Home / Romance / Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO / KABANATA 5 I ATTENTION

Share

KABANATA 5 I ATTENTION

Lunes ng umaga, masama ang pakiramdam ni Via. Nagdesisyon siyang magpahinga ng isang araw at hindi muna pumasok sa trabaho. Nakatingin si Sean sa kaniya na may pag-aalala sa mukha. Nagdadalawang-isip itong pumunta sa office nang makita niyang nakahiga pa rin si Via sa kan’yang kama. 

Pinilit din siya nitong pumunta sa doktor ngunit ayaw niya dahil may trauma siya sa ospital. 

Alam ni Sean kung bakit siya natatakot at hindi niya na lang pinilit pa.

“Oo, Daren,” sambit ni Sean habang tinititigan at pinakikinggan siya ni Via sa pagkikipag-usap nito kay Daren. “Hindi ako makakapasok ngayon,” patuloy pa niyang saad kay Daren sa kabilang linya. “Hmm…Hmm…yup, Oh, Okay, alright,” bulong ni Sean habang naglalakad palayo sa kaniya. 

Nang makitang nawala na si Sean sa kwarto ay agad siyang napabuntong-hininga. Noong una ay inakala niyang papasok sa trabaho at walang pakialam si Sean ngunit nagkamali siya. Bumilis ang tibok ng puso niya nang sinabihan ni Sean ang Operations Manager na mag-da-day off siya. 

Ilang saglit pa ay bumalik na si Sean sa kwarto, dala-dala ang isang mangkok na lugaw. Ngumiti ito sa kanya saka naglakad papunta sa kama.

“Aalagaan kita ngayon. Hiniling ko kay Daren na palitan muna ako pansamantala sa Luna Star,” paliwanag ni Sean kahit hindi siya nagtanong. Kamakailan lamang ay gumawa si Sean ng mga bagay na hindi karaniwan.

“Gusto mo bang ikaw mismo ang magpakain sa sarili mo o gusto mong ako na?”

Nang makitang sasandok na si Sean ng lugaw ay agad siyang tumayo. 

“Kaya kong subuan ka,” sambit ni Sean.

Saglit na natigilan siya, nagsimulang mamula ang kaniyang mukha. Nakita niya ang pagmamakaawa ni Sean kaya tumango siya nang marahan. Isang kutsarang pagkain ang pumasok sa kan’yang bibig na siyang nag-ukit nang ngiti sa gwapo nitong mukha. Hanggang sa huling subo ay tila nag-aatubili pa rin ang lalaki na umalis.

“Ano ang gusto mong gawin ngayong araw?” tanong niya kay Sean habang nilalagay niya sa mesa ang walang laman na mangkok.

“May gagawin ako sa sala, magpahinga ka na lang muna rito. Gigisingin kita pagdating ng tanghalian,” sabi nito sabay halik sa noo niya. “Huwag nang matigas ang ulo, kung wala ka lang sakit ay hindi talaga ako aalis dito at alam mo na ang mangyayari sa ating dalawa.”

Umiwas siya ng tingin dahil sa hiya, tumawa naman ang lalaki at umalis na sa kwarto. Sobrang pula ng kaniyang pisngi, hindi dahil sa sakit kung ‘di sa sinabi ni Sean.  

Makalipas ang ilang oras ay muli siyang nagising at sinipat ang orasan sa mesa. Alas onse na ng tanghali. Hindi na niya kayang bumalik sa pagkakatulog kaya nagpasya siyang maglinis at hanapin si Sean pagkatapos. 

Mukhang abala sa sala kaharap ang tambak na papel at laptop sa mesa. Napaangat ng ulo ang lalaki nang makita ang presensya niya pagpasok niya sa sala.

“Hey,” bati ni Sean nang makita ang maginhawang mukha niya matapos ang magandang pahinga.

“Hey,” sagot naman niya. Lumapit siya at hinalikan ang lalaki sa pisngi. “Napaka-busy mo.”

Umiling si Sean, “Hindi naman. Ilang reports lang naman ito. Katatapos ko lang ng trabaho ko.” Tumayo ito habang inaayos ang mesa.

Tiningnan niya ang refrigerator at nang maghahanda na sana siya ng tanghalian ay naramdaman niyang yumakap si Sean sa kan’yang likuran.

“Huwag ka ng magluto, mag-o-order na lang ako sa labas,” bulong ni Sean habang hinahalikan siya nito sa leeg pababa sa kaniyang balikat. Nanginginig ang katawan niya sa ginagawa ng lalaki. 

“Pero gusto kong may gawin ako. Naiinip ako kapag wala akong ginagawa,” sabi niya sa gitna ng halik.

Napabuntong-hininga si Sean at kumalas sa pagkakayakap. “Sige, tutulong ako. Ano’ng kailangan mo?” tanong niya sabay kuha ng laman sa ref na nasa harap nila.

Matapos kumuha ng mga materyales na gagamitin, silang dalawa ay nagtrabaho nang magkatabi sa gitna ng tahimik na kapaligiran, ang tanging naririnig lang ay ang kutsilyo sa cutting board, ang kaluskos ng tubig at tunog ng mantika sa kawali.

Matapos maihain ang mga pagkain ay kumain na silang dalawa sa TV room habang ine-enjoy ang romance movie na napili niya. Habang ngumunguya, paminsan-minsan ay nagkokomento si Sean sa mga eksenang walang katuturan sa kanya.

“Maniwala ka sa akin, maghihiwalay sila,” sabi nito nang makita ang pagtatalo ng mag-asawa sa screen. 

Natawa siya nang magkatotoo ang hula ni Sean. “Mas bagay kang maging commentator.”

“Ang pelikulang iyan ay madaling mahulaan at ang balangkas ay masyadong makaluma,” sabi ni Sean habang pinapanood ang hindi kasiya-siyang pagtatapos. Pinagdiinan ni Sean ang katawan nito sa kaniya pagkatapos kumain, habang ang kamay naman nito ay hinahaplos ang braso at balikat niya kahit nakatutok ang mga mata nito sa panonood ng palabas.

“Gusto mo bang manood ng isa pang pelikula?” Ang alok ni Sean na ikinatango naman niya. 

“Tama ka, hindi gaanong maganda ang pelikula.” 

Nilipat nila ang tsanel. Sumandal si Via sa sofa at ipinatong ang ulo sa malapad na balikat ni Sean. Nilaro ng mga balingkinitang daliri niya ang t-shirt ng lalaki at tamad na gumalaw. Ngayon naman, nanonood sila ng pelikula tungkol sa isang babaeng taga-bayan na nakamit ang mga pangarap sa isang malaking lungsod. Sa kalagitnaan ng pelikula ay hindi naiwasang magtanong ni Sean sa kaniya. 

“Sabi mo gusto mong magkaroon ng sariling panaderya,” bulong ni Sean. Inaantok na siya’t gusto niyang matulog muli. 

“Oo, at alam mo na ito simula ng magkakilala tayo.” Gusto niyang matawa  nang maalala niya ang unang araw ng kanilang relasyon— nagpadala ang lalaki ng napakaraming tinapay sa kaniyang apartment. 

“Tatanggihan mo pa rin ba ang alok ko?”

“Ayoko pa ring tulungan mo ako, Sean. Itong panaderya ang pangarap ko at gusto kong itayo ito sa sarili kong kamay.”

Ilang beses nang nag-alok ang lalaki sa kaniya ng tulong, pero ilang beses din siyang tumanggi. Para sa kanya, sapat na ang presensya ni Sean. Hindi nagtagal ay naalala niya ang balita sa medya tungkol sa babaeng natsitsismis na engaged umano sa lalaki, pero mas pinili niyang tumahimik kaysa magtanong.

“Matulog ka na at lilinisin ko lang ito,” sabi ni Sean at tinapos ang usapan.

Nang gabing iyon, nagising siya at nakita niya ang pigura ni Sean sa kabilang pinto. Mahina ang boses nito na para bang may kausap sa sala. Pagkatapos maghugas ng mukha, pumunta siya sa kusina para magluto dahil gutom na gutom siya. 

Nang nasa tapat na siya ng sala, hindi niya sinasadyang marinig ang usapan na nagpatigil sa kan’yang mga hakbang.

“Uuwi rin ako pagkatapos ng ilang araw, Eve. Doon na tayo magkita.”

Kahit na hindi ito pabulong, ramdam niya na para bang kinurot ang puso niya.  Ang marinig ang pangalan ng babaeng napapabalitang engaged kay Sean ay mas lalong nagpapasakit sa kaniyang puso. 

“Oo, sasabihin ko kay Mom. Nakauwi ka na rin ba?”

Sa hindi malamang dahilan, nang malaman niyang may komunikasyon pala ang dalawa ay hindi niya maiwasang sumang-ayon sa mga tsismis na may relasyon ang dalawa. 

“Hmm… hmm… I miss you too.  Sabihan mo ako kapag narito ka na.”

Nanginig ang katawan niya nang marinig sa lalaki kung gaano niya ka-miss ang babaeng kausap nito.

Ni minsan ay hindi niya narinig ang lalaki na sabihan siya ng “I miss you” o’di kaya’y tawagin siya ng endearment kagaya ng dear, baby at iba pa. Para bang dumudugo ang puso niya nang marinig ang mahinahong boses ng lalaki habang kausap si Evelyn. 

Alam niya ang lugar niya. Huminga siya nang malalim at napangiti nang mapait. Kita niya ang pagbaba ni Sean ng telepono sa kaniyang tenga kaya agad siyang naglakad palapit sa lalaki na nagbigay ng kaunting tunog. 

“Hey,” bati ni Sean. 

“Gutom na ako,” saad niya at ngumiting pilit na umaasang hindi ito mahahalata ni Sean. 

“Nag-order ako ng paborito mong pagkain, halika,” mahinahong sambit nito. 

Sa isang saglit, nakita niya ang pagmamahal sa mga mata ng lalaki, ngunit umiling siya dahil hindi iyon totoo dahil saksi siya sa pag-uusap ng dalawa sa telepono.

Pumunta sila sa kusina. Pagkatapos ay tahimik na in-enjoy ang kanilang pagkain, samantalang umiikot pa rin sa kaniyang isipan ang nangyari kanina habang si Sean naman ay walang kaalam-alam sa kaniyang natuklasan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status