Hindi umuwi si Sean ngayon. Nagdahilan ito na kukunin nito ang mga bagahe sa pribadong penthouse na kahit minsan ay hindi pa siya nakakapunta.
Sa simula pa lang ng relasyon nila ay binigyan na siya ni Sean ng pribadong apartment. Noong una, dumadalaw lamang ito kapag kailangan, pagkatapos ay umaalis din nang hindi man lang natutulog sa tabi niya, bumabalik ito sa bahay niya at hindi man lang nagpapalipas ng umaga kasama siya. Ngunit sa paglipas ng panahon ay doon na si Sean tumira sa kan’ya.
Sa una, ito ay nanatili lamang ng isang araw o dalawa at hindi na lang niya napansin ay nagiging ilang buwan na.
Uuwi si Sean sa kanilang bayan bukas para bisitahin ang kan’yang mga magulang. Pero hindi lang basta ito regular na pagbisita. Noong lunch sa cafeteria ay nabalitaan niya na isang babaeng modelo na nagngangalang Evelyn Madini ang nakatira kung saan malapit sa apartment ni Sean. Kumalat ang tsismis na baka gusto ng CEO na magsagawa ng engagement dahil magkatabi lang ang bahay ng kanilang mga magulang roon.
“Paano mo naman nalaman na magkakaroon ng engagement sila?” curious na tanong ni Amber.
“Noong nakaraan, nag-order si Mr. CEO ng two-carat diamond ring. Kahapon dumating ang singsing at agad niya itong itinago sa bulsa ng pantalon. Masayang-masaya rin ang mukha nito na parang isang taong head-over-heels sa babae,” paliwanag ni Altha at galing sa kaniya ang pinagmumulan ng tsismis.
Sabay-sabay na napabuntong-hininga ang lahat ng babae sa canteen at may halong inggit na nararamdaman kay Evelyn Madini. Marami sa kanila ang gustong palitan ang posisyon ng modelong ito.
Lalo namang kinabahan siya nang marinig niyang bumili ang lalaki ng diamond ring. Hindi niya akalaing aabot ng ganoon si Sean nang hindi pa naman tapos ang kanilang relasyon bago pumunta sa ibang babae.
Akala niya ay magiging single na si Sean habang buhay, gaya noon bago nagsimula ang kanilang relasyon.
O siya lang ba ang nag-isip na ni minsan ay hindi magpapakasal si Sean Reviano na isang taong may katayuan sa lipunan?
Totoo bang madaling magbago ang puso?
“Tumigil ka na! Huwag ka nang magkalat ng tsismis dito,” sabi ni Kezia na sinusubukang tapusin ang usapan. Dahil para sa babae, hindi magandang pag-usapan ang tungkol sa amo nila sa trabaho.
“Talagang totoo ito, sigurado ako. Si Mr. CEO ay hindi kailanman ngumiti tungkol sa isang singsing lamang. The news in the media also supports the reason for the ring,” ani Altha at kinumpirma ang kanilang palagay.
“Wala naman tayong magagawa at labas na tayo kung ikakasal siya, huwag na lang nating dagdagan at pag-usapan pa.” Ayaw magpatalo ni Kezia.
“Araw-araw, si Mr. CEO ang laging pinag-uusapan, habang marami pa tayong ibang interesanteng paksang pag-uusapan.”
“No wonder na siya ang paksa natin dahil mukha naman siyang artista na katapat ang spotlight,” sambit ni Amber at hindi naman nagpahuli sa usapan.
Ipinatong niya ang isang kamay sa hita ni Kezia, pinipigilan ang kapareha na gumanti sa bagay na hindi naman maipapanalo.
“Kei, mukhang nakalimutan kong humingi ng calibration data kay Hadley. Baka nakabalik na siya mula sa meeting. Please samahan mo naman ako sa office niya.” Tinikom ni Kezia ang bibig at tumango kahit na ayaw niyang gumalaw at sumama sa kaniya.
Tama! Walang kwentang makipagtalo kung kasing tigas din ni Kezia ang mga babaeng kausap niya. Hindi nagpapatalo ang mga ito.
Nagpaalam na silang dalawa at lumabas ng cafeteria na halo-halo ang nararamdaman.
…..
Kakabalik niya lang sa apartment nang maya-maya matapos siyang makatanggap ng mensahe mula kay Sean na nagsasabing kakaalis niya lang papapunta sa bayan.
Ilang beses na tumawag siya sa lalaki pero hindi active ang cell phone nito.
Kinabukasan sa opisina, hindi niya nakita si Sean sa lobby o corridor gaya ng dati. Doon niya lang napagtanto na wala na malayo na sila sa isa’t-isa.
Lumipas ang tatlong araw, ngunit hindi man lang nagparamdam si Sean. Sa kan’yang puso, napagtanto niya kung ano lang siya sa lalaki, isang sikretong babae nito.
Hindi nito trabaho na ipaalam sa kaniya sa lahat ng oras kung nasaan ito at hindi niya karapatan na hingin ang atensyon ng lalaki. Kaya lamang nabubuhay ang kanilang relasyon dahil kailangan nila ang init ng isa’t isa.
Ikapitong araw na ngunit hindi pa bumabalik si Sean. Kahit isang balita ay wala man lang siyang natanggap. Hanggang sa napagod na siya sa pagkalikot ng numero ng lalaki, walang sawang pagtawag araw at gabi na sinasagot lang ng operator at sinasabing hindi makontak ang numerong na-dial niya.
Nakaupo lang siya sa cafeteria, nakatingin sa mga bakanteng upuan sa sulok nang biglang dumagsa sa kan’yang mesa ang isang pulutong na tsismis.
Hindi niya alam kung bakit katabi pa niya talaga ang mga grupo ng mga Marites pumwesto na para bang sinadya nilang lumapit sa kaniya.
“Narinig mo ba ang balita kaninang umaga?” tanong ni Amber na nagsimula ng kanilang tsismisan.
“Anong balita?” bati nina Altha, Cece at iba pa.
“Kasama ng CEO si Evelyn sa gala dinner kagabi,” masiglang sagot ni Amber.
Nahati sa dalawa ang kaniyang puso nang marinig ang sinabi ni Amber. Sumakit ang dibdib niya nang marinig ang balitang iyon.
“Madalas na silang magkasama. Kita mo? Kahit ngayong linggo, pareho silang dumalo sa parehong mga kaganapan nang tatlong beses. Pagkatapos noon ay nagkaroon pa sila ng romantic dinner sa isang Five-star na restaurant. Tingnan mo at sobrang dikit nila sa isa’t-isa— ito ay isang larawan na kuha ng papparazi.”
Gaya ng dati ay ipinakita ni Cece ang screen ng kan’yang cellphone sa kanilang grupo. Tumangging tumingin siya, hindi siya sigurado kung maibabalik pa ba ang nadurog niyang puso. Ilang saglit lang ay naramdaman niya para bang malapit nang maging tipak ito na parang bato na nadurog.
“Grabe…Sobrang bagay na bagay sila!” sabay na sigaw ng grupo.
Hindi niya namalayang napakuyom na ang kamay niya at agad na nakusot ang itim na span skirt na suot niya.
“Alam mo ba kung kailan babalik si Mr. CEO?” tanong ni Amber na nakatingin pa rin sa mga pictures ni Sean.
Tumango si Altha habang nilulunok ang tinapay. “Sabi niya in two weeks kapag matapos ang business niya roon. Puwede naman kasi siyang magtrabaho doon habang wala rito.”
Napaangat siya ng ulo nang marinig ang sinabi ni Altha. Bumilis ang tibok ng puso niya at nagtanong, “Kailan siya tumawag?”
“Araw-araw siyang tumatawag sa opisina na parang siya na ang bahala sa lahat ng negosyo rito. Nagpadala rin ako ng report via email, naging procedure na ito kapag absent siya.”
Nagulat siya sa narinig. All this time, akala niya ay wala na talagang oras si Sean para hawakan ang phone nito pero wala pala itong oras para sa kanya.
Pero paano makikipag-ugnayan si Sean sa opisina kung hindi naman active ang numero nito? Kaya agad na naghinala siya na hindi lang isang numero ang mayroon ang lalaki. Ang kan’yang mga mata ay puno ng lungkot ngunit siya ay nagpigil upang walang maghinala at makapansin.
“Napakasipag talaga ng CEO natin,” sabi ni Amber na may paghanga sa kaniyang mga mata.
“Tama. Isa-isa rin niyang kinakamusta ang mga empleyado niya. Aaaah! What a dream CEO!” dagdag ni Altha.
Patuloy na umagos ang usapan tungkol sa perpekto nilang CEO. Simula noon, nanahimik na siya, naging listener team na ang puso niya habang durog na durog sa mga impormasyong nalaman niya.
Pagkalabas na pagkalabas ng grupo sa cafeteria ay hinawakan niya ang braso ni Altha at sinubukang magtanong.
“May gusto akong i-report kay Mr. CEO, pwede ko bang makuha ang number niya?”
Tiningnan niya ang babae ng seryoso at propesyonal na tumindig upang ipakita na ito ay tungkol lamang sa trabaho.
Hindi agad pumayag si Altha.
Nag-isip muna ito bago nagpasyang ibigay ang numero.
“Ang numero ay zero…….”
Ang bagong numero ay agad na tinipa niya sa cellphone niya at nagpasya ang dalawa na maghiwalay pagdating nila sa lobby.
Ang puso niya ay hindi kumakalma mula noong nasa canteen siya.
Nagpasya siyang pumunta sa banyo. Matagal niyang tiningnan ang cellphone number sa screen. Bumagsak ang mga balikat niya nang mapagtanto niyang ibang numero iyon.
Hindi niya kayang tawagan ito, nadurog ang puso niya sa katotohanang sinasadya ni Sean na hindi siya tawagan.
Hindi niya naramdaman ang pag-agos ng kan’yang mga luha hanggang sa humagulgol siya sa upuan ng banyo. Iniisip ang hindi nasusukliang nararamdaman sa lalaki, dagdag pa ang may-ari ng kan’yang puso ay masaya sa piling ng iba at wala man lang pakialam sa kanya. Hindi man lang siya nito nagawang kamustahin ni wala itong balak kausapin siya.
Bumili siya ng ilang mga gamit sa kusina sa supermarket. Kahit wala si Sean ay hindi naging hadlang sa kaniya ang magluto ng mga menu na gustong-gusto ni Sean. Nang nasa sea food area na siya ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya iniwasan niya agad ito. Maging siya ay naduduwal nang maamoy niya ang karne kaya napalayo siya rito. Siya ay patuloy na nagkalkula ng date ng kan’yang regla. Saglit na naramdaman niya ang tensyon ng katawan dahil may kakaiba sa kan’yang monthly cycle na hindi niya napansin. Kinuha niya ang limang test pack na nakapila sa mga istante at nagpasyang mabilis na lumabas ng supermarket, ngunit napatigil ang kan’yang mga hakbang nang mahagip ng kan’yang mga mata ang tabloid na nakaplaster sa mukha ni Sean bilang pangunahing headline.Hindi niya namalayan na lumapit na pala siya rito at binasa ang title sa bold print:“Evelyn Madini and Sean Reviano’s romance.” Nang hindi maalis ang tingin sa perpektong portrait ni Sean sa cover ng tabloid, binasa niya ang
Sinamahan ni Disya si Via na mukhang wasak na wasak at namumutla ang magandang mukha nito na parang wala na itong ganang ipagpatuloy ang buhay.Nang makita ang depresyon na halatang-halata sa mukha ng babae, umupo si Disya sa harap nito at tinitigan si Via ng mabuti.Napatingin ito sa cellphone na basag-basag ang screen sa sahig. Nanginginig ang mga kamay nito habang kinukuha ang phone ni Via. Naniniwala si Disya na ang laman ng mensahe sa cellphone na iyon ang dahilan kung bakit nasa gano’n ang state ang kaibigan niya.Gaya nga ng inaasahan niya, nasaktan din si Disya sa mensahe ni Sean, nakaramdam pa siya ng sobrang galit para sa lalaki.Ang lakas ng apog nitong saktan ang best friend niya at itapon na parang basura?! Hindi ito tinanggap ni Disya, talagang hindi niya ito mapapatawad. “Via, oh ... Via,” humagulgol si Disya habang hinahaplos ang namamagang mukha ng kaibigan. Nakatitig sa dingding ang mga mata ni Via, natuyo ang mga luha at namamaga pati na ang mga mata.“Ayaw niya
Ilang Araw Ang Nakararaan…Sean Reviano POVNapatitig si Sean sa screen ng telepono na naglalaman ng mga text mula sa kan’yang mga magulang at nagtatanong kung kailan siya uuwi. Saglit siyang napatingin sa mga empleyadong nagkikita-kita sa meeting room. Muli niyang ibinalik ang telepono at sinulyapan si Via na hinawi ang mahabang buhok sa likod ng tenga.Hindi niya maalis ang mga mata sa magandang mukha ng babae na nakatingin sa report nito. Napahinga siya ng maluwag at tumingin sa malayo. Bahagya siyang tumikhim kaya nakuha niya ang atensyon ng nakakarami. “Nasaan na tayo?”“Nasa rating ng hotel and review report on the booking room platform, Sir…” Nagpatuloy ang meeting, pero hindi maalis ng mga mata niya ang tingin kay Via na nagpapaliwanag tungkol sa Luna Star Hotel review report na medyo bumaba sa nakaraang buwan. Sa kalagitnaan ng session ay nakita niyang parang nagde-daydream ang babae. Kaya agad niya itong pinagalitan para naman walang masabi ang lahat at hindi masabing m
Na-delayed ang pag-uwi niya sa Maynila dahil sa proyektong ibinigay sa kan’ya ng kan’yang ama.Noong una, naiinis siya dahil matagal siyang mamalagi sa Bicol at Masbate. Pero sa kabutihang palad, nandiyan naman si Evelyn na laging sinasamahan siya kapag nakaramdam siya ng pagkabagot buong araw habang nakatitig lang sa screen ng computer.“Ayaw mo bang sumabay sa aking mag-dinner?” tanong ni Evelyn na naglalakad sa tabi niya. Ninanamnam nila ang hangin, naroon sila sa park na hindi kalayuan sa bahay niya. “Hindi ba’t lagi nating ginagawa iyan tuwing gabi?” tanong niya pabalik nang maaala ang kanilang daily dinner routine. Kung hindi ito gala event, ay yayain sila ng kanilang mga magulang na lumabas para kumain nang magkasama. “Pero sabi mo ayaw mong lumabas ngayong gabi kaya kakain na lang tayo sa bahay mo,” patuloy na saad ni Evelyn.“Hmmm…, pwede naman natin gawin iyon sa susunod. Saan mo gustong pumunta?” tanong niya sa dalaga. “Bahala ka na. Ang importante, magkasama tayong dala
Nasa harapan siya ng lumang gusali, kulay kayumanggi ang kulay nito. Inobserbaran niya iyon at napalingon kay Disya, na unang naglakad patungo sa bakuran ng isang lumang farmhouse. Medyo malayo ito sa siyudad, na tila ba nakahiwalay at tagong-tago sa mga tao. Napansin niyang isa o dalawang bahay lang ang nakikita niya at pareho pa ito ng design. Hindi lang iyon, sa daan ay may nakita siyang ilang kabayong gumagala sa malawak na bakuran na napapaligiran ng puting bakod at mga puno ng mansanas nakahilera sa harap nito.“Sigurado ka bang ito ang lugar?” tanong ni niya na nakatitig sa building na bahagyang natutuklap na ang pintura nito sa dingding. “Umalis si Nana sa farmhouse na ito. Alam mo namang hindi ako galing sa mayamang pamilya. Ito ang tanging ari-arian na mayroon ako maliban sa isang apartment sa Maynila.” Huminto si Disya, saka lumingon sa kaniya na nakatuod pa rin simula nang dumating sila. “Pasok ka.” Muli ay napatingin si Via sa lumang gusali bago nagpasyang pumasok sa l
Natarantang nakatingin si Willow kung saan nakalagay ang telebisyon na ngayon ay nawawala na. Napasulyap siya kay Via na tila abala sa pagtatahi ng medyas ng sanggol. Tutok na tutok ito sa kaniyang ginagawa habang inaaral kung paano ito gawin. May mga libro ring nakakakalat sa sahig. “Nasaan ang telebisyon?” Lumapit si Willow at kinuha ang isa sa mga pink na sinulid na nakalagay sa sahig. Nagkibit balikat si Via habang patuloy na sinusubukang ihabi isa-isa ang mga sinulid.“Inilagay ko iyon sa taas,” sagot ni Via nang hindi lumilingon. Nalilito at napanganga si Willow dahil gumagana pa rin naman ng maayos ang bagay na iyon. Tanging ang telebisyon lamang ang tanging malilibangan sa loob ng bahay kaya nalilito siya.“May mali ba sa telebisyon na iyon? Hindi naman iyon sira. Okay pa naman siya kahapon, ‘di ba?” Napasulyap si Willow sa bintana nang marinig ang tunog ng mustang na nakaparada sa bakuran, tiyak na dumating na ang pinsan niyang lalaki para maghatid ng kanilang mga pinamil
Pagkagising niya ay agad siyang tumakbo sa banyo at sumuka sa lababo. Napaupo siya sa sahig at wala namang lumalabas sa kaniyang bunganga. Matagal siyang natapos bago tuluyang naghilamos ng bibig at mukha. Pakiramdam niya ay masamang-masama ang pakiramdam niya, humiga siya sa kama ng dalawang minuto. Nagising siya sa tunog ng alarm at nagulat nang makitang mabilis na lumipas ang oras.Parang limang minuto lang siyang nakahiga sa kama, hindi niya namalayan na dalawang oras na pala ang lumipas.“Via? Ayos ka lang ba?” tanong ni Willow habang kumakatok sa pinto mula sa labas. Bumangon si Via sa kama at tiningnan ang namumugto pa rin niyang mukha.“Lalabas na ako saglit lang,” sagot niya habang naglalakad papuntang banyo para linisin ang sarili. Pumunta siyang dining room, kita niya na nakahanda na ang lahat ng almusal sa mesa. Kita niya rin si Willow na mukhang abala sa paglilinis ng kawali sa lababo. Nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang nagtatrabaho si Willow nang mag-isa dahi
Pumasok si Sean sa malamig na apartment nila ni Via. Wala nang maamoy na mantikilya at matamis na mga baking cake na dating bumubungad sa kaniyang kapag papasok sa loob. Mabibigat ang kaniyang mga hakbang habang lumapit sa sala. Sinadya niyang hindi buksan ang mga ilaw at hinayaang maging madilim ang kapaligiran. Para saan pa? Ni hindi niya naman makikita ang pigura ni Via. Pumasok si Sean sa kwarto. Napalanghap siya ng hangin, tila ba inaamoy ang huling halimuyak ng babae bago ito umalis ngunit nabigo siya. Wala man lang siyang maamoy ni kunti. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa bakanteng kama. Nilibot niya ang silid na minsang inookupahan ni Via. Hinawakan niya ang bawat bagay na maaaring may fingerprints ng babae. Not to mention the surface of the mattress na kakapalit lang ng kumot. Nabigo ang kaniyang puso dahil tanging lamig lang ang natanggap niya sa bawat haplos doon. Mukhang tama nga si Daren, kailangan niyang kalimutan si Via at lahat ng alaala nilang magkasa