Natarantang nakatingin si Willow kung saan nakalagay ang telebisyon na ngayon ay nawawala na. Napasulyap siya kay Via na tila abala sa pagtatahi ng medyas ng sanggol. Tutok na tutok ito sa kaniyang ginagawa habang inaaral kung paano ito gawin. May mga libro ring nakakakalat sa sahig. “Nasaan ang telebisyon?” Lumapit si Willow at kinuha ang isa sa mga pink na sinulid na nakalagay sa sahig. Nagkibit balikat si Via habang patuloy na sinusubukang ihabi isa-isa ang mga sinulid.“Inilagay ko iyon sa taas,” sagot ni Via nang hindi lumilingon. Nalilito at napanganga si Willow dahil gumagana pa rin naman ng maayos ang bagay na iyon. Tanging ang telebisyon lamang ang tanging malilibangan sa loob ng bahay kaya nalilito siya.“May mali ba sa telebisyon na iyon? Hindi naman iyon sira. Okay pa naman siya kahapon, ‘di ba?” Napasulyap si Willow sa bintana nang marinig ang tunog ng mustang na nakaparada sa bakuran, tiyak na dumating na ang pinsan niyang lalaki para maghatid ng kanilang mga pinamil
Pagkagising niya ay agad siyang tumakbo sa banyo at sumuka sa lababo. Napaupo siya sa sahig at wala namang lumalabas sa kaniyang bunganga. Matagal siyang natapos bago tuluyang naghilamos ng bibig at mukha. Pakiramdam niya ay masamang-masama ang pakiramdam niya, humiga siya sa kama ng dalawang minuto. Nagising siya sa tunog ng alarm at nagulat nang makitang mabilis na lumipas ang oras.Parang limang minuto lang siyang nakahiga sa kama, hindi niya namalayan na dalawang oras na pala ang lumipas.“Via? Ayos ka lang ba?” tanong ni Willow habang kumakatok sa pinto mula sa labas. Bumangon si Via sa kama at tiningnan ang namumugto pa rin niyang mukha.“Lalabas na ako saglit lang,” sagot niya habang naglalakad papuntang banyo para linisin ang sarili. Pumunta siyang dining room, kita niya na nakahanda na ang lahat ng almusal sa mesa. Kita niya rin si Willow na mukhang abala sa paglilinis ng kawali sa lababo. Nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang nagtatrabaho si Willow nang mag-isa dahi
Pumasok si Sean sa malamig na apartment nila ni Via. Wala nang maamoy na mantikilya at matamis na mga baking cake na dating bumubungad sa kaniyang kapag papasok sa loob. Mabibigat ang kaniyang mga hakbang habang lumapit sa sala. Sinadya niyang hindi buksan ang mga ilaw at hinayaang maging madilim ang kapaligiran. Para saan pa? Ni hindi niya naman makikita ang pigura ni Via. Pumasok si Sean sa kwarto. Napalanghap siya ng hangin, tila ba inaamoy ang huling halimuyak ng babae bago ito umalis ngunit nabigo siya. Wala man lang siyang maamoy ni kunti. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa bakanteng kama. Nilibot niya ang silid na minsang inookupahan ni Via. Hinawakan niya ang bawat bagay na maaaring may fingerprints ng babae. Not to mention the surface of the mattress na kakapalit lang ng kumot. Nabigo ang kaniyang puso dahil tanging lamig lang ang natanggap niya sa bawat haplos doon. Mukhang tama nga si Daren, kailangan niyang kalimutan si Via at lahat ng alaala nilang magkasa
Mabilis na lumipas ang taglamig. Nagtrabaho si Via sa Cherry Blossom Inn nang halos dalawang linggo. Parang hindi niya kayang makibagay sa Baguio dahil sa pagiging palakaibigan ng mga tao.Nakahinga siya ng maluwag dahil wala man lang siyang narinig sa bayan na balita tungkol kay Sean at maging ang mga tao sa nayon ay walang pakialam sa mga ganoong bagay. Para sa kanila, estranghero lang ang mga artista na hindi masyadong karapat-dapat na pagtuunan ng pansin, sobrang layo nga talaga ng kabihasnan dito. Pero isa sa pinoproblema niya ay si Disya, madalas na kino-contact ng best friend niya siya at minsan ay dinadala ang topic tungkol kay Sean na siyempre hindi niya pinapakinggan. “Sabi ko naman sa iyo, huwag mo nang i-mention ang pangalan ng lalaking iyon,” sabi ni Via kay Disya na nasa kabilang linya. “Pero kailangan mo ring malaman kung ano ang nangyayari, Via. Ang lalaking iyon ang ama ng iyong anak. Kung hindi mo ako pinigilan ay malang masasampal ko siya, ipapahiya ko siya sa pu
Nakapatong sa mesa ang kulay gintong imbitasyon na iniwan ni Evelyn at hindi man lang niya ginalaw.Blanko siyang nakatingin sa nakaukit na pangalan ni Sean hanggang sa nakaramdam siya ng kirot sa puso nang mapatingin sa pangalan ni Evelyn Madini, magkatabi lamang sa pangalan ng kaniyang minamahal.Isang luha ang bumagsak sa pisngi niya. Nakayuko ang mukha at pilit na pinipigilang mapahagulhol. “Mom...” umiiyak na tawag ni Via nang biglang na-miss ang kaniyang ina. Kailangan niya ng isang bagay upang palakasin ang kan’yang sarili at tanging ang kan’yang ina at ang hindi pa isinisilang na sanggol ang nasa isip niya. Ang pagpapalaglag sa sanggol ay katumbas ng pagpatay sa kaniyang sarili. Iniisip pa lang niyang mawawala sa kaniya ang bata ay para bang hindi na siya makahinga.Si Sean at Evelyn ay nagmula sa mayayamang pamilya, talagang ang batas ay nasa kanilang panig. Kung tutuusin, ordinaryong mamamayan lang siya, isang tweet lang sa Ingram ay maaaring maging basura siya sa mata ng
Napatalon si Willow mula sa sofa nang makita ang maputlang mukha ni Via. “Via! God, sobrang lamig ba sa labas? Bakit sobrang putla mo na?” ani ni Willow na agad namang sumalubong kay Via sa may pintuan. Malamya ang katawan ni Via hanggang sa inalalayan siya ni Willow, inakbayan siya ng babae at pinahiga sa kaniyang kama.“Gusto mo bang ipagtimpla kita ng tsaa?” nag-aalalang tanong ni Willow. Tumango lang si Via nang hindi umiimik. “Sandali,” sabi ni Willow at pumunta sa kusina. Tinawagan niya si Asher pagkarating niya sa pantry.“Anong meron?” tanong ni Asher sa kabilang linya. “May sakit yata si Via, pwede bang bumisita dito si Doctor Ares?”May tunog ng kandado at pagbukas ng pinto mula sa kabilang linya nang marinig ni Asher ang gulat sa boses ng kan’yang pinsan.“Pupunta ako riyan, teka lang,” nagmamadaling sabi ni Asher. “Ihahatid ko si Ares, tapos na yata ang shift niya sa clinic.” Nang marinig ang mabilis na tugon ng kan’yang pinsan ay nakahinga ng maluwag si Willow. Agad
“Sabi ni Asher magpahinga ka na lang sa bahay. Hindi mo kailangang pumunta ng Cherry Blossom ng ilang araw,” sabi ni Willow na naghain ng pagkain sa tabi ng kama ni Via. “Okay na ang pakiramdam ko, Willow. Mababagot lamang ako rito dahil wala akong ginagawa,” ani ni Via. Aalis na sana siya, pero pinigilan siya ni Willow. “Hindi! Hindi! Magpahinga ka lang. Bukod dito, marami kang magagawa sa bahay, halimbawa na lang ang paggagantsilyo,” suhestiyon ni Willow sa kaniya. Napabuntong-hininga si Via, at napatingin sa orasan sa nightstand. Masyado pa namang maaga. Maging ang araw ay sumisikat pa lamang. Nang makitang seryoso ang mukha ni Willow ay napabuntong hininga siya. “Sasamahan kita subalit hanggang sa tanghali lamang dahil may aasikasuhin ako ngayon,” sabi ni Willow na tila bang nag-aatubiling iwan si Via-ng mag-isa. Ngumiti siya at mahinang tinapik ang balikat ni Willow.“Huwag kang mag-alala. Matanda na ako para alalahanin mo pa.” Tumango si Willow at tinapos na lang ang ginaga
Tiningnan ni Via ang business card na hawak niya pagkaalis ni Willow sa village. Nag-aalangan niyang dinayal ang numero ni Daren Osbert.Hirap man siyang magdesisyon, nagpasya si Via na pindutin ang call button.“Hello,” sagot nang lalaki sa kabilang linya. Saglit na natahimik si Via habang napakagat ng labi. Sa kabilang banda, napagtanto ni Daren na si Via ang tumatawag pero hinintay niya muna itong magsalita. Tumikhim si Via at binati si Daren na matagal nang nanahimik. “Ako ito,” sabi ni Via, pagbubukas ng usapan. “Pwede ka nang pumunta rito.”“Okay,” sagot ni Daren at pinatay ang tawag. Kalahating oras siyang naghintay nang makita ni Via ang isang sasakyan na papasok sa bakuran ng rancho. Sabik niyang hinintay si Daren habang lumabas ng sasakyan at baglakad patungo sa terrace. “Pasok ka,” paanyaya ni Via. Umupo silang dalawa sa tapat ng isa’t isa sa parehong posisyon tulad ng kahapon. “Ito ay isang panibagong dokumento. Basahin mo muna,” sabi ni Daren habang naglalabas ng