Mabilis na lumipas ang taglamig. Nagtrabaho si Via sa Cherry Blossom Inn nang halos dalawang linggo. Parang hindi niya kayang makibagay sa Baguio dahil sa pagiging palakaibigan ng mga tao.Nakahinga siya ng maluwag dahil wala man lang siyang narinig sa bayan na balita tungkol kay Sean at maging ang mga tao sa nayon ay walang pakialam sa mga ganoong bagay. Para sa kanila, estranghero lang ang mga artista na hindi masyadong karapat-dapat na pagtuunan ng pansin, sobrang layo nga talaga ng kabihasnan dito. Pero isa sa pinoproblema niya ay si Disya, madalas na kino-contact ng best friend niya siya at minsan ay dinadala ang topic tungkol kay Sean na siyempre hindi niya pinapakinggan. “Sabi ko naman sa iyo, huwag mo nang i-mention ang pangalan ng lalaking iyon,” sabi ni Via kay Disya na nasa kabilang linya. “Pero kailangan mo ring malaman kung ano ang nangyayari, Via. Ang lalaking iyon ang ama ng iyong anak. Kung hindi mo ako pinigilan ay malang masasampal ko siya, ipapahiya ko siya sa pu
Nakapatong sa mesa ang kulay gintong imbitasyon na iniwan ni Evelyn at hindi man lang niya ginalaw.Blanko siyang nakatingin sa nakaukit na pangalan ni Sean hanggang sa nakaramdam siya ng kirot sa puso nang mapatingin sa pangalan ni Evelyn Madini, magkatabi lamang sa pangalan ng kaniyang minamahal.Isang luha ang bumagsak sa pisngi niya. Nakayuko ang mukha at pilit na pinipigilang mapahagulhol. “Mom...” umiiyak na tawag ni Via nang biglang na-miss ang kaniyang ina. Kailangan niya ng isang bagay upang palakasin ang kan’yang sarili at tanging ang kan’yang ina at ang hindi pa isinisilang na sanggol ang nasa isip niya. Ang pagpapalaglag sa sanggol ay katumbas ng pagpatay sa kaniyang sarili. Iniisip pa lang niyang mawawala sa kaniya ang bata ay para bang hindi na siya makahinga.Si Sean at Evelyn ay nagmula sa mayayamang pamilya, talagang ang batas ay nasa kanilang panig. Kung tutuusin, ordinaryong mamamayan lang siya, isang tweet lang sa Ingram ay maaaring maging basura siya sa mata ng
Napatalon si Willow mula sa sofa nang makita ang maputlang mukha ni Via. “Via! God, sobrang lamig ba sa labas? Bakit sobrang putla mo na?” ani ni Willow na agad namang sumalubong kay Via sa may pintuan. Malamya ang katawan ni Via hanggang sa inalalayan siya ni Willow, inakbayan siya ng babae at pinahiga sa kaniyang kama.“Gusto mo bang ipagtimpla kita ng tsaa?” nag-aalalang tanong ni Willow. Tumango lang si Via nang hindi umiimik. “Sandali,” sabi ni Willow at pumunta sa kusina. Tinawagan niya si Asher pagkarating niya sa pantry.“Anong meron?” tanong ni Asher sa kabilang linya. “May sakit yata si Via, pwede bang bumisita dito si Doctor Ares?”May tunog ng kandado at pagbukas ng pinto mula sa kabilang linya nang marinig ni Asher ang gulat sa boses ng kan’yang pinsan.“Pupunta ako riyan, teka lang,” nagmamadaling sabi ni Asher. “Ihahatid ko si Ares, tapos na yata ang shift niya sa clinic.” Nang marinig ang mabilis na tugon ng kan’yang pinsan ay nakahinga ng maluwag si Willow. Agad
“Sabi ni Asher magpahinga ka na lang sa bahay. Hindi mo kailangang pumunta ng Cherry Blossom ng ilang araw,” sabi ni Willow na naghain ng pagkain sa tabi ng kama ni Via. “Okay na ang pakiramdam ko, Willow. Mababagot lamang ako rito dahil wala akong ginagawa,” ani ni Via. Aalis na sana siya, pero pinigilan siya ni Willow. “Hindi! Hindi! Magpahinga ka lang. Bukod dito, marami kang magagawa sa bahay, halimbawa na lang ang paggagantsilyo,” suhestiyon ni Willow sa kaniya. Napabuntong-hininga si Via, at napatingin sa orasan sa nightstand. Masyado pa namang maaga. Maging ang araw ay sumisikat pa lamang. Nang makitang seryoso ang mukha ni Willow ay napabuntong hininga siya. “Sasamahan kita subalit hanggang sa tanghali lamang dahil may aasikasuhin ako ngayon,” sabi ni Willow na tila bang nag-aatubiling iwan si Via-ng mag-isa. Ngumiti siya at mahinang tinapik ang balikat ni Willow.“Huwag kang mag-alala. Matanda na ako para alalahanin mo pa.” Tumango si Willow at tinapos na lang ang ginaga
Tiningnan ni Via ang business card na hawak niya pagkaalis ni Willow sa village. Nag-aalangan niyang dinayal ang numero ni Daren Osbert.Hirap man siyang magdesisyon, nagpasya si Via na pindutin ang call button.“Hello,” sagot nang lalaki sa kabilang linya. Saglit na natahimik si Via habang napakagat ng labi. Sa kabilang banda, napagtanto ni Daren na si Via ang tumatawag pero hinintay niya muna itong magsalita. Tumikhim si Via at binati si Daren na matagal nang nanahimik. “Ako ito,” sabi ni Via, pagbubukas ng usapan. “Pwede ka nang pumunta rito.”“Okay,” sagot ni Daren at pinatay ang tawag. Kalahating oras siyang naghintay nang makita ni Via ang isang sasakyan na papasok sa bakuran ng rancho. Sabik niyang hinintay si Daren habang lumabas ng sasakyan at baglakad patungo sa terrace. “Pasok ka,” paanyaya ni Via. Umupo silang dalawa sa tapat ng isa’t isa sa parehong posisyon tulad ng kahapon. “Ito ay isang panibagong dokumento. Basahin mo muna,” sabi ni Daren habang naglalabas ng
Tiningnan ni Sean ang sarili sa salamin. Nakasuot siya ng itim na suit at napatingin siya sa kaniyang mukha.“You look nice, man,” sabi ni Daren na pumasok sa kwarto ni Sean. Ginanap ang engagement party nina Sean at Evelyn sa isa sa mga property ng pamilyang Reviano hindi kalayuan sa Manila.Nilingon ni Sean ang kaibigan. “Tulungan mo nga akong mawala na parang bula? O kaya suntukin mo na lang ako para himatayin, pwede ba?” tanong ni Sean na may seryosong mukha. Natawa si Daren, iniisip nitong nagbibiro lang si Sean ngunit napatakip ang kan’yang bibig nang mapagtantong walang pagbabago sa ekspresyon ng lalaki ss harapan. “Are you kidding me?” tanong ni Daren. Pumasok siya sa kwarto at nag-aalalang tumingin kay Sean.“Hindi naman masama ang pakasalan si Evelyn, buddy.” Nang makita ang hindi nakangiting mukha ni Sean, kinurot ang puso ni Daren. Hindi niya akalain na magiging ganito ang reaksyon ni Sean.Hinawakan nang mahigpit ni Daren ang balikat ni Sean.“Please, huwag mong ipah
Mabilis na lumipas ang araw mahigit isang buwan nang nasa Baguio si Via. Siya ay kasalukuyang tatlong buwang buntis. Hiniling ng dalawang magpinsan na magpa-check up siya kapag nasa ikalawang trimester na siya.Kinahapunan sakay ng kaniyang mustang, huminto si Via sa harap ng paradahan ng Baguio Supermarket.Mayroong dalawang supermarket sa nayon, ngunit ito lamang ang lugar na may pinakamaraming stock kaya doon sila pumunta. “Nakausap mo na ba ang doktor na inirerekomenda ni Ares?” tanong agad ni Willow pagkababa nila ng sasakyan. Umiling naman si Via. “Okay ka ba next week? Magpapa-appoint na agad ako,” mungkahi ni Willow. “Okay, ikaw na ang bahala roon,” pagsang-ayon ni Via, hindi gano’n kasigla si Via kaya nalungkot si Willow para sa kaibigan.Bumaba sa sasakyan ang dalawang babae at pumasok sa supermarket. Binili ang mga groceries na nasa listahan.“Gosh, ang bilis tumaas ng presyo ng gatas,” protesta ni Willow nang makita ang pagtaas ng presyo na nakatatak sa gatas. Tila wala
Isang paparazzi ang nasa motel sa dating tinutuluyan ni Evelyn. Nagpakita ang paparazzi ng ilang larawan sa kan’yang kasamahan sa pamamagitan ng pag-send sa telepono habang kausap ang mga ito. “Tingnan mo, hindi ako nagsisinungaling nang may nakita akong kakaiba sa kanilang pakikipag-ugnayan,” paliwanag ni Hilda, isang paparazzi na nakatuon sa lahat ng mga aktibidad ni Evelyn Madini. “Baka isang casual meeting lang, baka magkaibigan lang ang dalawang babae,” sabi ng isang lalaki sa kabilang linya. Bumuntong-hininga si Hilda sa inis at hiniling ang kapareha na bumalik para tingnan ang mga larawang ipinadala niya.“Tingnan mong mabuti, halatang pinag-uusapan nilang dalawa ang tungkol sa isang contractual silence agreement, at nakakapagtaka na binigyan ni Evelyn ang babaeng ito ng milyong dolyar na tseke.” Binalikan ni Hilda ang mga litratong nakuha niya kanina. Mabuti na lang at may transparent na dingding sa Cherry Blossom na gawa sa salamin kaya malaya siyang nakakakuha ng mga lar
Isang oras pa lang ay nasa kwarto na si Via at nakahiga sa kama nang biglang narinig niya ang tunog ng bell, napabuntong-hininga siya at nagmamadaling buksan ang pinto pero nakita niya si Sean na nakatayo sa harapan niya kasama si Carolus na nasa bisig nito. “Mommy!” tawag ng batang paslit na may malaking asul na bilog na mga mata. Nang makita iyon, nadurog ang puso ni Via dahil sa ilang sandali ay muntik na niyang makalimutan ang kinaroroonan ng anak na naiwan sa bahay kasama ang yaya. Agad na nabaling ang mga mata ni Via sa lalaking nakahawak sa kanilang anak na may inosenteng tingin. “Sabi niya ... na-miss niya ang kan’yang ina,” sabi ni Sean habang bahagyang ibinaling ang katawan sa gilid na dahilan upang bumagsak ang ulo ni Carolus sa dibdib ng kan’yang ama, at ang mga mata ng bata ay tila mabigat na pumikit.Nagkibot-kibot ang mga talukap ni Via nang makita sa harap niya ang mag-ama. Tumikhim si Sean dahil mukhang natulala si Via at nahihirapang magsalita. “Sa tingin ko
Hinigpitan ni Via ang kaniyang scarf sa leeg dahil sa malamig na hanging nakakapanghina ng buto. Binilisan niya ang kan’yang mga hakbang habang binabagtas ang bahagyang mahangin na mga lansangan sa Manila. Siguro, uulan ngayong gabi, kaya binilisan ni Via ang lakad niya. Kadadating pa lang niya sa tapat ng gusali ng Luna Star nang biglang may bumagal na sasakyan sa gilid ng kalsada kaya napilitan siyang huminto. Napairap siya sa hangin nang makita kung sino ang nasa manibela. “Pumasok ka na sa kotse o papaluin ko ‘yang bilugang puwet mo kapag nakauwi tayo sa bahay,” sabi ng lalaki na nakasandal sa bintana at tinitigan si Via.Sa halip na sundin ang mga sinabi ni Sean ay nagpatuloy si Via sa paglalakad at hindi napigilan ng lalaki na iparada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Walang pakialam si Sean kung makakuha man siya ng ticket sa pulis dahil para sa kan’ya, ang pag-uwi sa sutil na babae sa harapa niya ang mas mahalaga. At sa sobrang pagmamadali ay agad siyang bumaba ng sasakyan
Nilagyan ni Via ng maligamgam na tubig ang bathtub at nilagay ang bomb bath doon nang biglang narinig niya ang tunog ng pagsara ng pinto ng banyo. Lumingon saglit si Via at napanganga, tiningnan niya si Sean na parang nagtatanong kung bakit ito naroon. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Via sabay tingin sa pinto. “Maliligo, of course,” sagot ni Sean na nagsimulang maghubad.Paano niya nagawang maligo at hinayaan lang si Caro na mag-isa sa labas? Hinugot ni Via ang isang tuwalya mula sa istante at isinuot ito saka nilagpasan ang kan’yang asawa ngunit ang mga braso ni Sean ay pumulupot sa kan’yang baywang kaya agad na napatigil si Via. “Binigyan ko siya ng laruan. Kaya huwag kang mag-alala, Baby,” mahinang sabi ni Sean na para bang nag-uusap sila tungkol sa isang kuting sa labas na naiwan mag-isa sa halip na sa isang sampung buwang gulang na sanggol.“Gosh! Paano kung umiyak siya, Sean? Walang nag-aalaga sa kan’ya ngayon,” protesta ni Via habang sinusubukang kumawala.Sa kasamaang
“Isekreto natin... sa lahat?” pabulong na tanong ni Via, sa harap mismo ng labi ni Sean. Dahil sa liwanag na naaninag mula sa mga gusali sa paligid kaya kumikinang ang kanilang mga basang labi.“Oo,” sambit ng lalaki na sinundan ng ungol nang dumaan ang tungki ng ilong niya sa likod mismo ng leeg ng dalaga dahilan para manginig ang katawan nito. Muling pumikit si Via nang mag-iwan ng bakas ng halik si Sean sa kan’yang sensitibong balat sa leeg. “Sean,” tawag ni Via na hindi maintindihan kung ano ang gusto ng katawan. “Yes, Baby,” sagot ni Sean habang hinihila ang bewang ni Via para magkadikit ang ibabang bahagi ng katawan nila. Napatalon si Via sa gulat nang maramdaman niyang may dumidikit sa kan’yang pagkababae na ikinatawa ni Sean ng mahina at sinadyang halikan ang labi ng babae. Noong una ay kinakantilan at tinutukso lang ni Sean ang pang-ibabang labi ni Via at kinagat-kagat ng marahan, pagkatapos ay ipinasok niya ang dila niya sa labi ng dalaga kaya medyo bumuka ang bibig ni
Napatingin si Sean sa kan’yang wrist watch. Makalipas ang labin-limang minutong paghihintay, bumaba siya ng sasakyan at nagmamadaling umakyat sa hagdanan patungo sa apartment ni Via. Sinadya niyang bagalan ang mga hakbang para mas may oras si Via sa paghahanda. Agad siyang pumasok sa corridor nang biglang huminto ang kan’yang mga hakbang at nadatnan ang isang babaeng nakasilip mula sa apartment sa tabi ng kwarto ni Via. “Ikaw ba ang manliligaw ni Viania?” bulong ng babaeng ipinakita ang kalahating mukha nito at kanang mata lang ang ipinakita habang ang kabilang parte ng katawan ay nakaharang sa pinto. Nilagay ni Sean ang hintuturo sa labi niya na para bang sinasabi niyang manahimik at agad namang tinakpan ng babae ang kaniyang bibig gamit ang isang kamay habang tumatango, saka dahan-dahang isinara muli ang pinto ng apartment. Matapos matiyak na walang nang isturbo, kumatok si Sean sa marupok na pinto ni Via. Mula sa kan’yang nakatayong posisyon, masasabi ni Sean na kadalasan ay
Tumitibok pa rin ang puso ni Via nang makabalik siya sa kan’yang silid. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang takot. Kahit ang isang tanong ay pumasok sa kan’yang isipan; paano kung pumasok si Devan sa opisina niya? Agad na ni-lock ni Via ang pinto dahil ayaw niyang may biglang pumasok sa kaniyang opisina. Sana lang ay hindi magtanong ang kan’yang amo na si Hadley. Pagbalik sa upuan, sinubukan ni Via na mag-focus sa pagkumpleto ng mga dokumento sa computer ngunit hindi pa rin siya mapakali. Agad niyang hinanap ang AC remote para mapababa ang temperatura ng kwarto. Isang tunog ng mensahe sa kan’yang telepono ang agad na nagpagising kay Via. Umaasa siyang si Sean iyon. Sean: [Okay ka lang?] Nabato si Via ng ilang minuto nang mabasa niya ang mensahe. Nag-type siya ng ilang salita, pagkatapos ay binura muli, hindi niya sigurado kung ano ang sasabihin.Huminto ang daliri niya nang nabasa ang kaniyang tinipa ‘hindi okay’ at agad niyang ipinatong ang ulo sa mesa habang nasa tabi niya ang
Nakatuon ang tingin ni Sean sa CCTV habang naroon si Via sa screen at nagpapakita ng mga pinaggawa nito sa pribadong office ng dalaga. Blangko siyang nakatingin doon habang ang isa niyang kamay sa mesa ay gumagalaw, may ritmong parang tunog ng yapak ng kabayo. Nang makatayo si Via sa kan’yang inuupuan at lumabas ng kwarto ay agad na pinalitan ni Sean ang screen ng CCTV sa bawat corridor na kan’ang madaanan. Binati ni Via ang ilang empleyado at huminto sandali para makipag-usap. Nakikita ang bawat routine ng babae, itinuon ni Sean ang kan’yang atensyon sa trabaho sa desk at humigop ng kape habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa screen ng CCTV. Ngayon ay lumipat si Via patungo sa pantry at sinundan ito ng mga mata ni Sean ngunit ang tasa sa kan’yang kamay ay tumigil sa harap ng kan’yang mga labi nang makita niyang may pumasok sa pantry sa likuran ng dalaga....... Nauhaw bigla si Via at nakalimutan niyang magdala ng tumblr kaninag umaga. Matapos batiin ang kaniyang seniors, pinil
Nang mag-out si Via sa kaniyang trabaho ay agad na umuwi siya sa apartment. Mabilis niyang inalagay ang mga damit niya sa loob ng kaniyang bagong bag. Tapos na ang negosyo niya rito at walang dahilan para manatili siya sa apartment ni Sean. Iniisip niya kung paano ba niya paiinitin ang sarili dahil babalik na naman siya sa apartment noon na sira ang heater.Nang ma-realize niyang nakasilid na ang lahat sa bag ay lumabas na ng kwarto si Via. Actually, gusto ni Via na magpaalam muna kay Sean via text message pero ayaw niyang istorbohin ang lalaki.Isa pa, ayaw niyang maging komportable sa apartment ng kan’yang amo. Sa hindi malamang dahilan pakiramdam niya ay sobrang mali noon na para bang sinasamantala niya ang sitwasyon. Nang makarating siya sa lobby, biglang tumunog ang phone ni Via at nakita ang pangalan ni Sean sa screen pero pinatay niya ito dahil ayaw niyang itanong ni Sean kung ano ang ginagawa niya. Sa pagmamadaling hakbang, naglakad si Via palabas.Pagdating sa apartment,
Huminto ang sasakyan sa harap mismo ng isang magarbong restaurant at may ilang sasakyan na nakaparada sa paligid. Medyo kinabahan si Via sa ng makitang nasa loob at hindi niya namamalayan na hinawakan niya ang kamay ni Sean na nakaupo sa gilid habang nakatutok ang mga mata nito sa pagtingin sa labas ng bintana. Sinulyapan ni Sean ang mga daliri ni Via na pinipisil ang kamay niya parang hindi alam ng dalaga na ang hawak na kamay niya ay kay Sean. At dahil opportunity na ito para sa kaniya agad niyang ginantihan ang pagkakahawak ni Via nang isang haplos sa daliri.“Ito ba talaga ang lugar na pupuntahan natin?” tanong ni Via habang nakatingin sa paligid. Para bang kakaiba ang feeling niya rito dahil iilan lang ang nakaparadang kotse sa parking lot na parang walang celebration na magaganap.Sinundan ni Sean ang tingin ni Via at sumagot, “Oo, ito nga ang lugar.” Nang lumingon si Via ay napagtanto niyang simula pa noong pagdating nila ay magkadikit na ang kanilang mga kamay. Namula siya a