author-banner
Duraneous
Duraneous
Author

Novels by Duraneous

Apple Dipped in Darkness

Apple Dipped in Darkness

When past keep on haunting them. When he started to build a wall between them. When she needs to ran-away to heal and for herself. That's because their undying love started to be in pain, hell and in Darkness.
Read
Chapter: Chapter 4
Pinagtatawanan ni Theo ang Daddy niya habang pinapakita niya rito ang picture noong nahimatay nito pagkatapos malamang buntis ako. Hindi ko maipinta ang mukha ni Thorn habang tinitingnan ang picture. Para bang nahihiya siya at hindi niya nagustuhan ang mukha niya roon. Nakakatawa naman talaga kasi."Daddy, you look like an angry bird knocked-out by a piggy tales," natatawang kantyaw ni Theo sa ama."That was last week, anak. Kalimutan mo na 'yan, please," pagmamakaawa niya rito.Hindi na sumagot pa si Theo pero patuloy pa rin ito sa pagtawa. Kinuha ko na ang opportunity na 'yon para lapitan sila."Theo, baby," pagtawag pansin ko sa anak ko.Taas-kilay na tiningnan ako ni Tristan. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mata niya."Starting tomorrow, Daddy needs to go to work, hmm? He will not be here all the time. Is it okay with you?" malumanay na sabi ko sa kaniya.Tumayo ang anak namin at humarap sa 'ming dalawa ng Daddy niya. Inabot ng dalawa niyang braso ang magkabilang pisngi namin
Last Updated: 2022-06-01
Chapter: Chapter 3
Sa kabila nang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog, maaga pa rin akong gumising para maghanda ng agahan. May mga katulong naman kami pero nagpumilit pa rin akong ako ang magluluto."Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka, iha, ha?" si Ate Feli, asawa ni Kuya Alias na siyang mayordoma."Opo, ate."Kumuha ako ng itlog, hotdog, bacon at prinito ito dahil ito ang paboritong agahan ng mga Elezar. Gumawa na rin ako nang vegetable salad para sa kanila.Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa isipan ko ang pangalang binabanggit ni Thorn kagabi hanggang madaling araw. Ang pangalang 'yon ay hinding-hindi ko makakalimutan. Para bang hina-hunting pa rin ako hanggang ngayon sa pangalang 'yon."Addi, kapag malaman mong may ibang babae si Thornton, anong gagawin mo?"Napalingon ako kay Beatrice dahil sa sinabi niya. Ibang babae? Si Thornton? Impossible naman yata."Hindi magagawa ni Thorn sa 'kin yan, Be," mabilis na sagot ko sa kaniya."Paano nga kung meron? Anong gagawin mo?" pagpupumilit niya
Last Updated: 2022-04-16
Chapter: Chapter 2
Mabilis na lumipas ang isang linggo. Napapansin kong napapadalas na ang mga lakad ni Thorn ngayon. Makulit pa rin naman siya, naglalaro pa rin sila ng anak ko, nagbobonding kami pero hindi na niya inoopen ang topic about sa pagkakaroon ng anak."May importanteng lakad lang akong pupuntahan. Uuwi rin ako kaagad," paalam niya sa 'kin isang beses."Bumalik ka kaagad," sagot ko sa kaniya't hinalikan siya.Bumalik ka kaagad, may importanteng sasabihin ako sa 'yo.Hindi ko na naisatinig pa iyon dahil nakalabas na siya nang tuluyan sa pinto at tuluyang nawala na sa paningin ko. Birthday niya ngayon pero nagkunwaring hindi ko naalala iyon dahil may matagal na talaga akong plano.Alas nuwebe na nang umaga pero hindi pa rin gumigising si Theo kaya sinamantala ko iyon. Pumunta ako sa cafe na iilang metro lang ang layo sa bahay namin. Hindi kami magbubukas ngayon dahil dito ko gustong surpresahin ang asawa ko mamaya.Inayos ko ang mga upuan. Nilgyan ng iba't ibang klase ng ilaw na alam kung maglal
Last Updated: 2022-04-16
Chapter: Chapter 1
Pauwi na ako galing sa grocery nang madatnan kong naghahabulan si Thorn at si Theo, ang anak namin. Todo ang ngiti ko habang pinagmamasdan sila't naririnig ko ang mga tawa't halakhak nilang pareho. Wala na akong ibang mahihiling pa. Ibinigay na sa 'kin ng Diyos ang lahat ng bagay na gustong-gusto ko. Ang magkaroon ng isang kompleto't masayang pamilya.Nangangalaga lang kami ni Thorn sa cafe na itinayo namin. 4 years ago, nang matapos kaming ikasal sa huwes ay naisipan naming magnegosyo sa tulong na rin ng mga magulang niya. At sa ngayon, may anim na branch na ito dito sa Sorsogon at ang iba ay sa CamSur.Napabalik lang ako sa kasalukuyan nang nakitang papunta na pala sa gawi ko ang mag-ama. Lumuhod ako at ibinuka ang dalawang braso para salubungin ng yakap ang napaka-cute at napakasiga naming anak."Hi, babyboy," ani ko't niyakap siya nang mahigpit."Ouch, Mommy. You're hug is so tight. I can't breathe na po," reklamo niya.Natatawa akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at hinawakan
Last Updated: 2022-04-16
Chapter: Simula
Addison DionishoNakadungaw sa magandang tanawin, sinasalubong ang sariwang hangin galing sa labas ng bintana ng sasakyan. Pinoproseso ang mga pangyayaring matagal ko nang gustong gawin."Hey, are you okay?"Napalingon ako kay Thornton sa tabi ko habang nakatuon lang ang tingin sa pagmamaneho. Umupo ako nang maayos at muling ibinalik ang tingin sa labas bago siya sinagot."Oo naman. Bakit hindi?""Natahamik ka kasi bigla diyan. Nagsisisi ka na ba?" nag-aalalang tanong niya.Mabilis pa sa alas-kwatrong ibinaling ko sa kaniya ang buong atensiyon ko."Hindi, ah! Never pumasok sa isip ko ang pagsisisi, love. Kaya lang..." natigilan ako at tiningnan kung ano ang magiging reaction niya pero wala siyang naging tugon at nakatuon pa rin ang tingin sa pagmamaneho. "Kaya lang, kinakabahan ako, eh. Baka kasi anong magawa ni Mama kapa
Last Updated: 2022-04-16
Accidentally Inlove with Mr. President

Accidentally Inlove with Mr. President

10
Kung ilarawan ng mga tao si Raya Digo, siya ay masayahin, maganda, at matalino. Taglay niya rin ang buhay na kinaiinggitan ng marami. Ngunit ang hindi nila alam, sa likod ng mga ngiti ay may nakatago na matinding lungkot sa kaniyang dibdib, na nagpapa miserable rito sa araw-araw. Lumaki si Raya sa puder ng kaniyang lola dahil sa trabahong tinahak ng kaniyang mga magulang. Sadya nga namang malupit ang tandhana. Makakayanan pa kaya ng dalaga ang ibabatong unos kung haharapin niya ito ng mag-isa, at kung siya ay wasak na wasak pa?
Read
Chapter: Chapter 11
Pagkapasok ko ng school kinabukasan, nahagip kaagad sa paningin ko si Jaypee na nakaupo lang sa isa sa mga bench malapit sa building namin at mukhang may malalim na iniisip. Alam na kaya ng mga magulang nila?"Hi, morning," bati ko sa kaniya at umupo sa tabi niya.Bahagya lang siyang tumango pero hindi siya nag-angat ng tingin sa 'kin."Si Franzen?"Nanatili siyang nakayuko at hindi nagsasalita kaya bigla akong kinabahan."Wala na. Umalis na siya, R-Raya," naiiyak na aniya.Hindi ko alam ang gagawin ko nang unti-unting nalaglag ang mga luha niya."H-Ha?""Alam na ng parents niya... kaya sila umalis. N-nalaman ko lang... kanina no'ng susunduin ko na dapat siya."
Last Updated: 2022-02-03
Chapter: Chapter 10
"V-Vince?" Paano ako natunton ng lalaking 'to?Nagtangka siyang lumapit sa 'kin kaya dali-dali akong naglakad papalayo sa kaniya. Pero dahil nga matataas ang biyas niya, ay naabutan niya pa rin ako at marahas na hinawakan ang braso ko. Bakit ba kasi nandito 'to? Paano niya ba ako napuntahan? Taena naman."Raya, please. Kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya."Wala na tayong dapat pag-usapan, Vince. Pwede ba, bitawan mo ako?"Imbes na bitawan ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko."No. May dapat tayong pag-usapan, Raya. Bumiyahe ako galing Batangas para sa 'yo tapos hindi mo ako kakausapin?"Aba, ang kapal nga naman ng kalyo sa mukha nitong lalaking 'to."Eh, sino bang may sabi sa 'yong pumunta ka rito?" na
Last Updated: 2022-02-01
Chapter: Chapter 9
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, dali-dali ko itong sinagot. Ni-loud speaker ko na lang ito para marinig ko pa rin habang nagbibihis ako."Uy, Thalia. Good morning!""Good morning, Raya. Kumusta ka na?""Okay naman. Ikaw ba?""O-Okay naman," medyo may pag-alinlangang sagot niya.Napaupo tuloy ako sa kama... nag-aalala kung talagang okay siya. Alam ko kung okay ba talaga ito o hindi kasi hindi naman ito nag-aalangan kapag tinatanong ko ito noon."Okay ka ba talaga?"Natahimik siya sa kabilang linya. Hindi ko siya kinulit dahil alam kong ayaw na ayaw niya no'n. Kalaunan ay nakarinig ako ng mahinang hikbi."W-Wala akong k-kwenta, Raya. I'm useless. Nang dahil sa 'kin... nag-away sina Mama'
Last Updated: 2021-12-16
Chapter: Chapter 8
Tulad nang nakasanayan, maaga akong pumunta sa school pero parang late pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ang may problema. Advance lang siguro ang oras ng school kaysa sa bahay kaya gano'n.Pagkababa ko ng sasakyan, sinalubong kaagad ako ng isang maganda at fresh na preggy."Good morning, Raya.""Good morning, Franz," pabalik na bati ko sa kaniya. "Oh, bakit ka pa nandito at saka nasaan si Jaypee?" tanong ko nang napansin kong siya lang mag-isa."Nauna na siyang pumasok sa 'kin, sabi niya, kakausapin niya raw si Keith at Jaypee about doon sa nnagyari kagabi at sasabihin niya raw 'yong hinala natin about sa nangyari sa 'tin."Oo nga pala. Siguro ay mayro'n pang tampo si Keith about sa nangyari kagabi. Siguro nga ay tama ang gagawin ni Jaypee para hindi rin kami mahihirapang makisama sa kanila. Mahirap rin nama
Last Updated: 2021-12-08
Chapter: Chapter 7.3
Parehong nakalaglag ang mga panga naming apat. Tatanungin ko na sana sila pero obvious na obvious sa mga reaction nila na wala silang kaalam-alam sa nangyayari."Totoo ba 'yong narinig ko?" tanong bigla ni Keith.Halo-halong emosyon ang makikita ko sa mata ni Keith. Naguguluhan, nasasaktan at tampo. Well, naiintindihan ko siya. Matagal na niyang kaibigan si Xander at matagal na siyang may gusto kay Jenelle, at alam ni Xander 'yon pero sa isang iglap, malalaman niya na lang na mag-jowa na ang dalawa? Kahit saang banda, masakit 'yon. Masakit na masakit 'yon. Walang sumagot sa tanong niya dahil wala naman talagang may alam."Jaypee."Napaangat kaming apat nang may biglang dumating sa table namin at tinawag si jaypee. May pagka-mestisa ito, singkit at siguro, kaedad lang ni Mommy."Tita," bati ni Jaypee.Tumayo si Jaypee, gano'n na rin ang ginawa namin. Unang bum
Last Updated: 2021-12-01
Chapter: Chapter 7.2
Ipinarada ni Kuya Dan ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Hindi ko gaanong kita ang disenyong nito dahil medyo madilim na rin. Habang papasok sa malaking bahay na iyon, lagi lang akong nakayuko dahil sa nakakasilaw na mga ilaw galing sa mga camera ng mga reporter na nasa gilid. Hindi ko alam na covered by media pala itong party na ito. Kung nalaman ko lang, sana hindi na ako sumama pa. "Are you okay?" biglang tanong ni Mommy habang nakahawak ako sa kanilang dalawa ni Daddy. "Hindi ko naman po alam na may media po pala. Sana hindi na lang po ako sum—" "Good Evening, pare. Buti naman at nakapunta ka, kakalimutan ko na sanang magkaibigan tayo, eh." Isang baritonong boses ang sumalubong sa aming tatlo. May edad na rin siguro ito dahil halos kulay puti na rin ang kaniyang bigote at ang buho
Last Updated: 2021-11-08
Because... I love you

Because... I love you

10
Mahirap lang ang buhay na mayroon si Mavy. Maliit na bahay, simpleng mga gamit at walang trabaho. Pero sa kabila ng hirap, pinipilit niyang maging malakas at matatag para sa kapatid niya. Dalawa na lang silang magkasama sa buhay simula nang namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Isang mabuti at responsableng Kuya naman siya pero hindi ito naging sapat para maalagaan ang katapid niyang may breast cancer. Dumating pa sa puntong kinailangan niyang magnakaw at pumasok sa isang club bilang isang cross dresser para mabayaran ang mga gastusin sa hospital. Hindi na niya alam ang gagawin niya hanggang nakilala niya si Kfer Vargaz. Isang mayamang negosyante si Kfer, at pipirmahan lang ng mga magulang nito ang kumpanya na para sa kaniya sa isang kondisyon. Kaya naman inalok niya si Mavy ng isang bagay sa pag-aakalang babae siya. Hanggang unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Kfer sa kaniya. Lahat kayang iwan at isakripisyo ni Michael para sa kapatid. Ngunit kaya pa ba niyang isakripisyo kahit ang nararamdaman niya para lang maging masaya ang kapatid niya?
Read
Chapter: Chapter 4
Kinabukasan, hanggang labas lang ng hospital si Mavy. Hindi siya pinapapasok ng kapatid niya at wala itong pinapapasok na iba maliban na lang kay Kfer. Pero hindi siya sumuko, tinatangka niyang kausapin at pasukin sa loob ng kwarto ni Mica pero tulad kahapon, pinapapalabas lang din siya.Hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya maintindihan kung ano ang nagawa niya sa kapatid."Mav."Napaangat ang ulo ni Mavy mula sa pagkakasubsob sa kaniyang tuhod nang biglang narinig niya ang isang pamilyar na tinig na tumatawag sa kaniya. Inayos niya ang kaniyang pagkakaupo at alangang ngumiti kay Kfer."Ikaw pala 'yan," sabi niya.Ngumiti sa kaniya pabalik si Kfer at umupo sa tabi niya. Iniyuko niya ulit ang kaniyang ulo at pinaglaruan ang kaniyang mga daliri."Why are you here? Tulog ba si Mica?" tanong ni Kfer sa kaniya.Mapaklang ngumiti siya at umiiling."Hindi ko alam, eh. Hindi pa ako pumapasok... ayokong makitang nahihirapan si Mica, eh," pagsisinungaling niya.Ayaw niyang sabihin ang tot
Last Updated: 2022-05-09
Chapter: Chapter 3
Naguguluhang tinignan ni Mavy ang kapatid na ngayon ay nakikipaglaro sa peke niyang kasintahang si Kfer. Successful ang operasyon nito kahapon pero paglabas nito ng operating room, hindi siya pinansin o kinausap man lang nito."May nagawa ba akong mali, Jude? Hindi naman siya gan'yan noon, eh."Totoong hindi gano'n si Mica sa kaniya. Ito na nga yata ang pinaka-sweet na taong nakilala niya. Never pa siya nitong dinedma kaya naging bigdeal kay Mavy ang inasal ng kapatid."Baka kailangan lang ng pahinga ni Mica, bakla. Alam nating pareho na clingy at malambing 'yang si Mica sa 'yo... alam kong lilipas din ang mga dedmahan moments niyo ngayon."Nasa labas si Mavy at Jude ng hospital room ni Mica ngayon. Inayang lumabas ni Mavy ang kaibigan nang nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib dahil sa sitwasyon nila ni Mica ngayon."Sana nga, Jude. Sana nga."Tinitigan nan
Last Updated: 2021-09-29
Chapter: Chapter 2
"Mr. San Jose," tawag kay Mavy ng doktor ni Mica nang nakasalubong niya ito sa hallway ng hospital.Buti na lang at hindi niya kasama si Kfer ngayon dahil pumasok na raw ito sa trabaho. Kung hindi ay baka narinig nito na tinawag siyang Mister ng doktor."Bakit po, Doc?""I just want to ask for your permission para sa surgery ni Mica.""Okay na okay po ako do'n, Doc. Basta po gawin niyo po ang lahat para mapagaling niyo po ang kapatid ko.""I just also want to inform you na ang kukunin lang namin is 'yong part lang ng breast ng kapatid mo na may cancer. Luckily, hindi pa masyadong kumalat ang cancer sa katawan ni Mica pero medyo delikado pa rin ito dahil hindi kinaya ng katawan niya. Masyadong kulang sa resistansiya ang katawan niya."Tumango lang si Mavy at nagsimula nang mapakali. Umalis na rin ang doktor at sinabing babalik ito kaagad para masimulan na ang
Last Updated: 2021-09-14
Chapter: Chapter 1
Masaya naman daw maging mahirap. Simpleng buhay at mapayapa. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon may saya... hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ka.Sabi nila, kakambal daw ni Saya si Sakit. Hindi mo masasabing masaya ka kung hindi mo naranasan ang sakit na dulot ni tadhana.Mahirap lang ang buhay na mayro'n si Mavy. Ulila na siya at silang dalawa na lang ng kapatid niya ang magkasama sa buhay sa loob ng dalawang taon. Two years ago, namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Kaya naman, nasa kaniya na ang mga obligasyon o responsibilibad na dapat ay ang mga magulang niya ang gumagawa.Mahirap. Napakahirap ng dinanas ni Mavy dahil sakitin din ang kapatid niya. Gusto man niyang humanap ng trabaho pero hindi niya maiwan-iwan ang kapatid. Kaya minsan, hindi sila nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Naghihintay lang sila kung sino man ang handang magbigay ng tulong sa kanila. Pero kinaya nila... kinaya nilang mabuhay sa kabila nang hirap ng buh
Last Updated: 2021-09-14
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status