Ilang Araw Ang Nakararaan…
Sean Reviano POV
Napatitig si Sean sa screen ng telepono na naglalaman ng mga text mula sa kan’yang mga magulang at nagtatanong kung kailan siya uuwi.
Saglit siyang napatingin sa mga empleyadong nagkikita-kita sa meeting room. Muli niyang ibinalik ang telepono at sinulyapan si Via na hinawi ang mahabang buhok sa likod ng tenga.
Hindi niya maalis ang mga mata sa magandang mukha ng babae na nakatingin sa report nito. Napahinga siya ng maluwag at tumingin sa malayo.
Bahagya siyang tumikhim kaya nakuha niya ang atensyon ng nakakarami.
“Nasaan na tayo?”
“Nasa rating ng hotel and review report on the booking room platform, Sir…”
Nagpatuloy ang meeting, pero hindi maalis ng mga mata niya ang tingin kay Via na nagpapaliwanag tungkol sa Luna Star Hotel review report na medyo bumaba sa nakaraang buwan.
Sa kalagitnaan ng session ay nakita niyang parang nagde-daydream ang babae. Kaya agad niya itong pinagalitan para naman walang masabi ang lahat at hindi masabing may favoritism siya.
“Via?” tawag ni Sean nang mawalan ng focus ang babae.
“Viania Harper!” tawag niya ulit sa babae.
Hanggang sa pangatlong tawag, hindi pa rin tumitingin si Via na ikinabahala niya. With a calm face as usual, tinawag niya ulit si Via dahil hindi siya komportable nang makarinig ng mga bulong-bulongan mula sa paligid.
“Via!”
Napasinghap si Via, halatang gulat na gulat dahil hindi ito nakikinig. Nagbaba ito ng tingin dahil sa hiya, na ikinakonsensya naman niya.
“Via, kanina pa kita tinatawag, masama ba ang pakiramdam mo?”
“Hindi maganda ang pakiramdam ko simula kaninang hapon,” sagot ni Via, mukhang nag-aatubili at nagpatuloy, “Pasensiya na at nakaisturbo ako sa iyong konsentrasyon.”
Ang presensya lang ni Via ay sapat na para mawala ang konsentrasyon niya, ngunit siyempre hindi niya iyon sasagutin.
“Hindi … okay lang, kung wala kang sapat na lakas para dumalo sa meeting ay maaari ka nang magpahinga.”
“Sana nagsabi kang masama ang iyong pakiramdam bago pa man tayo nagsimula sa meeting.” Ngayon ay nakaramdam siya ng pag-aalala dahil sa lagay ni Via. Ang mga mata niya ay patuloy na pinagmamasdan si Via habang binubuksan ang dokumentong inilarawan nito.
“Back to our meeting, gusto kong pagbutihin natin ang serbisyo ng Luna Star at….”
...........
Pumasok si Daren sa study room ni Sean sa Luna Star. Lumapit ang kaibigan niya habang may dalang tambak na mga dokumento.
“Narinig ko kay tita na babalik ka sa Bicol,” sabi ni Daren habang inilalagay ang tambak ng mga dokumento sa mesa niya.
Tila atubili siyang magpaliwanag, ngunit sa huli ay tumango lang siya.
“Pinilit niya akong umuwi,” sabi niya.
“Saglit lang ako sa Bicol, pagkatapos ay pupunta ako sa Masbate City para tapusin ang isang proyekto na ibinigay sa akin ni Dad dalawang taon na ang nakakaraan.” Parang interesado namang nakikinig sa kaniya si Daren.
“Gusto ko rin sumama.” Isang matalim na sulyap ang ibinigay niya sa lalaki kaya tumikom ang walang prenong bibig ni Daren.
“Sa tingin mo gusto kong pumunta at trabahuin ang proyektong iyon? Kailan ka rito sa Luna Star, gusto ni Dad na magtayo ng bagong hotel sa Masbate City. I told him to hold off until Luna Star stabilize, he flatly refused. Napakatigas ng ulo ng matanda!” ungol niya habang binabasa ang mga dokumento na isa-isang dinala ni Daren.
“Hindi ba playground project iyon?” Nalilito ang mukha ni Daren dahil sa pagbabago ng plano.
“Kailan pa ito naging hotel?” Isinara niya ang dokumentong binabasa at ibinalik ang tingin kay Daren.
“Mula nang ipahayag ni Nicko Anderson na magtatayo siya ng isang palaruan hindi kalayuan sa kung saan pinlano ni Dad ang building na iyon. “ This time hindi na naitago ni Sean ang inis. Ang dati niyang kalmadong mukha ay naging maasim.
“Puwede ka namang lumipat sa ibang lugar.”
“Hindi naman ganoon kadali iyon, ang pag-re-research ay makakadagdag lang sa gastos. At iniiwasan ko ang mafia—ng iyon.”
Si Nicko Anderson ay bahagi ng Italian mafia at alam niyang may kahihinatnan ang pakikitungo niya sa taong katulad nito.
“Gutom na ako, kain tayo sa labas,” angal ni Daren na nagpasakit ng ulo niya. Ibinalik ni Sean ang mga papeles na muntik na niyang pirmahan, kung iisipin, kapag hindi siya susunod ay kukulitin siya ng lalaki. Mas nakakairita pa ang makulit nitong mukha kaysa sa tambak na papeles na nasa harapan niya kaya nagpasya siyang kumain sa labas kasama nito.
…..
“Saan tayo pupunta?” tanong niya pagkarating nila sa shopping center.
“Sa paborito kong bakery shop, dito mo gustong pumunta. Nakalimutan mo na ba?” Nang marinig ang salitang bakery shop ay naunang lumabas si Sean, napangiti si Daren.
Hindi niya maintindihan kung bakit gustong-gustong bisitahin ng matalik niyang kaibigan ang bawat bakery shop sa bayan.
Una siyang dumating sa shop, inobserbahan niya ng mabuti ang paligid, parang sinusuri niya ito na para bang expert sa building at binibigyang pansin ang bawat detalye ng gusali.
“Hoy, nandito tayo para bumili hindi para tingnan at obserbahan ang building,” bulong ni Daren habang sila ay tinititigan ng mga tindera. Para bang wala siyang pakialam at nagkibit balikat lamang habang ipinagpatuloy niya ang kan’yang pag-oobserba.
Pinagtuunan pa niya ng pansin ang bawat menu na naka-display. Halos ang dami niyang tanong lalo na sa mga sangkap sa paggawa ng mga mga iba’t-ibang uri ng pastry kaya nahihiya na si Daren sa pinaggagawa niya sa tindera.
“Bumili ka ba o nagpaplano ka ng bagong negosyo?” Para kay Daren, parang mas okay iyong huling tanong nito parang nga talaga itong gagawa ng sariling bakery shop. Sa dami ba namang tanong niya sa tindera.
“Magiging patok din kaya kapag gagawa ako ng ganitong negosyo?” biglang tanong niya, sasagot na sana si Daren nang siya na mismo ang sumagot sa tanong.
“Sa tingin ko kikita naman ito kapag sumikat. Kung tutuusin, wala rin siyang pakialam kung mabenta man ang mga cake niya o hindi.” Ngayon ay si Daren naman ang nalilito.
“Huh? Sino ba ang tinutukoy mo?” Ikinaway ni Sean ang kamay sa ere, hindi pinansin ang tanong kanina at saka inosenteng umorder ng maraming cake na nakadisplay sa salamin. Halos lahat niya binili bilang sample.
“Sabihin mo na lang na ayaw mong magsalita, huwag mong iwagayway ang iyong kamay nang walang pakundangan,” singhal ni Daren habang hinampas ang kamay ni Sean na nasa ere pa rin. With a satisfied smile, tumingin si Sean kay Daren habang dala-dala ang mga cake sa kamay niya.
“Tawagan mo ako kapag nakahanap ka ulit ng bagong shop,” sabi niya habang paalis na at iniwan si Daren na wala pang order.
…..
Isa-isang nireplyan niya ang mga mensahe galing sa kaniyang ina. Ipinaalam niya sa matanda kung kailan siya darating sa Bicol.
Aalis na sana siya ng kwarto nang biglang tumunog ang phone niya. Akala niya ay tumatawag ang kan’yang ina, nang hindi tumitingin sa caller Id, sinagot ni Sean ang tumawag.
“Hello,” sago niya.
“Hello, Sean. Ako ito si Eve. Nabalitaan ko sa tita mo na uuwi ka na, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” tanong ni Evelyn sa kan’yang usual spoiled na boses.
Natawa si Sean doon at hindi na muna lumabas ng office.
“Sorry, akala ko kasi sobrang busy mo. Sa makalawa ako uuwi, doon na lang tayo magkita. Sa ngayon kasi sobrang busy ko,” paliwanag ni Sean na ayaw paghintayin ang mga subordinates sa meeting room.
Tumingin siya sa relo niya at makikitang magsisimula na ang meeting.
“Tatawag ako kapag may oras na ako,” sambit niya ngunit hindi sumang-ayon ang babae..
“Hindi ba nila kayang maghintay? Ang tagal na rin kasi nating hindi nag-uusap,” bulong ng dalaga sa kabilang linya.
“Hindi puwede, Eve. Busy rin kasi sila, hindi ako pwedeng mag-cancel lang ng meeting dahil lang sa gusto mong makipag-usap sa akin.” Harsh man kung pakikinggan, pero ayaw niyang masanay si Evelyn. Sa tono ng boses nito, para bang nakikita niya ang pagsimangot ng dalaga.
“Sige na nga, dakilang CEO. Tawagan mo ako kapag may oras ka, okay?” Natawa siya sa biro ng babae. Pumayag naman siya bago tuluyang naputol ang linya. Kakabukas pa lang ni Sean ng pinto ay biglang tumawag ang kan’yang personal secretary sa masiglang boses na ikinakunot ng noo niya.
“Sir, may dumating na package!” sigaw ng babae. Rinig na rinig niya ang tunog ng high heels nito na tumatama sa sahig.
Lumiwanag ang mukha niya nang maalala ang in-order niyang diamond ring.
Mabilis na kinuha ng kan’yang mga kamay ang package mula kay Altha.
“Salamat,” aniya, hindi niya namalayang ngumiti siya ng malapad na ikinagulat ng babaeng nasa harapan niya.
Hindi siya makapaghintay na buksan ito kaya agad na binuksan niya ang kahon at nakitang sobrang ganda nito, saktong sakto sa disenyong ginawa niya mismo.
Ito ay kasing elegante gaya ng inaakala niya, mas perpekto pa sa larawang ipininta niya. Napakagaan ng kan’yang mga hakbang habang naglalakad papasok sa meeting room, hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa isang singsing na nakatago sa bulsa ng kan’yang pantalon.
Na-delayed ang pag-uwi niya sa Maynila dahil sa proyektong ibinigay sa kan’ya ng kan’yang ama.Noong una, naiinis siya dahil matagal siyang mamalagi sa Bicol at Masbate. Pero sa kabutihang palad, nandiyan naman si Evelyn na laging sinasamahan siya kapag nakaramdam siya ng pagkabagot buong araw habang nakatitig lang sa screen ng computer.“Ayaw mo bang sumabay sa aking mag-dinner?” tanong ni Evelyn na naglalakad sa tabi niya. Ninanamnam nila ang hangin, naroon sila sa park na hindi kalayuan sa bahay niya. “Hindi ba’t lagi nating ginagawa iyan tuwing gabi?” tanong niya pabalik nang maaala ang kanilang daily dinner routine. Kung hindi ito gala event, ay yayain sila ng kanilang mga magulang na lumabas para kumain nang magkasama. “Pero sabi mo ayaw mong lumabas ngayong gabi kaya kakain na lang tayo sa bahay mo,” patuloy na saad ni Evelyn.“Hmmm…, pwede naman natin gawin iyon sa susunod. Saan mo gustong pumunta?” tanong niya sa dalaga. “Bahala ka na. Ang importante, magkasama tayong dala
Nasa harapan siya ng lumang gusali, kulay kayumanggi ang kulay nito. Inobserbaran niya iyon at napalingon kay Disya, na unang naglakad patungo sa bakuran ng isang lumang farmhouse. Medyo malayo ito sa siyudad, na tila ba nakahiwalay at tagong-tago sa mga tao. Napansin niyang isa o dalawang bahay lang ang nakikita niya at pareho pa ito ng design. Hindi lang iyon, sa daan ay may nakita siyang ilang kabayong gumagala sa malawak na bakuran na napapaligiran ng puting bakod at mga puno ng mansanas nakahilera sa harap nito.“Sigurado ka bang ito ang lugar?” tanong ni niya na nakatitig sa building na bahagyang natutuklap na ang pintura nito sa dingding. “Umalis si Nana sa farmhouse na ito. Alam mo namang hindi ako galing sa mayamang pamilya. Ito ang tanging ari-arian na mayroon ako maliban sa isang apartment sa Maynila.” Huminto si Disya, saka lumingon sa kaniya na nakatuod pa rin simula nang dumating sila. “Pasok ka.” Muli ay napatingin si Via sa lumang gusali bago nagpasyang pumasok sa l
Natarantang nakatingin si Willow kung saan nakalagay ang telebisyon na ngayon ay nawawala na. Napasulyap siya kay Via na tila abala sa pagtatahi ng medyas ng sanggol. Tutok na tutok ito sa kaniyang ginagawa habang inaaral kung paano ito gawin. May mga libro ring nakakakalat sa sahig. “Nasaan ang telebisyon?” Lumapit si Willow at kinuha ang isa sa mga pink na sinulid na nakalagay sa sahig. Nagkibit balikat si Via habang patuloy na sinusubukang ihabi isa-isa ang mga sinulid.“Inilagay ko iyon sa taas,” sagot ni Via nang hindi lumilingon. Nalilito at napanganga si Willow dahil gumagana pa rin naman ng maayos ang bagay na iyon. Tanging ang telebisyon lamang ang tanging malilibangan sa loob ng bahay kaya nalilito siya.“May mali ba sa telebisyon na iyon? Hindi naman iyon sira. Okay pa naman siya kahapon, ‘di ba?” Napasulyap si Willow sa bintana nang marinig ang tunog ng mustang na nakaparada sa bakuran, tiyak na dumating na ang pinsan niyang lalaki para maghatid ng kanilang mga pinamil
Pagkagising niya ay agad siyang tumakbo sa banyo at sumuka sa lababo. Napaupo siya sa sahig at wala namang lumalabas sa kaniyang bunganga. Matagal siyang natapos bago tuluyang naghilamos ng bibig at mukha. Pakiramdam niya ay masamang-masama ang pakiramdam niya, humiga siya sa kama ng dalawang minuto. Nagising siya sa tunog ng alarm at nagulat nang makitang mabilis na lumipas ang oras.Parang limang minuto lang siyang nakahiga sa kama, hindi niya namalayan na dalawang oras na pala ang lumipas.“Via? Ayos ka lang ba?” tanong ni Willow habang kumakatok sa pinto mula sa labas. Bumangon si Via sa kama at tiningnan ang namumugto pa rin niyang mukha.“Lalabas na ako saglit lang,” sagot niya habang naglalakad papuntang banyo para linisin ang sarili. Pumunta siyang dining room, kita niya na nakahanda na ang lahat ng almusal sa mesa. Kita niya rin si Willow na mukhang abala sa paglilinis ng kawali sa lababo. Nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang nagtatrabaho si Willow nang mag-isa dahi
Pumasok si Sean sa malamig na apartment nila ni Via. Wala nang maamoy na mantikilya at matamis na mga baking cake na dating bumubungad sa kaniyang kapag papasok sa loob. Mabibigat ang kaniyang mga hakbang habang lumapit sa sala. Sinadya niyang hindi buksan ang mga ilaw at hinayaang maging madilim ang kapaligiran. Para saan pa? Ni hindi niya naman makikita ang pigura ni Via. Pumasok si Sean sa kwarto. Napalanghap siya ng hangin, tila ba inaamoy ang huling halimuyak ng babae bago ito umalis ngunit nabigo siya. Wala man lang siyang maamoy ni kunti. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa bakanteng kama. Nilibot niya ang silid na minsang inookupahan ni Via. Hinawakan niya ang bawat bagay na maaaring may fingerprints ng babae. Not to mention the surface of the mattress na kakapalit lang ng kumot. Nabigo ang kaniyang puso dahil tanging lamig lang ang natanggap niya sa bawat haplos doon. Mukhang tama nga si Daren, kailangan niyang kalimutan si Via at lahat ng alaala nilang magkasa
Mabilis na lumipas ang taglamig. Nagtrabaho si Via sa Cherry Blossom Inn nang halos dalawang linggo. Parang hindi niya kayang makibagay sa Baguio dahil sa pagiging palakaibigan ng mga tao.Nakahinga siya ng maluwag dahil wala man lang siyang narinig sa bayan na balita tungkol kay Sean at maging ang mga tao sa nayon ay walang pakialam sa mga ganoong bagay. Para sa kanila, estranghero lang ang mga artista na hindi masyadong karapat-dapat na pagtuunan ng pansin, sobrang layo nga talaga ng kabihasnan dito. Pero isa sa pinoproblema niya ay si Disya, madalas na kino-contact ng best friend niya siya at minsan ay dinadala ang topic tungkol kay Sean na siyempre hindi niya pinapakinggan. “Sabi ko naman sa iyo, huwag mo nang i-mention ang pangalan ng lalaking iyon,” sabi ni Via kay Disya na nasa kabilang linya. “Pero kailangan mo ring malaman kung ano ang nangyayari, Via. Ang lalaking iyon ang ama ng iyong anak. Kung hindi mo ako pinigilan ay malang masasampal ko siya, ipapahiya ko siya sa pu
Nakapatong sa mesa ang kulay gintong imbitasyon na iniwan ni Evelyn at hindi man lang niya ginalaw.Blanko siyang nakatingin sa nakaukit na pangalan ni Sean hanggang sa nakaramdam siya ng kirot sa puso nang mapatingin sa pangalan ni Evelyn Madini, magkatabi lamang sa pangalan ng kaniyang minamahal.Isang luha ang bumagsak sa pisngi niya. Nakayuko ang mukha at pilit na pinipigilang mapahagulhol. “Mom...” umiiyak na tawag ni Via nang biglang na-miss ang kaniyang ina. Kailangan niya ng isang bagay upang palakasin ang kan’yang sarili at tanging ang kan’yang ina at ang hindi pa isinisilang na sanggol ang nasa isip niya. Ang pagpapalaglag sa sanggol ay katumbas ng pagpatay sa kaniyang sarili. Iniisip pa lang niyang mawawala sa kaniya ang bata ay para bang hindi na siya makahinga.Si Sean at Evelyn ay nagmula sa mayayamang pamilya, talagang ang batas ay nasa kanilang panig. Kung tutuusin, ordinaryong mamamayan lang siya, isang tweet lang sa Ingram ay maaaring maging basura siya sa mata ng
Napatalon si Willow mula sa sofa nang makita ang maputlang mukha ni Via. “Via! God, sobrang lamig ba sa labas? Bakit sobrang putla mo na?” ani ni Willow na agad namang sumalubong kay Via sa may pintuan. Malamya ang katawan ni Via hanggang sa inalalayan siya ni Willow, inakbayan siya ng babae at pinahiga sa kaniyang kama.“Gusto mo bang ipagtimpla kita ng tsaa?” nag-aalalang tanong ni Willow. Tumango lang si Via nang hindi umiimik. “Sandali,” sabi ni Willow at pumunta sa kusina. Tinawagan niya si Asher pagkarating niya sa pantry.“Anong meron?” tanong ni Asher sa kabilang linya. “May sakit yata si Via, pwede bang bumisita dito si Doctor Ares?”May tunog ng kandado at pagbukas ng pinto mula sa kabilang linya nang marinig ni Asher ang gulat sa boses ng kan’yang pinsan.“Pupunta ako riyan, teka lang,” nagmamadaling sabi ni Asher. “Ihahatid ko si Ares, tapos na yata ang shift niya sa clinic.” Nang marinig ang mabilis na tugon ng kan’yang pinsan ay nakahinga ng maluwag si Willow. Agad