Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko.
Tama ba ang narinig ko? Arrex's...son? May anak sila?
Natutop ko ang aking bibig. Nanginginig, muli akong napaatras ng isang beses at umiling. This can't be true.
"You looked so stunned, hindi mo ba kami papapasukin?" nakangising pagtataas niya ng kilay, animo'y natutuwa sa nakikitang reaksyon sa mukha ko.
Hindi ako gumalaw. Halos lukot na ang envelope sa higpit ng pagkakahawak ko roon. Gustuhin ko mang patuluyin sila pero tila nanigas na ang mga paa ko sa sobrang pagkabigla sa mga nangyayari. Magkahalong gulat, pangamba...at pagkabigo ang nararamdaman ko ngayon.
"Well, hindi kita masisisi." Bumuntong-hininga siya. Binalik niya sa stroller ang bata at muli akong hinarap. "It's been years. Arrex and I used to be so madly in love with each other. He used to be mine...not until his marriage came." Mula sa pagkakangisi ay rumehistro ang pait at sakit sa mga mata niya, tila inaalala ang nakaraan.
Napayuko ako. Hindi alam kung paano haharapin ang bigat ng mga salitang binitiwan niya.
"Kasal na kayo nang malaman kong buntis pala ako sa anak namin. I wanted so badly to tell him but I couldn't. I love him so much that I don't want to ruin his marriage life. At kapalit no'n ang pagtatago ko mula sa kaniya," pagpapatuloy niya.
My lips parted. Slowly, the truth dawned on me. Kasabay ng pangingilid ng luha ko ang pagbigat ang paghinga ko. May anak sila ni Arrex... Guilt washed over me. Parte ako ng dahilan kung bakit kinailangan niyang itago ang anak nila.
"God knows how much I suffered giving birth and raising our son alone. Pagod na akong magtago, and I think it's already time to regain my position. I'm his first love and probably his greatest love after all," she said mercilessly.
I couldn't look at her. Hindi ako makapagsalita. Nanatili akong nakayuko, pinipigilan ang pag iyak. Pagod na ako at wala akong karapatan dahil sinasabi ng konsensya ko na tama ang lahat ng sinasabi niya.
"Iyan ba ang divorce agreement? Napirmahan mo na?" Sa tanong niya'y, laglag-pangang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakaturo siya sa hawak kong envelope at bumalik na ang mapanuyang ngisi sa kaniyang labi.
Alam niya ang tungkol sa divorce? Paano?
"P-paano mo–" hindi ko magawang kumpletuhin ang tanong, napasinghap ako.
"Well, nakausap ko na kanina si Chairman Lyverigo at si Arrex. Alam na nila ang tungkol kay Alex at pinapunta ako ni Arrex dito para siguraduhing pipirmahan mo ang papel na 'yan," aniya, naglalaro ang ngiti sa labi.
I froze. Nag-usap na sila? At... alam din ni Chairman? Imposible.
"You're lying," iling ko, ayaw tanggapin ang sinabi niya.
"Why would I? Arrex and Chairman Lyverigo are in Germany right now. You can check if you want," aniya, nakataas ang mga kilay. "Two years naman na kayong nagsama ni Arrex, Kleer. Sapat na iyon. Alam kong mahal na mahal pa rin ako ni Arrex, and with our son, we can live happily. You're just one of the antagonists in our story. Just sign it and leave us alone, " giit niya, may diin ang bigkas sa bawat salita.
Nabitawan ko ang envelope. Pakiramdam ko ay huminto ang paghinga ko. Parang pinupukpok ang puso ko dahilan upang mag-unahan sa pagtulo ang pangahas kong mga luha. Nanginginig ang buong katawan ko. Humawak ako sa pintuan para hindi ako matumba.
Kung nananaginip lang ako, gisingin niyo na ako, pakiusap.
May sasabihin pa sana siya pero hindi na niya natuloy dahil bigla kong sinara ang pintuan. Kabastusan man pero wala na akong ibang iniisip kundi ang humagulgol para mabawasan ang sakit. Ang sakit-sakit na.
Nakatakip ang dalawang kamay sa bibig, sumandal ako sa pintuan at lumuluhang napaluhod. Sinabi niya pang babalik siya bukas bago ko narinig ang papaalis na yabag ng paa niya at ng gulong ng stroller. Pumikit ako ng mariin at mas lalo pang bumuhos ang mga luha. Ang daming tanong sa isip ko. Pakiramdam ko ay hinagisan ako ng bomba at sunod-sunod ang pagputok no'n. Parang sasabog na rin ang utak ko sa mga nangyayari. Ang pagbubuntis ko. Ang Divorce. Arrex's hidden son. And me hindering his happiness.
Humagulgol ako. Tila narinig iyon ni Manang Lelia kaya mula sa kusina ay mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin. Tinatanong niya kung ano ang nangyari pero pagtangis lang ang naging sagot ko.
Wala akong mahanap na sagot sa mga katanungan ko at isang solusyon lang ang naiisip ko. Tama si Jamaira. Isa lang akong kontrabida sa pag-iibigan nila. Siya lang ang mahal ni Arrex at kahit anong gawin ko, hindi niya ako mamahalin.
I should leave them alone.
With that thought, I ran towards my room, holding the envelope. Sumunod si Manang Lelia pero sinarado ko ang pinto kaya hindi siya nakapasok. Tinatawag niya pa ang pangalan ko at kumakatok sa pintuan pero inignora ko dahil isa lang ang pumapasok sa utak ko sa mga oras na ito.
I should leave.
Kinuha ko ang maleta ko at nilagay ang iilang mga damit ko roon. Si Chairman ang bumili lahat ng mga alahas at cellphone ko kaya hindi ko iyon pinansin at iniwan sa tukador. Naghanap ako ng ballpen at nang may makita ay nilabas ko ang puting papel sa lukot na envelope. Ilang minuto pa akong umiiyak na nakatitig doon bago ako nakakuha ng lakas ng loob at pinirmahan iyon.
Tapos na. Pirmado na...maatutuwa na siguro si Arrex.
Pilit kong pinalis ang mga luha kong ayaw pa rin huminto sa pag-agos. Huminga ako ng malalim at hatak-hatak ang maleta'ng lumabas sa kwarto.
"Ma'am Kleer, s-saan po kayo pupunta? Madilim po ang kalangitan, paniguradong uulan. Delikado po kung aalis kayo," anito, gulat at nag-aalala.
Pinilit kong lunukin ang bukol na bumara sa aking lalamunan upang maayos na makapagsalita. "P-pakisabi po kay Arrex, napirmahan ko na... Pakisabi rin po na patawad–" pumiyok ako kaya hindi ko na natuloy ang nais sabihin.
At... Malaya na siya.
Tumalikod na ako walang lingon-lingong tinahak ang tarangkahan ng mansion. Sinubukan pa akong pigilin at habulin ni Manang Lelia pero masyadong naging mabilis ang pagkilos ko. Mabilis akong naglakad palayo ng village, takot na baka mawala ang lakas ng loob kong magpatuloy.
Kung totoo ang sinabi ni Jamaira na nakausap na niya chairman, wala na ring saysay pa kung pupuntahan ko pa siya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging alam ko lang ay kailangan ko nang magpakalayo-kayo sa mga Lyverigo. Pagod na pagod na akong umiyak. Mahal ko si Arrex pero sobrang sakit na. Gustuhin ko mang magalit pero wala akong karapatan. Ako ang may kasalanan kung bakit ko dinanas ito. Kung sana ay hindi ko pinairal ang puso ko at kung sana'y hindi ako pumayag sa kasal, baka hindi ako kinasusuklaman ni Arrex ngayon at hindi niya sana kailangang mawalay sa babaeng mahal niya at anak nila.
My tears flowed like waterfalls. Halos hindi na ako humihinga para pigilan iyon pero mas lalo lang akong naiyak nang biglang bumuhos ang ulan. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Napahinto ako sa paglalakad, patuloy ang paghikbi.
Sa nanlalabo kong mga mata, napansin ko ang isang kotse na mabilis na paparating. Naestatwa ako. Sa isang iglap, bumagal ang oras. Tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko.
Dito na ba matatapos ang lahat?
Mahigpit kong hinawakan ang tiyan ko. Bago pa man ako makaisip ng gagawin, bumigat ang talukap ng mga mata ko at biglang dumilim ang paligid.
"Are you sure that she's fine? Bakit hindi pa rin siya nagigising?"
"Calm down, Mamita. Baka mamaya ay magising na rin siya."
Bahagyang malabo ang tunog. Hindi pamilyar ang mga boses. Ilang segundo pa ay bigla kong naramdam ang mainit na kamay na humawak sa aking kamay.
I forced my heavy-lidded eyes to open. Medyo masakit ang ulo ko. Nang tuluyan kong naimulat ang aking mga mata, una kong nakita ang puting makinis na kisame. Naningkit ang mga mata ko, nad-a-adjust sa liwanag.
"She's awake," deklara ng isang boses ng lalaki.
"Oh, finally! Thanks God!" boses ng isang babae.
Inikot mo ang paningin ko upang tignan ang mga ito. Isang lalaking nakasuot ng lab gown ang nakapamulsang nakatayo sa gilid ko at nakatingin sa akin. Pagbaba ko ng tingin, isang elaganteng matandang babae ang nakahawak sa kaliwang kamay ko. Kumunot ang noo ko sa pagtataka, inaalala ang nangyari.
Nasaan ako?
Kaagad anong napahawak sa tiyan ko nang maalala ang nangyari. My heart pounded.
"A-ang baby ko?"
Pinilit kong tumayo pero nakaramdam ako ng pagkahilo. Mabilis na tumayo ang ginang at dinaluhan ako.
"Huwag ka munang gumalaw. Your child is fine, huwag kang mag-aalala," nakangiting aniya, tinutulungan akong maupo.
Napabuga ako ng hangin dahil doon. It's a relief. Muling kumunot ang noo ko at kabado silang tinignang mabuti. Kahit may edad na ay bakas na bakas ang kagandahan ng ginang at sumisigaw ng karangyaan ang suot niyang mga alahas. At ang lalaki naman, tingin ko ay matanda lang ng ilang taon sa akin. May nakasabit na stethoscope sa kaniyang leeg.
"S-sino ho kayo?" tanong ko, nag-aalinlangan.
Nagkatinginan silang dalawa. Nakita kong tumango ang lalaki, binalik ng ginang ang tingin niya sa akin at kitang-kita ang pag-aalinlangan sa kaniyang mukha.
"I don't want to make you shock but, I'm Helena Solarez and... I'm your grandmother."
Ang sabi ni Mama ay patay na raw ang mga magulang niya kaya lumaki siya sa isang ampunan at doon niya nakilala ang ama ko.Hindi ko kailanman inisip na darating ang panahong may magpapakilala sa akin bilang lola ko, at ang mas nakakagulat, sobrang yaman pa. Masyado talagang mapaglaro ang tadhana. Ipaparanas nito sa'yo ang iba't ibang klaseng paghihirap at bigla ka na lang bibigyan ng karangyaan. Akala ko sobrang malas ko pero mukhang nagbago bigla ang kapalaran ko.Suot ang simple ngunit halatang mamahaling bistida, tinahak ko ang hagdan pababa sa sala ng mansion. Kumpara sa mansion ng mga Lyverigo, mas malaki ito. Sa dulo noon ay nakangiting naghihintay si Helena Solarez–ang nagpakilalang lola ko at ina ni Mama. Isang linggo na rin ang lumipas simula nang nagpakilala siya sa akin. Sinabi niyang "Mamita" ang itawag ko sa kaniya at ilang araw din ang inabot bago ko iyon nasunod. Maraming bagong impormasyon ang nalaman ko kaya nahirapan akong absurbahin lahat ng mga iyon."Napakaganda
"Rovie! Come here, baby. Mamita is calling!" sigaw ko mula sa sala, nakaupo sa couch at hawak ang tumutunog na iPad. Gaya ng inaasahan ko, mabilis na lumabas mula sa kaniyang kwarto si Rovie at kinikilig na patakbong lumapit sa kinauupuan ko. Natawa ako nang makita ang nakataas niyang kilay at ang malapad na ngisi sa kaniyang labi, halatang sobrang excited. Hawak niya pa ang iilang piraso ng puzzle, malamang ay binubuo niya ang bagong bili namin na jigsaw puzzle ng paborito niyang Disney princess na si Belle at sa pagmamadali ay hindi na niya naibaba ang mga iyon. Binigay ko sa kaniya ang iPad para siya na mismo ang sumagot sa tawag ni Mamita. "Hello, Mamita!" masiglang bati niya habang umuupo sa couch sa tabi ko, kinakawayan ang screen. "Oh, hello, my little princess! I miss you so much!" ani Mamita, puno ng lambing ang boses at bakas din ang kasiyahan na makita si Rovie kahit sa video call lang. "I miss you more, Mamita!" Rovie giggled, then suddenly pouted her lips. "I was wai
"Mama, look! The airplanes are so big!" turo ni Rovie sa isang naka-park na eroplano.Nasa loob na kami ng airport at naghihintay sa boarding gate. Simula nang umalis kami sa condo kaninang 4 a.m ay wala ng paglagyan ang excitement niya. Ito ang unang beses niyang nakarating sa airport kaya kanina pa siya tuwang-tuwang tinitignan ang mga eroplano sa labas ng malaking bintana. Marahan kong pinisil ang pisngi niya at tumawa. "Yes, sweetie. Will be on one of those, just a little while." Tumalon siya at masiglang pumalakpak. "Yay! I'm so excited, Mama!"Mas lalo akong natawa sa ka-cute-an niya. She was wearing a white long sleeve with a cute ribbon design on it, a pair of black leggings, and then her black leather jacket. She was also wearing her black backpack behind and her hair was on a pigtail. Medyo matching kami dahil nakasuot ako ng white shirt, maong pants at ng black leather jacket din. Halos lahat ng damit namin ay terno dahil iyon ang gusto ni Rovie na gusto ko rin naman.Ina
Sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw. Abot-tainga ang ngiti niya at halatang natutuwang muli akong nakita.It was Manang Lelia! Ang dati naming kasambahay. Sinilip ko si Rovie sa loob ng taxi at nakita kong nakaupo na ito at nakapikit. Bumaling ako sa driver. "M-manong sandali lang po," sabi ko at sinara ang pintuan.Napalunok ako at hinarap ulit si Manang Lelia. Mas mahaba na ngayon ang buhok niya, may mga hibla na kulay abo. Ang palibot ng mga mata niya ay may kulubot na rin, pero nandoon pa rin ang ningning ng kanyang pagiging masayahin"Ma'am Kleer! Kamusta ka na? Napakaganda mo pa rin! Grabe, ilang taon na rin... ang tagal kang hinanap ni Chairman!" Mas lalong namilog ang mga mata ko."P-po?" gulat na sabi ko, hindi alam kung tama ang narinig.Hinanap ako ni Chairman?Malungkot itong napangiti. "Noong sinabi ko po kay Chairman na bigla kayong umalis dala ang maleta niyo, kaagad niya po kayong pinahanap. Pinigilan lang po siya ni Sir Arrex," paliwanag niya, may bahid ng lungkot ang
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sinisimulang basahin ang laman ng sulat. Kilala ko ang sulat-kamay ni Chairman kaya walang duda, siya ang simulat nito. Dear Kleer,How are you? I am optimistic that this letter will find its way to you. I've spent the past four years searching tirelessly for any trace of you since your sudden disappearance. My heart is constantly praying for your safety and well-being.I feel obligated to ask for your forgiveness as my health worsens. It was years ago now, during a late-night drive, when a sudden headache overcame me. An accident happened before I could react. When I woke up after losing consciousness, my secretary shielded me from the truth and shifted the blame to someone else. The weight of family issues kept me silent and prevented me from admitting my wrongdoing.The guilt has been too much to handle. After discovering that the man I harmed had a family, I offered his pregnant wife a job as a housemaid and welcomed them to our home, along wi
Matapos namin kumain ng almusal, pinaliguan ko na si Rovie at inayusan. Isang floral sleeveless chiffon dress ang pinasuot ko sa kaniya para presko dahil summer ngayon sa Pilipinas. Bumagay iyon sa kaniya dahil sa kaniyang maputing kutis. Floral halter neck maxi dress naman ang sinuot ko para terno pa rin kami. She giggled and gave me praises.Nang matapos kaming mag-ayos, lumabas na kami ng hotel at sumakay sa Grab na b-in-ook ko kanina papunta sa Memorial Park upang dalawin si Mama... at si Chairman. Bago ko pa man nabasa ang sulat ay nakaplano na talaga ang pagdalaw ko sa kanilang dalawa, nasa iisang Memorial Park lang kasi ang kanilang mga labi. Mas napaaga lang ang pagdalaw ko dahil gusto kong pagpunta namin kay Mamita mamaya, wala na akong dala-dalang bigat sa aking puso.Gusto kong tuluyang tanggalin ang mga masasakit na nangyari sa aking nakaraan. Habag binabagtas namin ang daan, tahimik lang si Rovie na nakatanaw sa bintana. Paminsan-minsan ay nililingon niya ako para tanun
"Arrex..." halos pabulong kong nabanggit ang pangalan niya, hindi pa rin makapaniwala.Parang tumigil ang takbo ng oras at napako ang mga mata ko sa kaniya. Nanuyo ang lalamunan ko habang pinapasadahan siya ng tingin. Payat pa rin siya pero mas malaki na ang katawan niya ngayon. Mas lalo ring nadepina ang kakisigan niya dahil sa suot niyang kulay puting fitted shirt na yumayakap sa kaniyang mga muscles. Ang buhok niya ay ganoon pa rin katulad ng dati—medyo magulo pero bagay sa kanya. May stubble na rin ngayon ang kaniyang mukha, na lalo pang nagpa-angat sa kaniyang masculinity. Naghuhuramentado ang puso ko, sobrang lakas ng pagtibok na tila gustong kumawala mula sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit mas lalo siyang nagmukhang... attractive sa paningin ko. Katulad ko, hindi rin siya nakakibo kaagad. Halatang nagulat din siya na makita ako rito pero mabilis siyang nakabawi at bumalik sa natural niyang poker face. Samantalang, para akong estatwa sa harapan niya. Ang preskong hangi
Hinarap kong muli si Arrex at ganoon din siya. Hindi tulad kanina, may galit na ngayon sa kaniyang mga mata at nakitiim ang kaniyang bagang."So he's the father... It's quite impressive how you managed to find such an unappealing boyfriend," may bahid na insultong aniya.Nalaglag ang panga ko. Unappealing boyfriend? Iniisip niya bang boyfriend ko si Matthew at anak namin si Rovie? Parang kinurot ang puso ko dahil sa mali niyang akala. Kinuyom ko ang kamao ko at tinago ang nararamdamang pait sa isang ngisi."Just like how I managed to marry a ruthless man before," sabi ko, nakangisi, pinapatungkulan siya. "It's nice to see you again. Mauna na ako."Bago pa man siya nakapagsalita, mabilis na akong tumalikod. Ramdam ko pa ang nakakalusaw na titig niya sa akin habang naglalakad ako palapit kina Rovie. Buhat siya ni Matthew at kumakaway-kaway sa akin. Ang mga taong hindi alam ang totoo ay iisipin ngang ma
Pilit kong pinakalma ang sarili habang tumatakbo ang kotse pa-opisina. My thoughts were spinning, and the weight of everything I had learned felt like a storm brewing inside me. Napakamanloloko ni Jamaira! Tumintindi pa lalo ang nararamdaman kong poot para sa kaniya. Pinikit ko ang mga mata ko, trying to steady my breathing. Jamaira had lied to him, and not just lied– she had manipulated him to the point na ipinaniwala niyang may anak sila. At ako, tinatago ang totoong anak ni Arrex. This was bigger than I could’ve ever imagined, and one wrong move could put us all in danger. Pagbukas ng pinto ng opisina ko, halos ibagsak ko ang sarili sa swivel chair. Nanginginig pa ang mga kamay kong hinawakan ang mga dokumentong nilapag ko sa mesa, tila biglang lumamig ang paligid kahit tirik ang araw sa labas. Sumasakit ang sintido ko sa bigat ng mga iniisip. Kailangan kong pag-isipan nang mabuti ang bawat galaw ko. One wrong move, and this could all spiral out of control.Ibinagsak ko ang l
Pagkalabas ko ng lobby, my car was already waiting for me. Tumunog ang aking cellphone. It was Angela again, sending me the address of her brother’s firm and his name. I replied with a confirmation and quickly slid into the backseat, nodding at my driver to get going."Dito po tayo, Manong," utos ko habang pinapakita ang address na naka-flash sa screen ng aking cellphone. Ilang minuto lang ay narating na namin ang address na ibinigay ni Angela. The building was an old but well-kept structure, tucked away in a quiet part of the city. Napansin ko agad ang discreet na signage na may nakalagay na "MTR Private Investigations."I straightened my posture as the car stopped in front of the entrance.“Ma’am, nandito na po tayo,” sabi ng driver."Salamat po, pakihintay na lang po ako sa parking lot."I stepped out, clutching my bag tighter. This is it. Time to get some answers.Pagpasok ko sa loob ng building, I was greeted by the receptionist, with a polite smile on her face. “Good afternoon,
Napabuga ako ng hangin nang tuluyan akong nakalabas ng opisina ni Arrex. Ngayon ko lang napagtanto na kanina ko pa pala pigil ang aking hininga. Handa na sana akong umalis pero iilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang makita ko si Jamaira. Naglalakad siya papalapit at sa iba nakatingin habang may bitbit na branded box ng cake. She was dressed impeccably as always. Katatapos ko lang kay Arrex, siya naman ngayon? Pero hindi katulad kanina, wala akong maramdamang kaba kundi iritasyon lang. Nagtagpo ang mga mata namin at hindi ko napigilang mapangisi. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha, halatang hindi niya inasahang makita ako rito.The last time I saw her, she was arguing with that man outside the coffee shop. Her face was twisted in fear, her voice barely steady. But now, she looked composed—too composed—as if she wasn’t hiding a thing. She was a master of façade, wearing her confidence like armor.Hindi ko na sana siya pag-aaksayahan ng oras, ngunit bago ko pa magawa ang is
Nang bumukas ang elevator, halos tumakbo ako papasok. I clicked the ground floor button with trembling hands, trying to calm myself down. Ang mga mata ko ay nakatutok lang sa oras na mabilis na lumilipas. 9:32 a.m. Inabot ko ang cellphone ko na nasa bag at agad akong tumawag kay Angela. “Good morning, Ma’am Kleer! Bakit po?” tanong niya sa kabilang linya. “Angela, pa-prepare ng sasakyan, please. I need to get to Lyverigo in 15 minutes,” utos ko habang humihinga ng malalim.“Yes, Ma’am. Right away!”Paglabas ko ng elevator, naroon na ang sasakyan. Mabilis akong sumakay at nagbigay ng utos sa aking driver. Hindi pa ako marunong mag-drive kaya si Mamita ang nagbigay sa akin ng personal na driver. Habang nasa biyahe at tumatakbo ang oras, iniisip ko ang lahat ng posibleng scenario sa meeting na magaganap. I'm mentally prepared but I'm not sure emotionally. Kahapon ko lang pinadala ang invitation at hindi ko inaasahang papaunlakan kaagad ni Arrex 'yon. Pagdating ko sa entrance ng Lyve
Lumilipad pa rin ang aking isipan hanggang sa pagbalik namin sa office. Masyadong abala ang isip ko sa mga tanong na walang sagot, ni hindi ko tuloy maintindihan ang ibang sinasabi ni Matthew. Pagdating namin sa entrance ng hotel, humarap sa akin si Matthew, may ngiti sa labi niya. “Mauuna na ako, may family gathering kami mamayang gabi kaya need mag-ayos. Sure ka bang ayos ka lang?"Pilitan akong ngumiti. “Naman. Just... work stuff, I guess.”Naningkit ang mga mata niya, halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. “Work stuff, huh? Well, if you ever want to talk about it, nandito lang ako, okay?”Tumango ako, pero ramdam ko ang kaunting guilt. Matthew has always been there for me, noong naging close kami, lagi ako humihingi ng advice sa kaniya. Alam niya rin naman ang kwento namin ni Arrex, pero sa ngayon, hindi ko siya puwedeng idamay sa gulong ito. “I appreciate it, Matt. Don't worry, magsasabi ako kapag may problema ako. Sige na't mauna ka na," sabi ko, medyo mas matatag na ang boses k
I go to work alone the next days. Gaya ng napag-usapan hindi na ako sinasamahan ni Mamita sa hotel at nanatili na lang siya sa mansion kasama si Rovie. Bukod sa pakikipag-usap sa mga stakeholders at board members ng company, naging abala rin ako sa pag-plano ng proposal for joint venture sa Lyverigo. Tuwing umaga ay naglilibot ako sa iba't ibang departamento ng hotel upang makipag-usap sa mga staff. Sumasabay din ako minsan sa kanila mag-lunch. Sa hapon naman, kung wala akong meeting ay sinisingit ko ang paggawa ng proposal.Katulad ngayon, nasa loob ako ng opisina habang nakaharap sa computer at nagtitipa. Malapit ko nang matapos ang proposal. I'm confident that Arrex won't reject my proposal, hindi man perpekto iyon pero sa lagay ng Lyverigo chain of hotel, siguradong hindi na makakatanggi si Arrex. Kung i-reject niya man, at least, I tried. It won't be my loss anymore. Napasandal ako sa swivel chair ko nang tuluyan ko iyong natapos. I smiled out of satisfaction. Napatitig ako sa s
Isang ngiti ang nakaukit sa aking labi habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ko sa isang human-sized na salamin dito sa aking kwarto. Mukha akong propesyonal habang suot ang sleek navy blue blazer, paired with a white silk blouse and tailored trousers. The simple yet elegant makeup highlighted my features without overwhelming them, and my long hair was in a ponytail. Humugot ako ng malalim na hininga. “You can do it, Kleer,” I whispered to myself, straightening my blazer one last time. Today is the day. Ang unang araw ko bilang CEO. Medyo kabado pa rin ako pero mas nangingibabaw sa akin ang determinasyon.Nang bumaba ako, sinalubong ako ni Mamita at ni Rovie, mga nakangiti. Nag-hire kami ni Mamita ng art teacher for Rovie para habang nasa office kami ay malibang si Rovie rito sa mansion. Ngayong araw lang din ako sasamahan ni Mamita sa hotel para ipakilala sa mga empladyo at mag-i-stay na siya sa mansion sa mga susunod na araw kaya siya na ang personal na mag-aalaga kay Rovie. "Mama’
We spent the next hours entertaining the guests. Personal akong pinakilala ni Mamita sa ilang mga close friends niya at ramdam ko ang mainit nilang pagtanggap sa akin. Ramdam ko rin ang pag init ng pisngi ko dahil sa mga papuring binabato nila sa akin.Feeling ko tuloy ay isa akong celebrity dahil kaliwa't kanan din ang flash ng mga camera. Nang ginayak ako ni Mamita sa bandang gawi ng lamesa ni Arrex para bumati sa isang potential business partner ay nakita ko ang titig ni Arrex sa akin. Pilit kong pinanatili ang pekeng ngiti ko kahit pa parang tambol ang lakas ng pintig ng puso ko. His eyes were dark and intense. I could see the mixture of disbelief, admiration, and something deeper—something that sent a shiver down my spine. Mabilis kong inalis ang tingin ko sa kanya at nagpaalam kay Mamita na pupunta lang ako sandali sa restroom. Hindi ko kayang tagalan ang titig ni Arrex, pakiramdam ko ay natutunaw ang mga tuhod ko.Funny how I came here prepared, confidently faced the crowd, a
Nagpatuloy kami sa paglalakad sa gitna. Ang buong ballroom ay sumisigaw ng karangyaan. Its crystal chandeliers cast a soft, golden glow over the intricate floral arrangements. The tables were adorned with fine china, polished silverware, and elegant linens. Ramdam ko ang titig ng ilang mga taong nadaraanan namin. Nakita kong abala si Mamita sa gitna ng crowd pero nang namataan niya kami ay kaagad siyang lumapit sa amin. She embraced us warmly, and the atmosphere seemed to shift.Nagkikislapan ang mga camera habang kinukuhanan ang pagyakap ni Mamita sa amin. Umugong din ang bulung-bulungan ng ilang mga bisita, nagtataka kung sino kami.Matthew stood beside me, composed and elegant amidst the lavish surroundings. "Mamita, happy birthday! You're radiant," he complimented Mamita. "Salamat, Matt." Mamita smiled gratefully, her eyes twinkling with genuine happiness."Happy birthday po ulit, Mamita," bati ko, nakangiti. Lumawak ang ngiti ni Mamita at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Sala