Pumasok si Sean sa malamig na apartment nila ni Via. Wala nang maamoy na mantikilya at matamis na mga baking cake na dating bumubungad sa kaniyang kapag papasok sa loob. Mabibigat ang kaniyang mga hakbang habang lumapit sa sala. Sinadya niyang hindi buksan ang mga ilaw at hinayaang maging madilim ang kapaligiran. Para saan pa? Ni hindi niya naman makikita ang pigura ni Via. Pumasok si Sean sa kwarto. Napalanghap siya ng hangin, tila ba inaamoy ang huling halimuyak ng babae bago ito umalis ngunit nabigo siya. Wala man lang siyang maamoy ni kunti. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa bakanteng kama. Nilibot niya ang silid na minsang inookupahan ni Via. Hinawakan niya ang bawat bagay na maaaring may fingerprints ng babae. Not to mention the surface of the mattress na kakapalit lang ng kumot. Nabigo ang kaniyang puso dahil tanging lamig lang ang natanggap niya sa bawat haplos doon. Mukhang tama nga si Daren, kailangan niyang kalimutan si Via at lahat ng alaala nilang magkasa
Mabilis na lumipas ang taglamig. Nagtrabaho si Via sa Cherry Blossom Inn nang halos dalawang linggo. Parang hindi niya kayang makibagay sa Baguio dahil sa pagiging palakaibigan ng mga tao.Nakahinga siya ng maluwag dahil wala man lang siyang narinig sa bayan na balita tungkol kay Sean at maging ang mga tao sa nayon ay walang pakialam sa mga ganoong bagay. Para sa kanila, estranghero lang ang mga artista na hindi masyadong karapat-dapat na pagtuunan ng pansin, sobrang layo nga talaga ng kabihasnan dito. Pero isa sa pinoproblema niya ay si Disya, madalas na kino-contact ng best friend niya siya at minsan ay dinadala ang topic tungkol kay Sean na siyempre hindi niya pinapakinggan. “Sabi ko naman sa iyo, huwag mo nang i-mention ang pangalan ng lalaking iyon,” sabi ni Via kay Disya na nasa kabilang linya. “Pero kailangan mo ring malaman kung ano ang nangyayari, Via. Ang lalaking iyon ang ama ng iyong anak. Kung hindi mo ako pinigilan ay malang masasampal ko siya, ipapahiya ko siya sa pu
Nakapatong sa mesa ang kulay gintong imbitasyon na iniwan ni Evelyn at hindi man lang niya ginalaw.Blanko siyang nakatingin sa nakaukit na pangalan ni Sean hanggang sa nakaramdam siya ng kirot sa puso nang mapatingin sa pangalan ni Evelyn Madini, magkatabi lamang sa pangalan ng kaniyang minamahal.Isang luha ang bumagsak sa pisngi niya. Nakayuko ang mukha at pilit na pinipigilang mapahagulhol. “Mom...” umiiyak na tawag ni Via nang biglang na-miss ang kaniyang ina. Kailangan niya ng isang bagay upang palakasin ang kan’yang sarili at tanging ang kan’yang ina at ang hindi pa isinisilang na sanggol ang nasa isip niya. Ang pagpapalaglag sa sanggol ay katumbas ng pagpatay sa kaniyang sarili. Iniisip pa lang niyang mawawala sa kaniya ang bata ay para bang hindi na siya makahinga.Si Sean at Evelyn ay nagmula sa mayayamang pamilya, talagang ang batas ay nasa kanilang panig. Kung tutuusin, ordinaryong mamamayan lang siya, isang tweet lang sa Ingram ay maaaring maging basura siya sa mata ng
Napatalon si Willow mula sa sofa nang makita ang maputlang mukha ni Via. “Via! God, sobrang lamig ba sa labas? Bakit sobrang putla mo na?” ani ni Willow na agad namang sumalubong kay Via sa may pintuan. Malamya ang katawan ni Via hanggang sa inalalayan siya ni Willow, inakbayan siya ng babae at pinahiga sa kaniyang kama.“Gusto mo bang ipagtimpla kita ng tsaa?” nag-aalalang tanong ni Willow. Tumango lang si Via nang hindi umiimik. “Sandali,” sabi ni Willow at pumunta sa kusina. Tinawagan niya si Asher pagkarating niya sa pantry.“Anong meron?” tanong ni Asher sa kabilang linya. “May sakit yata si Via, pwede bang bumisita dito si Doctor Ares?”May tunog ng kandado at pagbukas ng pinto mula sa kabilang linya nang marinig ni Asher ang gulat sa boses ng kan’yang pinsan.“Pupunta ako riyan, teka lang,” nagmamadaling sabi ni Asher. “Ihahatid ko si Ares, tapos na yata ang shift niya sa clinic.” Nang marinig ang mabilis na tugon ng kan’yang pinsan ay nakahinga ng maluwag si Willow. Agad
“Sabi ni Asher magpahinga ka na lang sa bahay. Hindi mo kailangang pumunta ng Cherry Blossom ng ilang araw,” sabi ni Willow na naghain ng pagkain sa tabi ng kama ni Via. “Okay na ang pakiramdam ko, Willow. Mababagot lamang ako rito dahil wala akong ginagawa,” ani ni Via. Aalis na sana siya, pero pinigilan siya ni Willow. “Hindi! Hindi! Magpahinga ka lang. Bukod dito, marami kang magagawa sa bahay, halimbawa na lang ang paggagantsilyo,” suhestiyon ni Willow sa kaniya. Napabuntong-hininga si Via, at napatingin sa orasan sa nightstand. Masyado pa namang maaga. Maging ang araw ay sumisikat pa lamang. Nang makitang seryoso ang mukha ni Willow ay napabuntong hininga siya. “Sasamahan kita subalit hanggang sa tanghali lamang dahil may aasikasuhin ako ngayon,” sabi ni Willow na tila bang nag-aatubiling iwan si Via-ng mag-isa. Ngumiti siya at mahinang tinapik ang balikat ni Willow.“Huwag kang mag-alala. Matanda na ako para alalahanin mo pa.” Tumango si Willow at tinapos na lang ang ginaga
Tiningnan ni Via ang business card na hawak niya pagkaalis ni Willow sa village. Nag-aalangan niyang dinayal ang numero ni Daren Osbert.Hirap man siyang magdesisyon, nagpasya si Via na pindutin ang call button.“Hello,” sagot nang lalaki sa kabilang linya. Saglit na natahimik si Via habang napakagat ng labi. Sa kabilang banda, napagtanto ni Daren na si Via ang tumatawag pero hinintay niya muna itong magsalita. Tumikhim si Via at binati si Daren na matagal nang nanahimik. “Ako ito,” sabi ni Via, pagbubukas ng usapan. “Pwede ka nang pumunta rito.”“Okay,” sagot ni Daren at pinatay ang tawag. Kalahating oras siyang naghintay nang makita ni Via ang isang sasakyan na papasok sa bakuran ng rancho. Sabik niyang hinintay si Daren habang lumabas ng sasakyan at baglakad patungo sa terrace. “Pasok ka,” paanyaya ni Via. Umupo silang dalawa sa tapat ng isa’t isa sa parehong posisyon tulad ng kahapon. “Ito ay isang panibagong dokumento. Basahin mo muna,” sabi ni Daren habang naglalabas ng
Tiningnan ni Sean ang sarili sa salamin. Nakasuot siya ng itim na suit at napatingin siya sa kaniyang mukha.“You look nice, man,” sabi ni Daren na pumasok sa kwarto ni Sean. Ginanap ang engagement party nina Sean at Evelyn sa isa sa mga property ng pamilyang Reviano hindi kalayuan sa Manila.Nilingon ni Sean ang kaibigan. “Tulungan mo nga akong mawala na parang bula? O kaya suntukin mo na lang ako para himatayin, pwede ba?” tanong ni Sean na may seryosong mukha. Natawa si Daren, iniisip nitong nagbibiro lang si Sean ngunit napatakip ang kan’yang bibig nang mapagtantong walang pagbabago sa ekspresyon ng lalaki ss harapan. “Are you kidding me?” tanong ni Daren. Pumasok siya sa kwarto at nag-aalalang tumingin kay Sean.“Hindi naman masama ang pakasalan si Evelyn, buddy.” Nang makita ang hindi nakangiting mukha ni Sean, kinurot ang puso ni Daren. Hindi niya akalain na magiging ganito ang reaksyon ni Sean.Hinawakan nang mahigpit ni Daren ang balikat ni Sean.“Please, huwag mong ipah
Mabilis na lumipas ang araw mahigit isang buwan nang nasa Baguio si Via. Siya ay kasalukuyang tatlong buwang buntis. Hiniling ng dalawang magpinsan na magpa-check up siya kapag nasa ikalawang trimester na siya.Kinahapunan sakay ng kaniyang mustang, huminto si Via sa harap ng paradahan ng Baguio Supermarket.Mayroong dalawang supermarket sa nayon, ngunit ito lamang ang lugar na may pinakamaraming stock kaya doon sila pumunta. “Nakausap mo na ba ang doktor na inirerekomenda ni Ares?” tanong agad ni Willow pagkababa nila ng sasakyan. Umiling naman si Via. “Okay ka ba next week? Magpapa-appoint na agad ako,” mungkahi ni Willow. “Okay, ikaw na ang bahala roon,” pagsang-ayon ni Via, hindi gano’n kasigla si Via kaya nalungkot si Willow para sa kaibigan.Bumaba sa sasakyan ang dalawang babae at pumasok sa supermarket. Binili ang mga groceries na nasa listahan.“Gosh, ang bilis tumaas ng presyo ng gatas,” protesta ni Willow nang makita ang pagtaas ng presyo na nakatatak sa gatas. Tila wala