Home / Romance / Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO / KABANATA 2 I ISANG TAONG PAGDIRIWANG

Share

KABANATA 2 I ISANG TAONG PAGDIRIWANG

Noong araw na iyon ay maagang umuwi si Via, dahil nag-aalala si Sean na makita ang maputlang mukha nito pagkatapos ng meeting. Masama rin ang pakiramdam niya kaya tinanggap niya ang suhestiyon ng binata.

Pagdating sa apartment, balak niya sanang magluto, pero natakot siya na baka pagalitan siya ni Sean dahil imbes na humiga at humilata siya para magpahinga ay abala siya sa paggawa ng sariling hapunan.

Tumunog ang kan’yang cell phone senyales na may nag-pop up na bagong mensahe sa notification niya. Alam niyang si Sean iyon. Feeling niya parang psychic ang lalaki dahil alam nito kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

[ Huwag ka nang magluto ng kahit ano. Magpahinga ka lang. Magdadala ako riyan ng hapunan.]

[-SR-]

Gumuhit ang ngiti sa kan’yang labi, dahil nakuha niya ang atensyon ni Sean Reviano. Feeling niya para siyang niyayakap ng buwan sa kilig. 

Matapos niyang gawin ang night skin care routine, nagpasya siyang matulog muna. Matagal na nakapikit ang kan’yang mga mata nang maramdaman ang mainit na pagdampi mula sa labi ni Sean san kan’yang balikat, dahilan para imulat niya ang kan’yang mga mata habang nakangiti.

“I’m sorry if I wake you up, pero mas mabuti kung kumain ka muna bago matulog,” bulong ni Sean sa pamamagitan ng paghila sa kanya mula sa kama.

Umupo silang dalawa sa mesa, in-enjoy ang pagkain na binili ni Sean kanina.

“Dito ka ba matutulog ngayong gabi?” nahihiyang tanong niya sa lalaki.

Tumango si Sean habang nginunguya ang kinakain nito.

“Sobrang nag-aalala ako kanina, putlang-putla ka. Okay na ba ang pakiramdam mo?”

Pinadausdos ni Sean ang mga daliri nito sa plato. Tumayo ito at nilapitan siya na hindi maka-focus sa pagkain. Pinaglalaruan lang niya ang kan’yang pagkain gamit ang isang kutsara at walang balak na tapusin ito.

Ngayon, magkatabi na sila ng pwesto. Kinuha ni Sean ang kutsara niya sa kaniyang kamay at sinubuan siya ng pagkain. 

“Aaaa…,” sambit ni Sean ngunit tumawa lang s’ya nang mahina.

“Kaya kong kumain mag-isa, Sean,” sabi niya at inagaw ang kan’yang kutsara.

Umiwas si Sean, at tinanggihan siya nito. “Hindi pwede, Kanina mo pa pinaglalaruan ang pagkain sa iyong plato, kung hahayaan kita baka abutin tayo ng ilang oras dito.”

Namumula ang mukha niya dahil sa titig na binibigay sa kanya ni Sean. Napaka-caring talaga ng lalaki. Para hindi siya mapahiya, ay sumunod na lang siya, una, pangalawa, pangatlong subo... hanggang sa wala nang natira.

“Matulog ka na, may gagawin lang ako” saad ni Sean at tumayo mula sa kan’yang upuan, nilinis nito ang kanilang mga natira pati na ang mga maruruming pinggan sa mesa.

Kaagad na tumayo siya para pumasok na sa kan’yang silid ngunit sa kalagitnaan lamang ng kan’yang paglalakad ay napahinto siya. Lumingon siya kay Sean na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan. 

Kitang-kita niya ang malapad na likod nito kaya pikit-mata siyang lumapit sa lalaki. Nilunok ang natitirang kahihiyan, marahan niyang pinulupot ang braso sa beywang nito habang sinandal niya ang ulo sa likod ng lalaki.

Saglit na itinigil ni Sean ang paghuhugas ngunit kaagad ding ipinagpatuloy ang ginagawa. Sobrang tahimik ng kanilang atmospera tanging naririnig lang ang mga tunog na nagmula sa pinggang hinuhugasan ng lalaki. Napangiti siya dahil biglang kumanta ito.

Nilanghap niya ang pabango ni Sean hanggang sa makuntento siya habang pinapakinggan niya ang mahihinang tinig ng lalaki at ang puso nitong tumitibok mula sa likod.

Naisip niyang baka ito na ang huling pagkakataon na mayakap at makasama niya ang lalaki at susulitin niya iyon. 

....

Nang umagang iyon, nakakita siya ng isang bouquet ng bulaklak sa mesa. Ang katrabaho niya ay agad na nagtipon sa kaniyang mesang inuupuan ng ilang taon. Nagsimulang magbulong-bulongan ang kan’yang kasamahan, sandamakmak na tanong ang ibinato sa kanya ngunit sinagot niya lang ito ng ngiti.

“Geez, hindi ko alam na may boyfriend ka pala, Via,” sabi ni Cece habang kinukunan ng litrato ang bouquet sa mga braso niya. “Napalaki naman ng bouquet mo, tiyak na sobrang mahal niyan.”

Tumalon sa tuwa ang puso niya nang una niyang makita ang bouquet, galing iyon sa initial ni Sean Reviano. Si Sean ang alam niyang nagbigay sa kaniya noon. Hindi lang iyon, isang box ng mga pagkain ang nakapatong sa kan’yang mesa. Hindi siya nagkakamali, almusal iyon at meryenda niya. 

Sa takot na maging tampulan ng tsismis ay kaagad na binahagi niya ang pagkain sa kan’yang katrabaho.

“Sige na, Via. Sabihin mo naman sa amin kung sino iyong boyfriend mo. Empleyado rin ba siya rito?” 

“Hindi, wala siya rito. Hindi niyo rin siya kilala,” pagtatakip niya sa kan’yang sekreto. 

Kung pinasa-publiko lang ni Sean ang relasyon nila ay hindi na sana niya pinagtatakapan ito. Sobrang hirap maging karelasyon si Sean.

Hindi pa pala tapos ang pakulo ni Sean dahil pagdating ng hapon ay nakatanggap na naman siya ng delivery sa labas. Pagkain iyon kaya nagtataka siya. Mabilis niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Sean. 

Parang hindi naman ganito si Sean sa isip-isip niya. 

[Via: Anong mayroon sa bouquet of roses kanina at mga pagkain naman ngayon?]

Tanong niya habang kuwaring nag-aayos ng dokumento sa kan’yang computer.

Hindi nagtagal ay nakatanggap siya ng reply.

[Sean: To celebrate our first anniversary, nakalimutan mo na?]

Tumibok ng mabilis ang kan’yang puso at biglang uminit ang kan’yang pisngi. 

Paano niya nakalimutan ang pinaka importanteng araw sa buhay niya? Hindi niya inaasahang unang maalala ito ni Sean.

[Via: Pasensya na, nakalimutan ko. Hindi ako nakapaghanda ng regalo para sa’yo, wait, anong gusto mo?]

[Sean: Hindi na kailangan. Presensya mo lang sapat na.]

Para bang gustong tumalon ni Via sa sobrang tuwa dahil sa sinabi ni Sean. Kadalasan kasi ay mga cold replies lang ang natatanggap niya sa binata. Hindi niya inaasahan na magiging gan’to sa kanya si Sean.

“Via,” tawag sa kanya ni Kezia mula sa labas.

“Yes?”  sagot n’ya habang tinatago ang cellphone sa kan’yang pantalon.

“Gustong pumunta ng lahat sa bar, gusto mong sumama?” 

Saglit na nag-isip siya pero wala naman siyang lakad kasama si Sean ngayon. Kadalasan kasi tumatawag si Sean sa kanya kapag gusto nitong makipagkita. Pero… kailangan niya pa ring magpaalam muna sa lalaki. 

“Uhm… pag iisipan ko muna, sasabihan kita kapag nakapag-isip na ako,” mabilis na sagot niya.

Tumango si Kezia at umalis na. Nang makita niyang nawala na sa paningin niya ang babae ay kinuha agad niya ang kan’yang cellphone at nag-text kay Sean. 

[Via: Salamat, sobrang saya ko. Kung may gusto ka, sabihin mo lang sa akin.]

Saglit na tumigil siya sa pagtitipa sa screen, binubuo ang mga salita sa kan’yang isipan para magtanong kung may lakad ba silang dalawa mamaya.

[Via: Oh, bago ko pala makalimutan, inimbitahan ako ng katrabaho ko na pumuntang bar. May lakad ba tayo mamaya? Gusto ko lang makasiguro kung pupunta ba ako o hindi.]

Hindi naglaon ay nakatanggap siya ng reply mula sa lalaki.

[Sean: You can go. May meeting pa kasi ako sa mga clients.]

Sa di malamang dahilan ay nakaramdam si Via ng pagkadismaya, ngunit alam niyang hindi dapat siya maging sakim. Kakatanggap niya pa lang ng bulaklak at mga pagkain ay mag-de-demand na naman siya ng atensyon sa lalaki? Mayroong ibang buhay ang lalaki, mayro’n itong kompaniyang inaalagaan. 

…..

Sobrang ingay at matao sa bar na pinuntahan nila kaya sobra siyang naiilang. Gusto niyang tawagan si Sean ngunit hindi niya magawa palagi lamang siyang nakatingin sa screen ng cellphone. 

“Well, hindi naman siguro magagalit ang boyfriend mo Via, lahat naman ng kasama natin ay puro babae,” tukso sa kaniya ni Altha na kanina pa pala nakatitig sa kanya. 

“Tama! Ang boyfriend ko nga hindi naman nagalit dahil kasama ko naman kayo,” dagdag ni Cece na busy sa kakalaro sa cellphone.

Nang makita niya ang kan’yang katrabaho na nag-e-enjoy ay napagpasiyahan niyang kalimutan ang pangangamba at mag-enjoy na rin. Sa katunayan, hindi naman siya tinetext at tinatawagan ni Sean, kaya hindi naman tamang nasa sulok lamang siya. 

Pumunta sila sa dance floor at nagsayaw, subalit naramdaman niyang may mainit na nakatingin sa kanya sa bar table. Nilibot niya ang kan’yang paningin at nakasalubong ng kan’yang titig ang matang nakalalamon ng kaluluwa. Ngumisi si Sean sa kaniya.

Hindi niya mapigilang tumingin sa lalaki. Sa sandaling magtama ang kanilang mga mata ay para bang sila lang ang naroon sa bar. Nawala ang ingay sa kapaligiran at naiwan ang tahimik at masamyong paligid na pinagsaluhan nilang dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status