Home / Romance / Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO / KABANATA 6 I PILLOW TALK

Share

KABANATA 6 I PILLOW TALK

Author: Blezzia
last update Last Updated: 2022-08-30 16:20:24

Tinanong niya kung ano ang gustong kainin ni Sean noong hapong iyon, pero ang sabi lang nito ay sopas ang gusto nitong kainin, kaya napagpasiyahan niyang magluto ng sopas. 

Hindi rin siya pinayagan ni Sean na bumalik sa trabaho, kaya pinupunan niya ang kan’yang pagkabagot sa pamamagitan ng paggawa ng kahit ano. Pero, noong nanonood siya ng drama sa telebisyon, muling napuno ang screen ng balita tungkol kina Sean at Evelyn, kaya pinatay niya ang screen habang pinipigilan ng kaniyang mga mata ang pagluha.

Naiinis siya sa tuwing nanonood siya ng telebisyon, kaya nagpasya siyang huwag buksan ang dalawampu’t siyam na pulgadang telebisyon hanggang gabi. Matapos maluto ang chicken soup, biglang narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pinto. 

Hindi nagtagal, lumabas si Sean mula sa sala. Ngumiti ito sa kaniya na suot-suot pa niya ang apron niyang pink. 

“Naaamoy ko ito mula sa parking lot,” panunukso ni Sean. 

Natawa si Via dahil napakalayo ng parking lot sa unit nila, imposibleng maamoy ito hanggang sa basement.

“Magpalit ka na, maghahain ako ng hapunan.” 

Hinalikan ni Sean ang pisngi niya bago pumunta sa kwarto niya. Nang makitang nawala sa paningin ang likod ni Sean, bumagsak ang mga luha ni Via sa mesa. Mabilis niya itong pinunasan, natatakot na baka mahuli siyang umiiyak ng lalaki ng walang dahilan. Makalipas ang labinlimang minuto, bumalik si Sean sa hapag-kainan kung saan nakahain na ang hapunan. Sobrang fresh ng hitsura nito dahil katatapos lang nitong maligo, basang-basa at magulo ang itim na buhok. 

Nilapitan siya nito na hanggang ngayon ay nakatitig pa sa lalaki ang mga mata niyang puno nang paghanga.

“Palagi mo talagang alam kung ano ang gusto kong kainin tuwing gabi,” sabi ni Sean habang tinitikman ang kaniyang niluto. 

Napangiti lang siya nang bahagya habang nasasarapan din sa kan’yang niluto.

“Okay na ba ang pakiramdam mo?”

Nilagay ni Sean ang likod ng kan’yang kamay sa noo niya para tingnan kung mainit pa siya, nang maramdaman na normal ang kaniyang temperatura ay inalis na nito ang kamay niya. 

“Much better than yesterday I guess,” pagsisinungaling na sagot niya sa lalaki dahil minsan ay naduduwal pa rin siya at nananakit ang kasukasuan. 

Tahimik na kumain muli ang dalawa, tanging tunog lang ng mga kutsara’t tinidor ang naririnig nila na nagbabanggaan sa mga plato.

 ….. 

Marahang hinalikan ni Sean ang noo niya. Ibinaba nito ang bigat sa kanya at humiga habang ang isang braso ay nakapulupot pa rin sa kan’yang katawan na para bang ayaw nitong kumawala sa kaniya.

“Sinamahan ko si Daren sa bakery na nirekomenda niya kahapon at nakalimutan kong magdala ng tinapay para sa iyo. Sa susunod, sabay na tayo riyan,” sabi ni Sean na nagsisimula nang inaantok.

“Ayos lang iyon. Pupunta na lang tayo kapag puwede na at may oras ka na,” pagod niyang sagot din. 

“Gusto mo pa bang pautangin kita ng pera para itayo ang pangarap mong panaderya?” 

Para bang tumalon sa tuwa ang puso niya dahil naalala ni Sean ang pangarap niyang magkaroon ng sariling panaderya. Madalas nilang pag-usapan ang tungkol rito. Siguro alam din nito kung ano ang disenyo na laging gusto niya para sa bakery niya.

“No need. Gusto ko pang magtrabaho sa Luna Star at hayaang matupad ang pangarap na iyon pagkatapos kong magretiro.” 

“Wala namang masama kung buksan mo ang panaderya na iyon habang kasama mo ako sa pagtatrabaho,” mungkahi muli ni Sean na tinanggihan naman niya nang walang pagdadalawang isip. 

“Labis akong nagpapasalamat na naalala mo ang aking pangarap ngunit pakiramdam ko ay mali ang humiram ng pera sa iyo. Malaki na ang naitulong mo ngayon sa akin.”

Naunawaan niya na ang kanilang relasyon ay walang iba kundi isang transaksyon sa negosyo. Ayaw niyang tulungan siya ni Sean dahil sa takot na isipin ni Sean na kasama niya ito para lang sa materyal na bagay. Ayaw rin niyang isipin ng lalaki na kaya pumayag siya sa relasyon nila ay para huthutan lang ang lalaki. 

Ang maliit na pabor sa una ay naging malaki na. Kahit kalahati ng mga gastusin sa pagpapagamot noong nabubuhay pa ang kan’yang ina ay tumulong din si Sean. Hindi na niya kailangang ipaalala na hindi normal ang kanilang relasyon.

“Okay, basta sabihan mo ako kung gusto mo na talagang magtayo ng sarili mong panaderya.”

Dahil sa ayaw nang pahabain pa ang usapan, tumango nalang siya sa lalaki na tila sumasang-ayon pero sa kabaliktaran.

“Ano ang logo ng iyong panaderya? May naisip ka na ba?” tanong ni Sean. 

“Isang pares ng kalapati,” confident na sagot niya. Nagsalubong ang kilay ni Sean dahil sa hindi pangkaraniwang sagot niya.

“Bakit kalapati?” 

“Ewan ko, gusto ko lang iyong pilosopiya na ang mga kalapati ay may isang kasosyo habang buhay. Bread love ang gusto kong ipangalan sa bakery shop ko.” 

Napatawa nang mahina si Sean sa pangalan ng panaderya. 

“Spread Love’s play into Bread Love doesn’t make sense.”

“Pero gusto kong marinig ito. Subukan mo lang sabihin ang Bread Love, nakakaakit sa tenga, di ba?”

Mariing sabi niya. Isang halik ang dumapo sa kan’yang mapupulang labi. 

“Okay, okay. I believe, Bread Love ...” natatawang sambit ni Sean habang muling nagnanakaw ng halik sa kaniyang labi at nagpaubaya naman siya.

……

Lalong lumakas ang balita tungkol sa engagement ni Sean, pero hindi naglakas-loob na magtanong siya tungkol sa balita.

Takot siyang magtanong kay Sean at sa sagot nito dahil makakasakit lamang ito sa puso niya. Sa opisina, cafeteria at maging sa corridor ng hotel ay hindi na napigilan ang tsismis tungkol sa kasal nina Sean at Evelyn. 

Tila hindi pinalampas ng lahat ang balitang pinaniniwalaan nila na para sa kaniya ay hindi lubos na totoo. 

“Pansin kong ang tamlay niyo. Anong nangyari?” tanong ni Kezia habang papunta sila sa receptionist para iabot ang daily checklist. 

“Hindi naman. I’m just tired of working on the monthly report,” sagot niya na may manipis na ngiti sa mga labi, tinatakpan ang pusong nababagabag. 

“Kung gusto mong magsalita, makikinig ako.” 

Napangiti siya nang makita ang pag-aalala ni Kezia sa kaniya. Napahinto ang mga hakbang niya nang makita niya si Sean at ang iba pang Executive group na dumaan sa harapan nila. 

Mukhang abala siya sa pakikipag-usap kay Daren na naglalakad sa tabi. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata, ngunit tulad ng dati ay mabilis na umiwas si Sean.

Para bang hindi siya nito kilala. Parang biglang kumurot ang puso niya dahil ang Sean Reviano sa umaga ay hindi niya Sean Reviano sa gabi. 

Kabaligtaran ang ugali nito na para bang may dalawang personalidad. Sa araw, si Sean ay estranghero sa kaniya habang sa gabi ay parang linta naman ito kung makapulupot sa kaniya. 

“Tingnan mo kung paano magkamayaw ang mga babae sa boss natin,” bulong ni Kezia sabay turo kay Sean.  

Tumukhim siya at sumagot, “Perpekto siya. Mahirap kalimutan ang lalaking ganyan.” 

“Tama,” sagot ni Kezia sabay buntong-hininga, 

“Napakasuwerte ng babaeng papakasalan siya.” Napatango siya sa sinabi ng kaibigan— ang swerte talaga ng babaeng iyon. Kung sino man siya ay ginantimpalaan siya ng isang pinakaperpektong tao sa mundo.

Loving, caring, knowing to satisfy women in bed kahit may puso siyang kasing lamig ng yelo pero hindi madaling ikumpara o kalimutan si Sean Reviano.

Na-i-imagine niya kung ang puso ng lalaki ay kasing init ng mga baga. Llahat ng babae ay maaaring matunaw sa kan’yang paanan.

 ……

Nakita niya ang pagdating ni Sean sakay ng foyer. Tahimik siyang naghintay sa sofa nang makapasok ito sa silid. Saglit na nagsalubong ang mga kilay ni Sean para hanapin siya na hindi gaya ng dati na naghihintay sa dining room. 

“Anong problema?” nag-aalalang tanong ni Sean na papalapit sa kaniya. 

Umiling si Via habang nagbibigay ng isang matamlay na ngiti sa kan’yang mga labi, hindi tulad ng nakagawian na perpekto at malawak nang makita ang pagdating nito. 

“Naisip ko lang.” 

“Tungkol saan?” Huminga siya nang malalim at dahan-dahan. 

“Tungkol sa atin.” 

Ngayon, mukha naman ni Sean ang naguguluhan. 

“Anong problema natin?” Naninikip ang lalamunan niya sa sasabihin. 

“Kalat na kalat sa hotel ang tsismis tungkol sa engagement mo sa isang babae, pati media ay pinag-uusapan kayo. Ayaw mo bang magpaliwanag sa akin?” Nakatitig ang mga mata niya kay Sean na puno ng pagtataka. Nang marinig ang sinabi niya ay biglang nawala ang emosyon nito. Para bang na-blanko ang mukha ni Sean.

“Wala ka nang pakialam doon,” sabi ni Sean, tila ba nadurog ang puso ni Via dahil sa sinabi ng lalaki. Ramdam na ramdam ni Via ang pagbitak ng dibdib niya, medyo napapikit siya dahil sa matinding sakit. 

Ito ang kinatatakutan niya palagi. Sabi nito na wala siyang pakialam? Paano iyon? Paanong hindi siya mangingialam, eh may relasyon sila? Talagang nararapat lang na tanungin niya ang kahahantungan ng kanilang relasyon.

Hindi kaya’y habang-buhay siyang pananatilihin ni Sean bilang kabit? Hindi. Tumanggi siya na tawaging kabit. Mas mabuting tawagin siyang isang lihim na babae. 

“May karapatan akong malaman kung saan ako lulugar kapag may ibang babae na sa relasyong ito,” mahinang sabi niya habang malungkot na nakayuko ang mukha. Sinadya niyang itago ang mukha sa takot na makita ni Sean ang nasaktang ekspresyon niya. 

“Mag-focus ka na lang sa career mo. Huwag makinig sa fake news. Ayokong pag-usapan iyon ngayon. Punong-puno ng ibang mga bagay ang isip ko. Kailangan ko ring bumalik sa bahay ng mga magulang ko bukas at pagkabalik ko rito ay mag-uusap ulit tayo.” 

Walang sabi-sabi at pagkatapos noon ay iniwan siya ni Sean na nakatulala pa rin sa sofa. Sa tunog ng pagsara ng pinto ay napagtanto niya na wala na si Sean sa kanya. 

Iniwan niya ang kan’yang sarili sa labas ng apartment sa halip na pumunta sa kan’yang karaniwang silid sa tuwing may pagtatalo sila. Ang mga magagandang mata niya ay napuno ng luha pagkatapos umalis ng lalaki. Pinilit niya talagang pigilin ang pagbagsak ng kaniyang luha. Ngayon ay mas nakaramdam siya ng kalungkutan kaysa dati na kasama ang lalaki.

Related chapters

  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   KABANATA7 I MAY DALAWA SIYANG NUMERO

    Hindi umuwi si Sean ngayon. Nagdahilan ito na kukunin nito ang mga bagahe sa pribadong penthouse na kahit minsan ay hindi pa siya nakakapunta.Sa simula pa lang ng relasyon nila ay binigyan na siya ni Sean ng pribadong apartment. Noong una, dumadalaw lamang ito kapag kailangan, pagkatapos ay umaalis din nang hindi man lang natutulog sa tabi niya, bumabalik ito sa bahay niya at hindi man lang nagpapalipas ng umaga kasama siya. Ngunit sa paglipas ng panahon ay doon na si Sean tumira sa kan’ya. Sa una, ito ay nanatili lamang ng isang araw o dalawa at hindi na lang niya napansin ay nagiging ilang buwan na. Uuwi si Sean sa kanilang bayan bukas para bisitahin ang kan’yang mga magulang. Pero hindi lang basta ito regular na pagbisita. Noong lunch sa cafeteria ay nabalitaan niya na isang babaeng modelo na nagngangalang Evelyn Madini ang nakatira kung saan malapit sa apartment ni Sean. Kumalat ang tsismis na baka gusto ng CEO na magsagawa ng engagement dahil magkatabi lang ang bahay ng kanila

    Last Updated : 2022-08-30
  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   KABANATA 8 I DALAWANG PULANG LINYA

    Bumili siya ng ilang mga gamit sa kusina sa supermarket. Kahit wala si Sean ay hindi naging hadlang sa kaniya ang magluto ng mga menu na gustong-gusto ni Sean. Nang nasa sea food area na siya ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya iniwasan niya agad ito. Maging siya ay naduduwal nang maamoy niya ang karne kaya napalayo siya rito. Siya ay patuloy na nagkalkula ng date ng kan’yang regla. Saglit na naramdaman niya ang tensyon ng katawan dahil may kakaiba sa kan’yang monthly cycle na hindi niya napansin. Kinuha niya ang limang test pack na nakapila sa mga istante at nagpasyang mabilis na lumabas ng supermarket, ngunit napatigil ang kan’yang mga hakbang nang mahagip ng kan’yang mga mata ang tabloid na nakaplaster sa mukha ni Sean bilang pangunahing headline.Hindi niya namalayan na lumapit na pala siya rito at binasa ang title sa bold print:“Evelyn Madini and Sean Reviano’s romance.” Nang hindi maalis ang tingin sa perpektong portrait ni Sean sa cover ng tabloid, binasa niya ang

    Last Updated : 2022-08-30
  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   KABANATA 9 I ANG BEST FRIEND NIYANG SI DISYA

    Sinamahan ni Disya si Via na mukhang wasak na wasak at namumutla ang magandang mukha nito na parang wala na itong ganang ipagpatuloy ang buhay.Nang makita ang depresyon na halatang-halata sa mukha ng babae, umupo si Disya sa harap nito at tinitigan si Via ng mabuti.Napatingin ito sa cellphone na basag-basag ang screen sa sahig. Nanginginig ang mga kamay nito habang kinukuha ang phone ni Via. Naniniwala si Disya na ang laman ng mensahe sa cellphone na iyon ang dahilan kung bakit nasa gano’n ang state ang kaibigan niya.Gaya nga ng inaasahan niya, nasaktan din si Disya sa mensahe ni Sean, nakaramdam pa siya ng sobrang galit para sa lalaki.Ang lakas ng apog nitong saktan ang best friend niya at itapon na parang basura?! Hindi ito tinanggap ni Disya, talagang hindi niya ito mapapatawad. “Via, oh ... Via,” humagulgol si Disya habang hinahaplos ang namamagang mukha ng kaibigan. Nakatitig sa dingding ang mga mata ni Via, natuyo ang mga luha at namamaga pati na ang mga mata.“Ayaw niya

    Last Updated : 2022-08-30
  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   KABANATA 10 I SEAN REVIANO

    Ilang Araw Ang Nakararaan…Sean Reviano POVNapatitig si Sean sa screen ng telepono na naglalaman ng mga text mula sa kan’yang mga magulang at nagtatanong kung kailan siya uuwi. Saglit siyang napatingin sa mga empleyadong nagkikita-kita sa meeting room. Muli niyang ibinalik ang telepono at sinulyapan si Via na hinawi ang mahabang buhok sa likod ng tenga.Hindi niya maalis ang mga mata sa magandang mukha ng babae na nakatingin sa report nito. Napahinga siya ng maluwag at tumingin sa malayo. Bahagya siyang tumikhim kaya nakuha niya ang atensyon ng nakakarami. “Nasaan na tayo?”“Nasa rating ng hotel and review report on the booking room platform, Sir…” Nagpatuloy ang meeting, pero hindi maalis ng mga mata niya ang tingin kay Via na nagpapaliwanag tungkol sa Luna Star Hotel review report na medyo bumaba sa nakaraang buwan. Sa kalagitnaan ng session ay nakita niyang parang nagde-daydream ang babae. Kaya agad niya itong pinagalitan para naman walang masabi ang lahat at hindi masabing m

    Last Updated : 2022-08-30
  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   KABANATA 11| BAKIT

    Na-delayed ang pag-uwi niya sa Maynila dahil sa proyektong ibinigay sa kan’ya ng kan’yang ama.Noong una, naiinis siya dahil matagal siyang mamalagi sa Bicol at Masbate. Pero sa kabutihang palad, nandiyan naman si Evelyn na laging sinasamahan siya kapag nakaramdam siya ng pagkabagot buong araw habang nakatitig lang sa screen ng computer.“Ayaw mo bang sumabay sa aking mag-dinner?” tanong ni Evelyn na naglalakad sa tabi niya. Ninanamnam nila ang hangin, naroon sila sa park na hindi kalayuan sa bahay niya. “Hindi ba’t lagi nating ginagawa iyan tuwing gabi?” tanong niya pabalik nang maaala ang kanilang daily dinner routine. Kung hindi ito gala event, ay yayain sila ng kanilang mga magulang na lumabas para kumain nang magkasama. “Pero sabi mo ayaw mong lumabas ngayong gabi kaya kakain na lang tayo sa bahay mo,” patuloy na saad ni Evelyn.“Hmmm…, pwede naman natin gawin iyon sa susunod. Saan mo gustong pumunta?” tanong niya sa dalaga. “Bahala ka na. Ang importante, magkasama tayong dala

    Last Updated : 2022-08-30
  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   KABANATA 12 I BALITA SA TELEBISYON

    Nasa harapan siya ng lumang gusali, kulay kayumanggi ang kulay nito. Inobserbaran niya iyon at napalingon kay Disya, na unang naglakad patungo sa bakuran ng isang lumang farmhouse. Medyo malayo ito sa siyudad, na tila ba nakahiwalay at tagong-tago sa mga tao. Napansin niyang isa o dalawang bahay lang ang nakikita niya at pareho pa ito ng design. Hindi lang iyon, sa daan ay may nakita siyang ilang kabayong gumagala sa malawak na bakuran na napapaligiran ng puting bakod at mga puno ng mansanas nakahilera sa harap nito.“Sigurado ka bang ito ang lugar?” tanong ni niya na nakatitig sa building na bahagyang natutuklap na ang pintura nito sa dingding. “Umalis si Nana sa farmhouse na ito. Alam mo namang hindi ako galing sa mayamang pamilya. Ito ang tanging ari-arian na mayroon ako maliban sa isang apartment sa Maynila.” Huminto si Disya, saka lumingon sa kaniya na nakatuod pa rin simula nang dumating sila. “Pasok ka.” Muli ay napatingin si Via sa lumang gusali bago nagpasyang pumasok sa l

    Last Updated : 2022-08-30
  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   KABANATA 13 I HIS BODY IS JUST AS SMALL AS PEA

    Natarantang nakatingin si Willow kung saan nakalagay ang telebisyon na ngayon ay nawawala na. Napasulyap siya kay Via na tila abala sa pagtatahi ng medyas ng sanggol. Tutok na tutok ito sa kaniyang ginagawa habang inaaral kung paano ito gawin. May mga libro ring nakakakalat sa sahig. “Nasaan ang telebisyon?” Lumapit si Willow at kinuha ang isa sa mga pink na sinulid na nakalagay sa sahig. Nagkibit balikat si Via habang patuloy na sinusubukang ihabi isa-isa ang mga sinulid.“Inilagay ko iyon sa taas,” sagot ni Via nang hindi lumilingon. Nalilito at napanganga si Willow dahil gumagana pa rin naman ng maayos ang bagay na iyon. Tanging ang telebisyon lamang ang tanging malilibangan sa loob ng bahay kaya nalilito siya.“May mali ba sa telebisyon na iyon? Hindi naman iyon sira. Okay pa naman siya kahapon, ‘di ba?” Napasulyap si Willow sa bintana nang marinig ang tunog ng mustang na nakaparada sa bakuran, tiyak na dumating na ang pinsan niyang lalaki para maghatid ng kanilang mga pinamil

    Last Updated : 2022-08-30
  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   KABANATA 14 I SHE REFUSES TO REMEMBER

    Pagkagising niya ay agad siyang tumakbo sa banyo at sumuka sa lababo. Napaupo siya sa sahig at wala namang lumalabas sa kaniyang bunganga. Matagal siyang natapos bago tuluyang naghilamos ng bibig at mukha. Pakiramdam niya ay masamang-masama ang pakiramdam niya, humiga siya sa kama ng dalawang minuto. Nagising siya sa tunog ng alarm at nagulat nang makitang mabilis na lumipas ang oras.Parang limang minuto lang siyang nakahiga sa kama, hindi niya namalayan na dalawang oras na pala ang lumipas.“Via? Ayos ka lang ba?” tanong ni Willow habang kumakatok sa pinto mula sa labas. Bumangon si Via sa kama at tiningnan ang namumugto pa rin niyang mukha.“Lalabas na ako saglit lang,” sagot niya habang naglalakad papuntang banyo para linisin ang sarili. Pumunta siyang dining room, kita niya na nakahanda na ang lahat ng almusal sa mesa. Kita niya rin si Willow na mukhang abala sa paglilinis ng kawali sa lababo. Nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang nagtatrabaho si Willow nang mag-isa dahi

    Last Updated : 2022-08-30

Latest chapter

  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   FINAL BONUS 2

    Isang oras pa lang ay nasa kwarto na si Via at nakahiga sa kama nang biglang narinig niya ang tunog ng bell, napabuntong-hininga siya at nagmamadaling buksan ang pinto pero nakita niya si Sean na nakatayo sa harapan niya kasama si Carolus na nasa bisig nito. “Mommy!” tawag ng batang paslit na may malaking asul na bilog na mga mata. Nang makita iyon, nadurog ang puso ni Via dahil sa ilang sandali ay muntik na niyang makalimutan ang kinaroroonan ng anak na naiwan sa bahay kasama ang yaya. Agad na nabaling ang mga mata ni Via sa lalaking nakahawak sa kanilang anak na may inosenteng tingin. “Sabi niya ... na-miss niya ang kan’yang ina,” sabi ni Sean habang bahagyang ibinaling ang katawan sa gilid na dahilan upang bumagsak ang ulo ni Carolus sa dibdib ng kan’yang ama, at ang mga mata ng bata ay tila mabigat na pumikit.Nagkibot-kibot ang mga talukap ni Via nang makita sa harap niya ang mag-ama. Tumikhim si Sean dahil mukhang natulala si Via at nahihirapang magsalita. “Sa tingin ko

  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   FINAL BONUS 1

    Hinigpitan ni Via ang kaniyang scarf sa leeg dahil sa malamig na hanging nakakapanghina ng buto. Binilisan niya ang kan’yang mga hakbang habang binabagtas ang bahagyang mahangin na mga lansangan sa Manila. Siguro, uulan ngayong gabi, kaya binilisan ni Via ang lakad niya. Kadadating pa lang niya sa tapat ng gusali ng Luna Star nang biglang may bumagal na sasakyan sa gilid ng kalsada kaya napilitan siyang huminto. Napairap siya sa hangin nang makita kung sino ang nasa manibela. “Pumasok ka na sa kotse o papaluin ko ‘yang bilugang puwet mo kapag nakauwi tayo sa bahay,” sabi ng lalaki na nakasandal sa bintana at tinitigan si Via.Sa halip na sundin ang mga sinabi ni Sean ay nagpatuloy si Via sa paglalakad at hindi napigilan ng lalaki na iparada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Walang pakialam si Sean kung makakuha man siya ng ticket sa pulis dahil para sa kan’ya, ang pag-uwi sa sutil na babae sa harapa niya ang mas mahalaga. At sa sobrang pagmamadali ay agad siyang bumaba ng sasakyan

  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   BABY CARO STORY

    Nilagyan ni Via ng maligamgam na tubig ang bathtub at nilagay ang bomb bath doon nang biglang narinig niya ang tunog ng pagsara ng pinto ng banyo. Lumingon saglit si Via at napanganga, tiningnan niya si Sean na parang nagtatanong kung bakit ito naroon. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Via sabay tingin sa pinto. “Maliligo, of course,” sagot ni Sean na nagsimulang maghubad.Paano niya nagawang maligo at hinayaan lang si Caro na mag-isa sa labas? Hinugot ni Via ang isang tuwalya mula sa istante at isinuot ito saka nilagpasan ang kan’yang asawa ngunit ang mga braso ni Sean ay pumulupot sa kan’yang baywang kaya agad na napatigil si Via. “Binigyan ko siya ng laruan. Kaya huwag kang mag-alala, Baby,” mahinang sabi ni Sean na para bang nag-uusap sila tungkol sa isang kuting sa labas na naiwan mag-isa sa halip na sa isang sampung buwang gulang na sanggol.“Gosh! Paano kung umiyak siya, Sean? Walang nag-aalaga sa kan’ya ngayon,” protesta ni Via habang sinusubukang kumawala.Sa kasamaang

  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   FINAL SPECIAL EDITION

    “Isekreto natin... sa lahat?” pabulong na tanong ni Via, sa harap mismo ng labi ni Sean. Dahil sa liwanag na naaninag mula sa mga gusali sa paligid kaya kumikinang ang kanilang mga basang labi.“Oo,” sambit ng lalaki na sinundan ng ungol nang dumaan ang tungki ng ilong niya sa likod mismo ng leeg ng dalaga dahilan para manginig ang katawan nito. Muling pumikit si Via nang mag-iwan ng bakas ng halik si Sean sa kan’yang sensitibong balat sa leeg. “Sean,” tawag ni Via na hindi maintindihan kung ano ang gusto ng katawan. “Yes, Baby,” sagot ni Sean habang hinihila ang bewang ni Via para magkadikit ang ibabang bahagi ng katawan nila. Napatalon si Via sa gulat nang maramdaman niyang may dumidikit sa kan’yang pagkababae na ikinatawa ni Sean ng mahina at sinadyang halikan ang labi ng babae. Noong una ay kinakantilan at tinutukso lang ni Sean ang pang-ibabang labi ni Via at kinagat-kagat ng marahan, pagkatapos ay ipinasok niya ang dila niya sa labi ng dalaga kaya medyo bumuka ang bibig ni

  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   SPECIAL EDITION 20 ─ VIA & SEAN

    Napatingin si Sean sa kan’yang wrist watch. Makalipas ang labin-limang minutong paghihintay, bumaba siya ng sasakyan at nagmamadaling umakyat sa hagdanan patungo sa apartment ni Via. Sinadya niyang bagalan ang mga hakbang para mas may oras si Via sa paghahanda. Agad siyang pumasok sa corridor nang biglang huminto ang kan’yang mga hakbang at nadatnan ang isang babaeng nakasilip mula sa apartment sa tabi ng kwarto ni Via. “Ikaw ba ang manliligaw ni Viania?” bulong ng babaeng ipinakita ang kalahating mukha nito at kanang mata lang ang ipinakita habang ang kabilang parte ng katawan ay nakaharang sa pinto. Nilagay ni Sean ang hintuturo sa labi niya na para bang sinasabi niyang manahimik at agad namang tinakpan ng babae ang kaniyang bibig gamit ang isang kamay habang tumatango, saka dahan-dahang isinara muli ang pinto ng apartment. Matapos matiyak na walang nang isturbo, kumatok si Sean sa marupok na pinto ni Via. Mula sa kan’yang nakatayong posisyon, masasabi ni Sean na kadalasan ay

  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   SPECIAL EDITION 19 ─ VIA & SEAN

    Tumitibok pa rin ang puso ni Via nang makabalik siya sa kan’yang silid. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang takot. Kahit ang isang tanong ay pumasok sa kan’yang isipan; paano kung pumasok si Devan sa opisina niya? Agad na ni-lock ni Via ang pinto dahil ayaw niyang may biglang pumasok sa kaniyang opisina. Sana lang ay hindi magtanong ang kan’yang amo na si Hadley. Pagbalik sa upuan, sinubukan ni Via na mag-focus sa pagkumpleto ng mga dokumento sa computer ngunit hindi pa rin siya mapakali. Agad niyang hinanap ang AC remote para mapababa ang temperatura ng kwarto. Isang tunog ng mensahe sa kan’yang telepono ang agad na nagpagising kay Via. Umaasa siyang si Sean iyon. Sean: [Okay ka lang?] Nabato si Via ng ilang minuto nang mabasa niya ang mensahe. Nag-type siya ng ilang salita, pagkatapos ay binura muli, hindi niya sigurado kung ano ang sasabihin.Huminto ang daliri niya nang nabasa ang kaniyang tinipa ‘hindi okay’ at agad niyang ipinatong ang ulo sa mesa habang nasa tabi niya ang

  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   SPECIAL EDITION 18 ─ VIA & SEAN

    Nakatuon ang tingin ni Sean sa CCTV habang naroon si Via sa screen at nagpapakita ng mga pinaggawa nito sa pribadong office ng dalaga. Blangko siyang nakatingin doon habang ang isa niyang kamay sa mesa ay gumagalaw, may ritmong parang tunog ng yapak ng kabayo. Nang makatayo si Via sa kan’yang inuupuan at lumabas ng kwarto ay agad na pinalitan ni Sean ang screen ng CCTV sa bawat corridor na kan’ang madaanan. Binati ni Via ang ilang empleyado at huminto sandali para makipag-usap. Nakikita ang bawat routine ng babae, itinuon ni Sean ang kan’yang atensyon sa trabaho sa desk at humigop ng kape habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa screen ng CCTV. Ngayon ay lumipat si Via patungo sa pantry at sinundan ito ng mga mata ni Sean ngunit ang tasa sa kan’yang kamay ay tumigil sa harap ng kan’yang mga labi nang makita niyang may pumasok sa pantry sa likuran ng dalaga....... Nauhaw bigla si Via at nakalimutan niyang magdala ng tumblr kaninag umaga. Matapos batiin ang kaniyang seniors, pinil

  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   SPECIAL EDITION 17 ─ VIA & SEAN

    Nang mag-out si Via sa kaniyang trabaho ay agad na umuwi siya sa apartment. Mabilis niyang inalagay ang mga damit niya sa loob ng kaniyang bagong bag. Tapos na ang negosyo niya rito at walang dahilan para manatili siya sa apartment ni Sean. Iniisip niya kung paano ba niya paiinitin ang sarili dahil babalik na naman siya sa apartment noon na sira ang heater.Nang ma-realize niyang nakasilid na ang lahat sa bag ay lumabas na ng kwarto si Via. Actually, gusto ni Via na magpaalam muna kay Sean via text message pero ayaw niyang istorbohin ang lalaki.Isa pa, ayaw niyang maging komportable sa apartment ng kan’yang amo. Sa hindi malamang dahilan pakiramdam niya ay sobrang mali noon na para bang sinasamantala niya ang sitwasyon. Nang makarating siya sa lobby, biglang tumunog ang phone ni Via at nakita ang pangalan ni Sean sa screen pero pinatay niya ito dahil ayaw niyang itanong ni Sean kung ano ang ginagawa niya. Sa pagmamadaling hakbang, naglakad si Via palabas.Pagdating sa apartment,

  • Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO   SPECIAL EDITION 16 ─ VIA & SEAN

    Huminto ang sasakyan sa harap mismo ng isang magarbong restaurant at may ilang sasakyan na nakaparada sa paligid. Medyo kinabahan si Via sa ng makitang nasa loob at hindi niya namamalayan na hinawakan niya ang kamay ni Sean na nakaupo sa gilid habang nakatutok ang mga mata nito sa pagtingin sa labas ng bintana. Sinulyapan ni Sean ang mga daliri ni Via na pinipisil ang kamay niya parang hindi alam ng dalaga na ang hawak na kamay niya ay kay Sean. At dahil opportunity na ito para sa kaniya agad niyang ginantihan ang pagkakahawak ni Via nang isang haplos sa daliri.“Ito ba talaga ang lugar na pupuntahan natin?” tanong ni Via habang nakatingin sa paligid. Para bang kakaiba ang feeling niya rito dahil iilan lang ang nakaparadang kotse sa parking lot na parang walang celebration na magaganap.Sinundan ni Sean ang tingin ni Via at sumagot, “Oo, ito nga ang lugar.” Nang lumingon si Via ay napagtanto niyang simula pa noong pagdating nila ay magkadikit na ang kanilang mga kamay. Namula siya a

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status