Hinigpitan ni Via ang kaniyang scarf sa leeg dahil sa malamig na hanging nakakapanghina ng buto. Binilisan niya ang kan’yang mga hakbang habang binabagtas ang bahagyang mahangin na mga lansangan sa Manila. Siguro, uulan ngayong gabi, kaya binilisan ni Via ang lakad niya. Kadadating pa lang niya sa tapat ng gusali ng Luna Star nang biglang may bumagal na sasakyan sa gilid ng kalsada kaya napilitan siyang huminto. Napairap siya sa hangin nang makita kung sino ang nasa manibela. “Pumasok ka na sa kotse o papaluin ko ‘yang bilugang puwet mo kapag nakauwi tayo sa bahay,” sabi ng lalaki na nakasandal sa bintana at tinitigan si Via.Sa halip na sundin ang mga sinabi ni Sean ay nagpatuloy si Via sa paglalakad at hindi napigilan ng lalaki na iparada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Walang pakialam si Sean kung makakuha man siya ng ticket sa pulis dahil para sa kan’ya, ang pag-uwi sa sutil na babae sa harapa niya ang mas mahalaga. At sa sobrang pagmamadali ay agad siyang bumaba ng sasakyan
Isang oras pa lang ay nasa kwarto na si Via at nakahiga sa kama nang biglang narinig niya ang tunog ng bell, napabuntong-hininga siya at nagmamadaling buksan ang pinto pero nakita niya si Sean na nakatayo sa harapan niya kasama si Carolus na nasa bisig nito. “Mommy!” tawag ng batang paslit na may malaking asul na bilog na mga mata. Nang makita iyon, nadurog ang puso ni Via dahil sa ilang sandali ay muntik na niyang makalimutan ang kinaroroonan ng anak na naiwan sa bahay kasama ang yaya. Agad na nabaling ang mga mata ni Via sa lalaking nakahawak sa kanilang anak na may inosenteng tingin. “Sabi niya ... na-miss niya ang kan’yang ina,” sabi ni Sean habang bahagyang ibinaling ang katawan sa gilid na dahilan upang bumagsak ang ulo ni Carolus sa dibdib ng kan’yang ama, at ang mga mata ng bata ay tila mabigat na pumikit.Nagkibot-kibot ang mga talukap ni Via nang makita sa harap niya ang mag-ama. Tumikhim si Sean dahil mukhang natulala si Via at nahihirapang magsalita. “Sa tingin ko
Titig na titig si Via sa lalaking natutulog, ito ang kan’yang iniibig at minamahal, si Sean Reviano. Ang pagmamahal na bumubugso sa kan’yang kalooban ay hindi na niya mapigilan. Gustong-gusto niyang sabihin ang tatlong sagradong mga salita, ngunit tiyak na matatapos ang kanilang relasyon kapag sinabi niya iyon. Pilit niyang kinakagat ang kaniyang labi at nilulunok ang katagang ‘pagmamahal’ para lang mapanatili ang kanilang walang kinabukasang relasyon.Marahan n’yang hinaplos ang pisngi ni Sean at napangiti. Tumibok nang mabilis ang kan’yang puso nang magdikit ang kanilang balat. Tumigil sa ere ang kan’yang malambot na kamay nang gumalaw ang lalaki. Nagpakawala ito ng mahinang ungol kaya napakagat s’ya sa kan’yang labi, naalala kasi niya ang nangyari kagabi. Hindi inalis ni Via ang titig sa napakagwapong mukha ni Sean, para sa kanya ay sobrang perpekto nito, ang kan’yang matangos na ilong, matigas na panga at broken chin. Kitang-kita rin niya ang dalawang dimples na nagpadagdag sa ka
Noong araw na iyon ay maagang umuwi si Via, dahil nag-aalala si Sean na makita ang maputlang mukha nito pagkatapos ng meeting. Masama rin ang pakiramdam niya kaya tinanggap niya ang suhestiyon ng binata.Pagdating sa apartment, balak niya sanang magluto, pero natakot siya na baka pagalitan siya ni Sean dahil imbes na humiga at humilata siya para magpahinga ay abala siya sa paggawa ng sariling hapunan.Tumunog ang kan’yang cell phone senyales na may nag-pop up na bagong mensahe sa notification niya. Alam niyang si Sean iyon. Feeling niya parang psychic ang lalaki dahil alam nito kung ano ang tumatakbo sa isip niya.[ Huwag ka nang magluto ng kahit ano. Magpahinga ka lang. Magdadala ako riyan ng hapunan.][-SR-]Gumuhit ang ngiti sa kan’yang labi, dahil nakuha niya ang atensyon ni Sean Reviano. Feeling niya para siyang niyayakap ng buwan sa kilig. Matapos niyang gawin ang night skin care routine, nagpasya siyang matulog muna. Matagal na nakapikit ang kan’yang mga mata nang maramdaman a
“Hindi ba si Mr. Reviano iyon?” malakas na sambit ni Cece.Napalingon naman ang lahat sa direksyon ng kanilang CEO kasama ang iba pang kalalakihan. Tumango si Altha nang makilala ang pamilyar na mukha ng kanilang CEO. “Mayroon silang private meeting sa hindi kalayuan dito siguro ay lumipat sila ng venue para mag-celebrate,” paliwanag ni Altha sa nagtatanong na mukha ng kanilang katrabaho.“Gosh! Nakakalaglag panty naman ang matitipunong kalalakihang ‘yan! Tingnan mo, halos lahat ng babae rito ay hindi maalis ang tingin sa kanila!” saad ni Reina na lumilingon sa paligid. Si Altha at ang iba pa nilang katrabaho ay nagpatuloy na sumayaw habang siya naman ay nakatayo lamang. Naiilang kasi siya sa presensya ni Sean na hanggang ngayon ay pinagmamasdan siya. “Babalik na ako sa table natin,” saad niya kaya agad na tumango ang kaniyang katrabaho. Sinamahan niya si Kezia na hindi sumali sa dance floor kanina. “Pagod ka na ba?” tanong ni Kezia habang inaabutan siya ng maiinom. Napailing siy
Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata nang marinig ang pagtunog ng alarm clock, pinakiramdaman niya ang kaniyang katabi subalit nadismaya siya nang makita ang malamig na kama, tanda na matagal nang umalis si Sean doon. Matapos i-off ang alarm, umupo siya at napatitig sa bakanteng kanang bahagi ng kama.Hinaplos ng mga daliri niya ang kutson kung saan kadalasang natutulog si Sean. Gusto niyang nasa tabi niya ito at yakapin siya kaagad pagkagising niya. Bihira silang gumising na magkasama, kadalasan si Sean ang unang umaalis at naiiwan siya.“Kailan mo ba talaga ako mapapansin, hindi lang bilang isang parausan?” bulong ni Via na habang pinipigilan ang kan’yang luha. Gusto lang niyang mapansin ni Sean at makita siya bilang kasintahan niya. Maaaring hindi sa lugar na ito, marahil sa ibang lugar kung saan walang nakakakilala sa kanila.Gusto niya lang magsaya sa labas, tulad ng isang normal na mag-kasintahan. Isang romantikong hapunan sa isang five-star restaurant, tumatakbo sa beach, n
Lunes ng umaga, masama ang pakiramdam ni Via. Nagdesisyon siyang magpahinga ng isang araw at hindi muna pumasok sa trabaho. Nakatingin si Sean sa kaniya na may pag-aalala sa mukha. Nagdadalawang-isip itong pumunta sa office nang makita niyang nakahiga pa rin si Via sa kan’yang kama. Pinilit din siya nitong pumunta sa doktor ngunit ayaw niya dahil may trauma siya sa ospital. Alam ni Sean kung bakit siya natatakot at hindi niya na lang pinilit pa.“Oo, Daren,” sambit ni Sean habang tinititigan at pinakikinggan siya ni Via sa pagkikipag-usap nito kay Daren. “Hindi ako makakapasok ngayon,” patuloy pa niyang saad kay Daren sa kabilang linya. “Hmm…Hmm…yup, Oh, Okay, alright,” bulong ni Sean habang naglalakad palayo sa kaniya. Nang makitang nawala na si Sean sa kwarto ay agad siyang napabuntong-hininga. Noong una ay inakala niyang papasok sa trabaho at walang pakialam si Sean ngunit nagkamali siya. Bumilis ang tibok ng puso niya nang sinabihan ni Sean ang Operations Manager na mag-da-day
Tinanong niya kung ano ang gustong kainin ni Sean noong hapong iyon, pero ang sabi lang nito ay sopas ang gusto nitong kainin, kaya napagpasiyahan niyang magluto ng sopas. Hindi rin siya pinayagan ni Sean na bumalik sa trabaho, kaya pinupunan niya ang kan’yang pagkabagot sa pamamagitan ng paggawa ng kahit ano. Pero, noong nanonood siya ng drama sa telebisyon, muling napuno ang screen ng balita tungkol kina Sean at Evelyn, kaya pinatay niya ang screen habang pinipigilan ng kaniyang mga mata ang pagluha.Naiinis siya sa tuwing nanonood siya ng telebisyon, kaya nagpasya siyang huwag buksan ang dalawampu’t siyam na pulgadang telebisyon hanggang gabi. Matapos maluto ang chicken soup, biglang narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pinto. Hindi nagtagal, lumabas si Sean mula sa sala. Ngumiti ito sa kaniya na suot-suot pa niya ang apron niyang pink. “Naaamoy ko ito mula sa parking lot,” panunukso ni Sean. Natawa si Via dahil napakalayo ng parking lot sa unit nila, imposibleng maamoy ito ha