Share

After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter
After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter
Author: dangerosely

Kabanata 1

Kleer Ronnilaine's POV

Mainit na luha ang dumaloy sa aking pisngi habang titig na titig sa pregnancy test na hawak ko. Dalawang guhit na pula ang lumabas doon. Ibig sabihin... 

Buntis ako.

Tila nanlambot ang mga tuhod ko. Napahawak ako sa sink ng bathroom para masuportahan ang aking balanse. Naging madalas ang pagkahilo at pagsusuka ko sa mga nagdaang araw kaya naghinala na ako at ngayong kumpirmado na ay hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Gusto kong matuwa at magdiwang pero natatakot ako sa magiging reaksyon ni Arrex. Sa oras na malaman niya ang tungkol dito...paniguradong hindi siya matutuwa.

Dalawang taon na kaming kasal ni Arrex at kahit na isang beses, hindi siya nakalimot na ipaalala sa akin na hindi niya ako mahal at sa papel lang kami mag-asawa. Iba ang mahal niya at isa lang akong hamak na bayaran para sa kaniya.

"Ma'am Kleer?" boses iyon ni Manang Lelia na sinundan ng katok sa pintuan. "Nakahanda na po ang hapunan. Nakauwi na rin po si Sir. Hinihintay niya kayo sa hapag."

Tumukhim ako at mabilis na pinalis ang mga luha sa aking mata. "Susunod po ako," sigaw ko at buti na lang ay hindi ako pumiyok. 

Kahit gulong-gulo at parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba ay naging mabilis ang pagkilos ko. Ayaw niyang pinaghihintay siya nang matagal. Itinago ko ang pregnancy test at inayos ang aking sarili. Sinigurado kong walang mababakas na luha sa mukha ko bago ako tuluyang bumaba.

Marahas ang pintig ng puso ko habang tinatahak ang dining area. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda. Mas lalong bumundol ang kaba sa sistema ko nang natanaw ko na si Arrex na seryosong nakaupo sa kabisera sa harap ng hapag, pinaglalaruan niya ang wine sa kaniyang baso. 

Umupo ako sa kanang upuan, kung saan ang pwesto ko sa tuwing magkakasabay kaming kumain. Bihira itong mangyari, nagsasalo lang kami sa hapag tuwing may okasyon o 'di kaya'y kapag bumibisita ang lolo niya. Ramdam ko ang tingin niya sa akin dahilan para mas lalo akong kabahan. I'm sweating bullets. Iniwasan ko ang mapatingin sa kaniya at binaling sa mga pagkain ang aking mata, takot na baka makahalata siya.

Walang nagsalita sa amin. Kahit nanginginig ang mga kamay ay naglagay ako ng kanin at ulam sa aking pinggan. Napansin kong wala pang laman ang sa kaniya, kaya tangkang lalagyan ko na rin ito nang mapahinto ako dahil sa biglaang pagtikhim niya. Naibaba ko ang hawak na sandok. 'Taka akong napatingin sa kaniya na sana'y hindi ko na lang pala ginawa. Wala akong mabakas na emosyon sa kaniyang mukha. Dinampot niya ang isang envelope na nakapatong sa lamesa na ngayon ko lang napansin. 

"Open this," utos niya sa malamig na boses at inabot sa akin ang envelope. Natataranta ko iyong mabilis na kinuha at binuksan. Abot-abot langit ang tahip ng dibdib ko habang nilalabas ang isang puting papel mula roon. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking labi nang mapagtanto kung ano iyon.

Divorce agreement.

"A-ano 'to?" hindi pa makapaniwalang usal ko at tumingin sa kaniya. Umaasang mali ang nabasa ko.

"As you can see, a divorce agreement. Mag-divorce na tayo," kaswal na wika niya, tila ba normal lang ang bagay na iyon at wala lang sa kaniya, samantalang para akong nabingi sa narinig.

"Pero b-bakit?" tanong ko, hindi pa rin tuluyang naproproseso ang nangyayari.

Sarkastiko siyang tumawa. Sumimsim siya ng wine sa kaniyang baso bago niya seryosong sinalubong ang titig ko.

"Because I don't love you," he shrugged. "I never did."

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Tila punyal na binaon sa dibdib ko ang mga salita niya. Alam ko naman ang bagay na iyon pero masakit pa rin pala talaga na harap-harapan niya mismong sinasabi. 

"I guess it's enough reason for you to sign it. Well, kahit naman ayaw mo, wala ka ring choice kundi pirmahan iyan. Kahit ngayon lang maging disente ka naman. Kung inaalala mo ang pera, don't worry, susustentuhan kita. Also, you can have this house if you want. Sabihin mo lang kung ano gusto mo, ibibigay ko." Ngumisi siya. 

Kagat-kagat ko ang labi ko upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Hanggang ngayon ay mukhang pera pa rin pala talaga ang tingin niya sa akin... 

Sa oras na nakapagdesisyon na siya ay hindi na iyon mababago kaya wala na talaga akong magagawa. Isang bagay lang ang pwedeng magpabago. 

"A-alam ba ito ni Chairman?" Nanginig ang boses ko, tinutukoy ang kaniyang lolo. 

Muli siyang natawa. 

The dining area was filled with his intense laughter. Ang titig niya sa akin ay punong-puno ng iritasyon at... disappointment. 

"Kahit malaman ni Lolo, wala rin naman siyang magagawa na. The two years of enduring with you is enough," mariing aniya. "Kung kinakailangan kong isuko ang company at ang mana ko para lang matuloy ang divorce na 'to...I would gladly do that." He smirked. 

Napayuko ako. Tuluyang lumandas ang mga luha sa aking pisngi. Gano'n na ba niya ako kinasusuklaman kaya gagawin niya ang lahat para makawala siya sa akin? Parang dinudurog ang puso ko sa maliliit na piraso sa sobrang sakit. 

Nanilbihan bilang katulong si Mama sa pamilya nila Arrex noon. Namatay daw sa isang aksidente ang ama ko habang ipinagbubuntis ako ni Mama kaya kaming dalawa lang ang magkasama. Sa sobrang bait ng Lolo ni Arrex ay pinayagan niya si Mama na dalhin ako at patuluyin sa mansion nila. Pinag-aral ako ni Chairman. Maraming maids ang naiinggit dahil sa pakikitungo sa amin ng chairman, naririnig ko pang pinag-uusapan nilang inaakit daw ni Mama ang chairman. Pero hindi totoo iyon. Kahit kailan ay hindi ko nakitang inakit ni Mama si Chairman. 

Eighteen-year-old ako noong una kong makita si Arrex. Sa states siya lumaki at nagtapos ng pag-aaral. Umuwi lang siya sa Pilipinas dahil sa isang trahedya. Apat na taon ang tanda niya sa akin at unang beses pa lang na dumapo ang tingin ko sa kaniya, tumibok na agad ang puso ko para sa kaniya. 

He is a man that every girl would dream of: tall and intimidating, with fair skin that glows against his dark, brooding appearance. His dark brown eyes, framed by thick lashes, possess a stormy depth that captivates you. His striking features are highlighted by his straight, perfectly proportioned nose and full lips that often appear disdainful. His chiseled jawline is beautifully framed by his tousled black hair, which enhances his rugged charm. Arrex's unique combination of attractiveness and uncivil behavior makes him stand out. 

Sa 'di malamang dahilan, noon pa man ay masyado na siyang ilag sa akin at mas lalo iyong lumala nang kinausap ako ng Chairman na ipapakasal niya ako kay Arrex. Kung papayag akong pakasalan ito, hindi na kailangang magtrabaho ni Mama at ibibigay niya na lang ang isang hacienda nila sa Bulacan sa amin ni Mama. Tumutol ako no'ng una. I'm not a fan of fixed marriage. Iniisip ko rin na masyadong kalabisan ang bagay na iyon. Isa lamang akong hamak na anak ng kanilang kasambahay. Hindi ako nababagay sa kaniya. Pero, pursigido ang Chairman na ipakasal kaming dalawa kaya napapayag niya ako kalaunan. Naisip ko ring matanda na rin si Mama at kung magpapakasal ako kay Arrex, maaalagaan ko siya...at baka matutunan niya rin akong mahalin. 

Iyon ang akala ko, halos isumpa niya ako dahil doon. Hindi namin alam na may girlfriend pala siya at nakipaghiwalay ito sa kaniya nang inanunsyo ng chairman ang kasal namin. Kahit sobrang tutol at galit na galit, walang nagawa si Arrex noon kundi ang sumunod dahil makukuha lang niya ang mana at ang kumpanya ng magulang niya kung ikakasal siya sa akin. 

Simula noon, tanging galit lang ang naramdaman niya para sa akin. Para sa kaniya, pera lang ang habol ko. In-offer-an niya pa ako ng malaking halaga upang 'wag dumalo sa kasal namin. Tinanggihan ko iyon dahil nangingibabaw sa akin ang kagustuhang makasama siya dahil...mahal ko siya. 

"Let's end our sufferings. I know nagtitiis ka lang din naman na makasama ako kapalit ng pera." Nilapag niya ang baso sa lamesa at tumayo. "Just sign it, and we're both free," aniya at nagsimulang lumakad paalis.

Napaigtad ako. Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko, pinalis ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko at nagsalita. "Iyong nangyari sa atin?" Napahinto siya. Nanlalabo ang mata kong tumingin sa kaniya. "W-wala lang ba iyon?" 

Tumawa siya. "Don't tell me," Nilingon niya ako, ang mga mata niya'y puno ng panunuya. "Iniisip mo bang may ibig sabihin iyon?" He laughed again, each laugh was a dagger piercing my heart. Mas lalong nanlabo ang paningin ko. "It's nothing, but a pure lust..." He stopped a bit and continued with a serious tone, "pinagsisisihan ko iyon." 

Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. 

A pure lust. 

Is it just a pure lust? Sa lahat ng sinabi niya ay iyon ang pinakamasakit. Nagpatuloy na siya sa paglakad. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig upang pigilan ang paghikbi. Parang gripong sunod-sunod na umagos ang luha mula sa aking mga mata. 

That was one of the most unforgettable memories that I will cherish yet he was regretting it. Napahawak ako sa tiyan ko.

I'm sorry, baby...Mukhang hindi na kita maipapakilala sa ama mo. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status