Kailangan ni Tita Azura ng masinsinang pangangalaga sa loob ng isang linggo kaya naman ay hindi pa siya makakabalik ng Baguio kaagad-agad. “I’m sorry, hindi pa kasi makakauwi si Auntie at walang mag-aalaga sa kan’ya. Mukhang hindi na ako makakatrabaho muna sa Cherry Blossom,” mahinang saad ni Via. “Huwag mong sabihin iyan. Wala kang ginagawang masama, Via. Bumalik ka sa Cherry Blossom kahit kailan mo gusto, may space ka palagi rito,” paliwanag ni Asher na nakikinig kay Via mula sa kabilang linya. Nang makita ang kaniyang tiya na may life support machine, napabuntong-hininga si Via. “Salamat,” bulong niya. Matapos maputol ang tawag, tahimik na umupo si Via sa upuan habang pinagmamasdan ang pagtaas-baba ng dibdib ni Tita Azura. Gumapang ang guilt sa puso ni Via nang makita ang nagpalaki sa kan’ya mula pa noong siya ay maliit. “I’m sorry, Auntie,” bulong ni Via sa paos na boses. Hinaplos niya ang marupok na braso ng kan’yang Tiya. Ang mga kulubot na linya sa braso nito ay ang mga p
Dumungaw si Sean sa bintana sa office room. Nanigas ang kan’yang tindig habang maitim ang aura niya nababalot sa kaniyang mukha.Hawak ng isang kamay niya ang cellphone habang nakatago sa bulsa ang isa pa nitong kamay. Tumunog ang cellphone na nasa kamay ni Sean. Hinintay niya ang pangatlong ring bago sinagot at binati ang lalaki sa kabilang linya. “Oh, Mr. Reviano!” sabi ng boses na nanggaling sa cellphone.“Bakit ka tumatawag? Mukhang hindi ko ito inaasahan,” birong saad ng boses.Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang harapin ang lalaki. Ang taong ito ay mapagmataas at hindi niya gusto iyon. “Kailangan ko ang tulong mo,” nagpipigil na galit na saad ni Sean simula noong nakausap niya si Altha. Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa kabilang linya. Kung hindi dahil sa tunog ng ubo sa background, baka naisip ni Sean na matagal nang ibinaba ang telepono.“Ano iyon?” tanong ng boses na parang mas seryoso pa sa kaniya. Saglit na huminto si Sean, huminga ng malalim at idinikit ang kataw
Ilang araw ang nakalipas… Nakatayo si Sean sa harap ng isang inn na may malaking karatula, nakasulat roon ang Cherry Blossom. Mula sa kinatatayuan ni Sean, tanaw niya ang waiting room ng lugar. Muli ay tiningnan ni Sean ang address na ipinadala ng misteryosong lalaki sa kaniya.Tama ang nakasulat sa pangalan ng Cherry Blossom kasama ng pangalan ng kalye at mapa ng lokasyon, ayon sa kinatatayuan ni Sean. Naglakad siya papasok. Isang chime ang tumunog mula sa itaas ng pinto nang siya ay pumasok sa lobby. Napaangat ang ulo ng isang binata nang marinig ang matinis na tunog ng chime, hudyat na may mga bisitang dumadaan sa pintuan. “Welcome to Cherry Blossom,” sabi ng binata na may nakangiting mukha, sinalubong ang pagdating ni Sean. Isang kakaibang pakiramdam ang kumirot sa puso ni Sean nang makita ang guwapong lalaki na nakatayo sa kan’yang harapan. Isang imahe ni Via na laging kasama ng lalaki sa lahat ng oras kaya napaseryoso agad ang mukha niya.Isang matalim na tingin ang ipinuko
Ilang araw pa nakalipas… Kakalabas lang ni Daren ng kwarto… Nakita niya si Sean na nagmamadaling naglalakad papunta sa kaniya.“Hindi ako makaka-attend ng meeting dahil may pupuntahan lang ako. Iiwan ko sa iyo lahat ng schedule ko, ibibigay sa iyo ni Altha ang lahat ng schedule mamaya,” paliwanag ni Sean. Nalilito si Daren sa kilos ni Sean dahil hindi naman naging ganito kataranta ang kan’yang matalik na kaibigan. “Anong mayroon?” tanong ni Daren na may pag-aalala sa boses. Magsasalita pa sana si Sean pero umawang lang ang labi niya.“Wala, kailangan ko lang magpahinga ng ilang araw bago bumalik sa trabaho. Tapusin mo na lang ang meeting kasama ang isang representative ng Sanrio company. Lahat ng data-ng kailangan mo ay nakay Altha,” sabi ni Sean sabay tapik sa balikat ni Daren bago umalis. “Saan ka pupunta?” tanong ni Daren na hindi pa rin nakuntento sa paliwanag. “Pupunta ako sa penthouse!” sigaw ni Sean na hindi lumilingon sa kaibigan. Matapos mawala sa paningin ni Daren si Sea
Kasalukuyan…Nagising si Via sa tunog ng mga yabag sa hallway. Dahan-dahang bumukas ang mga mata niya. Pungas-pungas niyang nilingon ang paligid at napagtantong nakatulog na pala siya sa waiting chair. Nagtataka ang mga mata niya sa itim na coat na bumabalot sa mainit niyang katawan. Bakas sa mukha niya ang pagkalito nang mahawakan niya ang isang pamilyar na suit. Naamoy niya ang hindi niya malilimutang pabango. Maingat na dumampi ang malalambot na mga daliri ni Via sa ibabaw ng coat hanggang sa naramdaman niya ang pagkabog ng kaniyang dibdib.Hindi niya napigilan ang kan’yang sarili na yakapin ng mahigpit ang suit habang nagsimulang tumulo ang mga luha sa kan’yang mga mata. Umangat ang ulo niya nang makarinig siya ng kaunting ubo mula sa katabi. Saglit na nanlaki ang mga mata ni Via nang makita ang lalaking miss na miss na niya. Matagal silang nagkatitigan ni walang salitang lumalabas sa bibig nila.Nang magkamalay siya ay inihagis niya ang coat sa lalaki, halos mawalan siya ng b
Walang tigil na kinunan ng camera ni Hilda ang magkasintahang magkayakap sa bench. Napangiti siya nang matagumpay niyang nakunan ang isang kahindak-hindak na balita sa buong mundo ngunit napawi ang kany’ang ngiti nang biglang may kumuha sa camera niya. “Hoy!” putol ni Hilda habang galit na galit na nakatingin sa estranghero na kanina pa pala nakatayo sa likuran niya nang hindi niya napapansin. “Ibalik mo ang camera ko,” bulong niya sa isang matangkad na lalaki. Napangisi ang lalaki habang sinusuri ang mga recorded photos na kuha ni Hilda mula noong ilang linggo.“Wow,” sabi nito mahabang sumipol. “Hindi ko alam sobrang dami rin pala ang nakuha mong litrato pero hindi mo ito matatago, Babe. Alam mo bang ilegal ang ginagawa mo?” paliwanag ng lalaki habang kinukuha ang memory card sa camera ni Hilda. “Itigil mo yan!” galit na saad ni Hilda.“Akin iyan.” Aagawin na sana ni Hilda ang camera ngunit mas mabilis ang mga galaw ng lalaki at walang sabi-sabi’y agad niyang kinulong sa bisig
Pagdating sa bahay ni Tya, agad na lumabas ng sasakyan si Via nang hindi na hinintay na buksan ni Sean ang pinto gaya ng dati niyang ginagawa.Wala siyang pakialam kung sinundan siya ni Sean sa loob. Kakatok pa lang sana ni Via sa pinto nang biglang may lumabas na babae na naka-uniporme at sumalubong sa kanila. “Via, akala ko hindi ka darating. Aalis na ako ah dahil malapit nang magbukas ang tindahan,” sabi ng babae habang binubuksan ang pinto. Magsasalita pa sana si Tya nang dumako ang mga mata nito sa guwapong lalaki na kanina pa tahimik sa hagdan. Nang makita ni Via kung saan nakatingin ang kan’yang matalik na kaibigan ay halos pumikit ng mariin si Via. “Sorry, napatagal kasi ang tulog ko,” sabi ni Via. Nahihiya siyang aminin na dahil iyon kay Sean kaya tumagal siya sa hospital. Nang makita ang pamumula ng mukha ni Via, mas lumawak ang ngiti ni Sean.Inabot pa nito ang babaeng nasa harapan nila, alam ng lalaki na walang balak ipakilala si Via siya sa matalik nitong kaibigan.“S
Kinabukasan ay nagising si Via na hindi mapakali. Napatingin siya sa gilid ng kama kung saan natulog si Sean. Bumangon siya sa kama at naligo bago sumama kay Tya sa hapag kainan. Ngayon ang gusto niyang gawin ay iwaksi sa kaniyang isipan si Sean.“Hey, magandang umaga,” bati ni Tya sabay flip ng pancake sa teflon. “Morning,” sagot ni Via habang tinakpan ang bibig dahil sa paghihikab. Napatingin siya sa almusal na nakahain sa mesa. “Oh anong mukha iyan? Naaawa ka ba matapos mong paalisin ang kawawang lalaki kagabi?” tanong ni Tya na nakakuha ng matalim na tingin sa kaniya. Imbes na makonsensya ang babae sa pagpapapasok nito sa bahay ay natawa si Tya. “My God, kung alam mo lang kung gaano kaawa-awang tingnan ang poging iyon nang umalis sa bahay natin. Naawa ako sa kaniya habang nakatingin lang sa pinto tila ba pinag-iisipan niyang kakatok sa pinto o hindi. Nakakaawang lalaki,” napabuntong-hininga si Tya habang nakakuyom ang mga kamay sa harap ng dibdib habang hinahangaan ang perpek