Share

Kabanata 5

"Rovie! Come here, baby. Mamita is calling!" sigaw ko mula sa sala, nakaupo sa couch at hawak ang tumutunog na iPad. 

Gaya ng inaasahan ko, mabilis na lumabas mula sa kaniyang kwarto si Rovie at kinikilig na patakbong lumapit sa kinauupuan ko. Natawa ako nang makita ang nakataas niyang kilay at ang malapad na ngisi sa kaniyang labi, halatang sobrang excited. Hawak niya pa ang iilang piraso ng puzzle, malamang ay binubuo niya ang bagong bili namin na jigsaw puzzle ng paborito niyang Disney princess na si Belle at sa pagmamadali ay hindi na niya naibaba ang mga iyon. 

Binigay ko sa kaniya ang iPad para siya na mismo ang sumagot sa tawag ni Mamita. 

"Hello, Mamita!" masiglang bati niya habang umuupo sa couch sa tabi ko, kinakawayan ang screen. 

"Oh, hello, my little princess! I miss you so much!" ani Mamita, puno ng lambing ang boses at bakas din ang kasiyahan na makita si Rovie kahit sa video call lang. 

"I miss you more, Mamita!" Rovie giggled, then suddenly pouted her lips. "I was waiting for your call yesterday." 

Nangiti ako at hinayaan muna silang mag-usap. Lagi namang tumatawag si Mamita kapag hindi siya abala pero gusto yata ng anak ko ay araw-araw dapat. Masyado silang malapit sa isa't isa kaya hindi na rin nakakapagtaka, kahit ako ay na-mi-miss na rin si Mamita. Hindi na kasi siya nakakadalaw dito sa New York simula nang pagbawalan siya ni Matthew na bumyahe nang matagal. 

"Aw, I'm sorry, my little princess. Mamita had a hectic schedule yesterday so I couldn't make a call," Mamita apologized softly. "After my busy schedule, we'll have a video call every day, is that okay?"

Sunod-sunod ang naging pagtango ni Rovie. "I would love to do that, Mamita!" tugon niya, nangniningning ang mga mata. Kung hindi niya lang hawak ang iPad ay siguradong nagtatatalon at pumapalak na siya sa tuwa. 

"Okay, sweetie, we'll do that!" Tumawa si Mamita at gano'n din si Rovie. "Where's Mama?" biglang tanong ni Mamita, tinutukoy ako.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha ni Rovie para mahagip ako ng camera at kaagad na kumaway. Kaagad din itong kumaway nang makita ako. "I'm here, Mamita! How's everything there?"  

"I'm well, apo, just the usual aches of old age," sagot niya, napahawak sa sintido at tumawa. 

Nagkunwari akong nagulat. "What?! Are you kidding me? It seems like you're not aging at all! Right, Rovie?" biro ko, kasabay ng tawa. 

"Yes, Mamita! You're so beautiful just like Mama and like me, Rovie!" pagsang-ayon ni Rovie nang may pagmamalaki. 

Natawa kaming pareho ni Mamita sa sinabi niya. 

"You're just fluttering me!" bintang ni Mamita, humahagikhik. "Speaking of aging, Rovie, can you give the iPad to Mama? We'll just talk about some stuff."

Agad na tumango si Rovie. "Alright, Mamita! I'll finish my puzzle while you talk to Mama" aniya at mabilis na inabot sa akin ang iPad. 

Kinuha ko iyon at pinanood siyang tumakbo pabalik ng kwarto. Sumayaw ang naka-pigtail niyang buhok dahil sa pagtakbo. Apat na taon pa lang siya pero parang punong-puno ng energy ang maliit niyang katawan at parang hindi napapagod. Natatawang napailing na lang ako at binalik ang atensyon sa screen.

Kaagad kong napansin ang pagbabago ng ekspresyon ni Mamita. Seryoso na siya ngayon at kita ko ang pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata. Kumunot ang noo ko. "Is everything alright, Mamita? May bumabagabag ba sa isipan niyo?" tanong ko, bakas ang pag-aalala.

Mabilis siyang umiling. "Everything's fine, darling. It's just that... alam kong napag-usapan na natin ito pero..." bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy. "Wala ka na ba talagang balak bumalik dito sa Pilipinas?" 

Natigilan ako. Simula nang lumipad ako patungo rito sa New York, limang taon na ang nakakalipas ay isinumpa kong hindi na ako babalik pa sa Pilipinas. Suportado ni Mamita ang desisyon kong iyon kaya nagulat ako sa biglaan niyang tanong. Siya pa nga ang sumasagot sa lahat ng gastos namin dito. 

"As you can see, apo, hindi na ako bumabata, I'm getting older and older every year... Gustuhin ko mang puntahan kayo riyan ay hindi ko magawa dahil pinagbabawalan na ako ng doctor ko na lumipad o bumyahe sa malayo," paliwanag niya nang hindi ako nakapagsalita, pilit ang ngiti niya at nababalot ng kalungkutan ang kaniyang mga mata. 

Nakagat ko ang labi ko at pinagmasdan ko siyang mabuti, I noticed subtle changes like the gentle wrinkles around her eyes and the silver strands in her hair. Bumigat ang pakiramdam ko nang mapagtantong, she was indeed aging. 

"Ikaw lang ang tagapagmana ko, Kleer. Hindi na rin madali para sa akin na i-handle mag-isa ang kumpanya kaya... gusto ko sanang ikaw na ang mag-manage no'n," dagdag pa niya na nagpaawang sa labi ko. 

Ako?

"P-pero, Mamita... I have no experience in handling a company," nag-aalinlangan kong sabi. "H-hindi ko pa rin po naiisip pa ang p-pagbalik diyan..." nautal ako at napatingin kay Rovie na ngayon ay nakaupo na sa lapag ng sala habang binubuo ang puzzle. 

"I'm not pressuring you, darling. You can say no, pero sana'y pag-isipan mo nang mabuti ang sinabi ko."

Bumaling ulit ako kay Mamita nang sabihin niya iyon. Sinsero na ang ngiti niya. Napalunok ako at tumango nang may pilit na ngiti, na-gi-guilty. Alam ko kung gaano kahalaga kay Mamita ang kumpanya pero hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang pagbalik sa Pilipinas, iniisip ko pa lang ay parang bumabaligtad na ang sikmura ko. Nangangamba ako sa kung ano ang pwedeng mangyari sa pagbabalik ko roon. 

Natatakot akong baka magulo pa ang tahimik na buhay namin ni Rovie rito sa New York. Si Mamita at si Matthew lang ang nakakaalam ng tungkol kay Rovie at dito, kampante akong walang makakaalam ng sikretong tinatago ko. Buo na ang desisyon kong manatili rito hanggang sa pagtanda pero ngayong naiisip ko na kailangan ako ni Mamita sa tabi niya, at gustong-gusto na rin siyang makasama ni Rovie... nagdadalawang-isip na ako sa desisyon ko.

Iniba ni Mamita ang topic at muli kong tinawag si Rovie para makapag-usap sila. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang makitang tumatawa na ulit si Mamita dahil sa mga sinasabi ni Rovie. Ilang oras pa ang tinagal no'n bago nagpaalam si Mamita na tatawag na lang ulit bukas dahil tumawag sa kaniya ang secretary niya at may kailangan siyang pirmahan. 

"Rovie," malambing na tawag ko kay Rovie habang sinusuklayan ang lagpas balikat niyang buhok. Katatapos lang namin maligo at nakaupo na kami sa kama suot ang magkaternong pajamas. 

"Hmm, why, Mama?" she mumbled in her sweet, innocent voice, abala sa panonood ng paborito niyang movie na Beauty and the Beast. Ilang beses na niyang napanood iyon pero mukhang hindi pa rin nagsasawa.

"Do you know that Mama is from the Philippines, right?" tanong ko at tumango lang siya, masyadong tutok sa pinapanood. Sinabi ko noon kay Rovie ang iilang detalye ng buhay namin kaya aware siya roon. Alam niya ring nandoon ngayon si Mamita. Napalabi ako bago nagpatuloy. "Do you want to go there?" 

Natigilan siya. Mabilis siyang umikot para tignan ako. "Why, Mama? Are we going there if I say Yes?" inosenteng tanong niya.

Binitiwan ko ang suklay at seryoso siyang tinitigan at tumango. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Mamita kaya pinag-isipan ko iyon nang mabuti. Naisip kong ilang taon na rin naman ang nakakalipas kaya wala naman na sigurong pakialam sa buhay ko ang mga taong dahilan ng pag-alis ko. Panahon na rin siguro na makasama at maalagaan ko si Mamita. 

Napakurap-kurap si Rovie. "Really, Mama? Can I ride an airplane now? Am I big enough now?" sunod-sunod na tanong niya, nagtataka pero bakas ang excitement.

Nakagat ko ang labi ko, feeling a pang of guilt and sadness. Minsan niyang tinanong dati kung bakit hindi kami pwedeng pumunta sa Pilipinas at ang sinabi ko sa kaniya ay maliit pa siya kaya hindi pwede. 

"No, sweetie. You're still a baby princess. I know that you miss Mamita so much so I think we should visit he–" Naputol ang sasabihin ko nang biglang binitawan niya ang iPad at napatayo, nananlalaki ang mga mata. 

"Oh my, Mama!" she beamed. "Yes, yes! I want to visit Mamita! Let's go there!" aniya at nagsimulang lumundag sa kama sa sobrang saya.

Nanikip ang dibdib ko habang pinapanood ko siya. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagluha. She looked so innocent and fragile in front of me, her dark brown eyes shining with joy—the only feature she inherited from Arrex. Halos nakuha lahat ni Rovie ang features ko: fair skin, wavy hair, almond-shaped eyes, and pink lips.

Ilang taon na ang nakakalipas pero tandang-tanda ko pa ang lahat ng detalye ng mga nangyari noon samantalang walang kaalam-alam si Rovie. Simula nang tumira kami rito, ang una't huling balita ko sa mga Lyverigo ay ang pagpanaw ni Chairman, six months ago. Aksidente ko iyong nakita sa isang news report. Tinawagan ko si Mamita at kinumpirma niya ang pagpanaw ni Chairman dahil sa atake sa puso. Buong gabi akong umiyak no'n. Tinatanong ni Rovie kung bakit pero hindi ko siya masagot dahil hindi niya naman kilala ang mga Lyverigo. Ang dami kong tinatago sa kaniya. Hindi ko naman intensyon pero masyado pa siyang bata para malaman ang mga iyon.

I want to give her all the love she deserves. Natanto kong unfair na tinatago ko siya sa iba sa kagustuhan kong magkaroon siya ng payapang buhay. Everyone must see how adorable she is. Hindi siya naghahanap pero ramdam kong curious siya tungkol sa ama niya. Wala na nga siyang ama sa tabi niya, hindi niya pa makasama si Mamita. I cannot afford to hurt my Rovie. Hindi ko kayang ipagkait sa kaniya ang pagmamahal na deserve niya.

With that thought, I made up my mind... uuwi kami sa Pilipinas.

Sana lang ay hindi ko pagsisihan ang desisyon ko. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
ur_meow
i love the pacing mabilis .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status