“Hindi ba si Mr. Reviano iyon?” malakas na sambit ni Cece.
Napalingon naman ang lahat sa direksyon ng kanilang CEO kasama ang iba pang kalalakihan.
Tumango si Altha nang makilala ang pamilyar na mukha ng kanilang CEO.
“Mayroon silang private meeting sa hindi kalayuan dito siguro ay lumipat sila ng venue para mag-celebrate,” paliwanag ni Altha sa nagtatanong na mukha ng kanilang katrabaho.
“Gosh! Nakakalaglag panty naman ang matitipunong kalalakihang ‘yan! Tingnan mo, halos lahat ng babae rito ay hindi maalis ang tingin sa kanila!” saad ni Reina na lumilingon sa paligid.
Si Altha at ang iba pa nilang katrabaho ay nagpatuloy na sumayaw habang siya naman ay nakatayo lamang. Naiilang kasi siya sa presensya ni Sean na hanggang ngayon ay pinagmamasdan siya.
“Babalik na ako sa table natin,” saad niya kaya agad na tumango ang kaniyang katrabaho. Sinamahan niya si Kezia na hindi sumali sa dance floor kanina.
“Pagod ka na ba?” tanong ni Kezia habang inaabutan siya ng maiinom. Napailing siya nang marahan. “Hindi, masama lang ang pakiramdam ko, may tubig ba?” tanong niya’t tinanggihan ang alok na alak ni Kezia.
Matapos niyang inumin ang kalahating bote ng mineral water, isang anino ang bumalot sa kanila’t natatakpan ng liwanag sa bar. It was Sean’s figure. Nilingon nila ang lalaki’t nakitang nasa harapan pala nila. Gulat na gulat ang ekspresyon ng dalawa at napanganga. Hindi kasi inaasahan na lalapit ang boss sa kanila.
“Mukhang nag-e-enjoy kayo,” wika ni Sean at hindi man lang nagpakita ng interes kay Via.
Tumikhim si Kezia at napatango na lang to say yes.
“Puwede ba akong umupo rito? Mukhang nagkakasiyahan na kasi ang aking mga kliyente sa dance floor, ako na lang ang mag-isa sa table namin.” Tinuro ni Sean ang kanilang table at wala ngang katao-tao na roon.
“Oo naman, Mr. CEO,” kinakabahang sagot ni Kezia.
Mas pinili ni Sean na umupo sa gitna nilang dalawa at nagbukas ng makukuwento sa kanila.
Hindi niya maiwasan ang kaba na kan’yang nararamdaman, nakayuko lang siya at matiim na nakikinig sa lalaki.
Mukhang siyang-siya si Kezia dahil tumataas na ang boses nito habang kausap si Sean.
“Balita ko ikaw ang pinakamahusay sa batch niyo sa kolehiyo?” puri ni Sean na ikinapula ng pisngi ni Kezia.
“Hindi ah, masiyado namang O.A. ang balitang iyan. Marami pa akong dapat matutunan,” mahinhing sagot ni Kezia sa lalaki.
“Si Via, mas may talento iyan. Maliksi at masipag pagdating sa trabaho. Napakasuwerte ko nga dahil nasa iisang departamento lang kami.”
Pinandilatan niya ang babae dahil sa papuri nito sa kanya. Ngayon, siya na naman ang topic nila.
“Tama ka, maraming beses nang niligtas ni Via ang Luna Star dahil sa kan’yang magagandang ideya,” puri ni Sean, kita niya ang pagningning ng asul na mata ng lalaki. Pinigilan niya ang kan’yang paghinga. Nararamdaman niya ang paru-parong nagliliparan sa kan’yang tiyan hanggang sa naramdaman niyang uminit ang kan’yang pisngi.
Maraming beses na umiba ang paksa nila, hanggang sa mabilis na tumibok ang kan’yang puso dahil naramdaman niyang bumaba ang kamay ni Sean at pinagsiklop ang kanilang kamay sa ilalim ng mesa.
Patuloy na nakipag-usap si Sean kay Kezia na para bang walang nangyari. Naramdaman niyang hinihimas ng hinlalaki nito ang kan’yang makinis na balat.
Napayuko siya ng ulo at ngumiti nang maramdaman niya ang init galing sa haplos ni Sean papunta sa kan’yang dibdib.
Nilibot niya ang kan’yang mga mata sa paligid, nangangambang baka may makakita sa kanila . Mabuti na lang at busy ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa.
……
“Kaya niyo pa bang umuwi nang mag-isa? Puwede ko kayong ipahatid sa mga bahay niyo,” alok ni Sean sa kanila.
Nagkatinginan naman sina Altha, Cece, Reina at iba pa. Ang mga mata nila ay puno ng paghanga kay Sean. Sobrang gwapo na nga nito’t mabait pa dahil handa itong alukan sila ng masasakyan.
Gayunpaman, alam nila ang kanilang limitasyon kaya magalang silang tumanggi sa lalaki.
“Salamat sa alok mo, Sir, pero kaya na po naming umuwi mag-isa,” sagot ni Reina na kanina pa namumula ang pisngi dahil nakausap niya ang kanilang CEO.
Hindi naman nagpatalo si Cece, gusto rin nitong malipat ang atensyon ni Sean. “Ako at si Altha ay sasakay na lamang po ng taxi. Hindi na po kailangang mag-alok pa ng masasakyan sa amin.”
Tumango si Kezia at Altha sa sinabi ni Cece. Si Freya ay nahihiyang tumanggi rin. “Susunduin din po ako ng kapatid ko, maraming salamat na lang po sa alok niyo, Sir.”
Ang ngiti ni Sean ay napabihag sa mga babae kaya napaikot siya ng mata. Para bang nakakita ang mga katrabaho niya ng isang napakasikat na artista at maghihingi ng autograph sa lalaki, ang ilan ay pilit pa ring lumalapit kahit na sobrang lawak ng kalsada sa harap ng bar.
Matapos masiguradong ligtas na nakauwi ang lahat, siya ay nilingon ni Sean. Kanina pa siya sobrang tahimik.
“Ngayon, kukunin naman kita,” diretsong sambit ni Sean, dahilan para kumunot ang kan’yang noo. Napalingon siya sa paligid doon mismo sa kan’yang katrabaho subalit wala namang pumapansin sa kanila.
Sa isip ni Sean ay natural lamang na ihatid niya ang babae dahil malayo ang bahay nito rito. Napahinga siya nang maluwag at napatango.
Isa-isang nagsi-alisan ang mga tao patungo sa kani-kanilang destinasyon. Hindi man lang nag-usap sila sa loob ng kotse. Sapat nang nakasiklop ang kanilang mga kamay.
Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan na sinasabayan ng malambing na himig ng musika. Sa sandaling huminto ang kotse sa parking lot, lumabas ang lakaki at pinagbuksan siya ng pinto. Inalalayan siya nitong bumaba dahil nakasuot siya ng mataas na takong.
“Gusto mo bang pumasok?” umaasang tanong niya.
“Sasamahan kita ngayon gabi,” sagot ng lalaki at inalalayan siya papuntang elevator.
Sa mood ngayon ni Sean, alam niyang aangkinin siya nito ngayong gabi. Para bang sasabog ang kan’yang puso dahil sa kasiyahan kahit na nakarinig siya ng tsismis tungkol sa lalaki. Maging ang pakikitungo nito sa kanya ay pareho pa rin ng dati para bang walang nagbago. Pero, kailangan niya pa rin ng eksplinasyon mula kay Sean.
Sinisigaw ng kan’yang puso na maghintay, bumubulong sa kanya na si Sean pa rin, si Sean na palaging nakakasama niya gabi-gabi.
“Paano ka napunta sa bar?” Nagulat kasi siya nang makita itong nasa bar kanina.
“Sabi mo kasi gusto mong pumunta ng bar kaya dinala ko ang aking mga kasosyo sa negosyo roon pagkatapos ng meeting,” sagot ni Sean. Alam niyang ayaw na ayaw ng lalaki na pumupunta siyang bar na hindi ito kasama kaya biglang namula ang kan’yang pisngi.
“Puwede naman tayong pumunta roon nang tayo lang,” walang kamalay-malay niyang saad sa lalaki hanggang sa napaawang ang kan’yang labi dahil na-realize niya ang kan’yang sinabi. Mabilis na napamura siya sa kan’yang isip dahil bawal pa silang lumabas na magkasama.
Natigilan si Sean, bumulong ito pero hindi niya maintindihan.
“May gusto ka bang kainin?” pag-iiba ng topic ng lalaki.
“Kumain na ako bago pa man pumunta sa bar, kung gusto mong kumain, magluluto ako.”
“Hindi, hindi na, kumain na rin kasi ako kanina sa meeting.”
Pumasok silang dalawa sa apartment, pagkasara ng pinto ay agad na inatake siya ni Sean ng halik na kaniya namang tinugunan. Ikinulong siya nito sa dingding habang ang mga malalaking kamay nito ay gumagala sa kan’yang katawan.
“Kanina pa ako nagtitimpi, sobrang ganda mo ngayong gabi,” bulong ni Sean sa gitna ng kanilang halikan. Umungol ang lalaki at mabilis siyang binuhat papunta sa kan’yang kwarto.
Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata nang marinig ang pagtunog ng alarm clock, pinakiramdaman niya ang kaniyang katabi subalit nadismaya siya nang makita ang malamig na kama, tanda na matagal nang umalis si Sean doon. Matapos i-off ang alarm, umupo siya at napatitig sa bakanteng kanang bahagi ng kama.Hinaplos ng mga daliri niya ang kutson kung saan kadalasang natutulog si Sean. Gusto niyang nasa tabi niya ito at yakapin siya kaagad pagkagising niya. Bihira silang gumising na magkasama, kadalasan si Sean ang unang umaalis at naiiwan siya.“Kailan mo ba talaga ako mapapansin, hindi lang bilang isang parausan?” bulong ni Via na habang pinipigilan ang kan’yang luha. Gusto lang niyang mapansin ni Sean at makita siya bilang kasintahan niya. Maaaring hindi sa lugar na ito, marahil sa ibang lugar kung saan walang nakakakilala sa kanila.Gusto niya lang magsaya sa labas, tulad ng isang normal na mag-kasintahan. Isang romantikong hapunan sa isang five-star restaurant, tumatakbo sa beach, n
Lunes ng umaga, masama ang pakiramdam ni Via. Nagdesisyon siyang magpahinga ng isang araw at hindi muna pumasok sa trabaho. Nakatingin si Sean sa kaniya na may pag-aalala sa mukha. Nagdadalawang-isip itong pumunta sa office nang makita niyang nakahiga pa rin si Via sa kan’yang kama. Pinilit din siya nitong pumunta sa doktor ngunit ayaw niya dahil may trauma siya sa ospital. Alam ni Sean kung bakit siya natatakot at hindi niya na lang pinilit pa.“Oo, Daren,” sambit ni Sean habang tinititigan at pinakikinggan siya ni Via sa pagkikipag-usap nito kay Daren. “Hindi ako makakapasok ngayon,” patuloy pa niyang saad kay Daren sa kabilang linya. “Hmm…Hmm…yup, Oh, Okay, alright,” bulong ni Sean habang naglalakad palayo sa kaniya. Nang makitang nawala na si Sean sa kwarto ay agad siyang napabuntong-hininga. Noong una ay inakala niyang papasok sa trabaho at walang pakialam si Sean ngunit nagkamali siya. Bumilis ang tibok ng puso niya nang sinabihan ni Sean ang Operations Manager na mag-da-day
Tinanong niya kung ano ang gustong kainin ni Sean noong hapong iyon, pero ang sabi lang nito ay sopas ang gusto nitong kainin, kaya napagpasiyahan niyang magluto ng sopas. Hindi rin siya pinayagan ni Sean na bumalik sa trabaho, kaya pinupunan niya ang kan’yang pagkabagot sa pamamagitan ng paggawa ng kahit ano. Pero, noong nanonood siya ng drama sa telebisyon, muling napuno ang screen ng balita tungkol kina Sean at Evelyn, kaya pinatay niya ang screen habang pinipigilan ng kaniyang mga mata ang pagluha.Naiinis siya sa tuwing nanonood siya ng telebisyon, kaya nagpasya siyang huwag buksan ang dalawampu’t siyam na pulgadang telebisyon hanggang gabi. Matapos maluto ang chicken soup, biglang narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pinto. Hindi nagtagal, lumabas si Sean mula sa sala. Ngumiti ito sa kaniya na suot-suot pa niya ang apron niyang pink. “Naaamoy ko ito mula sa parking lot,” panunukso ni Sean. Natawa si Via dahil napakalayo ng parking lot sa unit nila, imposibleng maamoy ito ha
Hindi umuwi si Sean ngayon. Nagdahilan ito na kukunin nito ang mga bagahe sa pribadong penthouse na kahit minsan ay hindi pa siya nakakapunta.Sa simula pa lang ng relasyon nila ay binigyan na siya ni Sean ng pribadong apartment. Noong una, dumadalaw lamang ito kapag kailangan, pagkatapos ay umaalis din nang hindi man lang natutulog sa tabi niya, bumabalik ito sa bahay niya at hindi man lang nagpapalipas ng umaga kasama siya. Ngunit sa paglipas ng panahon ay doon na si Sean tumira sa kan’ya. Sa una, ito ay nanatili lamang ng isang araw o dalawa at hindi na lang niya napansin ay nagiging ilang buwan na. Uuwi si Sean sa kanilang bayan bukas para bisitahin ang kan’yang mga magulang. Pero hindi lang basta ito regular na pagbisita. Noong lunch sa cafeteria ay nabalitaan niya na isang babaeng modelo na nagngangalang Evelyn Madini ang nakatira kung saan malapit sa apartment ni Sean. Kumalat ang tsismis na baka gusto ng CEO na magsagawa ng engagement dahil magkatabi lang ang bahay ng kanila
Bumili siya ng ilang mga gamit sa kusina sa supermarket. Kahit wala si Sean ay hindi naging hadlang sa kaniya ang magluto ng mga menu na gustong-gusto ni Sean. Nang nasa sea food area na siya ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya iniwasan niya agad ito. Maging siya ay naduduwal nang maamoy niya ang karne kaya napalayo siya rito. Siya ay patuloy na nagkalkula ng date ng kan’yang regla. Saglit na naramdaman niya ang tensyon ng katawan dahil may kakaiba sa kan’yang monthly cycle na hindi niya napansin. Kinuha niya ang limang test pack na nakapila sa mga istante at nagpasyang mabilis na lumabas ng supermarket, ngunit napatigil ang kan’yang mga hakbang nang mahagip ng kan’yang mga mata ang tabloid na nakaplaster sa mukha ni Sean bilang pangunahing headline.Hindi niya namalayan na lumapit na pala siya rito at binasa ang title sa bold print:“Evelyn Madini and Sean Reviano’s romance.” Nang hindi maalis ang tingin sa perpektong portrait ni Sean sa cover ng tabloid, binasa niya ang
Sinamahan ni Disya si Via na mukhang wasak na wasak at namumutla ang magandang mukha nito na parang wala na itong ganang ipagpatuloy ang buhay.Nang makita ang depresyon na halatang-halata sa mukha ng babae, umupo si Disya sa harap nito at tinitigan si Via ng mabuti.Napatingin ito sa cellphone na basag-basag ang screen sa sahig. Nanginginig ang mga kamay nito habang kinukuha ang phone ni Via. Naniniwala si Disya na ang laman ng mensahe sa cellphone na iyon ang dahilan kung bakit nasa gano’n ang state ang kaibigan niya.Gaya nga ng inaasahan niya, nasaktan din si Disya sa mensahe ni Sean, nakaramdam pa siya ng sobrang galit para sa lalaki.Ang lakas ng apog nitong saktan ang best friend niya at itapon na parang basura?! Hindi ito tinanggap ni Disya, talagang hindi niya ito mapapatawad. “Via, oh ... Via,” humagulgol si Disya habang hinahaplos ang namamagang mukha ng kaibigan. Nakatitig sa dingding ang mga mata ni Via, natuyo ang mga luha at namamaga pati na ang mga mata.“Ayaw niya
Ilang Araw Ang Nakararaan…Sean Reviano POVNapatitig si Sean sa screen ng telepono na naglalaman ng mga text mula sa kan’yang mga magulang at nagtatanong kung kailan siya uuwi. Saglit siyang napatingin sa mga empleyadong nagkikita-kita sa meeting room. Muli niyang ibinalik ang telepono at sinulyapan si Via na hinawi ang mahabang buhok sa likod ng tenga.Hindi niya maalis ang mga mata sa magandang mukha ng babae na nakatingin sa report nito. Napahinga siya ng maluwag at tumingin sa malayo. Bahagya siyang tumikhim kaya nakuha niya ang atensyon ng nakakarami. “Nasaan na tayo?”“Nasa rating ng hotel and review report on the booking room platform, Sir…” Nagpatuloy ang meeting, pero hindi maalis ng mga mata niya ang tingin kay Via na nagpapaliwanag tungkol sa Luna Star Hotel review report na medyo bumaba sa nakaraang buwan. Sa kalagitnaan ng session ay nakita niyang parang nagde-daydream ang babae. Kaya agad niya itong pinagalitan para naman walang masabi ang lahat at hindi masabing m
Na-delayed ang pag-uwi niya sa Maynila dahil sa proyektong ibinigay sa kan’ya ng kan’yang ama.Noong una, naiinis siya dahil matagal siyang mamalagi sa Bicol at Masbate. Pero sa kabutihang palad, nandiyan naman si Evelyn na laging sinasamahan siya kapag nakaramdam siya ng pagkabagot buong araw habang nakatitig lang sa screen ng computer.“Ayaw mo bang sumabay sa aking mag-dinner?” tanong ni Evelyn na naglalakad sa tabi niya. Ninanamnam nila ang hangin, naroon sila sa park na hindi kalayuan sa bahay niya. “Hindi ba’t lagi nating ginagawa iyan tuwing gabi?” tanong niya pabalik nang maaala ang kanilang daily dinner routine. Kung hindi ito gala event, ay yayain sila ng kanilang mga magulang na lumabas para kumain nang magkasama. “Pero sabi mo ayaw mong lumabas ngayong gabi kaya kakain na lang tayo sa bahay mo,” patuloy na saad ni Evelyn.“Hmmm…, pwede naman natin gawin iyon sa susunod. Saan mo gustong pumunta?” tanong niya sa dalaga. “Bahala ka na. Ang importante, magkasama tayong dala