Mahirap lang ang buhay na mayroon si Mavy. Maliit na bahay, simpleng mga gamit at walang trabaho. Pero sa kabila ng hirap, pinipilit niyang maging malakas at matatag para sa kapatid niya. Dalawa na lang silang magkasama sa buhay simula nang namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Isang mabuti at responsableng Kuya naman siya pero hindi ito naging sapat para maalagaan ang katapid niyang may breast cancer. Dumating pa sa puntong kinailangan niyang magnakaw at pumasok sa isang club bilang isang cross dresser para mabayaran ang mga gastusin sa hospital. Hindi na niya alam ang gagawin niya hanggang nakilala niya si Kfer Vargaz. Isang mayamang negosyante si Kfer, at pipirmahan lang ng mga magulang nito ang kumpanya na para sa kaniya sa isang kondisyon. Kaya naman inalok niya si Mavy ng isang bagay sa pag-aakalang babae siya. Hanggang unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Kfer sa kaniya. Lahat kayang iwan at isakripisyo ni Michael para sa kapatid. Ngunit kaya pa ba niyang isakripisyo kahit ang nararamdaman niya para lang maging masaya ang kapatid niya?
View MoreKinabukasan, hanggang labas lang ng hospital si Mavy. Hindi siya pinapapasok ng kapatid niya at wala itong pinapapasok na iba maliban na lang kay Kfer. Pero hindi siya sumuko, tinatangka niyang kausapin at pasukin sa loob ng kwarto ni Mica pero tulad kahapon, pinapapalabas lang din siya.Hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya maintindihan kung ano ang nagawa niya sa kapatid."Mav."Napaangat ang ulo ni Mavy mula sa pagkakasubsob sa kaniyang tuhod nang biglang narinig niya ang isang pamilyar na tinig na tumatawag sa kaniya. Inayos niya ang kaniyang pagkakaupo at alangang ngumiti kay Kfer."Ikaw pala 'yan," sabi niya.Ngumiti sa kaniya pabalik si Kfer at umupo sa tabi niya. Iniyuko niya ulit ang kaniyang ulo at pinaglaruan ang kaniyang mga daliri."Why are you here? Tulog ba si Mica?" tanong ni Kfer sa kaniya.Mapaklang ngumiti siya at umiiling."Hindi ko alam, eh. Hindi pa ako pumapasok... ayokong makitang nahihirapan si Mica, eh," pagsisinungaling niya.Ayaw niyang sabihin ang tot
Naguguluhang tinignan ni Mavy ang kapatid na ngayon ay nakikipaglaro sa peke niyang kasintahang si Kfer. Successful ang operasyon nito kahapon pero paglabas nito ng operating room, hindi siya pinansin o kinausap man lang nito."May nagawa ba akong mali, Jude? Hindi naman siya gan'yan noon, eh."Totoong hindi gano'n si Mica sa kaniya. Ito na nga yata ang pinaka-sweet na taong nakilala niya. Never pa siya nitong dinedma kaya naging bigdeal kay Mavy ang inasal ng kapatid."Baka kailangan lang ng pahinga ni Mica, bakla. Alam nating pareho na clingy at malambing 'yang si Mica sa 'yo... alam kong lilipas din ang mga dedmahan moments niyo ngayon."Nasa labas si Mavy at Jude ng hospital room ni Mica ngayon. Inayang lumabas ni Mavy ang kaibigan nang nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib dahil sa sitwasyon nila ni Mica ngayon."Sana nga, Jude. Sana nga."Tinitigan nan
"Mr. San Jose," tawag kay Mavy ng doktor ni Mica nang nakasalubong niya ito sa hallway ng hospital.Buti na lang at hindi niya kasama si Kfer ngayon dahil pumasok na raw ito sa trabaho. Kung hindi ay baka narinig nito na tinawag siyang Mister ng doktor."Bakit po, Doc?""I just want to ask for your permission para sa surgery ni Mica.""Okay na okay po ako do'n, Doc. Basta po gawin niyo po ang lahat para mapagaling niyo po ang kapatid ko.""I just also want to inform you na ang kukunin lang namin is 'yong part lang ng breast ng kapatid mo na may cancer. Luckily, hindi pa masyadong kumalat ang cancer sa katawan ni Mica pero medyo delikado pa rin ito dahil hindi kinaya ng katawan niya. Masyadong kulang sa resistansiya ang katawan niya."Tumango lang si Mavy at nagsimula nang mapakali. Umalis na rin ang doktor at sinabing babalik ito kaagad para masimulan na ang
Masaya naman daw maging mahirap. Simpleng buhay at mapayapa. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon may saya... hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ka.Sabi nila, kakambal daw ni Saya si Sakit. Hindi mo masasabing masaya ka kung hindi mo naranasan ang sakit na dulot ni tadhana.Mahirap lang ang buhay na mayro'n si Mavy. Ulila na siya at silang dalawa na lang ng kapatid niya ang magkasama sa buhay sa loob ng dalawang taon. Two years ago, namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Kaya naman, nasa kaniya na ang mga obligasyon o responsibilibad na dapat ay ang mga magulang niya ang gumagawa.Mahirap. Napakahirap ng dinanas ni Mavy dahil sakitin din ang kapatid niya. Gusto man niyang humanap ng trabaho pero hindi niya maiwan-iwan ang kapatid. Kaya minsan, hindi sila nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Naghihintay lang sila kung sino man ang handang magbigay ng tulong sa kanila. Pero kinaya nila... kinaya nilang mabuhay sa kabila nang hirap ng buh

Comments