Home / Romance / Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO / KABANATA 9 I ANG BEST FRIEND NIYANG SI DISYA

Share

KABANATA 9 I ANG BEST FRIEND NIYANG SI DISYA

Sinamahan ni Disya si Via na mukhang wasak na wasak at namumutla ang magandang mukha nito na parang wala na itong ganang ipagpatuloy ang buhay.

Nang makita ang depresyon na halatang-halata sa mukha ng babae, umupo si Disya sa harap nito at tinitigan si Via ng mabuti.

Napatingin ito sa cellphone na basag-basag ang screen sa sahig. Nanginginig ang mga kamay nito habang kinukuha ang phone ni Via. Naniniwala si Disya na ang laman ng mensahe sa cellphone na iyon ang dahilan kung bakit nasa gano’n ang state ang kaibigan niya.

Gaya nga ng inaasahan niya, nasaktan din si Disya sa mensahe ni Sean, nakaramdam pa siya ng sobrang galit para sa lalaki.

Ang lakas ng apog nitong saktan ang best friend niya at itapon na parang basura?! 

Hindi ito tinanggap ni Disya, talagang hindi niya ito mapapatawad. 

“Via, oh ... Via,” humagulgol si Disya habang hinahaplos ang namamagang mukha ng kaibigan. 

Nakatitig sa dingding ang mga mata ni Via, natuyo ang mga luha at namamaga pati na ang mga mata.

“Ayaw niya sa akin,” paos at mahinang bulong ni Via. “Hindi niya gusto ang sanggol na ito.”

“Oh... Via.” Hindi alam ni Disya ang sasabihin, tanging nararamdaman niya lang ang sakit ng kaniyang matalik na kaibigan. 

Matagal silang napaupo sa sahig, nilalamon sa parehong kalungkutan.

“Anong gagawin ko?” desperadong tanong ni Via sa kaniya.

“Paano kung magbakasyon at magpakalayo-layo tayo? Ikaw lang at ako,” pilit na kinukumbinsi ni Disya si Via at pilit na nagmamatigas naman ang babae. 

Hinila niya si Via para tumayo sa kinaroroonan niya at dinala sa kwarto. Humiga si Via sa kama, at hinayaan si Disya na gawin ang lahat ng gusto niya nang hindi man lang tumitingin sa matalik na kaibigan.

Tatawagan na sana ni Disya ang number ni Sean na nakalista sa cellphone nito, pero pilit nitong pinipigilan dahil lalo lang lumaki ang sugat nito. 

Hindi niya namamalayan, pinatay ni Via ang telepono at inilagay ito sa isang drawer. 

Nagpasya si Disya na samahan si Via sa kama at niyakap ang matalik na kaibigan na nawawala sa sarili. 

Tahimik silang dalawa na walang ni katiting na ingay hanggang sa makatulog.

.....

Pumasok si Via sa kan’yang superior room sa Luna Star. Naguguluhan na tumingin sa kanya ang lalaking na nasa harap nang bigla niyang iabot ang resignation letter. 

“Gusto mong mag-resign? Sigurado ka ba?” tanong ni Hadley. 

Isang manipis na ngiti ang ibinigay niya sa lalaki, isang ngiti na hindi umabot sa kaniyang mga mata. 

Namumula ang mukha niya na kahit natatakpan ito ng make-up ay kitang-kita pa rin. Higit pa rito, hindi kasing saya ng dati ang mga galaw ng katawan niya. 

“Nakapag-isip-isip na ako.  Pasensiya na at agaran ang aking pag-alis, pero mayroong personal na rason kung bakita ako aalis at walang kinalaman doon ang kompaniya,” sabi niya sa mahinang boses na bahagyang yumuko. 

Napabuntong-hininga si Hadley at bahagyang yumuko ang mga balikat. Tumango na lang ito at pumayag na dahil kitang-kita sa mga mata niya ang determinasyon.

“Sana maghintay ka hanggang sa umuwi ang CEO, pero parang hindi na kita kayang pigilan pa. Kaya, sige. Mag-ulat ka muna sa HRD bago mag-impake ng iyong mga gamit. Ibigay mo lahat ng documents mo kay Kezia bago umalis,” paliwanag ni Hadley habang hinahayaan siya na lumabas ng kwarto. Nagpasalamat siya kay Hadley bago umalis.

Habang nag-aayos ng mga gamit sa desk, tumakbo si Kezia at natatarantang tumingin sa kaniya halatang dismayado itong nakatingin sa kaniya.

“Ano ito? Bakit ka nag-resign?” tanong ni Kezia na medyo nagpapanic ang tono.

“Yeah, personal reason ko lang. Pasensiya ka na hindi pa ako handang ipaliwanang sa iyo ang lahat,” sagot niya na abala pa rin sa paglalagay ng mga gamit niya sa kahon.

“Kung ganoon, paano na lang ako? Alam mong hindi ako makakapagtrabaho ng maigi kapag wala ka?” 

Hinawakan ni Kezia ang kamay niya kaya napahinto siya sa ginagawa niya. 

“Via, wag kang ganiyan. Please don’t go, sino ang sasabay sa akin sa lunch?” naiiyak na tanong ni Kezia habang nakahawak sa mga braso niya.

Binalot ng lungkot ang kaniyang nararamdaman nang makita ang malungkot na mukha ng babae. 

Noong una akala niya ay wala na siyang nararamdamang lungkot subalit mayroon pa pala. 

“I’m sorry,” bulong niya habang pumapatak ang luha sa kaniyang pisngi. Ibinaba niya ang kan’yang kamay at hinila si Kezia para ito ay yakapin ng mahigpit. Iniisip na maaaring ito na ang huling pagkakataon na makakita siya ng isang katrabaho na talagang nagmamalasakit sa kaniya. 

“Pero hindi na ako pwede sa hotel na ito, kailangan mo ring matutunang mag-isa. I’m sure magiging successful ang career mo rito, kahit ikaw ay maaring kunin ang posisyon ko.” Humigpit ang yakap ni Kezia sa kaniya. Saglit lang silang nagyakapan bago tuluyang naghiwalay. 

Agad na umalis siya at nagpaalam sa iba pa niyang kasamahan na lumuluha ang mga mata na umalis sa Luna Star. Sa labas ng gusali, tinitigan niya ang matayog na building.

Inaalala ang kaniyang mga unang araw ng pagiging inosente. 

Kung gaano siya kaligalig noong una na kaya niyang mapaibig ang Sean Reviano at gawin siyang priority. 

Walang pinagkaiba ang lalaking iyon sa ibang lalaki na naghahanap lamang ng init sa katawan at parausan. 

Mabulaklak din ang lumalabas sa bibig nito kaya agad siyang nalinlang ng lalaki. Ang lahat ng iyon ay walang iba kung ‘di isang teleserye lang na napapanuod sa pelikula, hindi totoo at acting lamang. 

Hanggang sa hindi niya namamalayang binigay na niya sa lalaki ang kaniyang buong puso. 

Nagbaba ng tingin siya at naglakad palayo sa Luna Star, umaasang ito na ang huling beses na maririnig niya ang pangalan ni Sean Reviano, at binura sa kan’yang ulo at puso ang alaala ng lalaki. 

....... 

Tinulungan ni Disya si Via na mag-impake ng mga damit sa maleta. 

Tahimik silang nagtratrabaho habang inaayos ang mga personal na gamit ni Via na ayaw nitong iwan. 

Makalipas ang dalawang oras, wala ni isang bakas ng mga gamit ni Via ang napuno sa mamahaling apartment. 

Ang lahat ay mukhang maayos gaya ng unang pagtapak ni Via doon. 

Sumariwa sa alaala ni Via ang unang pagkakataon na dinala siya ni Sean doon habang walang tigil ang paghalik sa kaniya na para bang hindi ito nakuntento sa paghawak lamang. Para silang bagong kasal na lumipat sa bago nilang apartment at doon nag-honeymoon. 

Napakaraming matatamis na alaala ang nakapaloob sa apartment ngunit ngayon ay mukhang madilim na ito matapos mapuno ng iyak niya kagabi.

Mahigpit niyang hinawakan ang doorknob bago lumabas. Ang tunog ng pagsara ng pinto ay tila nagwakas sa relasyon nila ni Sean at mahigpit na ibinaon ang mga alaala nila sa isang silid na ngayon ay iiwan na ni Via. 

Sa mabibigat na hakbang habang humihinga, binitawan ni Via ang lahat, binitawan ang isang bagay na hindi naman sa kanya simula noong una.

Gaya nga ng sinabi ni Sean noong hiniling niya itong lumipat sa apartment. 

“Ang lugar na ito ay pansamantalang tahanan para sa iyo, manatili ka rito para mabisita ko anumang oras.”

Oo, pansamantala lang ang apartment na iyon. Ngayon naiintindihan na ni Via ang ibig sabihin ni Sean. 

Ilang buwan din siyang bulat at bingi, ni hindi niya ma-digest ang lahat ng sinasabi nito sa kaniya noon. Feeling niya para siyang si Cinderella noon.Ngunit ang katotohanan, siya ay walang iba kundi isang kabit. 

Ang tanga-tanga niya. Tangina.

Hinila ni Disya ang kamay ni Via na nakatayo pa rin sa tapat ng pinto ng apartment, walang gana siyang tiningnan ang babae.

“Tara na Via, oras na para umalis tayo sa impyernong ito,” matigas na sabi ni Disya habang hinihila ang matalik na kaibigan palayo sa lugar na puno ng alaala. 

Tumakbo si Via habang hila-hila ni Disya, paulit-ulit na nagre-replay sa kaniyang ulo ang mga alaalang pinagsaluhan nila ni Sean. 

Sa huli ay sinundan niya ang kaibigan na naghatid sa kaniya sa elevator, iniwan niya ang lahat ng alaala kasama si Sean Revino. Ang minsang nagpakilig at napamahal sa kaniya ng lubusan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jennefer Fernandez
sino ka author,congrats syo napaiyak moko...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status