Home / Romance / Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO / KABANATA 4 I SECRET THOUGHT

Share

KABANATA 4 I SECRET THOUGHT

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata nang marinig ang pagtunog ng alarm clock, pinakiramdaman niya ang kaniyang katabi subalit nadismaya siya nang makita ang malamig na kama, tanda na matagal nang umalis si Sean doon. Matapos i-off ang alarm, umupo siya at napatitig sa bakanteng kanang bahagi ng kama.

Hinaplos ng mga daliri niya ang kutson kung saan kadalasang natutulog si Sean. Gusto niyang nasa tabi niya ito at yakapin siya kaagad pagkagising niya. Bihira silang gumising na magkasama, kadalasan si Sean ang unang umaalis at naiiwan siya.

“Kailan mo ba talaga ako mapapansin, hindi lang bilang isang parausan?” bulong ni Via na habang pinipigilan ang kan’yang luha. 

Gusto lang niyang mapansin ni Sean at makita siya bilang kasintahan niya. Maaaring hindi sa lugar na ito, marahil sa ibang lugar kung saan walang nakakakilala sa kanila.

Gusto niya lang magsaya sa labas, tulad ng isang normal na mag-kasintahan. Isang romantikong hapunan sa isang five-star restaurant, tumatakbo sa beach, naglalaro sa isang swing sa parke, nag-e-enjoy ng bakasyon sa isang safari, naghahalikan sa isang palaruan, o simpleng pagpunta sa sinehan at pamimili sa supermarket.

Pero hanggang panaginip lang iyon, alam niya na hindi iyon mangyayari. Ayaw ni Sean na mapunta ang relasyong ito nang higit pa sa napagkasunduan kaya nakaramdam siya ng kalungkutan. 

Tinatamad niyang dinala ang kan’yang katawan sa banyo, at sisimulan ang araw ng Sabado na malungkot ang nararamdaman. 

.....

Nawala ang kan’yang konsentrasyon nang mag-ring ang kan’yang cellphone. Nagbabasa kasi siya ng libro. Sa una ay malaki ang ngiti niya nang kinuha ang cellphone subalit nawala iyon nang makita niyang hindi si Sean ang tumawag. 

“Hello, Auntie,” sagot ni Via na may pagkadismaya. 

“Bakit parang malungkot ka dahil tumawag ako?” tanong ng kan’yang tiyahin sa kabilang linya. 

Napatikhim siya at inayos ang sarili. 

“Pasensiya na, akala ko po kasi iyong kaibigan ko ang tumawag sa akin,” pagsisinungaling niya.

“Palagi mo na lang iniiwasan ang tawag ko, hindi mo man lang ako kinamusta. Nakalimutan mo na bang may pamilya kang binubuhay?” 

Si Aunt Azurra na laging pinagsasabihan siya ng masasama tuwing tumatawag ito sa kanya kaya nga minsan ay iniiwasan niya ang tawag nito.

“Hindi, hindi ko po sinasadyang hindi sagutin ang tawag niyo. Busy lang po ako. Ang kompanyang pinagtatrabuhan ko ay maraming events ngayon,” paliwanag ni Via. Totoo naman iyon. 

“So ako pala hindi busy? Kahit na busy ang shop ko dahil summer ngayon, kailangan ko ng dagdag na lakas!” 

Napakunot siya ng noo dahil sumisigaw na ito sa kabilang linya. 

“Hindi dapat kinakalimutan ang pamilya, babae. Ang trabaho mo ay kontakin ako, hindi ako ang kokontak sa’yo! O hindi mo na siguro ako gustong makita ‘no? Dahil ba nagtatrabaho ka na sa Maynila kaya ka na nagiging arogante?” 

Gusto na niyang putulin ang linya pero mas lalo lang magagalit ang kan’yang tiyahin. Biglang kumirot ang kan’yang ulo dahil sa mga akusasyong ibinibigay sa kaniya nito.

“Tiya, hindi ko…” 

Bago pa man matapos ang sasabihin niya ay agad na pinutol iyon ng kaniyang Tiya Azura. 

“Makinig ka muna sa akin, napaka walang respeto mo talaga sa nakakatanda sa’yo! Nasaan na ba napunta ang respeto mo? Alam mo ba kung gaano kahirap kang palakihin? Ni hindi mo man lang iyon inisip!”

Naiiyak siya sa mga sinasabi ng kaniyang tiyahin. Naalala niyang si Tiya Azura ang nagpalaki sa kaniya dahil hindi kaya ng kaniyang ina dahil may malubha itong sakit. Gusto niyang ibalik ang naitulong ng Tiya sa kanila ngunit nagdadalawang-isip siya dahil sa matalas na dila ng kan’yang Tiya Azura. 

“Pasensiya na po, Tiya. Sa susunod po ay ako na ang tatawag sa inyo. Pangako po iyan,” sambit niya sa kaniyang tiyahin. 

Nakontento naman si Tiya Azura sa kan’yang sinabi kaya naging mababa na ang tono ng boses nito 

“Mabuti. Maging mabuti ka lang, hija. Matanda na ako, kung hindi mo ako mabibigyan ng pansin at kamustahin, sino na lang? Hindi mo naman kailangan pumunta pa riyan para magtrabaho. Puwede kitang kunin sa shop ko. Mahirap ang buhay riyan sa Maynila.”

Para bang nabingi siya sa sinabi nito. Ilang beses nang sinabi nito sa kanya na magtrabaho sa shop ng kan’yang pamilya. Wala rin itong patumpik-tumpik na sinabing wala naman siyang ginagawa sa lungsod. Sobrang sakit no’n sa loob, pero hindi man lang siya nakasagot sa takot na masaktan ang kan’yang tiya. 

“Gusto ko po rito, Tiya,” magalang niyang sagot sa matanda. Rinig niya ang pag-ungol ng kan’yang tiyahin dahil hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. 

“Kumain ka na po ba, Tiya?” pag-iiba ng topic niya. 

Ilang oras din silang nag-usap. 

Para sa kaniya, napakahirap ang pamumuhay kasama ang kan’yang Tiya Azura. Kahit na gustong-gusto nitong bayaran lahat ng kan’yang gusto simula noong bata pa lang siya, ni hindi na nga ito nakapag -asawa kaya sobrang nakokonsensiya siya.

Sinisisi niya ang kan’yang sarili dahil hindi man lang ito nakapag-asawa. Pero ni minsan ay hindi ito nabanggit man lang sa kaniya ng matanda. Matapos ang komunikasyon nila ay na-realize niyang umaga na. 

Mabilis siyang pumunta sa supermarket para bumili ng groceries. Tiningnan niya ulit ang kan’yang cellphone, umaasang tatawag si Sean sa kaniya, subalit para bang nakalimutan na siya ng lalaki. 

Kumuha siya ng napakaraming karne at gulay. Tinext niya si Sean kung ano ang gusto niyang kainin dahil paglulutuan niya ang lalaki ngunit wala ni isa sa mga mensahe niya ang nakatanggap ng reply. Patuloy siyang nadidismaya sa lalaki. 

Matapos siyang mamili ng karne ay pumunta naman siya sa prutasan pero nag-landing ang kaniyang mga mata sa isang pigura ni Sean, nakatayo malapit sa counter ng mga inumin. 

Ngumiti siya nang napakalapad dahil alam niyang makakasama niya ulit ito, lalapitan na sana niya ang lalaki nang mapatigil siya. Nakita niya ang isang babaeng lumapit kay Sean na busy sa kakapili ng kung ano-ano.

Kahit kailan ay hindi pa niya nakita ang babaeng iyon kaya bigla siyang kinabahan. Hinawakan ng babae ang balikat ni Sean na para bang malapit ang dalawa sa isa’t-isa. Ngayon at may kaunting kirot siyang nararamdaman. 

Libo-libong punyal ang nakatarak sa kaniyang dibdib nang makita niyang nginitian ni Sean ang babae. 

Napaatras siya para mawala ang sakit, nang biglang yumakap sa dalaga ang Operational manager ng Luna Star si Daren Osbert. Napatawa ang dalawa at hindi pinansin si Sean na ngayon ay napailing, hindi sinasadyang mapatingin sa direksyon niya. 

Gulat na napatingin sa kaniya si Sean nang magtama ang kanilang mga mata. Ngumiti siya nang matamis sa lalaki at naging magaan ang kalooban niya dahil sa maling akala.

Lalapit na sana si Sean sa kaniya ngunit natigilan ito nang ma-realize na hindi pala sila nag-iisa. 

Naintindihan niya ang kilos ng lakaki at sinagot lang niya ito ng matamis na ngiti bago naglakad sa kabilang direksyon, palayo sa kanila. Kahit na puno ng pagkadismaya, alam niya sa sarili na si Sean ang may kontrol sa kanilang relasyon. Kung gusto ng lalaki na tapusin ang kanilang relasyon, then wala siyang magagawa na tanggapin iyon.

Mabigat sa loob niyang umuwi sa kaniyang bahay para pakalmahin ang kaniyang sarili.

Habang nasa daan ay tumunog ang cellphone niya na nangangahulugang may text siyang natanggap. Tamad niyang binuksan at binasa ang mensahe, subalit gayon na lamang kabilis ang pagtibok ng kan’yang puso nang makita kung kanino iyon galing. 

[Sean: Kahit anong lutuin mo, kakainin ko. Ikaw na ang bahala sa dinner natin, Chef.]

Napatawa siya nang mabasa niya ang tawag nito sa kaniya na “Chef” at alam niyang tinutukso siya nito. 

[Sean: Nga pala, ang ganda mo sa suot mong lemon yellow dress. Bago ba ‘yan? Hindi ko pa ‘yan nakikitang suot-suot mo dati.]

Namula ang kaniyang pisngi dahil napansin pala ng lalaki ang suot niya. 

[Sean: Mag-ce-celebrate si Daren ng kan’yang birthday kasama ang kasintahan, inimbitahan nila akong kumain kasama sila. Buti nga’t nagtanong ka kung anong dinner natin, tatanggapin ko na sana ang alok ng lalaki.] 

Gumaan ang loob niya dahil sa maling akala. Mas ngumiti pa siya nang malawak dahil mas gusto ni Sean na makasama siya. 

[Sean: Alagaan mo ang kalusugan mo, huwag kang magpapagod. Ayaw kong magkaroon ka ng sakit ulit.] 

Hindi niya mapigilang kiligin sa mensahe ng lalaki kahit na ang paligid ay nagkukulay rosas dahil sa nararamdaman niya. Kamakailan lang ay madalas nang magbigay ang lalaki ng papuri sa kaniya. Pagdating sa apartment ay isa-isa niyang sinagot ang mga text nito. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status