Share

Kabanata 6

"Mama, look! The airplanes are so big!" turo ni Rovie sa isang naka-park na eroplano.

Nasa loob na kami ng airport at naghihintay sa boarding gate. Simula nang umalis kami sa condo kaninang 4 a.m ay wala ng paglagyan ang excitement niya. Ito ang unang beses niyang nakarating sa airport kaya kanina pa siya tuwang-tuwang tinitignan ang mga eroplano sa labas ng malaking bintana. 

Marahan kong pinisil ang pisngi niya at tumawa. "Yes, sweetie. Will be on one of those, just a little while." 

Tumalon siya at masiglang pumalakpak. "Yay! I'm so excited, Mama!"

Mas lalo akong natawa sa ka-cute-an niya. She was wearing a white long sleeve with a cute ribbon design on it, a pair of black leggings, and then her black leather jacket. She was also wearing her black backpack behind and her hair was on a pigtail. Medyo matching kami dahil nakasuot ako ng white shirt, maong pants at ng black leather jacket din. Halos lahat ng damit namin ay terno dahil iyon ang gusto ni Rovie na gusto ko rin naman.

Inabot ng apat na araw ang naging preparasyon namin para sa flight na ito. Halos dala ko na lahat ng damit namin dahil paniguradong matatagalan ang pananatili namin sa Pilipinas. Hindi ko rin sinabi kay Mamita na uuwi na kami dahil balak kong surpresahin siya. 

Siguradong hindi na niya kami pababalikin pa rito sa New York.

Agad na nahanap ni Rovie ang upuan namin pagkapasok sa eroplano. "Here is it, Mama!" turo niya sa upuang katabi ng bintana sa economy class. Napangiti ako, ito ang unang beses niya pero parang sanay na sanay na. 

Sa sobrang pananabik ay nauna ng umupo si Rovie doon. Inilagay ko muna ang carry-on bag namin sa overhead bin bago ako umupo sa tabi niya. Sa totoo lang ay kinakabahan ako at may pag-aagam-agam pa rin pero tuwing nakikita ko ang ngiti at excitement ni Rovie ay nawawala ang mga alalahanin ko. 

"Let's get settled, sweetie," sabi ko at inayos na ang seatbelt niya. Pinilit kong maging kalmado, kahit na bahagyang malakas ang kabog ng puso ko sa kaba. 

"Mama, who are they?" turo niya sa kung saan. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya at nakita ang mga nakangiting flight attendants na nakasuot ng kulay red na blazer at skirts habang tumutulong sa ibang pasahero na maglagay ng mga gamit sa compartments at tinitiyak na naka-seatbelt ang lahat.

"They are the flight attendants, sweetie. They take care of everyone inside the plane and they make sure we have a good trip," paliwanag ko habang pinapasadahan ng tingin ang iba pang mga pasahero. Abala ang iilan sa kanilang mga gamit at may mga bata rin na kasing edad o mas matanda kay Rovie na pawang mga excited din.

"Woah, they are so pretty, Mama!" papuri ni Rovie sa mamanghang tono. Nilingon ko siya at pinisil sa pisngi. "Indeed. Just like you," ani ko at tumawa siya.

Ilang sandali pa, narinig namin ang anunsyo ng piloto ng eroplano na malapit na itong mag-take off. Naramdaman ko kaagad ang bahagyang panginginig ng eroplano habang nagsisimula itong gumalaw. Lumakas din ang tunog ng mga makina at unti-unting bumilis ang takbo namin sa runway. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Rovie para sana mapanatag siya pero nagulat ako nang paglingon ko sa kaniya, wala akong makitang kahit kaonting takot o pangamba sa kaniyang mukha. 

"Mama, we're flying! Oh my!" sigaw niya pa, ang mga mata'y nakadilat ng malaki habang nakatitig sa bintana. "The houses were small like a dollhouse!" dagdag pa niya, humahalakhak at manghang-mangha. 

Hindi ko maiwasang maging emosyonal habang pinagmamasdan ko si Rovie. Parang kailan lang, sanggol pa lang siya sa mga bisig ko. Parang mabilis na flashback kong naalala lahat ng hirap at sakripisyong pinagdaanan ko simula nang pinagbubuntis ko siya. Mahirap lalo na't mag-isa lang ako. Bumibisita si Mamita pero sandali lang dahil maraming kailangang asikasuhin sa kumpanya. Ayoko rin masyadong umasa kay Mamita kaya nag-aral ako mag-bake at ginawa ko iyong negosyo. Grabeng pag-mu-multitask ang ginawa ko. Ngunit, sa bawat ngiti ni Rovie, alam kong sulit lahat ng mga 'yon. 

I would risk anything even my happiness, just to keep her happy.

Humigi't kumulang 17 hours ang tinagal ng byahe namin. Buti na lang ay nadala ko ang sketch pad at mga pangkulay ni Rovie kaya hindi siya nainip. Buong byahe, nag-d-drawing lang siya at nang magsawa ay nakatulog siya habang yakap ang kaniyang stuffed toy na polar bear. Nakatulog din ako at nagising ilang minuto bago ang arrival namin sa Manila Airport.

Kusot-kusot ni Rovie ang kaniyang mga mata nang lumabas kami sa eroplano. Kaagad kaming sinalubong ng maliwanag na ilaw ng terminal at pinaghalong amoy ng gasolina at sariwang hangin sa labas ng gangway. 

Pagpasok ng terminal ay sumalubong sa amin ang isang grupo ng mananayaw na nakasuot ng mga tradisyunal na kasuotan. Kung hindi lang inaantok ay paniguradong hihinto si Rovie para panoorin sila. Antok na antok pa rin siya kaya parang wala sa sarili siyang naglalakad habang nakakapit sa akin. Gusto ko sana siyang buhatin kaso hawak ko ang dalawang carry-on bags namin at ang backpack niya. Buti na lang ay mabilis na natapos ang proseso sa migration kaya dumiretso na kami kaagad sa baggage claim para kuhanin ang mga bagahe namin.

Nang tuluyang makalabas ng terminal ay sinalubong kami ng pamilyar na mainit na simoy ng hangin at ng mga kumikislap na ilaw ng lungsod sa malayo. Napabuntong-hininga ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Rovie na pipikit-pikit dala ng antok. 

Ngumiti ako ng maliit. Welcome to the Philippines, sweetie. 

Ginala ko ang paningin ko. 10 p.m na kaya madilim na ang kalangitan. Bago umalis kanina ay nag-book ako ng kwarto sa isang malapit na hotel. Panigurado kasing nagpapahinga na si Mamita sa mga oras na ito at isang oras na byahe pa ang kailangan bago kami makarating sa Mansion. Masyado nang pagod si Rovie at hindi na niya kakayanin. 

Sumenyas ako sa paparating na taxi at agad itong huminto sa harapan namin. Bumaba ang driver at tinulungan akong ipasok ang mga luggage sa tunk. Pinauna ko ng sumakay si Rovie sa loob at susunod na sana ako nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko. 

Gulat kong tinignan kung sino iyon.

"Sabi ko na nga ba ikaw 'yan!" anito at mahigpit na hinawakan ang dalawa kong kamay. 

Laglag-panga, namilog ang mga mata ko nang makilala kong sino iyon. 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
ur_meow
Bkit lock kasunod???
goodnovel comment avatar
ur_meow
Para 2loy ako nakapasok sa airport galing ng author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status