Tiningnan ni Via ang business card na hawak niya pagkaalis ni Willow sa village. Nag-aalangan niyang dinayal ang numero ni Daren Osbert.Hirap man siyang magdesisyon, nagpasya si Via na pindutin ang call button.“Hello,” sagot nang lalaki sa kabilang linya. Saglit na natahimik si Via habang napakagat ng labi. Sa kabilang banda, napagtanto ni Daren na si Via ang tumatawag pero hinintay niya muna itong magsalita. Tumikhim si Via at binati si Daren na matagal nang nanahimik. “Ako ito,” sabi ni Via, pagbubukas ng usapan. “Pwede ka nang pumunta rito.”“Okay,” sagot ni Daren at pinatay ang tawag. Kalahating oras siyang naghintay nang makita ni Via ang isang sasakyan na papasok sa bakuran ng rancho. Sabik niyang hinintay si Daren habang lumabas ng sasakyan at baglakad patungo sa terrace. “Pasok ka,” paanyaya ni Via. Umupo silang dalawa sa tapat ng isa’t isa sa parehong posisyon tulad ng kahapon. “Ito ay isang panibagong dokumento. Basahin mo muna,” sabi ni Daren habang naglalabas ng
Tiningnan ni Sean ang sarili sa salamin. Nakasuot siya ng itim na suit at napatingin siya sa kaniyang mukha.“You look nice, man,” sabi ni Daren na pumasok sa kwarto ni Sean. Ginanap ang engagement party nina Sean at Evelyn sa isa sa mga property ng pamilyang Reviano hindi kalayuan sa Manila.Nilingon ni Sean ang kaibigan. “Tulungan mo nga akong mawala na parang bula? O kaya suntukin mo na lang ako para himatayin, pwede ba?” tanong ni Sean na may seryosong mukha. Natawa si Daren, iniisip nitong nagbibiro lang si Sean ngunit napatakip ang kan’yang bibig nang mapagtantong walang pagbabago sa ekspresyon ng lalaki ss harapan. “Are you kidding me?” tanong ni Daren. Pumasok siya sa kwarto at nag-aalalang tumingin kay Sean.“Hindi naman masama ang pakasalan si Evelyn, buddy.” Nang makita ang hindi nakangiting mukha ni Sean, kinurot ang puso ni Daren. Hindi niya akalain na magiging ganito ang reaksyon ni Sean.Hinawakan nang mahigpit ni Daren ang balikat ni Sean.“Please, huwag mong ipah
Mabilis na lumipas ang araw mahigit isang buwan nang nasa Baguio si Via. Siya ay kasalukuyang tatlong buwang buntis. Hiniling ng dalawang magpinsan na magpa-check up siya kapag nasa ikalawang trimester na siya.Kinahapunan sakay ng kaniyang mustang, huminto si Via sa harap ng paradahan ng Baguio Supermarket.Mayroong dalawang supermarket sa nayon, ngunit ito lamang ang lugar na may pinakamaraming stock kaya doon sila pumunta. “Nakausap mo na ba ang doktor na inirerekomenda ni Ares?” tanong agad ni Willow pagkababa nila ng sasakyan. Umiling naman si Via. “Okay ka ba next week? Magpapa-appoint na agad ako,” mungkahi ni Willow. “Okay, ikaw na ang bahala roon,” pagsang-ayon ni Via, hindi gano’n kasigla si Via kaya nalungkot si Willow para sa kaibigan.Bumaba sa sasakyan ang dalawang babae at pumasok sa supermarket. Binili ang mga groceries na nasa listahan.“Gosh, ang bilis tumaas ng presyo ng gatas,” protesta ni Willow nang makita ang pagtaas ng presyo na nakatatak sa gatas. Tila wala
Isang paparazzi ang nasa motel sa dating tinutuluyan ni Evelyn. Nagpakita ang paparazzi ng ilang larawan sa kan’yang kasamahan sa pamamagitan ng pag-send sa telepono habang kausap ang mga ito. “Tingnan mo, hindi ako nagsisinungaling nang may nakita akong kakaiba sa kanilang pakikipag-ugnayan,” paliwanag ni Hilda, isang paparazzi na nakatuon sa lahat ng mga aktibidad ni Evelyn Madini. “Baka isang casual meeting lang, baka magkaibigan lang ang dalawang babae,” sabi ng isang lalaki sa kabilang linya. Bumuntong-hininga si Hilda sa inis at hiniling ang kapareha na bumalik para tingnan ang mga larawang ipinadala niya.“Tingnan mong mabuti, halatang pinag-uusapan nilang dalawa ang tungkol sa isang contractual silence agreement, at nakakapagtaka na binigyan ni Evelyn ang babaeng ito ng milyong dolyar na tseke.” Binalikan ni Hilda ang mga litratong nakuha niya kanina. Mabuti na lang at may transparent na dingding sa Cherry Blossom na gawa sa salamin kaya malaya siyang nakakakuha ng mga lar
Kailangan ni Tita Azura ng masinsinang pangangalaga sa loob ng isang linggo kaya naman ay hindi pa siya makakabalik ng Baguio kaagad-agad. “I’m sorry, hindi pa kasi makakauwi si Auntie at walang mag-aalaga sa kan’ya. Mukhang hindi na ako makakatrabaho muna sa Cherry Blossom,” mahinang saad ni Via. “Huwag mong sabihin iyan. Wala kang ginagawang masama, Via. Bumalik ka sa Cherry Blossom kahit kailan mo gusto, may space ka palagi rito,” paliwanag ni Asher na nakikinig kay Via mula sa kabilang linya. Nang makita ang kaniyang tiya na may life support machine, napabuntong-hininga si Via. “Salamat,” bulong niya. Matapos maputol ang tawag, tahimik na umupo si Via sa upuan habang pinagmamasdan ang pagtaas-baba ng dibdib ni Tita Azura. Gumapang ang guilt sa puso ni Via nang makita ang nagpalaki sa kan’ya mula pa noong siya ay maliit. “I’m sorry, Auntie,” bulong ni Via sa paos na boses. Hinaplos niya ang marupok na braso ng kan’yang Tiya. Ang mga kulubot na linya sa braso nito ay ang mga p
Dumungaw si Sean sa bintana sa office room. Nanigas ang kan’yang tindig habang maitim ang aura niya nababalot sa kaniyang mukha.Hawak ng isang kamay niya ang cellphone habang nakatago sa bulsa ang isa pa nitong kamay. Tumunog ang cellphone na nasa kamay ni Sean. Hinintay niya ang pangatlong ring bago sinagot at binati ang lalaki sa kabilang linya. “Oh, Mr. Reviano!” sabi ng boses na nanggaling sa cellphone.“Bakit ka tumatawag? Mukhang hindi ko ito inaasahan,” birong saad ng boses.Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang harapin ang lalaki. Ang taong ito ay mapagmataas at hindi niya gusto iyon. “Kailangan ko ang tulong mo,” nagpipigil na galit na saad ni Sean simula noong nakausap niya si Altha. Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa kabilang linya. Kung hindi dahil sa tunog ng ubo sa background, baka naisip ni Sean na matagal nang ibinaba ang telepono.“Ano iyon?” tanong ng boses na parang mas seryoso pa sa kaniya. Saglit na huminto si Sean, huminga ng malalim at idinikit ang kataw
Ilang araw ang nakalipas… Nakatayo si Sean sa harap ng isang inn na may malaking karatula, nakasulat roon ang Cherry Blossom. Mula sa kinatatayuan ni Sean, tanaw niya ang waiting room ng lugar. Muli ay tiningnan ni Sean ang address na ipinadala ng misteryosong lalaki sa kaniya.Tama ang nakasulat sa pangalan ng Cherry Blossom kasama ng pangalan ng kalye at mapa ng lokasyon, ayon sa kinatatayuan ni Sean. Naglakad siya papasok. Isang chime ang tumunog mula sa itaas ng pinto nang siya ay pumasok sa lobby. Napaangat ang ulo ng isang binata nang marinig ang matinis na tunog ng chime, hudyat na may mga bisitang dumadaan sa pintuan. “Welcome to Cherry Blossom,” sabi ng binata na may nakangiting mukha, sinalubong ang pagdating ni Sean. Isang kakaibang pakiramdam ang kumirot sa puso ni Sean nang makita ang guwapong lalaki na nakatayo sa kan’yang harapan. Isang imahe ni Via na laging kasama ng lalaki sa lahat ng oras kaya napaseryoso agad ang mukha niya.Isang matalim na tingin ang ipinuko
Ilang araw pa nakalipas… Kakalabas lang ni Daren ng kwarto… Nakita niya si Sean na nagmamadaling naglalakad papunta sa kaniya.“Hindi ako makaka-attend ng meeting dahil may pupuntahan lang ako. Iiwan ko sa iyo lahat ng schedule ko, ibibigay sa iyo ni Altha ang lahat ng schedule mamaya,” paliwanag ni Sean. Nalilito si Daren sa kilos ni Sean dahil hindi naman naging ganito kataranta ang kan’yang matalik na kaibigan. “Anong mayroon?” tanong ni Daren na may pag-aalala sa boses. Magsasalita pa sana si Sean pero umawang lang ang labi niya.“Wala, kailangan ko lang magpahinga ng ilang araw bago bumalik sa trabaho. Tapusin mo na lang ang meeting kasama ang isang representative ng Sanrio company. Lahat ng data-ng kailangan mo ay nakay Altha,” sabi ni Sean sabay tapik sa balikat ni Daren bago umalis. “Saan ka pupunta?” tanong ni Daren na hindi pa rin nakuntento sa paliwanag. “Pupunta ako sa penthouse!” sigaw ni Sean na hindi lumilingon sa kaibigan. Matapos mawala sa paningin ni Daren si Sea