Buong gabi, wala akong ginawa kundi umiyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ngayong gusto ni Arrex ng divorce at sinabi niyang pinagsisisihan niya ang nangyari sa amin, mas lalo niyang hindi matatanggap ang magiging anak namin kapag nalaman niya ang tungkol dito. Iniisip ko pa lang na kamumuhian niya rin ang anak namin ay parang binibiyak na ang puso ko sa sakit.
Magkabukod kami ng kwarto ni Arrex. Ayaw niya akong makasama sa iisang kwarto at ngayon lang ako natuwa sa bagay na iyon dahil hindi niya makikita ang pagtangis ko. Hawak ang tiyan ko, napatingin ako sa picture namin ni Mama na nakapatong sa lamesa sa gilid ng aking kama. Wala pang isang taon nang ikasal kami ni Arrex ay pumanaw siya. Galit din siya kay Mama dahil iniisip niyang totoo ang mga sinasabi ng mga maid noon kaya tanging ang chairman lang ang kasama kong magluksa kay Mama.
Ang hindi alam ni Arrex, Hindi tinanggap ni Mama ang hacienda. Pumayag lang daw siyang ipakasal ako dahil malaki ang utang na loob namin kay Chairman at alam niya na ring may taning ang buhay niya kaya kung maikakasal ako ay hindi na ako maiiwang mag-isa sa buhay. Tinanggihan ko rin ang alok ni Chairman na bigyan ako ng share sa kumpanya. Tanging ang gusto ko lang ay makasama si Arrex.
Kapag sinabi ko kaya sa kaniya ang bagay na iyon, magbago kaya ang desisyon niya?
Mariin akong napapikit at umiling. Imposible. Sa tigas ng puso ni Arrex, kahit anong sabihin ko ay hindi na magbabago ang tingin niya sa akin. Isa lang akong hamak na bayaran... na sumira sa buhay niya.
Sa sobrang pagod sa pag iyak ay nakatulog ako. Katok sa pintuan ang gumising sa akin kinabukasan. It was Manang Lelia calling me for breakfast. Nanlalata akong bumangon. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Mugtong-mugto ang mga mata ko kaya natagalan ako bago ako nakalabas ng kwarto.
Maagang pumapasok sa trabaho si Arrex kaya hindi na ako nagtaka nang pagkababa ko sa dining area ay nakaalis na siya. Bagsak-balikat akong naupo sa hapag. Wala man akong gana pero kailangan kong kumain para sa baby ko. Napagdesisyunan ko rin kagabi na pupuntahan ko si Chairman ngayon. Kakausapin ko siya. Ayokong gumawa ng desisyon nang hindi kinukompronta sa kaniya.
"Ma'am Kleer." Lumapit si Manang Lelia sa akin. "Binilin po ni Sir na huwag niyo raw po kalimutang pirmahan iyong pinapipirmahan niya. Matutuwa raw ho siya kung pag-uwi niya galing Germany ay pirmado na iyon."
Napalunok ako. Pumunta siyang Germany?
"K-kailan daw po ang uwi niya?" tanong ko sa maliit na boses. Nanghihina talaga ang buo kong katawan.
Nagtaka ang mukha ni Manang Lelia. "Wala pong nabanggit, hindi niya po ba nasabi sa inyo?"
Umiling ako at nagpilit ng ngiti. "Baka nakaligtaan lang po," pagsisinungaling ko.
Sa loob ng dalawang taong pagsasama namin, kahit kailan ay hindi nagsabi sa akin si Arrex ng mga plano niya. Literal na nagsasama lang kami sa iisang bubong at hanggang doon lang iyon.
"Baka nga po, madaling araw din po kasi umalis. Nandoon po sa sala iyong envelope. Mukha po kayong matamlay, mas mabuti po sigurong mapahinga kayo pagkatapos, Ma'am," anito sa nag-aalalang boses. Tumango na lang ako at ngumiti.
Si Manang Lelia lang ang kasambahay namin. Kasing edad lang niya si Mama. Sinabi ko sa kaniya dati na huwag na akong tawaging "Ma'am" pero utos daw iyon ni Chairman kaya kailangang sundin. Gusto ko ring tumulong sa gawaing bahay pero ayaw din niya akong payagan.
Kung ano ang dahilan ng pagiging mabait masyado sa akin ni Chairman ay hindi ko rin alam. Minsan ko na siyang tinanong kung bakit sa dinami-rami ng babae ay ako pa ang pinakasal niya kay Arrex, ang sagot lang niya ay alam daw niyang mapapabuti si Arrex kapag sa akin kinasal at apo na rin naman daw ang turing niya sa akin kaya bakit hindi pa totohanin.
Gustong-gusto ko nang makausap si Chairman kaya pinilit kong bilisan ang pagkain. Pagkatapos ay dali-dali akong naligo at nag-ayos. I'm confident that the Chairman won't despise his great-grandchild. Tuwing bumibisita siya rito ay lagi niyang kinakamusta ang pagsasama namin ni Arrex. Lagi kong sinasabing maayos kahit hindi naman. Noong minsan pang dumalaw siya, habang nagtatanghalian kami ay nabanggit niyang gusto na niya ng apo sa tuhod. Bakas ang pagkairita sa mukha ni Arrex noon, bigla niyang tinapos ang pagkain niya dahil nawalan daw siya ng gana. Natihimik si Chairman noon at sinabing kakausapin niya si Arrex.
Si Chairman lang talaga ang dahilan kung bakit nakatagal si Arrex sa makasama ako sa loob ng dalawang taon. Isang tanikala para sa kaniya ang pagsasama namin kaya hindi na ako magtataka kung gusto na niya ng divorce...
Nang matapos ako mag ayos ay bumaba na ako at dumiretso sa sala. I just wore a simple dress and flat shoes. Kaagad kong nakita ang envelope. I bit my lip and it took a second before I could swallow my bitterness and took it.
Ipapakita ko iyon sa Chairman. Sigurado rin akong tututol siya roon pero gaya ng sabi ni Arrex kahit ang chairman ay wala na ring magagawa kaya kailangan ko lang ng payo ni Chairman. Alam ko ang pakiramdam ng lumaking walang ama at ayokong mangyari sa anak ko iyon. Baka magawaan pa ng paraan na hindi matuloy ang divorce...baka kaya pang lumambot ng puso ni Arrex.
May parte pa rin sa akin na umaasang baka pwede pa akong mahalin ni Arrex— o kahit ang anak na lang namin. Pero tuluyang gumuho ang pag-asa ko nang pagbukas ko ng pintuan...bumungad doon ang isang pamilyar na babae na may hawak na stroller sa kaniyang tabi.
Nalaglag ang panga ko at bahagyang napaatras. May malawak na ngisi sa kaniyang labi. Nakasuot siya ng kulay pulang turtle neck bodycon dress na nagpatingkad sa makinis niyang balat. Naka-bun ang buhok niya kaya kitang-kita ang perpektong hugis ng mukha niya. Taon na rin ang lumipas, pero hindi ako maaaring magkamali sa pagkakakilanlan niya...
Bakit siya nandito?
"Kleer, right? I'm Jamaira Lee," pakilala niya sa malambing ngunit malamig na boses.
Siya nga, tama ako.
Para akong napako sa kinatatayuan ko. "I'm pretty sure that you know me." Naglahad siya ng kamay, ang ngisi niya ay nanunuya.
Napalunok ako at naikuyom ko ang mga kamao ko para pigilan ang panginginig ng mga kamay ko. In front of me was Jamaira Lee... Arrex's greatest love. Bukambibig ni Arrex ang pangalan niya kaya hinding-hindi ko siya makakalimutan. Tandang-tanda ko pa rin kung paano niya sinampal nang malakas si Arrex at tinapos ang lahat sa kanila noong araw na i-announce ni Chairman ang kasal.
"A-anong sadya mo?" tanong ko nang makabawi sa pagkabigla.
Mas lalong lumawak ang ngisi niya, halos abot-tainga. "Oh! About that, wait," aniya, sabay bukas ng takip ng stroller. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang batang lalaki na binuhat niya mula roon. Sa tingin ko'y nasa dalawa o tatlong taong gulang lamang ito.
Biglang gumapang ang kaba sa sistema ko, parang hinigpitan ang dibdib ko. Isang kutob ang naramdaman ko.
Don't tell me...
"This is Alex..." Hinarap niya sa akin ang bata, ang mga mata nito'y inosente at walang muwang.
"Arrex's son."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko.Tama ba ang narinig ko? Arrex's...son? May anak sila?Natutop ko ang aking bibig. Nanginginig, muli akong napaatras ng isang beses at umiling. This can't be true. "You looked so stunned, hindi mo ba kami papapasukin?" nakangising pagtataas niya ng kilay, animo'y natutuwa sa nakikitang reaksyon sa mukha ko. Hindi ako gumalaw. Halos lukot na ang envelope sa higpit ng pagkakahawak ko roon. Gustuhin ko mang patuluyin sila pero tila nanigas na ang mga paa ko sa sobrang pagkabigla sa mga nangyayari. Magkahalong gulat, pangamba...at pagkabigo ang nararamdaman ko ngayon. "Well, hindi kita masisisi." Bumuntong-hininga siya. Binalik niya sa stroller ang bata at muli akong hinarap. "It's been years. Arrex and I used to be so madly in love with each other. He used to be mine...not until his marriage came." Mula sa pagkakangisi ay rumehistro ang pait at sakit sa mga mata niya, tila inaalala ang nakaraan. Napayuko
Ang sabi ni Mama ay patay na raw ang mga magulang niya kaya lumaki siya sa isang ampunan at doon niya nakilala ang ama ko.Hindi ko kailanman inisip na darating ang panahong may magpapakilala sa akin bilang lola ko, at ang mas nakakagulat, sobrang yaman pa. Masyado talagang mapaglaro ang tadhana. Ipaparanas nito sa'yo ang iba't ibang klaseng paghihirap at bigla ka na lang bibigyan ng karangyaan. Akala ko sobrang malas ko pero mukhang nagbago bigla ang kapalaran ko.Suot ang simple ngunit halatang mamahaling bistida, tinahak ko ang hagdan pababa sa sala ng mansion. Kumpara sa mansion ng mga Lyverigo, mas malaki ito. Sa dulo noon ay nakangiting naghihintay si Helena Solarez–ang nagpakilalang lola ko at ina ni Mama. Isang linggo na rin ang lumipas simula nang nagpakilala siya sa akin. Sinabi niyang "Mamita" ang itawag ko sa kaniya at ilang araw din ang inabot bago ko iyon nasunod. Maraming bagong impormasyon ang nalaman ko kaya nahirapan akong absurbahin lahat ng mga iyon."Napakaganda
"Rovie! Come here, baby. Mamita is calling!" sigaw ko mula sa sala, nakaupo sa couch at hawak ang tumutunog na iPad. Gaya ng inaasahan ko, mabilis na lumabas mula sa kaniyang kwarto si Rovie at kinikilig na patakbong lumapit sa kinauupuan ko. Natawa ako nang makita ang nakataas niyang kilay at ang malapad na ngisi sa kaniyang labi, halatang sobrang excited. Hawak niya pa ang iilang piraso ng puzzle, malamang ay binubuo niya ang bagong bili namin na jigsaw puzzle ng paborito niyang Disney princess na si Belle at sa pagmamadali ay hindi na niya naibaba ang mga iyon. Binigay ko sa kaniya ang iPad para siya na mismo ang sumagot sa tawag ni Mamita. "Hello, Mamita!" masiglang bati niya habang umuupo sa couch sa tabi ko, kinakawayan ang screen. "Oh, hello, my little princess! I miss you so much!" ani Mamita, puno ng lambing ang boses at bakas din ang kasiyahan na makita si Rovie kahit sa video call lang. "I miss you more, Mamita!" Rovie giggled, then suddenly pouted her lips. "I was wai
"Mama, look! The airplanes are so big!" turo ni Rovie sa isang naka-park na eroplano.Nasa loob na kami ng airport at naghihintay sa boarding gate. Simula nang umalis kami sa condo kaninang 4 a.m ay wala ng paglagyan ang excitement niya. Ito ang unang beses niyang nakarating sa airport kaya kanina pa siya tuwang-tuwang tinitignan ang mga eroplano sa labas ng malaking bintana. Marahan kong pinisil ang pisngi niya at tumawa. "Yes, sweetie. Will be on one of those, just a little while." Tumalon siya at masiglang pumalakpak. "Yay! I'm so excited, Mama!"Mas lalo akong natawa sa ka-cute-an niya. She was wearing a white long sleeve with a cute ribbon design on it, a pair of black leggings, and then her black leather jacket. She was also wearing her black backpack behind and her hair was on a pigtail. Medyo matching kami dahil nakasuot ako ng white shirt, maong pants at ng black leather jacket din. Halos lahat ng damit namin ay terno dahil iyon ang gusto ni Rovie na gusto ko rin naman.Ina
Sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw. Abot-tainga ang ngiti niya at halatang natutuwang muli akong nakita.It was Manang Lelia! Ang dati naming kasambahay. Sinilip ko si Rovie sa loob ng taxi at nakita kong nakaupo na ito at nakapikit. Bumaling ako sa driver. "M-manong sandali lang po," sabi ko at sinara ang pintuan.Napalunok ako at hinarap ulit si Manang Lelia. Mas mahaba na ngayon ang buhok niya, may mga hibla na kulay abo. Ang palibot ng mga mata niya ay may kulubot na rin, pero nandoon pa rin ang ningning ng kanyang pagiging masayahin"Ma'am Kleer! Kamusta ka na? Napakaganda mo pa rin! Grabe, ilang taon na rin... ang tagal kang hinanap ni Chairman!" Mas lalong namilog ang mga mata ko."P-po?" gulat na sabi ko, hindi alam kung tama ang narinig.Hinanap ako ni Chairman?Malungkot itong napangiti. "Noong sinabi ko po kay Chairman na bigla kayong umalis dala ang maleta niyo, kaagad niya po kayong pinahanap. Pinigilan lang po siya ni Sir Arrex," paliwanag niya, may bahid ng lungkot ang
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sinisimulang basahin ang laman ng sulat. Kilala ko ang sulat-kamay ni Chairman kaya walang duda, siya ang simulat nito. Dear Kleer,How are you? I am optimistic that this letter will find its way to you. I've spent the past four years searching tirelessly for any trace of you since your sudden disappearance. My heart is constantly praying for your safety and well-being.I feel obligated to ask for your forgiveness as my health worsens. It was years ago now, during a late-night drive, when a sudden headache overcame me. An accident happened before I could react. When I woke up after losing consciousness, my secretary shielded me from the truth and shifted the blame to someone else. The weight of family issues kept me silent and prevented me from admitting my wrongdoing.The guilt has been too much to handle. After discovering that the man I harmed had a family, I offered his pregnant wife a job as a housemaid and welcomed them to our home, along wi
Matapos namin kumain ng almusal, pinaliguan ko na si Rovie at inayusan. Isang floral sleeveless chiffon dress ang pinasuot ko sa kaniya para presko dahil summer ngayon sa Pilipinas. Bumagay iyon sa kaniya dahil sa kaniyang maputing kutis. Floral halter neck maxi dress naman ang sinuot ko para terno pa rin kami. She giggled and gave me praises.Nang matapos kaming mag-ayos, lumabas na kami ng hotel at sumakay sa Grab na b-in-ook ko kanina papunta sa Memorial Park upang dalawin si Mama... at si Chairman. Bago ko pa man nabasa ang sulat ay nakaplano na talaga ang pagdalaw ko sa kanilang dalawa, nasa iisang Memorial Park lang kasi ang kanilang mga labi. Mas napaaga lang ang pagdalaw ko dahil gusto kong pagpunta namin kay Mamita mamaya, wala na akong dala-dalang bigat sa aking puso.Gusto kong tuluyang tanggalin ang mga masasakit na nangyari sa aking nakaraan. Habag binabagtas namin ang daan, tahimik lang si Rovie na nakatanaw sa bintana. Paminsan-minsan ay nililingon niya ako para tanun
"Arrex..." halos pabulong kong nabanggit ang pangalan niya, hindi pa rin makapaniwala.Parang tumigil ang takbo ng oras at napako ang mga mata ko sa kaniya. Nanuyo ang lalamunan ko habang pinapasadahan siya ng tingin. Payat pa rin siya pero mas malaki na ang katawan niya ngayon. Mas lalo ring nadepina ang kakisigan niya dahil sa suot niyang kulay puting fitted shirt na yumayakap sa kaniyang mga muscles. Ang buhok niya ay ganoon pa rin katulad ng dati—medyo magulo pero bagay sa kanya. May stubble na rin ngayon ang kaniyang mukha, na lalo pang nagpa-angat sa kaniyang masculinity. Naghuhuramentado ang puso ko, sobrang lakas ng pagtibok na tila gustong kumawala mula sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit mas lalo siyang nagmukhang... attractive sa paningin ko. Katulad ko, hindi rin siya nakakibo kaagad. Halatang nagulat din siya na makita ako rito pero mabilis siyang nakabawi at bumalik sa natural niyang poker face. Samantalang, para akong estatwa sa harapan niya. Ang preskong hangi
Halos hindi ako makahinga sa bigat ng tanong niya. Napalunok ako, pilit na pinipigilan ang kaba sa dibdib ko."I adjusted the time already but you're still late? Gano'n ba talaga kahalaga sa'yo ang love life mo para ma-late ng almost 40 minutes?" may bahid na panunuya at panghuhusgang aniya.I gasped.Bakit ba iniisip niya na love life ang pinagkakaabalahan ko? For pete's sake, it's her daughter! Sabagay wala nga pala siyang alam. I silently calmed myself. Hindi ako pwedeng makipagtalo sa kaniya. Useless din naman. I set aside my frustrations. Kailangan kong tapusin na agad itong meeting nang makauwi na ako kay Rovie.Observing his looks, masasabi kong medyo tinamaan na siya ng alak.Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito. Noon pa man, mabilis na siyang malasing. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya uminom gayong may meetin
The MeetingPagkatapos ko pag-isipan nang mabuti ang dapat kong gawin bumalik ako sa kwarto ni Rovie. Kakausapin ko si Mamita, I had no choice but to prepare for the meeting later. Hindi ko maiwasang mapaisip, how could he be so mean and cold to me? Samantalang kay Jamaira napakalambot niya na nagagawa na siya nitong lokohin. Naabutan ko si Mamita na hinahaplos ang buhok ni Rovie na nakatulog na ulit. A soft smile on her face and I felt a little relieved. I walked over and stand beside her."Mamita," panimula ko, mahina lang para hindi maistorbo sa pagtulog si Rovie."Ano 'yon, apo? Sino ang tumawag?"Nagdadalawang isip pa ako pero sa huli ay napabuntong-hininga na lang. "Si Arrex po, he scheduled a meeting at 6 pm later," I started, trying to keep my voice calm, though I could feel my heart racing. "If I don't attend, it will be over. The proposal will be rejected."Mamita turned to me, her eyes filled with wisdom and understanding. She sighed deeply, as if contemplating what I ha
It's Arrex.Nilingon ako ni Mamita at Rovie. Tinago ko ang pagkagulat sa isang ngiti at minuwestra ang cellphone ko para ipaalam na may kakausapin lang ako sabay labas ng kwarto. I walked to the staircase far from Rovie's bed and Mamita.The silence from the other line only made my chest tighten. Paano niya nakuha ang number ko? At bakit siya napatawag? Humugot ako ng malalim na hininga para isantabi ang mga tanong sa aking isipan. "What do you want?" I asked, keeping my voice as steady as I could."Let’s talk about your business proposal," he replied smoothly, kasing lamig pa rin ng yelo ang boses. "Schedule a meeting at 2 PM."I gasped softly. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. It was already 1:47 PM! I hadn’t expected this, especially not today when Rovie is sick.Kakausap lang namin kahapon tungkol sa business proposal, a? Bakit? Is he going to reject the proposal now? Kumabog ang dibdib ko sa naisip. Sana hindi.Sandali akong natahimik para mag-isip ng magandang isasagot. Ni
Buo na ang desisyon ko. I knew it was a gamble, but I couldn’t just sit idly by while Jamaira manipulated Arrex further. Kailangan ko siyang iligtas sa sarili niyang bulag na pagmamahal para sa babaeng iyon. The first step was simple, get closer to Arrex. The rest? Bahala na. But I knew one thing for sure, hindi ako papayag na hindi mabunyag at maparusahan si Jamaira.Madalim na ang kalangitan nang makauwi ako sa mansion. Sinabi ni Manang Edna na masyadong napagod ang maglola kaya nakatulog na si Rovie at si Mamita naman ay binabantayan ito. Dumiretso na ako sa kwarto namin ni Rovie at nakitang mahimbing na nga ang kaniyang pagtulog. Sa tabi niya ay si Mamita na may hawak na libro. Kaagad siyang ngumiti nang makita ako at maingat na umalis sa kama. Binaba ko ang mga gamit ko at kaagad ding ngumiti upang maisantabi muna ang ibang iniisip. "Good evening, Mamita. Maagang nakatulog si Rovie?" tanong ko pagkatapos bumeso. "Nag-enjoy siya masyado sa pag-p-paint kaya napagod at mabilis
Pilit kong pinakalma ang sarili habang tumatakbo ang kotse pa-opisina. My thoughts were spinning, and the weight of everything I had learned felt like a storm brewing inside me. Napakamanloloko ni Jamaira! Tumintindi pa lalo ang nararamdaman kong poot para sa kaniya. Pinikit ko ang mga mata ko, trying to steady my breathing. Jamaira had lied to him, and not just lied– she had manipulated him to the point na ipinaniwala niyang may anak sila. At ako, tinatago ang totoong anak ni Arrex. This was bigger than I could’ve ever imagined, and one wrong move could put us all in danger. Pagbukas ng pinto ng opisina ko, halos ibagsak ko ang sarili sa swivel chair. Nanginginig pa ang mga kamay kong hinawakan ang mga dokumentong nilapag ko sa mesa, tila biglang lumamig ang paligid kahit tirik ang araw sa labas. Sumasakit ang sintido ko sa bigat ng mga iniisip. Kailangan kong pag-isipan nang mabuti ang bawat galaw ko. One wrong move, and this could all spiral out of control.Ibinagsak ko ang l
Pagkalabas ko ng lobby, my car was already waiting for me. Tumunog ang aking cellphone. It was Angela again, sending me the address of her brother’s firm and his name. I replied with a confirmation and quickly slid into the backseat, nodding at my driver to get going."Dito po tayo, Manong," utos ko habang pinapakita ang address na naka-flash sa screen ng aking cellphone. Ilang minuto lang ay narating na namin ang address na ibinigay ni Angela. The building was an old but well-kept structure, tucked away in a quiet part of the city. Napansin ko agad ang discreet na signage na may nakalagay na "MTR Private Investigations."I straightened my posture as the car stopped in front of the entrance.“Ma’am, nandito na po tayo,” sabi ng driver."Salamat po, pakihintay na lang po ako sa parking lot."I stepped out, clutching my bag tighter. This is it. Time to get some answers.Pagpasok ko sa loob ng building, I was greeted by the receptionist, with a polite smile on her face. “Good afternoon,
Napabuga ako ng hangin nang tuluyan akong nakalabas ng opisina ni Arrex. Ngayon ko lang napagtanto na kanina ko pa pala pigil ang aking hininga. Handa na sana akong umalis pero iilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang makita ko si Jamaira. Naglalakad siya papalapit at sa iba nakatingin habang may bitbit na branded box ng cake. She was dressed impeccably as always. Katatapos ko lang kay Arrex, siya naman ngayon? Pero hindi katulad kanina, wala akong maramdamang kaba kundi iritasyon lang. Nagtagpo ang mga mata namin at hindi ko napigilang mapangisi. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha, halatang hindi niya inasahang makita ako rito.The last time I saw her, she was arguing with that man outside the coffee shop. Her face was twisted in fear, her voice barely steady. But now, she looked composed—too composed—as if she wasn’t hiding a thing. She was a master of façade, wearing her confidence like armor.Hindi ko na sana siya pag-aaksayahan ng oras, ngunit bago ko pa magawa ang is
Nang bumukas ang elevator, halos tumakbo ako papasok. I clicked the ground floor button with trembling hands, trying to calm myself down. Ang mga mata ko ay nakatutok lang sa oras na mabilis na lumilipas. 9:32 a.m. Inabot ko ang cellphone ko na nasa bag at agad akong tumawag kay Angela. “Good morning, Ma’am Kleer! Bakit po?” tanong niya sa kabilang linya. “Angela, pa-prepare ng sasakyan, please. I need to get to Lyverigo in 15 minutes,” utos ko habang humihinga ng malalim.“Yes, Ma’am. Right away!”Paglabas ko ng elevator, naroon na ang sasakyan. Mabilis akong sumakay at nagbigay ng utos sa aking driver. Hindi pa ako marunong mag-drive kaya si Mamita ang nagbigay sa akin ng personal na driver. Habang nasa biyahe at tumatakbo ang oras, iniisip ko ang lahat ng posibleng scenario sa meeting na magaganap. I'm mentally prepared but I'm not sure emotionally. Kahapon ko lang pinadala ang invitation at hindi ko inaasahang papaunlakan kaagad ni Arrex 'yon. Pagdating ko sa entrance ng Lyve
Lumilipad pa rin ang aking isipan hanggang sa pagbalik namin sa office. Masyadong abala ang isip ko sa mga tanong na walang sagot, ni hindi ko tuloy maintindihan ang ibang sinasabi ni Matthew. Pagdating namin sa entrance ng hotel, humarap sa akin si Matthew, may ngiti sa labi niya. “Mauuna na ako, may family gathering kami mamayang gabi kaya need mag-ayos. Sure ka bang ayos ka lang?"Pilitan akong ngumiti. “Naman. Just... work stuff, I guess.”Naningkit ang mga mata niya, halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. “Work stuff, huh? Well, if you ever want to talk about it, nandito lang ako, okay?”Tumango ako, pero ramdam ko ang kaunting guilt. Matthew has always been there for me, noong naging close kami, lagi ako humihingi ng advice sa kaniya. Alam niya rin naman ang kwento namin ni Arrex, pero sa ngayon, hindi ko siya puwedeng idamay sa gulong ito. “I appreciate it, Matt. Don't worry, magsasabi ako kapag may problema ako. Sige na't mauna ka na," sabi ko, medyo mas matatag na ang boses k