Home / Romance / Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO / KABANATA 8 I DALAWANG PULANG LINYA

Share

KABANATA 8 I DALAWANG PULANG LINYA

Bumili siya ng ilang mga gamit sa kusina sa supermarket. Kahit wala si Sean ay hindi naging hadlang sa kaniya ang magluto ng mga menu na gustong-gusto ni Sean. 

Nang nasa sea food area na siya ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya iniwasan niya agad ito. Maging siya ay naduduwal nang maamoy niya ang karne kaya napalayo siya rito. 

Siya ay patuloy na nagkalkula ng date ng kan’yang regla. Saglit na naramdaman niya ang tensyon ng katawan dahil may kakaiba sa kan’yang monthly cycle na hindi niya napansin. 

Kinuha niya ang limang test pack na nakapila sa mga istante at nagpasyang mabilis na lumabas ng supermarket, ngunit napatigil ang kan’yang mga hakbang nang mahagip ng kan’yang mga mata ang tabloid na nakaplaster sa mukha ni Sean bilang pangunahing headline.

Hindi niya namalayan na lumapit na pala siya rito at binasa ang title sa bold print:

“Evelyn Madini and Sean Reviano’s romance.” 

Nang hindi maalis ang tingin sa perpektong portrait ni Sean sa cover ng tabloid, binasa niya ang nilalaman.

Nakapaloob dito ang kuwento nina Sean at Evelyn na magkahawak-kamay habang naglalakad sa isang parke, maging ang larawan ng kanilang pagmamahalan ay kitang-kita sa bawat pahina. Si Sean na nakahawak sa kamay ni Evelyn habang tumatawid ng kalye, si Sean na napangiti nang marinig si Evelyn na magsalita, at si Sean na mukhang masaya naman na nakatayo sa tabi ni Evelyn. 

Kung nasaan man si Sean, malinaw na inilarawan niya kung gaano katamis ang ngiting iyon, kung gaano kaliwanag ang mukha ni Sean kapag masaya ito, o ang mga mata nito na nakangiti kapag nakarinig ng nakakatawang biro. 

Ang lahat ay malinaw na nakaukit sa matalas niyang alaala, ngunit napakasakit kapag nasa ibang babae ang lahat ng iyon.

Namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya ngunit hindi niya ito hinayaang bumagsak. 

Hindi pa rin siya makapaniwala na nakalimutan na siya ni Sean nang hindi man lang ito nagpapaliwanag, pero sapat na para masaktan ang ebidensya na unti-unti niyang binabalewala at sadyang iniiwasan siya ng lalaki.

Kung tutuusin, hindi na niya kayang makita si Sean na may kasamang ibang babae kahit sa pamamagitan lang ng mga portrait sa papel. 

“Tingnan mo, bagay na bagay talaga silang dalawa,” sabi ng babae na biglang tumabi sa kaniya.

Bahagyang ngumiti siya at ibinalik ang tabloid sa orihinal nitong pwesto.

“Fan ka rin ba nila?” tanong ng babae sa kaniya.

Nilunok niya ang mga luhang malapit nang tumulo.

“Ah… yun… napatingin lang ako,” awkward na sagot niya.

“Huwag kang mahihiyang aminin na nadudurog ang puso mo na makitang ikakasal na ang isang gwapo at mayamang CEO. Nasasaktan din ako gayundin ang milyun-milyong babae. Ang nag-iisang pinaka-coveted na lalaki ay natagpuan na ang kan’yang soulmate, napakaswerte ni Evelyn.” Tumawa ang babae sabay kuha ng tabloid para dalhin sa cashier. 

Natigilan siya nang makaalis ang babae. Napagtanto na hanggang ngayon ay walang nakakaalam ng presensya niya sa buhay ni Sean. Ni minsan ay hindi siya nakasama ni Sean kung saan.

Gusto niyang sigawan ang babaeng iyon na bago si Evelyn ay naroon siya na nagpapainit sa higaan ng lalaking pinagpapantasyahan nila, na nagluluto ng paborito nitong hapunan, na naghahanda ng kasuotan sa trabaho tuwing umaga, na nakangiting nag-welcome sa lalaki sa pag-uwi nito kahit pagod na. 

Nandiyan siya na nakasama ni Sean ng isang taon. Itinatago lang ni Sean ang kinaroroonan niya. 

Pakiramdam niyang natalo siya dahil ayaw talaga ni Sean na malaman ng publiko ang tungkol sa kaniya. 

Sa isang masakit na katotohanan, agad siyang umalis sa harap ng cashier at bagsak ang balikat na umuwi sa kaniyang apartment.

 …. 

Nakaupo si Via sa sahig ng banyo ng apartment habang nakatingin sa two-lined pregnancy test na binili niya kani-kanina lang.

Napakahirap para sa kanya na tanggapin kapag ang relasyon nila ni Sean ay mapunta sa walang kuwenta.

Nakaramdam siya ng frustration dahil naiisip niya ang kapalaran ng sanggol sa kaniyang sinapupunan. Natatakot din siyang makita ang reaksyon ni Sean at baka tanggihan ang bata.

 Nalilito pa rin siya subalit agad na dinayal niya ang kaisa-isang numerong kan’yang sinasandalan. 

“Hellooo,” sabi ng boses mula sa kabilang linya.

“Kumusta…?” Masaya ang naging tono ng boses nito na para bang excited itong makausap siya.

Nagsimulang maguluhan ang boses nang hindi na rin umimik siya sa kabilang linya. 

“Via?” nagtatakang tanong ni Disya. 

Agad na nagbagsakan ang mga luha niya hanggang sa marinig ang pinipigilang hikbi sa kabilang linya.

“Anong problema Via? Bakit ka umiiyak? Sabihin mo sa akin,” tanong ni Disya na tila ba’y nag-aalala. 

“Buntis… buntis ako,” mas malakas ang hikbi niya sa babae. Sandaling tumahimik ang lahat ng ingay sa paligid maliban sa tuloy-tuloy na hikbi na kumawala sa mga labi niya. Kasama ang static na tunog mula sa koneksyon na nag-uugnay sa pag-uusap nila na parang nakikilahok sa isang nakasusuklam na problema.

 “Buntis ako!” Lalong lumakas ang hagulhol niya at hindi mapigilan na parang dagundong ng babaeng sugatan at nasasaktan. 

“Buntis ako!” Paulit-ulit niyang sabi na parang walang ibang salitang alam at sa wakas ay naibuhos niya ang kan’yang nadudurog na puso sa kaibigan.

Isa-isang pinakinggan ni Disya ang lahat ng mga kasalanan ng isang Sean Reviano mula sa pag-amin ni Viania. Humahaba ang listahan kaya naramdaman ni Disya ang lalim ng sugat na dinanas ni Via ngayon. Sabay silang umiyak, humahagulgol at pinipigilan ang sakit sa dibdib.

Isang rule ang nasira. NO PREGNANCY. 

Malapit nang mawala siya sa buhay ni Sean Reviano.

Sa kaibuturan, nararamdaman niya na malapit nang dumating ang oras na iyon.

Takot na takot siyang harapin ang galit ni Sean, ngunit mas natatakot ang kan’yang konsensiya kay Sean na magdesisyon sa kapalaran ng sanggol sa kan’yang sinapupunan. 

Dahan-dahang binalot siya ng motherly instinct at ayaw niyang sumuko. Kinumpirma ng isip niya na kahit wala si Sean ay kaya niyang palakihin ang sanggol. 

“You better tell Sean about your condition, Via,” mungkahi ni Disya na naging dahilan para manginig siya sa takot.

“Hindi ko kaya,” bulong niya. 

“Via, sabihin mo sa kanya. Kung tumanggi siya, mag-iisip tayo ng ibang paraan huwag kang mag-alala.” 

Tiningnan niya ang numerong binigay ni Altha, balak niyang tawagan si Sean mula sa numerong iyon. 

“Susubukan ko.”

Sa huli, ang kan’yang konsensya ay nagtagumpay kahit na hindi pa rin siya sigurado sa ginagawa niya. 

Nag-alinlangan ang mga daliri niya na pindutin ang call button sa bagong numero ni Sean. 

Nanginginig ang puso niya sa takot kung ano nga ba ang magiging reaksyon nito.

Noong una, ring tone lang ng tawag pero mas masakit dahil nag-end ang call na iyon, subalit hindi siya sumuko. 

Nang hindi natanggap ang ikatlong tawag, nagpasya si Via na magpadala ng mensahe.

[Si Via ito. Ilang beses kitang sinubukang tawagan pero hindi mo sinasagot kaya napagdesisyunan kong magmessage. Sorry kung hindi ka naghintay hanggang sa makauwi ka, kasi takot na takot ako ngayon. Tawagan mo ako ASAP.] 

Naghintay si Via ng ilang minuto bago tuluyang nakatanggap ng reply.

[Saan mo nakuha ang numerong ito?] 

Medyo gumaan ang loob niya sa nabasa niyang reply, dahil sa wakas ay na-contact na rin niya si Sean kahit na muli siyang nalungkot nang ma-realize na na-deactivate na talaga ni Sean ang numerong tinatawagan niya para lang maiwasan siya.

[Mula sa mga tao sa opisina.] 

Matamlay na sagot niya, dahil hindi man lang siya nito kinamusta. Sa pagkakataong ito, hindi na niya na napigilan ang pagpatak ng kan’yang mga luha.

[Busy ako. Tatawagan kita mamaya.]

Nadurog ang puso niya sa pagbabasa ng mensahe, imbes na tanungin nito kung ano ang kinakatakutan niya o kung kumusta na siya, o baka kung ano ang ginagawa niya habang wala ito, ngunit nakatanggap siya ng mensahe na tatawagan na lang daw siya mamaya. 

Ang sakit na nararamdaman ay napalitan ng galit at pagkamuhi. Wala siyang pakialam kung iparating niya sa pamamagitan ng mensahe ang tungkol sa pagbubuntis niya. 

Para sa kanya, mas maaga siyang nagbigay ng balita, mas mapapanatag siya at curious sa sagot ni Sean. Makalipas ang ilang minuto, nag-message ulit siya.

 [Buntis ako, Sean.] 

Matagal siyang naghihintay ng reply. 

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya na parang lalabas na sa katawan niya ito hanggang sa napagdesisyunan niya na maupo sa sofa, takot na madapa kung patuloy na kakabahan. 

Sa halos sampung minutong paghihintay ay dumating ang hinihintay niyang sagot. 

Gayunpaman, parang dinurog ang kaniyang puso’t kaluluwa nang mabasa ang nilalaman ng mensahe. 

Nabasag ang screen ng phone na hawak niya sa sahig.

Sa isang segundo, tumigil ang puso niya.

Tumalikod siya at hindi niya namamalayang umiiyak na pala siya nang malakas na parang nilaslas ng kutsilyo ang puso niya. Sobrang sakit kahit hindi naman ito dumudugo.

Naka-on pa rin ang mensahe sa kan’yang basag na screen at doon muli niyang nabasa ang nakasulat na mensahe: 

[Get rid of it! Wala akong oras para sa’yo.]

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status