Kasalukuyan…Nagising si Via sa tunog ng mga yabag sa hallway. Dahan-dahang bumukas ang mga mata niya. Pungas-pungas niyang nilingon ang paligid at napagtantong nakatulog na pala siya sa waiting chair. Nagtataka ang mga mata niya sa itim na coat na bumabalot sa mainit niyang katawan. Bakas sa mukha niya ang pagkalito nang mahawakan niya ang isang pamilyar na suit. Naamoy niya ang hindi niya malilimutang pabango. Maingat na dumampi ang malalambot na mga daliri ni Via sa ibabaw ng coat hanggang sa naramdaman niya ang pagkabog ng kaniyang dibdib.Hindi niya napigilan ang kan’yang sarili na yakapin ng mahigpit ang suit habang nagsimulang tumulo ang mga luha sa kan’yang mga mata. Umangat ang ulo niya nang makarinig siya ng kaunting ubo mula sa katabi. Saglit na nanlaki ang mga mata ni Via nang makita ang lalaking miss na miss na niya. Matagal silang nagkatitigan ni walang salitang lumalabas sa bibig nila.Nang magkamalay siya ay inihagis niya ang coat sa lalaki, halos mawalan siya ng b
Walang tigil na kinunan ng camera ni Hilda ang magkasintahang magkayakap sa bench. Napangiti siya nang matagumpay niyang nakunan ang isang kahindak-hindak na balita sa buong mundo ngunit napawi ang kany’ang ngiti nang biglang may kumuha sa camera niya. “Hoy!” putol ni Hilda habang galit na galit na nakatingin sa estranghero na kanina pa pala nakatayo sa likuran niya nang hindi niya napapansin. “Ibalik mo ang camera ko,” bulong niya sa isang matangkad na lalaki. Napangisi ang lalaki habang sinusuri ang mga recorded photos na kuha ni Hilda mula noong ilang linggo.“Wow,” sabi nito mahabang sumipol. “Hindi ko alam sobrang dami rin pala ang nakuha mong litrato pero hindi mo ito matatago, Babe. Alam mo bang ilegal ang ginagawa mo?” paliwanag ng lalaki habang kinukuha ang memory card sa camera ni Hilda. “Itigil mo yan!” galit na saad ni Hilda.“Akin iyan.” Aagawin na sana ni Hilda ang camera ngunit mas mabilis ang mga galaw ng lalaki at walang sabi-sabi’y agad niyang kinulong sa bisig
Pagdating sa bahay ni Tya, agad na lumabas ng sasakyan si Via nang hindi na hinintay na buksan ni Sean ang pinto gaya ng dati niyang ginagawa.Wala siyang pakialam kung sinundan siya ni Sean sa loob. Kakatok pa lang sana ni Via sa pinto nang biglang may lumabas na babae na naka-uniporme at sumalubong sa kanila. “Via, akala ko hindi ka darating. Aalis na ako ah dahil malapit nang magbukas ang tindahan,” sabi ng babae habang binubuksan ang pinto. Magsasalita pa sana si Tya nang dumako ang mga mata nito sa guwapong lalaki na kanina pa tahimik sa hagdan. Nang makita ni Via kung saan nakatingin ang kan’yang matalik na kaibigan ay halos pumikit ng mariin si Via. “Sorry, napatagal kasi ang tulog ko,” sabi ni Via. Nahihiya siyang aminin na dahil iyon kay Sean kaya tumagal siya sa hospital. Nang makita ang pamumula ng mukha ni Via, mas lumawak ang ngiti ni Sean.Inabot pa nito ang babaeng nasa harapan nila, alam ng lalaki na walang balak ipakilala si Via siya sa matalik nitong kaibigan.“S
Kinabukasan ay nagising si Via na hindi mapakali. Napatingin siya sa gilid ng kama kung saan natulog si Sean. Bumangon siya sa kama at naligo bago sumama kay Tya sa hapag kainan. Ngayon ang gusto niyang gawin ay iwaksi sa kaniyang isipan si Sean.“Hey, magandang umaga,” bati ni Tya sabay flip ng pancake sa teflon. “Morning,” sagot ni Via habang tinakpan ang bibig dahil sa paghihikab. Napatingin siya sa almusal na nakahain sa mesa. “Oh anong mukha iyan? Naaawa ka ba matapos mong paalisin ang kawawang lalaki kagabi?” tanong ni Tya na nakakuha ng matalim na tingin sa kaniya. Imbes na makonsensya ang babae sa pagpapapasok nito sa bahay ay natawa si Tya. “My God, kung alam mo lang kung gaano kaawa-awang tingnan ang poging iyon nang umalis sa bahay natin. Naawa ako sa kaniya habang nakatingin lang sa pinto tila ba pinag-iisipan niyang kakatok sa pinto o hindi. Nakakaawang lalaki,” napabuntong-hininga si Tya habang nakakuyom ang mga kamay sa harap ng dibdib habang hinahangaan ang perpek
Magkasamang pumunta sina Via at Tya sa tindahan ng Tiya niya. Dumating sila sa bakery pagkatapos kunin ang mga bulaklak na binigay ni Sean.“Paalalahanan mo ako kung bakit kailangan nating kamuhian ang lalaking iyon, okay?” sambit ni Via habang papasok silang dalawa sa shop. Nakaramdam siya nang hapdi sa kaniyang kamay dahil sa tinik na nagkanda-tusok sa daliri habang inaayos nila ang bouquet na ibinigay ni Sean.Napasulyap si Tya kay Via na kanina pa nagrereklamo dahil sa pananakit ng mga daliri. “Sabi ko naman sa iyo, mag-iingat ka. Alam mo namang puno iyon ng mga tinik eh,” paliwanag nito kay Via na kakalabas lang ng mga bulaklak sa vase. Saglit na napaawang ang labi ni Via at gustong ipagtanggol ang sarili. “Mga rose lang naman ang alam kong may tinik eh. Hindi ko naman alam na may iba pa pala. Tingnan mo? Maliit lamang ang tinik nila,” saad niya nang maalala ang bulaklak na Euphorbia dahil sa matatalas na tinik nito. Gusto niyang murahin si Sean dahil sinaktan na naman siya ni
“Ikaw ba ang nagbayad para sa treatment room ni Tita Azura? Hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi ko kailangan ng tulong mo!” galit na wika ni Via habang mabilis na naglalakad papunta sa VVIP room kung saan ginagamot ang kan’yang tiya. Ang kamay ni Via ay natatakpan ng benda matapos gamutin iyon ng Doctor. Hindi naman na kailangan iyon dahil kunting sugat lang naman ang natamo niya. Napapangiti na lang nga ang mga Doctor at nars dahil sa ka-OA-han ng lalaking kasama niya. Kanina ay napa-panic ito dahil sa kunting galos lang na kamay niya. Napapailing na lang siya dahil sa kabaliwang ginagawa ng lalaki.“Alam ko. Pero Via, huwag mo namang isama ang galit mo rito at hadlangan ang pagpapagamot kay Tiya Azura. Gusto kong makatulong. Ginagawa ko ang lahat ng ito para kay Tiya Azura. Ayaw mo ba noon, Baby?” malambing na saad ni Sean na may ngiti sa labi.Tama naman ang lalaki. Hindi siya dapat maging makasarili at idamay ang tiyahin sa kanilang problema. Kinagat ni Via ang kan’yang labi.Ayaw
Tumunog ang doorbell sa labas ngunit wala man lang pakialam si Via roon dahil busy ito sa kakakain ng kaniyang almusal.Hanggang ngayon ay naaalala pa niya kung gaano siya tratuhin ng may pag-iingat at pagmamahal ni Sean kahapon. Punong-puno ng mga tanong ang kan’yang isip, bakit ba napakabait ni Sean sa kaniya? Hinimas-himas pa nito ang tiyan niyang nagsisimula nang umumbok. Hindi lang iyon, ingat na ingat pa si Sean sa tuwing kikilos siya, para siyang itnuturing na salamin na madaling mabasag kung hindi iingatan. Sa pagkakaalam ni Via, ayaw na ni Sean sa relasyon nila at gusto pa nga nitong ipalaglag ang bata sa kaniyang sinapupunan ‘di ba?Sinabi pa nga niya na tumahimik siya at ayaw na ayaw nitong ipaalam ang relasyon nila sa mga tao. Ano ba talaga ang gustong iparating ng lalaking iyon at nakarating pa talaga ito sa Cebu.Hinding-hindi naman kasi magiging sila dahil ikakasal na rin naman si Sean. Hindi rin ito nagpaliwanag at pumasok na lang sa buhay niya ng basta-basta at ni i
Ilang beses na tumunog ang numerong idinayal ni Hilda. Ito ang pangatlong beses na tinawagan niya si Gamal ngunit sa hindi malamang dahilan hindi man lang nito sinasagot ang tawag niya. Inis na inis siya sa lalaki. Imposibleng hindi papansinin ni Gamal ang tawag niya. May nangyari kaya sa katrabaho niya? Matapos maalala ang lalaking nagnakaw ng lahat ng kan’yang mga personal na gamit kasama ang camera na pinaghirapan niyang bilhin at pagipunan ay galit siyang napaupo sa sofa.Ginagawa lang naman ang kaniyang trabaho bilang Paparazzi hindi naman iyon isang ilegal na trabaho and for God’s sake, trabaho niya ang maghanap ng tsismis tungkol sa buhay mga kilalang tao na nasa industriya!Ilang ring lang ay sa wakas sinagot na ng lalaki ang tawag niya. Hindi na niya hinintay ang pagsagot nito at nagmura siya ng malakas nang hindi binibigyang ng pagkakataon si Gamal para ipaliwanag ang sarili. “Kanina pa kita tinatawagan, pero hindi mo ako pinapansin! Alam mo bang nahihirapan ako rito! May