All Chapters of After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter : Chapter 1 - Chapter 10

23 Chapters

Kabanata 1

Kleer Ronnilaine's POVMainit na luha ang dumaloy sa aking pisngi habang titig na titig sa pregnancy test na hawak ko. Dalawang guhit na pula ang lumabas doon. Ibig sabihin... Buntis ako.Tila nanlambot ang mga tuhod ko. Napahawak ako sa sink ng bathroom para masuportahan ang aking balanse. Naging madalas ang pagkahilo at pagsusuka ko sa mga nagdaang araw kaya naghinala na ako at ngayong kumpirmado na ay hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Gusto kong matuwa at magdiwang pero natatakot ako sa magiging reaksyon ni Arrex. Sa oras na malaman niya ang tungkol dito...paniguradong hindi siya matutuwa.Dalawang taon na kaming kasal ni Arrex at kahit na isang beses, hindi siya nakalimot na ipaalala sa akin na hindi niya ako mahal at sa papel lang kami mag-asawa. Iba ang mahal niya at isa lang akong hamak na bayaran para sa kaniya."Ma'am Kleer?" boses iyon ni Manang Lelia na sinundan ng katok sa pintuan. "Nakahanda na po ang hapunan. Nakauwi na rin po si Sir. Hinihintay niya kayo s
last updateLast Updated : 2024-07-04
Read more

Kabanata 2

Buong gabi, wala akong ginawa kundi umiyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ngayong gusto ni Arrex ng divorce at sinabi niyang pinagsisisihan niya ang nangyari sa amin, mas lalo niyang hindi matatanggap ang magiging anak namin kapag nalaman niya ang tungkol dito. Iniisip ko pa lang na kamumuhian niya rin ang anak namin ay parang binibiyak na ang puso ko sa sakit. Magkabukod kami ng kwarto ni Arrex. Ayaw niya akong makasama sa iisang kwarto at ngayon lang ako natuwa sa bagay na iyon dahil hindi niya makikita ang pagtangis ko. Hawak ang tiyan ko, napatingin ako sa picture namin ni Mama na nakapatong sa lamesa sa gilid ng aking kama. Wala pang isang taon nang ikasal kami ni Arrex ay pumanaw siya. Galit din siya kay Mama dahil iniisip niyang totoo ang mga sinasabi ng mga maid noon kaya tanging ang chairman lang ang kasama kong magluksa kay Mama. Ang hindi alam ni Arrex, Hindi tinanggap ni Mama ang hacienda. Pumayag lang daw siyang ipakasal ako dahil malaki ang utang na loob nami
last updateLast Updated : 2024-07-04
Read more

Kabanata 3

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko.Tama ba ang narinig ko? Arrex's...son? May anak sila?Natutop ko ang aking bibig. Nanginginig, muli akong napaatras ng isang beses at umiling. This can't be true. "You looked so stunned, hindi mo ba kami papapasukin?" nakangising pagtataas niya ng kilay, animo'y natutuwa sa nakikitang reaksyon sa mukha ko. Hindi ako gumalaw. Halos lukot na ang envelope sa higpit ng pagkakahawak ko roon. Gustuhin ko mang patuluyin sila pero tila nanigas na ang mga paa ko sa sobrang pagkabigla sa mga nangyayari. Magkahalong gulat, pangamba...at pagkabigo ang nararamdaman ko ngayon. "Well, hindi kita masisisi." Bumuntong-hininga siya. Binalik niya sa stroller ang bata at muli akong hinarap. "It's been years. Arrex and I used to be so madly in love with each other. He used to be mine...not until his marriage came." Mula sa pagkakangisi ay rumehistro ang pait at sakit sa mga mata niya, tila inaalala ang nakaraan. Napayuko
last updateLast Updated : 2024-07-04
Read more

Kabanata 4

Ang sabi ni Mama ay patay na raw ang mga magulang niya kaya lumaki siya sa isang ampunan at doon niya nakilala ang ama ko.Hindi ko kailanman inisip na darating ang panahong may magpapakilala sa akin bilang lola ko, at ang mas nakakagulat, sobrang yaman pa. Masyado talagang mapaglaro ang tadhana. Ipaparanas nito sa'yo ang iba't ibang klaseng paghihirap at bigla ka na lang bibigyan ng karangyaan. Akala ko sobrang malas ko pero mukhang nagbago bigla ang kapalaran ko.Suot ang simple ngunit halatang mamahaling bistida, tinahak ko ang hagdan pababa sa sala ng mansion. Kumpara sa mansion ng mga Lyverigo, mas malaki ito. Sa dulo noon ay nakangiting naghihintay si Helena Solarez–ang nagpakilalang lola ko at ina ni Mama. Isang linggo na rin ang lumipas simula nang nagpakilala siya sa akin. Sinabi niyang "Mamita" ang itawag ko sa kaniya at ilang araw din ang inabot bago ko iyon nasunod. Maraming bagong impormasyon ang nalaman ko kaya nahirapan akong absurbahin lahat ng mga iyon."Napakaganda
last updateLast Updated : 2024-07-04
Read more

Kabanata 5

"Rovie! Come here, baby. Mamita is calling!" sigaw ko mula sa sala, nakaupo sa couch at hawak ang tumutunog na iPad. Gaya ng inaasahan ko, mabilis na lumabas mula sa kaniyang kwarto si Rovie at kinikilig na patakbong lumapit sa kinauupuan ko. Natawa ako nang makita ang nakataas niyang kilay at ang malapad na ngisi sa kaniyang labi, halatang sobrang excited. Hawak niya pa ang iilang piraso ng puzzle, malamang ay binubuo niya ang bagong bili namin na jigsaw puzzle ng paborito niyang Disney princess na si Belle at sa pagmamadali ay hindi na niya naibaba ang mga iyon. Binigay ko sa kaniya ang iPad para siya na mismo ang sumagot sa tawag ni Mamita. "Hello, Mamita!" masiglang bati niya habang umuupo sa couch sa tabi ko, kinakawayan ang screen. "Oh, hello, my little princess! I miss you so much!" ani Mamita, puno ng lambing ang boses at bakas din ang kasiyahan na makita si Rovie kahit sa video call lang. "I miss you more, Mamita!" Rovie giggled, then suddenly pouted her lips. "I was wai
last updateLast Updated : 2024-07-09
Read more

Kabanata 6

"Mama, look! The airplanes are so big!" turo ni Rovie sa isang naka-park na eroplano.Nasa loob na kami ng airport at naghihintay sa boarding gate. Simula nang umalis kami sa condo kaninang 4 a.m ay wala ng paglagyan ang excitement niya. Ito ang unang beses niyang nakarating sa airport kaya kanina pa siya tuwang-tuwang tinitignan ang mga eroplano sa labas ng malaking bintana. Marahan kong pinisil ang pisngi niya at tumawa. "Yes, sweetie. Will be on one of those, just a little while." Tumalon siya at masiglang pumalakpak. "Yay! I'm so excited, Mama!"Mas lalo akong natawa sa ka-cute-an niya. She was wearing a white long sleeve with a cute ribbon design on it, a pair of black leggings, and then her black leather jacket. She was also wearing her black backpack behind and her hair was on a pigtail. Medyo matching kami dahil nakasuot ako ng white shirt, maong pants at ng black leather jacket din. Halos lahat ng damit namin ay terno dahil iyon ang gusto ni Rovie na gusto ko rin naman.Ina
last updateLast Updated : 2024-07-11
Read more

Kabanata 7

Sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw. Abot-tainga ang ngiti niya at halatang natutuwang muli akong nakita.It was Manang Lelia! Ang dati naming kasambahay. Sinilip ko si Rovie sa loob ng taxi at nakita kong nakaupo na ito at nakapikit. Bumaling ako sa driver. "M-manong sandali lang po," sabi ko at sinara ang pintuan.Napalunok ako at hinarap ulit si Manang Lelia. Mas mahaba na ngayon ang buhok niya, may mga hibla na kulay abo. Ang palibot ng mga mata niya ay may kulubot na rin, pero nandoon pa rin ang ningning ng kanyang pagiging masayahin"Ma'am Kleer! Kamusta ka na? Napakaganda mo pa rin! Grabe, ilang taon na rin... ang tagal kang hinanap ni Chairman!" Mas lalong namilog ang mga mata ko."P-po?" gulat na sabi ko, hindi alam kung tama ang narinig.Hinanap ako ni Chairman?Malungkot itong napangiti. "Noong sinabi ko po kay Chairman na bigla kayong umalis dala ang maleta niyo, kaagad niya po kayong pinahanap. Pinigilan lang po siya ni Sir Arrex," paliwanag niya, may bahid ng lungkot ang
last updateLast Updated : 2024-07-11
Read more

Kabanata 8

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sinisimulang basahin ang laman ng sulat. Kilala ko ang sulat-kamay ni Chairman kaya walang duda, siya ang simulat nito. Dear Kleer,How are you? I am optimistic that this letter will find its way to you. I've spent the past four years searching tirelessly for any trace of you since your sudden disappearance. My heart is constantly praying for your safety and well-being.I feel obligated to ask for your forgiveness as my health worsens. It was years ago now, during a late-night drive, when a sudden headache overcame me. An accident happened before I could react. When I woke up after losing consciousness, my secretary shielded me from the truth and shifted the blame to someone else. The weight of family issues kept me silent and prevented me from admitting my wrongdoing.The guilt has been too much to handle. After discovering that the man I harmed had a family, I offered his pregnant wife a job as a housemaid and welcomed them to our home, along wi
last updateLast Updated : 2024-07-12
Read more

Kabanata 9

Matapos namin kumain ng almusal, pinaliguan ko na si Rovie at inayusan. Isang floral sleeveless chiffon dress ang pinasuot ko sa kaniya para presko dahil summer ngayon sa Pilipinas. Bumagay iyon sa kaniya dahil sa kaniyang maputing kutis. Floral halter neck maxi dress naman ang sinuot ko para terno pa rin kami. She giggled and gave me praises.Nang matapos kaming mag-ayos, lumabas na kami ng hotel at sumakay sa Grab na b-in-ook ko kanina papunta sa Memorial Park upang dalawin si Mama... at si Chairman. Bago ko pa man nabasa ang sulat ay nakaplano na talaga ang pagdalaw ko sa kanilang dalawa, nasa iisang Memorial Park lang kasi ang kanilang mga labi. Mas napaaga lang ang pagdalaw ko dahil gusto kong pagpunta namin kay Mamita mamaya, wala na akong dala-dalang bigat sa aking puso.Gusto kong tuluyang tanggalin ang mga masasakit na nangyari sa aking nakaraan. Habag binabagtas namin ang daan, tahimik lang si Rovie na nakatanaw sa bintana. Paminsan-minsan ay nililingon niya ako para tanun
last updateLast Updated : 2024-07-12
Read more

Kabanata 10

"Arrex..." halos pabulong kong nabanggit ang pangalan niya, hindi pa rin makapaniwala.Parang tumigil ang takbo ng oras at napako ang mga mata ko sa kaniya. Nanuyo ang lalamunan ko habang pinapasadahan siya ng tingin. Payat pa rin siya pero mas malaki na ang katawan niya ngayon. Mas lalo ring nadepina ang kakisigan niya dahil sa suot niyang kulay puting fitted shirt na yumayakap sa kaniyang mga muscles. Ang buhok niya ay ganoon pa rin katulad ng dati—medyo magulo pero bagay sa kanya. May stubble na rin ngayon ang kaniyang mukha, na lalo pang nagpa-angat sa kaniyang masculinity. Naghuhuramentado ang puso ko, sobrang lakas ng pagtibok na tila gustong kumawala mula sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit mas lalo siyang nagmukhang... attractive sa paningin ko. Katulad ko, hindi rin siya nakakibo kaagad. Halatang nagulat din siya na makita ako rito pero mabilis siyang nakabawi at bumalik sa natural niyang poker face. Samantalang, para akong estatwa sa harapan niya. Ang preskong hangi
last updateLast Updated : 2024-07-13
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status