Na-delayed ang pag-uwi niya sa Maynila dahil sa proyektong ibinigay sa kan’ya ng kan’yang ama.
Noong una, naiinis siya dahil matagal siyang mamalagi sa Bicol at Masbate. Pero sa kabutihang palad, nandiyan naman si Evelyn na laging sinasamahan siya kapag nakaramdam siya ng pagkabagot buong araw habang nakatitig lang sa screen ng computer.
“Ayaw mo bang sumabay sa aking mag-dinner?” tanong ni Evelyn na naglalakad sa tabi niya. Ninanamnam nila ang hangin, naroon sila sa park na hindi kalayuan sa bahay niya.
“Hindi ba’t lagi nating ginagawa iyan tuwing gabi?” tanong niya pabalik nang maaala ang kanilang daily dinner routine. Kung hindi ito gala event, ay yayain sila ng kanilang mga magulang na lumabas para kumain nang magkasama.
“Pero sabi mo ayaw mong lumabas ngayong gabi kaya kakain na lang tayo sa bahay mo,” patuloy na saad ni Evelyn.
“Hmmm…, pwede naman natin gawin iyon sa susunod. Saan mo gustong pumunta?” tanong niya sa dalaga.
“Bahala ka na. Ang importante, magkasama tayong dalawa. Masyado kang abala kaya bihira kang umuwi, hindi mo ba ako namimiss?” tuksong tanong ni Evelyn habang tumatawid sila ng kalsada. Agad na inalalayan niya ang dalaga dahil hindi ito masyadong magaling tumawid.
“Busy ka rin sa photo shoot, ‘di ba? Kaya huwag mo akong sisihin sa pagiging busy ko,” depensa ni Sean. Pareho silang naglalakad patungo sa apartment nang matagpuan ni Sean ang dalawang paparazzi na nagtatago sa isang pulang SUV.
“May paparazzi na sumusunod,” sabi niya habang nakanguso sa camera na nakatutok sa kanila. Si Evelyn ay mukhang walang pakialam at nag-pose, pinulupot nito ang kamay sa mga bisig niya kaya napakunot ang noo niya.
“Anong ginagawa mo?” naguguluhang tanong niya sa babae.
“Hayaan mo na sila, naka-duty lang sila. Isa akong sikat na model, gusto nilang malaman kung sino ang kasama ko ngayon. Magpanggap na lang tayo na wala ang mga taong iyon.” Aalis na sana siya sa pagkakahawak ni Evelyn pero lalo nitong hinigpitan ang hawak sa mga bisig niya.
“Kapag binitawan mo ang kamay ko, mapapahiya ako. Hindi nakakatawang balita ang isang Evelyn na tinanggihan ng isang lalaki sa gitna ng kalsada. Maaari nitong masira ang aking reputasyon. Just play the role, at hayaan mo silang mapagod sa kakakuha ng camera. Magsasawa rin ang mga ‘yan,” bulong ni Evelyn na may ngiti sa labi na parang walang nangyari. Bumuntong hininga si Sean at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.
“Tara, gutom na gutom na ako,” angal ni Evelyn habang nagtatalon-talon na parang bata, hila-hila siya nito paakyat sa apartment.
Kakapasok lang nilang dalawa sa apartment nang maalala ni Sean na nakalimutan niyang buksan ang isa pa niyang cell phone. Mahigit isang linggo na niyang hindi makontak si Via.
“Magpapalit muna ako bago tayo lumabas,” sabi niya at iginiya si Evelyn para maupo sa sofa.
Kinuha niya ang teleponong mahigit isang linggong niyang hindi nahahawakan. Saglit siyang natigilan nang mapatitig sa patay na screen nito. Nagdadalawang isip siya kung tatawagan ba si Via o hindi na. Napagpasiyahan niyang binitawan na lamang ito at ibinalik ang telepono sa mesa bago naglakad patungo sa kan’yang silid para magpalit.
Nang bumalik si Sean sa sala pagkatapos magpalit ng damit ay nakita niyang namumutla si Evelyn. Kinakagat niya pa ang kan’yang mga kuko na tila hindi mapakali.
“Anong problema? Okay lang ba?” naguguluhang tanong niya sa dalaga.
Maayos naman ito kanina ah. Nagulat si Evelyn ng marinig ang boses niya. Ang mga mata nito ay nanlaki nang makitang nakatayo siya sa likuran nito. Mukhang malalim ang iniisip nito at hindi man lang napansin ang presensya niya.
“Ah… Kasi… Uhmm… siguro dahil hindi pa ako kumakain simula tanghali, medyo sumakit na ang tiyan ko. Gutom lang ito,” sabi ni Evelyn sa medyo nanginginig na boses.
Naningkit ang mga mata niya. Tiningnan niya ng masama si Evelyn.
“Dapat kanina mo pa sinabi iyan Eve. Mapapagalitan ako ni Auntie kung uuwi kang may sakit at gutom,” nag-aalalang saad niya.
Agad niyang inilabas si Evelyn sa apartment, ngunit nakita niya sa gilid ng mata niya na para bang lumipat sa orihinal na pwesto ang kaniyang telepono. Para bang may gumalaw nito. Hindi na lang niya pinansin iyon at nagmamadaling lumabas.
……
Sa wakas natapos na ang trabaho niya sa Masbate at halos isang buwan na ang nakalipas mula noong umalis siya sa Maynila at Luna Star.
Hindi niya pa rin pinapabayaan ang Luna Star sa katunayan ay kahit malayo siya roon ay nagtatrabaho pa rin siya, tutal nandiyan naman si Daren na humahawak ng lahat nang hindi siya nakikialam.
Pag-apak na apak pa lang sa airport ay mabilis siyang pumunta sa apartment. Hindi gaanong maayos ang biyahe niya pauwi, siksikan ang mga kotse sa kalsada dahil under construction iyon.
Hindi na siya makapaghintay kaya naiinis siya. Paulit-ulit niyang minumura at sinabihan ang pribadong driver na pakibilisin, kahit na malinaw na imposible.
Bago pa man tuluyang huminto ang sasakyan ay nagmamadaling lumabas si Sean. Dali-dali siyang humakbang at sumakay sa elevator nang hindi lumilingon gaya ng nakagawian para salubungin ang doorman.
Pagdating sa harap ng apartment, binuksan ni Sean ang lock gamit ang sarili niyang susi.
Papalapit na ang gabi. Sa oras na ito ay nagluluto ng pagkain si Via. Dapat ay tinawagan niya muna si Via, para handa na itong i-welcome siya pauwi.
Huminto ang mga hakbang ni Sean sa foyer ng makitang madilim at malamig ang apartment. Wala nang ni isa na gamit ang nasa loob kaya napanganga ang kaniyang bibig.
Maging ang aircon at lahat ng ilaw na dapat ay bukas ay tila hindi nagamit buong araw. Isa-isa niyang binuksan ang mga lamp. Nang bumukas ang ilaw, as usual ganoon pa rin ang lahat sa apartment.
Maayos kahit medyo maalikabok. Nagsalubong ang kan’yang mga kilay sa pagkalito, bumibilis ang tibok ng kan’yang puso.
Nanatili siyang kalmado, umaasang binibisita lang ni Via ang isang kaibigan.
“Via?” tawag niya kahit alam niyang walang sasagot.
”Via?” tawag niya pabalik sa kwarto. Madilim din sa hallaway at hagdan kaya hindi nakatiis si Sean at binuksan ang ilaw.
Walang laman din ang kwarto, maayos na nakaayos ang mga kumot at unan gaya ng dati, ngunit ang kakaiba lang ay ang dressing room at mesa. Walang laman nang anumang skin care products ni Via na kadalasang nakalagay doon.
Nagmamadaling pumasok si Sean. Sinuri niya ang lahat ng mga aparador at ang kan’yang puso ay nawasak nang makitang wala ni isang tela ang nakasabit doon. Maging ang dalawang malalaking maleta ni Via ay wala sa closet.
“Calm down self. Huwag kang mag-panic, baka may pinuntahan lang siya,” bulong niya sa kaniyang sarili habang inilalabas ang cellphone niya.
‘The number you have dialed is now attended. Please try your call later.’
Sagot ng operator sa kabilang linya.
Pabalik-balik siyang naglalakad iniisip kung nasaan si Via, ngunit nablangko ang isip niya nang mapagtantong hindi niya kilala ang mga taong pinakamalapit sa babae.
Ang alam lang niya ay may sakit ang mommy ni Via pero kamamatay lang noon, unfortunately at the time na nasa Japan siya kaya hindi siya nakadalo sa libing nito. Pagkatapos noon, wala na siyang naalalang pumunta sa sementeryo tuwing imbitahan siya nito.
Gulong-gulo ang isip niya ngunit sinubukan pa rin niyang kontakin si Daren na baka nasa Luna Star pa sa ngayon.
“Oh, ngayon mo lang naalala na may kaibigan ka at tinawagan mo pa ako?” birong bungad ni Daren nang makonekta ang telepono.
“Hindi ako nakikipagbiruan, kailangan ko ng tulong mo,” angil ni Sean, na nagtaas ng boses. Nang marinig ang bahagyang gulat sa boses niya, inangat ni Daren ang kan’yang ulo.
“Ano ito? May masama bang nangyari?”
“Siguro oo o maaaring hindi,” hindi malinaw na sagot ni Sean.
Hindi niya alam kung paano i-categorize ang sitwasyon.
“Maaari mo bang hilingin sa QC division na makipagusap sa akin si Viania Harper?”
Naririnig ni Sean ang malalim na pag-iisip ni Daren kung bakit niya tinatanong ang isa sa mga empleyado.
“Anong meron sa babaeng iyon?” Rinig niya ang tunog ng upuan na hudyat na aalis na si Daren, at bumukas din ang pinto.
Ang kan’yang matalik na kaibigan ay malamang pumasok sa silid kung saan naroroon ang opisina ng empleyado.
“Sandali lang, tatawagan ulit kita,” sabi ni Daren na ikinainis niya kaya naputol ang komunikasyon.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha gamit ang dalawang kamay, pabalik-balik pa rin ang lakad niya at hindi mapakali. Nanlilisik ang kan’yang mga mata sa silid kung saan wala nang bakas ng presensya ni Via.
Lalo na ang dressing table, kung saan madalas siyang nakaupo bago matulog, at madalas niyang tinutukso mula sa likuran. Isang beses lang nag ring ang phone niya ay agad na sinagot niya ito.
“Geez Sean, ginulat mo ako.”
Walang paligoy-ligoy pa, agad na nagtanong siya.
“Sabi ni Hadley nag-resign na raw ito three weeks ago,” sagot ni Daren na ikinagulat niya at hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.
“Ano? Paki-ulit ng sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong niya sa binata. Sobrang lungkot ng boses niya at para bang may suntok na tumama sa dibdib niya.
“Nag-resign na ang babaeng hinahanap mo, Sean,” nalilitong ulit ni Daren.
“Ano bang meron sa kanya, ha?”
Pilit na pinipigilan ni Sean ang sarili para magsalita at umupo sa gilid ng kama habang nakayuko ang mga balikat. Nawawala siya sa kaniyang sarili.
Dahan dahan siyang tumikhim at sinagot ang kaibigan na naghihintay sa kabilang linya.
“Wala, pasensiya na sa abala,” sagot niya at pinatay ang linya nang hindi binigyan ng pagkakataong sumagot si Daren.
Ang sakit na nararamdaman ni Sean ay unti-unting napalitan ng galit, hinagis niya ang teleponong hawak-hawak niya hanggang sa nagtama ito sa dingding.
Namumula ang kan’yang mga mata dahil sa emosyong nararamdaman, maging ang kan’yang mga kamay ay nakakuyom sa inis.
Hindi niya namamalayan na pinagsusuntok niya ang pinto ng kwarto hanggang sa masira ito.
“Bakit…?” tanong ni Sean sa madilim na boses.
“Bakit?!” sigaw niya sabay hampas sa pader.
Sobrang sakit ng puso niya at hindi niya alam ang dahilan. Akala niya ay okay sila. Imposible namang dahil iyon sa maliit at walang basehang argumento nila noong huli silang magkita. Napakakitid naman ng isip ni Via kung ganoon.
“Bakit Via? Bakit..?!!” sigaw niya habang pinaghahagis ang mga gamit sa silid na mahigit tatlong linggong hindi na nagagamit.
Nasa harapan siya ng lumang gusali, kulay kayumanggi ang kulay nito. Inobserbaran niya iyon at napalingon kay Disya, na unang naglakad patungo sa bakuran ng isang lumang farmhouse. Medyo malayo ito sa siyudad, na tila ba nakahiwalay at tagong-tago sa mga tao. Napansin niyang isa o dalawang bahay lang ang nakikita niya at pareho pa ito ng design. Hindi lang iyon, sa daan ay may nakita siyang ilang kabayong gumagala sa malawak na bakuran na napapaligiran ng puting bakod at mga puno ng mansanas nakahilera sa harap nito.“Sigurado ka bang ito ang lugar?” tanong ni niya na nakatitig sa building na bahagyang natutuklap na ang pintura nito sa dingding. “Umalis si Nana sa farmhouse na ito. Alam mo namang hindi ako galing sa mayamang pamilya. Ito ang tanging ari-arian na mayroon ako maliban sa isang apartment sa Maynila.” Huminto si Disya, saka lumingon sa kaniya na nakatuod pa rin simula nang dumating sila. “Pasok ka.” Muli ay napatingin si Via sa lumang gusali bago nagpasyang pumasok sa l
Natarantang nakatingin si Willow kung saan nakalagay ang telebisyon na ngayon ay nawawala na. Napasulyap siya kay Via na tila abala sa pagtatahi ng medyas ng sanggol. Tutok na tutok ito sa kaniyang ginagawa habang inaaral kung paano ito gawin. May mga libro ring nakakakalat sa sahig. “Nasaan ang telebisyon?” Lumapit si Willow at kinuha ang isa sa mga pink na sinulid na nakalagay sa sahig. Nagkibit balikat si Via habang patuloy na sinusubukang ihabi isa-isa ang mga sinulid.“Inilagay ko iyon sa taas,” sagot ni Via nang hindi lumilingon. Nalilito at napanganga si Willow dahil gumagana pa rin naman ng maayos ang bagay na iyon. Tanging ang telebisyon lamang ang tanging malilibangan sa loob ng bahay kaya nalilito siya.“May mali ba sa telebisyon na iyon? Hindi naman iyon sira. Okay pa naman siya kahapon, ‘di ba?” Napasulyap si Willow sa bintana nang marinig ang tunog ng mustang na nakaparada sa bakuran, tiyak na dumating na ang pinsan niyang lalaki para maghatid ng kanilang mga pinamil
Pagkagising niya ay agad siyang tumakbo sa banyo at sumuka sa lababo. Napaupo siya sa sahig at wala namang lumalabas sa kaniyang bunganga. Matagal siyang natapos bago tuluyang naghilamos ng bibig at mukha. Pakiramdam niya ay masamang-masama ang pakiramdam niya, humiga siya sa kama ng dalawang minuto. Nagising siya sa tunog ng alarm at nagulat nang makitang mabilis na lumipas ang oras.Parang limang minuto lang siyang nakahiga sa kama, hindi niya namalayan na dalawang oras na pala ang lumipas.“Via? Ayos ka lang ba?” tanong ni Willow habang kumakatok sa pinto mula sa labas. Bumangon si Via sa kama at tiningnan ang namumugto pa rin niyang mukha.“Lalabas na ako saglit lang,” sagot niya habang naglalakad papuntang banyo para linisin ang sarili. Pumunta siyang dining room, kita niya na nakahanda na ang lahat ng almusal sa mesa. Kita niya rin si Willow na mukhang abala sa paglilinis ng kawali sa lababo. Nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang nagtatrabaho si Willow nang mag-isa dahi
Pumasok si Sean sa malamig na apartment nila ni Via. Wala nang maamoy na mantikilya at matamis na mga baking cake na dating bumubungad sa kaniyang kapag papasok sa loob. Mabibigat ang kaniyang mga hakbang habang lumapit sa sala. Sinadya niyang hindi buksan ang mga ilaw at hinayaang maging madilim ang kapaligiran. Para saan pa? Ni hindi niya naman makikita ang pigura ni Via. Pumasok si Sean sa kwarto. Napalanghap siya ng hangin, tila ba inaamoy ang huling halimuyak ng babae bago ito umalis ngunit nabigo siya. Wala man lang siyang maamoy ni kunti. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa bakanteng kama. Nilibot niya ang silid na minsang inookupahan ni Via. Hinawakan niya ang bawat bagay na maaaring may fingerprints ng babae. Not to mention the surface of the mattress na kakapalit lang ng kumot. Nabigo ang kaniyang puso dahil tanging lamig lang ang natanggap niya sa bawat haplos doon. Mukhang tama nga si Daren, kailangan niyang kalimutan si Via at lahat ng alaala nilang magkasa
Mabilis na lumipas ang taglamig. Nagtrabaho si Via sa Cherry Blossom Inn nang halos dalawang linggo. Parang hindi niya kayang makibagay sa Baguio dahil sa pagiging palakaibigan ng mga tao.Nakahinga siya ng maluwag dahil wala man lang siyang narinig sa bayan na balita tungkol kay Sean at maging ang mga tao sa nayon ay walang pakialam sa mga ganoong bagay. Para sa kanila, estranghero lang ang mga artista na hindi masyadong karapat-dapat na pagtuunan ng pansin, sobrang layo nga talaga ng kabihasnan dito. Pero isa sa pinoproblema niya ay si Disya, madalas na kino-contact ng best friend niya siya at minsan ay dinadala ang topic tungkol kay Sean na siyempre hindi niya pinapakinggan. “Sabi ko naman sa iyo, huwag mo nang i-mention ang pangalan ng lalaking iyon,” sabi ni Via kay Disya na nasa kabilang linya. “Pero kailangan mo ring malaman kung ano ang nangyayari, Via. Ang lalaking iyon ang ama ng iyong anak. Kung hindi mo ako pinigilan ay malang masasampal ko siya, ipapahiya ko siya sa pu
Nakapatong sa mesa ang kulay gintong imbitasyon na iniwan ni Evelyn at hindi man lang niya ginalaw.Blanko siyang nakatingin sa nakaukit na pangalan ni Sean hanggang sa nakaramdam siya ng kirot sa puso nang mapatingin sa pangalan ni Evelyn Madini, magkatabi lamang sa pangalan ng kaniyang minamahal.Isang luha ang bumagsak sa pisngi niya. Nakayuko ang mukha at pilit na pinipigilang mapahagulhol. “Mom...” umiiyak na tawag ni Via nang biglang na-miss ang kaniyang ina. Kailangan niya ng isang bagay upang palakasin ang kan’yang sarili at tanging ang kan’yang ina at ang hindi pa isinisilang na sanggol ang nasa isip niya. Ang pagpapalaglag sa sanggol ay katumbas ng pagpatay sa kaniyang sarili. Iniisip pa lang niyang mawawala sa kaniya ang bata ay para bang hindi na siya makahinga.Si Sean at Evelyn ay nagmula sa mayayamang pamilya, talagang ang batas ay nasa kanilang panig. Kung tutuusin, ordinaryong mamamayan lang siya, isang tweet lang sa Ingram ay maaaring maging basura siya sa mata ng
Napatalon si Willow mula sa sofa nang makita ang maputlang mukha ni Via. “Via! God, sobrang lamig ba sa labas? Bakit sobrang putla mo na?” ani ni Willow na agad namang sumalubong kay Via sa may pintuan. Malamya ang katawan ni Via hanggang sa inalalayan siya ni Willow, inakbayan siya ng babae at pinahiga sa kaniyang kama.“Gusto mo bang ipagtimpla kita ng tsaa?” nag-aalalang tanong ni Willow. Tumango lang si Via nang hindi umiimik. “Sandali,” sabi ni Willow at pumunta sa kusina. Tinawagan niya si Asher pagkarating niya sa pantry.“Anong meron?” tanong ni Asher sa kabilang linya. “May sakit yata si Via, pwede bang bumisita dito si Doctor Ares?”May tunog ng kandado at pagbukas ng pinto mula sa kabilang linya nang marinig ni Asher ang gulat sa boses ng kan’yang pinsan.“Pupunta ako riyan, teka lang,” nagmamadaling sabi ni Asher. “Ihahatid ko si Ares, tapos na yata ang shift niya sa clinic.” Nang marinig ang mabilis na tugon ng kan’yang pinsan ay nakahinga ng maluwag si Willow. Agad
“Sabi ni Asher magpahinga ka na lang sa bahay. Hindi mo kailangang pumunta ng Cherry Blossom ng ilang araw,” sabi ni Willow na naghain ng pagkain sa tabi ng kama ni Via. “Okay na ang pakiramdam ko, Willow. Mababagot lamang ako rito dahil wala akong ginagawa,” ani ni Via. Aalis na sana siya, pero pinigilan siya ni Willow. “Hindi! Hindi! Magpahinga ka lang. Bukod dito, marami kang magagawa sa bahay, halimbawa na lang ang paggagantsilyo,” suhestiyon ni Willow sa kaniya. Napabuntong-hininga si Via, at napatingin sa orasan sa nightstand. Masyado pa namang maaga. Maging ang araw ay sumisikat pa lamang. Nang makitang seryoso ang mukha ni Willow ay napabuntong hininga siya. “Sasamahan kita subalit hanggang sa tanghali lamang dahil may aasikasuhin ako ngayon,” sabi ni Willow na tila bang nag-aatubiling iwan si Via-ng mag-isa. Ngumiti siya at mahinang tinapik ang balikat ni Willow.“Huwag kang mag-alala. Matanda na ako para alalahanin mo pa.” Tumango si Willow at tinapos na lang ang ginaga