng ulo si Sean nang magtanong ang dalawa niyang kasama tungkol sa qualifications niya sa pag-a-apply ng trabaho.
Namumula pa nga ang kan’yang pisngi noon nang makita s’ya ng HRD interviewer matapos siyang mahuling nakasulyap sa perpektong mukha ni Sean.
Napapaisip s’ya kung ano kaya ang kulay ng mga mata ni Sean nang mga oras na ‘yon.
Tama. Asul, kasing lalim ng karagatan.
Ngayon ay nakabukas na ang mga mata ni Sean, titig na titig din ito sa kanya.
“Nasisiyahan ka ba sa pagtitig sa akin?”
Nanginig ang katawan niya nang marinig ang namamaos na tinig ng lalaki. Ni minsan ay hindi niya pinangarap na marinig ang namamaos na boses nito tuwing umaga.
“Hinding-hindi ako makokontentong titigan ang mukha mo,” nahihiyang sagot niya.
Napatawa nang mahina ang lalaki at kinantilan s’ya ng halik sa labi.
“Anong oras na?” tanong ni Sean habang nag-iinat at humihikab.
Napatingin siya sa orasan sa nightstand katabi ng lalaki.
“Maaga pa, alas singko pa lang,” walang ganang sagot niya.
Sisikat na naman kasi ang araw at maghihiwalay na naman sila. Spending their day at the office na hindi nagpapansinan.
Minsan nasasabi niya sa kan’yang sarili na hindi pumayag sa set-up ng relasyon nila pati na ang mga alituntunin na binigay nito sa kaniya simula noong nagsimula ang kanilang relasyon.
Naalala niya noon ang sinabi ni Sean sa kanya- “No Commitment. No Pregnancy. No Wedding. If you still want to have an affair with me, tawagan mo ang numerong ito.”
Noong una, akala niya malakas siya at ang puso niya, pero nagkakamali siya, thinking that an ounce of cotton was not lighter that an ounce of steel. Habang tumatagal ay mas lalo s’yang nahihirapan.
“Mayroon pa tayong dalawang oras, may oras pa para makapag-loving-loving,” saad ni Sean at hinila siya para yakapin. Siniil siya ng halik nito hanggang sa lamunin na naman sila ng pagnanasa.
……………………
Kakasimula pa lang ng tanghalian subalit kumalat na agad ang tsismis tungkol sa balitang engagement ni Sean Reviano sa isang magandang modelo. Puno ng ingay ang canteen ng Luna Star Hotel dahil sa mga empleyadong nagbulong-bulongan tungkol sa balita.
Noong una ay nagbibingi-bingihan lang si Via, subalit hindi niya mapigilang mairita, maging ang sekretarya ni Sean na si Altha ay sobrang ingay din. Sa kasamaang palad, ang mesang kinauupuan nito ay nasa harap niya lang kaya hindi niya mapigilang marinig ang usapan.
“Hindi pa man nililinaw ni Mr. Reviano ang lahat pero iyong nabasa ko kanina ay totoo. Palagi silang nakikitang magkasama sa bawat event na dinadaluhan ni Sir,” sambit ni Amber sa grupo.
“Oo, totoo ‘yan! Kahapon nga ay nakita rin silang magkasamang kumakain sa Moon Cafe,” wika naman ni Reina na hindi nagpapahuli.
“Sabi niya ay close na raw sila noong bata pa. Childhood friend kumbaga kaya hindi na ako magtataka na ikakasal sila ngayon. Si Evelyn ang anak ng isang shipping company conglomerate, hindi rin sila magkakalayo ng status ni Sir Sean.”
Hindi niya namalayan na ang kutsarang hawak-hawak niya ay mababali na dahil sa malakas niyang pagdiin nito.
“Geez, guys, tingnan niyo! Bagay na bagay sila, ‘di ba?”
Mabilis na umakyat si Cece sa mesa at winagayway ang kan’yang telepono sa ere. Ipinakita ng babae sa lahat ang isang litrato ni Sean kasama ang isang babae.
Ang dalawa ay nakayakap sa isa’t-isa wearing their smile and elegant luxury clothes matapos mag-attend sa Gala event.
Sa isang sulyap, nakita niya ang babaeng kasama ni Sean. She felt insecure with her body na hindi gaanong balingkinitan at katangkaran. Kahit ang makeup nito ay napaka perpekto, malinis at alam niyang alagang-alaga ng daang-daang mga espesyalista ang balat.
“Kung sana gan’yan din ang mukha ko kasing ganda nang sa kaniya at galing sa isang mayamang pamilya, lahat ng problema ko ay malulutas na! Nakakainggit naman ang kan’yang perpektong mukha!” wika ni Amber habang nakatingin sa picture.
Napatawa na lang si Altha sa naririnig niyang papuri mula sa katrabaho roon sa babaeng nagngangalang Evelyn. Ngumiti siya nang tipid at napailing, nawalan na siya ng ganang kumain. Napakahirap sa kanya na lunukin ang pagkain.
“May sakit ka ba? Mukhang hindi ka okay,” tanong ni Kezia na katabi niya. Ang dalaga ay hindi kabilang doon sa grupo ng mga humahanga sa boss nila.
“Biglang sumakit ang aking tiyan,” pagpapanggap niya.
“Gosh! Wait, gamitin mo ito!” saad ni Kezia habang tinitingnan siya nang nakaawa at inilahad sa kanya ang eucalyptus oil.
“Salamat, magiging okay rin ako,” saad niya at kinuha ang oil na ibinigay sa kanya.
“Naniniwala ka ba roon sa tsismis?” tanong sa kaniya ni Kezia.
Napakibit-balikat siya. “Hindi ko alam, siguro totoo iyon. Iyong katotohanang dikit na dikit sila sa picture ay sapat na ebidensya na totoo ang tsismis na yun.”
Ngumuso si Kezia at napailing. Aniya, “kung walang paglilinaw, ang tsismis ay mananatiling tsismis.”
Napayuko siya at tamad na tiningnan si Kezia. Gusto niyang matapos na ang breaktime. Maging ang mga tenga niya ay may sariling buhay, nakikinig sa mga usapan sa paligid. Bulong niya sa sarili niyang mas maiging nang magtanong kaysa sa hulaan niya ang mga nangyayari sa paligid, ngunit pinipigilan siya ng kan’yang isip hanggang sa ang kan’yang mata at tenga ay naging bingi sa katotohan.
………
Kakasimula pa lang ng meeting ngunit gusto na niyang matapos iyon. Gusto niyang umidlip para pagising niya ay bumalik ang kagustuhan niyang magtrabaho. Halos lumilipad ang kan’yang isip kung saan, ngunit agad siyang nataranta nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaki, kaya lahat ay napatingin sa kaniya.
“Via, kanina pa kita tinatawag may sakit ka ba?” Bagama’t normal ang boses ng lalaki ay naroon pa rin ang pag-aalala sa boses nito.
Tumikhim siya at nagsimulang magsalita, nahihiya siya dahil sa kanya na naka-focus ang lahat.
“Hindi maganda ang pakiramdam ko simula pa kaninang umaga,” sagot niya at nagpatuloy, “Pasensiya na sa isturbo.”
“Kung hindi pala maganda ang pakiramdam, huwag ka nang uma-attend ng meeting, just take a rest.”
Si Sean ay kilala bilang isang mapagmalasakit na lider, kahit na minsan ay may pagka-strict at disiplinado, pero ang kalusugan ng kan’yang mga empleyado ang palaging prioridad ng lalaki.
“Basta tandaan mo, sabihan mo lang kami kung hindi pala maganda ang pakiramdam mo bago pa man magsimula ang meeting,” saad sa kanya ni Sean habang binubuksan ang mga dokumento sa harap niya.
“Back to the meeting, gusto kong pagbutihan natin ang serbisyo ng Luna Star’s service at…”
Naging okay naman ang meeting as usual, pero siya ay hindi maka-focus. Binaling niya ang kaniyang atensyon kay Sean na nakaupo sa upuan. Nadadarang s’ya sa boses ng lalaki na halos palagi niyang naririnig kada gabi, binubulong ang matatamis at masasamyong salita sa mainit nilang pagsasalo.
Nagtatanong siya sa kan’yang isip, hanggang kailan kaya siya masisiyahan sa setup nila?
Hanggang kailan pupulupot ang makikisig na braso nito sa kaniyang katawan at pro-protektahan habang binabangungot siya tuwing gabi.
Hanggang kailan niya ma-e-enjoy ang matitigas nitong dibdib na laging nakasuot ng formal black suit habang nasa trabaho o marahil- ito na ang huling araw ng kasiyahan niya. Talaga namang she was in a dilemma dahil walang makakapantay sa pigura ng lalaking si Sean Reviano sa buhay niya.
Noong araw na iyon ay maagang umuwi si Via, dahil nag-aalala si Sean na makita ang maputlang mukha nito pagkatapos ng meeting. Masama rin ang pakiramdam niya kaya tinanggap niya ang suhestiyon ng binata.Pagdating sa apartment, balak niya sanang magluto, pero natakot siya na baka pagalitan siya ni Sean dahil imbes na humiga at humilata siya para magpahinga ay abala siya sa paggawa ng sariling hapunan.Tumunog ang kan’yang cell phone senyales na may nag-pop up na bagong mensahe sa notification niya. Alam niyang si Sean iyon. Feeling niya parang psychic ang lalaki dahil alam nito kung ano ang tumatakbo sa isip niya.[ Huwag ka nang magluto ng kahit ano. Magpahinga ka lang. Magdadala ako riyan ng hapunan.][-SR-]Gumuhit ang ngiti sa kan’yang labi, dahil nakuha niya ang atensyon ni Sean Reviano. Feeling niya para siyang niyayakap ng buwan sa kilig. Matapos niyang gawin ang night skin care routine, nagpasya siyang matulog muna. Matagal na nakapikit ang kan’yang mga mata nang maramdaman a
“Hindi ba si Mr. Reviano iyon?” malakas na sambit ni Cece.Napalingon naman ang lahat sa direksyon ng kanilang CEO kasama ang iba pang kalalakihan. Tumango si Altha nang makilala ang pamilyar na mukha ng kanilang CEO. “Mayroon silang private meeting sa hindi kalayuan dito siguro ay lumipat sila ng venue para mag-celebrate,” paliwanag ni Altha sa nagtatanong na mukha ng kanilang katrabaho.“Gosh! Nakakalaglag panty naman ang matitipunong kalalakihang ‘yan! Tingnan mo, halos lahat ng babae rito ay hindi maalis ang tingin sa kanila!” saad ni Reina na lumilingon sa paligid. Si Altha at ang iba pa nilang katrabaho ay nagpatuloy na sumayaw habang siya naman ay nakatayo lamang. Naiilang kasi siya sa presensya ni Sean na hanggang ngayon ay pinagmamasdan siya. “Babalik na ako sa table natin,” saad niya kaya agad na tumango ang kaniyang katrabaho. Sinamahan niya si Kezia na hindi sumali sa dance floor kanina. “Pagod ka na ba?” tanong ni Kezia habang inaabutan siya ng maiinom. Napailing siy
Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata nang marinig ang pagtunog ng alarm clock, pinakiramdaman niya ang kaniyang katabi subalit nadismaya siya nang makita ang malamig na kama, tanda na matagal nang umalis si Sean doon. Matapos i-off ang alarm, umupo siya at napatitig sa bakanteng kanang bahagi ng kama.Hinaplos ng mga daliri niya ang kutson kung saan kadalasang natutulog si Sean. Gusto niyang nasa tabi niya ito at yakapin siya kaagad pagkagising niya. Bihira silang gumising na magkasama, kadalasan si Sean ang unang umaalis at naiiwan siya.“Kailan mo ba talaga ako mapapansin, hindi lang bilang isang parausan?” bulong ni Via na habang pinipigilan ang kan’yang luha. Gusto lang niyang mapansin ni Sean at makita siya bilang kasintahan niya. Maaaring hindi sa lugar na ito, marahil sa ibang lugar kung saan walang nakakakilala sa kanila.Gusto niya lang magsaya sa labas, tulad ng isang normal na mag-kasintahan. Isang romantikong hapunan sa isang five-star restaurant, tumatakbo sa beach, n
Lunes ng umaga, masama ang pakiramdam ni Via. Nagdesisyon siyang magpahinga ng isang araw at hindi muna pumasok sa trabaho. Nakatingin si Sean sa kaniya na may pag-aalala sa mukha. Nagdadalawang-isip itong pumunta sa office nang makita niyang nakahiga pa rin si Via sa kan’yang kama. Pinilit din siya nitong pumunta sa doktor ngunit ayaw niya dahil may trauma siya sa ospital. Alam ni Sean kung bakit siya natatakot at hindi niya na lang pinilit pa.“Oo, Daren,” sambit ni Sean habang tinititigan at pinakikinggan siya ni Via sa pagkikipag-usap nito kay Daren. “Hindi ako makakapasok ngayon,” patuloy pa niyang saad kay Daren sa kabilang linya. “Hmm…Hmm…yup, Oh, Okay, alright,” bulong ni Sean habang naglalakad palayo sa kaniya. Nang makitang nawala na si Sean sa kwarto ay agad siyang napabuntong-hininga. Noong una ay inakala niyang papasok sa trabaho at walang pakialam si Sean ngunit nagkamali siya. Bumilis ang tibok ng puso niya nang sinabihan ni Sean ang Operations Manager na mag-da-day
Tinanong niya kung ano ang gustong kainin ni Sean noong hapong iyon, pero ang sabi lang nito ay sopas ang gusto nitong kainin, kaya napagpasiyahan niyang magluto ng sopas. Hindi rin siya pinayagan ni Sean na bumalik sa trabaho, kaya pinupunan niya ang kan’yang pagkabagot sa pamamagitan ng paggawa ng kahit ano. Pero, noong nanonood siya ng drama sa telebisyon, muling napuno ang screen ng balita tungkol kina Sean at Evelyn, kaya pinatay niya ang screen habang pinipigilan ng kaniyang mga mata ang pagluha.Naiinis siya sa tuwing nanonood siya ng telebisyon, kaya nagpasya siyang huwag buksan ang dalawampu’t siyam na pulgadang telebisyon hanggang gabi. Matapos maluto ang chicken soup, biglang narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pinto. Hindi nagtagal, lumabas si Sean mula sa sala. Ngumiti ito sa kaniya na suot-suot pa niya ang apron niyang pink. “Naaamoy ko ito mula sa parking lot,” panunukso ni Sean. Natawa si Via dahil napakalayo ng parking lot sa unit nila, imposibleng maamoy ito ha
Hindi umuwi si Sean ngayon. Nagdahilan ito na kukunin nito ang mga bagahe sa pribadong penthouse na kahit minsan ay hindi pa siya nakakapunta.Sa simula pa lang ng relasyon nila ay binigyan na siya ni Sean ng pribadong apartment. Noong una, dumadalaw lamang ito kapag kailangan, pagkatapos ay umaalis din nang hindi man lang natutulog sa tabi niya, bumabalik ito sa bahay niya at hindi man lang nagpapalipas ng umaga kasama siya. Ngunit sa paglipas ng panahon ay doon na si Sean tumira sa kan’ya. Sa una, ito ay nanatili lamang ng isang araw o dalawa at hindi na lang niya napansin ay nagiging ilang buwan na. Uuwi si Sean sa kanilang bayan bukas para bisitahin ang kan’yang mga magulang. Pero hindi lang basta ito regular na pagbisita. Noong lunch sa cafeteria ay nabalitaan niya na isang babaeng modelo na nagngangalang Evelyn Madini ang nakatira kung saan malapit sa apartment ni Sean. Kumalat ang tsismis na baka gusto ng CEO na magsagawa ng engagement dahil magkatabi lang ang bahay ng kanila
Bumili siya ng ilang mga gamit sa kusina sa supermarket. Kahit wala si Sean ay hindi naging hadlang sa kaniya ang magluto ng mga menu na gustong-gusto ni Sean. Nang nasa sea food area na siya ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya iniwasan niya agad ito. Maging siya ay naduduwal nang maamoy niya ang karne kaya napalayo siya rito. Siya ay patuloy na nagkalkula ng date ng kan’yang regla. Saglit na naramdaman niya ang tensyon ng katawan dahil may kakaiba sa kan’yang monthly cycle na hindi niya napansin. Kinuha niya ang limang test pack na nakapila sa mga istante at nagpasyang mabilis na lumabas ng supermarket, ngunit napatigil ang kan’yang mga hakbang nang mahagip ng kan’yang mga mata ang tabloid na nakaplaster sa mukha ni Sean bilang pangunahing headline.Hindi niya namalayan na lumapit na pala siya rito at binasa ang title sa bold print:“Evelyn Madini and Sean Reviano’s romance.” Nang hindi maalis ang tingin sa perpektong portrait ni Sean sa cover ng tabloid, binasa niya ang
Sinamahan ni Disya si Via na mukhang wasak na wasak at namumutla ang magandang mukha nito na parang wala na itong ganang ipagpatuloy ang buhay.Nang makita ang depresyon na halatang-halata sa mukha ng babae, umupo si Disya sa harap nito at tinitigan si Via ng mabuti.Napatingin ito sa cellphone na basag-basag ang screen sa sahig. Nanginginig ang mga kamay nito habang kinukuha ang phone ni Via. Naniniwala si Disya na ang laman ng mensahe sa cellphone na iyon ang dahilan kung bakit nasa gano’n ang state ang kaibigan niya.Gaya nga ng inaasahan niya, nasaktan din si Disya sa mensahe ni Sean, nakaramdam pa siya ng sobrang galit para sa lalaki.Ang lakas ng apog nitong saktan ang best friend niya at itapon na parang basura?! Hindi ito tinanggap ni Disya, talagang hindi niya ito mapapatawad. “Via, oh ... Via,” humagulgol si Disya habang hinahaplos ang namamagang mukha ng kaibigan. Nakatitig sa dingding ang mga mata ni Via, natuyo ang mga luha at namamaga pati na ang mga mata.“Ayaw niya