Share

Because... I love you
Because... I love you
Author: Duraneous

Chapter 1

Author: Duraneous
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Masaya naman daw maging mahirap. Simpleng buhay at mapayapa. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon may saya... hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ka.

Sabi nila, kakambal daw ni Saya si Sakit. Hindi mo masasabing masaya ka kung hindi mo naranasan ang sakit na dulot ni tadhana.

Mahirap lang ang buhay na mayro'n si Mavy. Ulila na siya at silang dalawa na lang ng kapatid niya ang magkasama sa buhay sa loob ng dalawang taon. Two years ago, namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Kaya naman, nasa kaniya na ang mga obligasyon o responsibilibad na dapat ay ang mga magulang niya ang gumagawa.

Mahirap. Napakahirap ng dinanas ni Mavy dahil sakitin din ang kapatid niya. Gusto man niyang humanap ng trabaho pero hindi niya maiwan-iwan ang kapatid. Kaya minsan, hindi sila nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Naghihintay lang sila kung sino man ang handang magbigay ng tulong sa kanila. Pero kinaya nila... kinaya nilang mabuhay sa kabila nang hirap ng buhay.

Hinihingal na pumasok si Mavy sa hospital kung saan naka-confine ang kapatid niya. Mahigit isang kilometro rin ang itinakbo niya para lang matakasan ang mga taong ninakawan niya ng pera sa isang pasugalan. Hindi siya pinalaking magnanakaw ng mga magulang niya, pero kinailangan niya itong gawin ngayon para maoperahan ang kapatid niyang may breast cancer... para mabigyan siya ng mas mahabang buhay.

Lakad-takbo ang ginawa niya papunta sa front desk ng hospital. Kailangan niya nang magbigay kahit paunang bayad man lang para maoperahan na ang kapatid niyang si Mica na hirap na hirap na sa iniindang sakit.

"Sorry, Sir... pero hindi pa raw po maooperahan ang kapatid niyo hangga't hindi pa po nababayaran kahit ang 80% man lang ng pang-surgery niya," sagot sa kaniya no'ng babae sa front desk nang tinanong niya kung kailan masisimulan ang operasyon ng kapatid.

Bigla siyang nanlumo dahil sa narinig niya. Saan siya kukuha ng pera? Wala siyang trabaho dahil tutok siya sa pag-aalaga kay Mica dahil nga may sakit ito. Wala na silang magulang dahil namatay itong pareho dahil sa isang aksidente dalawang taon na ang nakakalipas. Kaya lahat ng responsibilidad ay napunta sa kaniya— tulad ng pag-aasikaso at pag-aalaga kay Mica.

Mabilis na tinahak niya ang pasilyo patungo sa kuwarto ni Mica. Pagpasok niya, mahimbing na tulog pa rin ang kapatid. Naluluhang pinagmasdan niya ang kapatid na namumutla na at habol-habol na ang hininga.

"Magpagaling ka, Mics. Pangakong gagawin ko ang lahat... gumaling ka lang." Umupo siya sa tabi ni Mica at hinalikan ito sa noo.

Nasa gano'n siyang sitwasyon nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Pangalan ng bakla niyang kaibigan na si Jude ang bumungad sa kaniya.

"Bakla, may good news ako sa 'yo," masiglang bungad nito nang sinagot niya ang tawag.

"Ano?" bored na sagot niya. Wala siya sa mood para sabayan ang trip ng kaibigan.

"May nahanap akong trabaho. Malapit lang at saka malaki ang sweldo. Dalawa ang hinahanap nila kay pwede tayo ro'n."

Biglang lumiwanag ang mukha niya nang narinig 'yon. Isa itong malaking oportunidad para mapagamot na ang kapatid kaya hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin iyon. Sinabihan siya ni Jude na magkita na lang sa parking lot ng hospital dahil ngayong gabi rin daw sila magsisimula. Hindi niya alam kung anong trabaho 'yon pero bahala na.

"Anong trabaho ba 'yan?" tanong niya kay Jude nang nagkita sila.

"Basta. Huwag kang mag-alala... legal 'to."

"Siguraduhin mo lang, ah."

Mahinang natawa si Jude at hinila siya palabas ng parking lot.

"Oo nga pala. Sinong nagbabantay ngayon kay Mica?" biglang tanong ni Jude.

"Pinsan ko."

"Oh! Come on, Mavy. Cheer up! Isipin mong kailangan ka ng kapatid mo ngayon."

Hindi na siya sumagot sa kaibigan. Pumara na lang sila ng taxi at sinabi sa driver kung saan sila magpapahatid. Hindi niya alam kung saan 'yon dahil first time niyang narinig ang lugar na 'yon.

"Club? Seryoso ka, Jude?" tanong ni Mavy kay Jude nang nakababa na sila sa sinasakyang taxi.

"Oo. Malaki ang sweldo rito kaya 'wag kang mag-inarte. At saka madali lang naman ang trabaho natin."

"Ano bang trabaho natin dito?"

"Malalaman mo rin mamaya. Tara na, baka hinihintay na tayo no'ng may-ari."

Hindi na siya nakapalag nang kaladkarin siya ni Jude papasok sa club. Maingay, magulo at maraming tao ang bumungad sa kanila. Halos hindi na rin sila makadaan dahil sa siksikan sa loob. May mga sumasayaw, umiinom at kumakanta.

"Magco-cross dressing tayo? Seryoso ka ba?" naiinis na tanong niya kay Jude.

Binigyan siya ni Jude ng isang pares ng pambabaeng damit. Bakla siya... pero hindi siya nagsusuot ng gano'ng mga damit at buti na lang ay hanggang balikat ang buhok niya kaya puwedeng hindi siya magsuot ng wig.

"Oo." Tinaasan siya ng kilay ni Jude.

"Alam mo namang hindi ko 'to kayang gawin, 'di ba?"

"Mag-iinarte ka pa bakla? Isipin mo muna ngayon ang kapatid mo, huwag kang mag-inarte... hindi bagay."

May parte sa pagkatao niya na pumipigil na isuot ang pambabaeng damit na hawak-hawak. Pero may kung ano rin na nagtutulak sa kaniya na isuot 'yon para sa kapatid niya. Magiging selfish pa ba siya? Hindi na niya inisip ang sitwasyon niya ngayon sa loob ng club, mas iniisip niya ang kapatid niya na hanggang ngayon ay hindi pa naooperahan dahil kulang ang perang mayro'n siya.

Lumabas silang dalawa ni Jude sa dressing room at naghiwalay para magtrabaho na. Hindi alam ni Mavy ang gagawin niya kaya pumunta na lang siya sa may bar area at tumulong sa pagse-serve ng drinks sa mga costumer.

Frustrated na lumabas si Kfer sa bahay nila. Ayaw talagang pirmahan ng mga magulang nito ang kumpanya na para sa kaniya hangga't wala pa siyang dinadalang girlfriend sa bahay at papakasalan ito upang mapatunayang hindi siya bakla. Never pumasok sa isip niya ang mag-settle down. Naaakit siya sa kaparehong kasarian at never siyang na-attract sa isang babae. Saan naman siya kukuha ng babaeng magpapakasal sa kaniya? Iyong babaeng tanggap ang kasarian niya?

Pumasok siya sa kotse niya at pinaharurot iyon palabas ng village nila. Ayaw na ayaw niya na pinagpilitan ng mga magulang niya na hindi siya bakla. May problema ba sa kasarian niya? Hindi ba siya tanggap ng mga ito? Simula nang nagka-isip siya, alam na niyang hindi siya straight guy... na bakla siya. And almost 25 years na niya itong tinatago sa pamilya niya. Oo, bakla siya pero ginagawa niya lahat para maging successful at maging proud sa kaniya ang mga magulang.

Ipinarada niya ang Lamborghini niya sa parking lot ng The Bistros—ang club na palagi niyang pinupuntahan everytime na down na down na siya. Ang pag-inom at pagpunta sa club ang nakikita niyang paraan para matakasan lahat ng problema niya lalo na pagdating sa pamilya.

Ininom niya ang nakalatag na vodka sa harapan niya... bottoms up. Nakaupo lang siya ngayon sa high chair. Pinalibot niya ang tingin sa buong club. Marami nang lasing pero marami pa rin naman ang mga tao. Hanggang dumapo ang tingin niya sa isang babaeng nahihiyang nagse-serve ng drinks sa mga costumer. Ito ang first time na may babaeng nakakuha sa atensyon niya. Hindi niya maalis-alis ang paningin niya do'n sa babae.

"Bago lang ba siya rito?" tanong niya sa bartender at ininguso ang babaeng nakakuha ng atensiyon niya.

"Opo, Sir. Ngayon po lang po sila nagsimula. Bakit po, Sir?"

Umiling siya at uminom ulit sa vodka na inorder niya. Hinding-hindi niya maaalis ang paningin sa babae na ngayon ay papalapit na sa kaniya.

"Hi," kaswal na pakilala niya.

Nahihiyang nagbaba nang tingin si Mavy nang may nagpakilala sa kaniyang guwapong lalaki. Hindi siya sanay na may kumakausap sa kaniya dahil sanay siyang pinandidirihan ng iba.

"Hello po," sagot ni Mavy do'n sa lalaki.

"Bago ka lang rito, right?"

Tumango lang siya at ibinigay sa bartender ang dala-dalang tray.

"Bakit ka nagtrabaho rito?" tanong ulit no'ng lalaki.

Hindi alam ni Mavy kung bakit ang gaan agad ng loob niya sa lalaki kahit hindi pa naman niya ito kilala. Dahil ba gwapo ito? Hindi niya alam.

"Kailangan, eh. Pangpa-opera ng kapatid ko."

Kitang-kita ni Kfer ang lungkot sa mata ng kausap nang binanggit nito na kailangang operahan ang kapatid niya.

"Kfer Vargaz." Inabot niya ang kamay sa babae.

Nahihiyang tinanggap nito ang pakikipagkamay niya. Natigilan pa si Kfer nang nahawakan na niya ang kamay ng babae. Ba't ang tigas? Halatang sanay sa trabaho.

"Mavy San Jose," mahinhin niyang pakilala.

Gusto niyang sabihin kay Kfer ang totoo niyang kasarian pero may kung ano sa loob niya na tumututol dito.

"Kailangan mo ng pera? I can help."

Gulat na napatingin si Mavy sa lalaking nagngangalang Kfer. Bagong kilala pa lang nila pero tutulungan kaagad siya ng lalaki?

"Ah, 'wag na lang po. Kaya ko naman pong magtrabaho, eh," tanggi niya sa alok nito.

"No. I can help you but... you need to help me, too."

Hindi alam ni Kfer kung tama ba ang ginagawa niya. Gusto niyang tulungan si Mavy na mapa-opera ang kapatid nito at may balak din siyang ito ang ipakilala sa mga magulang bilang girlfriend niya.

Dumiretso kaagad sa hospital si Mavy pagkatapos ng duty niya. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang alok sa kaniya ni Kfer. Mamayang gabi ay babalik daw ito sa club at aalamin ang sagot niya.

Umiling si Mavy at marahang hinilot ang sintido. Kulang siya sa tulog kaya hindi rin siya makapag-isip nang maayos.

Naabutang gising ni Mavy ang kapatid niyang si Mica.

"S-Saan ka galing, Kuya?" nanghihinang tanong nito sa kaniya.

Hindi alam ni Mavy ang isasagot sa kapatid. Ayaw nitong pumayag na magtrabaho siya dahil takot ito na baka mawalan siya ng oras sa kaniya.

"May inasikaso lang, Mics. Kumusta ka na?"

"M-Medyo okay lang naman, K-Kuya. Kaso nanghihina pa rin po."

"Magpahinga ka lang... babantayan kita." Umupo na rin siya sa tabi ng kapatid at hinalikan ito sa noo.

Tumango naman si Mica at ipinikit na rin ang mga mata. Dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog siya sa tabi ng kapatid niya nang hindi kumakain.

Masiglang isinuot ni Kfer ang sneakers niya. Pupunta siya ngayon sa club para alamin ang sagot ni Mavy sa alok niyang magpanggap na magkasintahan. Hindi na siya nagpaalam sa mga magulang niya at dumiretso na palabas ng bahay.

Alas-kuwatro ng hapon pa lang nang pumasok si Kfer sa The Bistros pero alas-sais pa ang duty ni Mavy. Hindi niya alam kung excited siyang makita si Mavy o excited siyang malaman ang sagot nito.

Komportableng nakaupo si Kfer sa VIP couch ng club. Kanina pa niya tinitignan ang wrist watch niya... naghihintay ng alas-sais. Kanina pa siya naghihintay roon pero hindi naman siya nabagot dahil may live band na nag-perform.

Hindi naman nagtagal nang dumating na ang kanina pa niya hinihintay. Nakasuot ito ng  canary yellow na dress. Lumapit kaagad siya rito at bumati.

"Hi. Good evening."

Pinanatili niya ang panglalaki niyang tindig at boses para hindi nito mahalata na bakla siya.

"Hello."

Mahinang natawa si Kfer nang nakita niyang namula si Mavy.

"You're blushing," natatawang aniya.

"Hindi, ah," mas lalong namula si Mavy at nag-iwas pa ng tingin.

Hindi alam ni Mavy ang gagawin. Sa tingin niya ay na-drained lahat ng dugo niya. Simpleng bati pa lang sa kaniya ni Kfer pero iba na ang epekto nito sa kaniya.

"Ano? Kumusta naman 'yong inalok ko sa 'yo?"

Ang pamumula ni Mavy ay biglang nawala dahil sa tanong na 'yon ni Kfer.

"Deal. Papayag ako sa inalok mo kagabi."

Wala naman siyang ibang pagpipilian dahil gipit na gipit na siya. Pagpapanggap lang naman ang gagawin niya... pagpapanggap na kasintahan niya si Kfer.

Dahil sa galak, hinila bigla ni Kfer si Mavy papalabas ng club at pinasakay sa Lamborghini niya. Hindi niya maipaliwanag ang saya dahil pumayag ito sa alok niya at mapipirmahan na sa wakas ng mga magulang niya ang kompanya na para sa kaniya.

Hindi na nagawa pang magreklamo pa ni Mavy dahil pinaandar kaagad ni Kfer ang kotse palayo sa club.

Hindi na naisip pa ni Mavy ang naiwang trabaho sa club. Parang sumali sa marathon ang puso niya dahil sa kaba. Hindi siya sanay na makihalubilo sa mga tao, lalo na sa mga mayayaman.

"Kfer, huwag na kaya nating ituloy? Kinakabahan ako, eh."

Lumingon sa kaniya si Kfer na nakataas ang kilay.

"Are you serious? Ilang hakbang na lang Mavy. Isang hakbang na lang at solve na ang problema ko... pati problema mo."

Biglang naibsan ang kaba niya. Oo nga naman, ilang hakbang na lang at makakapasok na sila sa bahay nila Kfer at ilang hakbang na lang ay may pera na siyang pangpa-opera sa kapatid.

Sabi kasi ni Kfer na ibibigay lang nito ang pera na kailangan niya para sa operation kung magiging successful ang pagpapakilala ni Kfer sa kaniya sa mga magulang.

Hindi na siya nagsalita o tumutol pa. Gusto na niyang matapos ang gabing ito para sa pera... para sa kapatid niya.

Malalaking family picture, antique furnitures, at malaking staircase with red carpet ang bumungad kay Mavy nang nakapasok sila. Hindi niya matatawag na karaniwang bahay lamang. Para sa kaniya, isa itong mansion.

"Where's mommy and daddy?" tanong ni Kfer sa katulong nila.

"Nasa kuwarto na po, sir. Nagpapahinga na po."

"Puntahan mo sila, manang. Sabihin mo na may ipakikilala ako."

Umalis naman ang katulong at nagmamadaling tumungo sa second floor. Bahagyang hinila ni Kfer si Mavy paupo sa mahabang sofa nila sa sala.

"Don't worry, Mav. Mabait si mommy pero medyo strict nga lang si daddy."

Hindi na nagawang pansinin pa ni Mavy ang sinabi ni Kfer dahil abot tanaw na niya ang pababang mga magulang nito. Naka-pajama lang amg mga ito at gulong-gulo ang buhok.

Naguguluhang nagkatinginan si Mavy at Kfer nang biglang tumakbo ang mga ito pabalik sa kuwarto nang nakita sila. Kinakabahan si Mavy dahil maaaring tumakbo ito pabalik dahil ayaw nito sa kaniya o dahil sa hindi nito gusto ang presensya niya.

"Bakit naman hindi mo sinabi sa amin na dadalhin mo na pala ang magiging manugang namin, Anak? Hindi tuloy kami nakahanda ng daddy mo."

Napalingon ang dalawa nang biglang may nagsalita sa likod nila. Ang mga magulang pala iyon ni Kfer na naka-formal na suot na. Kaya pala ito bumalik sa kuwarto para magbihis.

"Good evening, Dad, Mom."

Hindi alam ni Mavy ang gagawin kaya tumayo na rin siya at bumati.

"Good evening, Ma'am, Sir."

"Nah, call us Tita and Tito, dear," nakangiting tugon ng ina ni Kfer.

Tumango lang si Mavy at umupo na lang dahil umupo na rin si Kfer at ang ama nito na matiim na nakatitig sa kaniya. Nakaupo ang ina't ama ni Kfer sa harap nila at katapat ni Mavy ang ama nito. Nai-intimide si Mavy sa aura ng ama ni Kfer. Napa-cold ng expression nito na tila ba hindi gusto ang presence niya.

"Mom, Dad, this is Mavy. My girlfriend," pakilala ni Kfer.

Biglang na-guilty si Mavy. Nakaramdam siya nang guilt dahil kitang-kita sa mga mata ng mga magulang ni Kfer ang saya at pagmamalaki.

"It's nice to see you, my Mavy," anang ina ni Kfer.

My Mavy?

Natigil sila dahil biglang dumating ang katulong na pinagtanungan ni Kfer kanina at may dalang juice.

"Gaano na kayo katagal na magkarelasyon?" singit ng ama nito bago uminom ng juice.

Hindi alam ng dalawa ang isasagot.

"6 months, Dad."

"2 months po."

Sabay pa nilang sabi. Ang mali lang nila ay hindi nila ito napag-usapan bago pumasok sa sitwasyong ito. Pumasok sila sa giyera nang walang dalang bala.

Sabay ring naibuga ng ama't ina ni Kfer ang iniinom nilang juice. Lahat ng juice na naibuga ng ina ni Kfer ay napunta kay Mavy dahilan para mabasa ang may bandang dibdib niya.

Kumuha naman kaagad si Kfer ng hand towel sa bulsa nito at pupunasan na sana ang dibdib niya pero pinigilan niya ito. Ayaw niyang mahawakan nito ang peke niyang hinaharap.

"Ako na," nakangiting aniya.

Paulit-ulit na humingi ng paumanhin ang ina ni Kfer pero sinabi ni Mavy na okay lang kako sa kaniya.

"Back to topic... gaano na ba talaga kayo katagal?" bakas ang pagdududa sa boses ng ama ni Kfer.

"6 months po talaga, Tito. Charing ko lang po talaga 'yong 2 months," kinakabahang sagot ni Mavy dahil biglang natameme si Kfer at hindi nakasagot.

Pinagdilatan siya ng mata ni Kfer at biglang nagpeke ng tawa nang bigla nilang narinig ang malakas sa tawa ng ina ni Kfer.

"You're so funny, Mav. Haha," wika nito. "Pero bakit ngayon ka lang namin nakilala?"

Hindi alam ni Mavy ang isasagot dito dahil ayaw niyang banggitin sa mga ito ang tungkol sa kapatid niya.

"Busy siya, Mom. Binabantayan niya kasi ang kapatid niyang nasa hospital," singit ni Kfer.

Magpapasalamat na sana si Mavy dahil si Kfer ang sumagot para sa kaniya pero ang bagay na iniiwasan niyang banggitin ang sinabi nito.

"Oh, really? Matagal na ba ang kapatid mo sa hospital, Mav?" tanong ng ina nito.

"Almost one week na, Tita. Pero malabo pong makalabas po agad."

"Bakit?"

Nag-aalinlangan man ay sinagot ni Mavy iyon.

"Wala po kasi akong pera pambayad sa pang-opera."

Parehong nagulat ang mga magulang ni Kfer at masamang tingin ang ipinukol sa anak.

"What?" naguguluhang tanong ni Kfer sa mga magulang nang nakita niyang masama ang mga tingin nito sa kaniya.

"All this time, puro ka party without even helping your girlfriend. How could you, Kfer?" galit na tanong ng ama ni Kfer sa kaniya.

Hindi pa nakasagot si Kfer nang biglang sumingit ang ina nito.

"Hindi mo dapat pinababayaan ang girlfriend mo, Anak. Hindi mo siya tutulungan dahil lang girlfriend mo siya... tutulungan mo siya dahil kailangan niya. Hindi kita pinalaking selfish, Kfer. Winawaldas mo ang pera mo kakapunta sa club samantalang 'yong girlfriend mo na kailangan ng pera, hindi mo man lang tinulungan? Ano ba ang palaging sinasabi ko sa 'yo noon?" disappointed na tugon ng Ina.

"I know, Mom. Actually, pupunta kami ngayon kaagad sa hospital para bayaran lahat ng kailangan para sa operasyon."

Parang nasiyahan ang mga tainga ni Mavy na tanggapin ang mga salita ng pamilya ni Kfer. Hindi niya aakalaing ganito ang trato nito sa katulad niyang mahirap lang naman.

"Salamat, Kfer. Malaking bagay to sa 'min."

Masayang tinungo ni Mavy at Kfer ang pasilyo patungo sa kwarto ni Mica. Pinaalis kaagad sila ng Mommy ni Kfer para mabayaran daw kaagad ang pang-surgery sa kapatid niya.

"Naku, wala 'yon. Tinulungan mo rin naman ako, Mav. Malaking bagay na rin 'to para sa 'kin. And I also wanna help. Not just because you helped me."

Ngiti't tango lang ang isinagot ni Mavy rito at pinihit ang door knob papasok sa silid ng kapatid. Nagpaalam muna si Kfer na bibili ng pagkain at gutom daw ito.

Sakto namang gising ang kapatid niya pagpasok niya.

"Kumusta ka, Mics?" tanong kaagad niya sa kapatid.

"Okay na po ako, Kuya. S-Saan po kayo galing? B-Bakit po gan'yan ang suot niyo?"

"Pwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo, Mics?" aniya nang may pilit na ngiti.

Nanghihinang tumango lang ang kapatid kaya ipinagpatuloy niya ang dapat sabihin.

"Pwede bang tawagin mo akong ate simula ngayon?"

"Bakit po?" naguguluhang tanong sa kaniya ni Mica.

Ayaw niyang magsinungaling sa kapatid niya. Siya pa naman ang nagsabi rito noon na dapat wala silang sinisekreto sa isa't-isa. Pero ayaw niya munang banggitin ang tungkol sa trabaho niya.

Ipinaliwanag niya ang lahat ng nangyari sa kapatid. Kung saan siya kumuha ng pera na para sa surgery nito, kung saan siya nanggaling at kung sino ang tumulong sa kaniya... sa kanila.

"Kfer Vargaz?" nanlalaki ang matang tanong ni Mica sa kaniya.

Sasagot na sana si Mavy sa kapatid nang may biglang pumasok sa silid. Si Kfer lang pala na may dala-dalang mamon.

Mas lalong lumaki ang mga mata ni Mica at halos malaglag ang panga dahil sa nakita.

Bigla siyang nadismaya. So hindi pala siya nagkamali na ang isang mayamang negosyante na si Kfer Vargaz ang tumulong sa kanila at ang pekeng jowa ng kuya niya? Isang Kfer na palagi niya lang nakikita sa cover ng magazines dati? Isang Kfer Vargaz na matagal na niyang gusto?

Sa buong buhay niya, palaging sinasabi ng Kuya niya sa kaniya na gagawin nito ang lahat makuha lang ang gusto niya.

"Gagawin pa kaya ni kuya ang lahat para makuha ang gusto ko ngayon samantalang pag-aari na niya?"

Related chapters

  • Because... I love you   Chapter 2

    "Mr. San Jose," tawag kay Mavy ng doktor ni Mica nang nakasalubong niya ito sa hallway ng hospital.Buti na lang at hindi niya kasama si Kfer ngayon dahil pumasok na raw ito sa trabaho. Kung hindi ay baka narinig nito na tinawag siyang Mister ng doktor."Bakit po, Doc?""I just want to ask for your permission para sa surgery ni Mica.""Okay na okay po ako do'n, Doc. Basta po gawin niyo po ang lahat para mapagaling niyo po ang kapatid ko.""I just also want to inform you na ang kukunin lang namin is 'yong part lang ng breast ng kapatid mo na may cancer. Luckily, hindi pa masyadong kumalat ang cancer sa katawan ni Mica pero medyo delikado pa rin ito dahil hindi kinaya ng katawan niya. Masyadong kulang sa resistansiya ang katawan niya."Tumango lang si Mavy at nagsimula nang mapakali. Umalis na rin ang doktor at sinabing babalik ito kaagad para masimulan na ang

  • Because... I love you   Chapter 3

    Naguguluhang tinignan ni Mavy ang kapatid na ngayon ay nakikipaglaro sa peke niyang kasintahang si Kfer. Successful ang operasyon nito kahapon pero paglabas nito ng operating room, hindi siya pinansin o kinausap man lang nito."May nagawa ba akong mali, Jude? Hindi naman siya gan'yan noon, eh."Totoong hindi gano'n si Mica sa kaniya. Ito na nga yata ang pinaka-sweet na taong nakilala niya. Never pa siya nitong dinedma kaya naging bigdeal kay Mavy ang inasal ng kapatid."Baka kailangan lang ng pahinga ni Mica, bakla. Alam nating pareho na clingy at malambing 'yang si Mica sa 'yo... alam kong lilipas din ang mga dedmahan moments niyo ngayon."Nasa labas si Mavy at Jude ng hospital room ni Mica ngayon. Inayang lumabas ni Mavy ang kaibigan nang nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib dahil sa sitwasyon nila ni Mica ngayon."Sana nga, Jude. Sana nga."Tinitigan nan

  • Because... I love you   Chapter 4

    Kinabukasan, hanggang labas lang ng hospital si Mavy. Hindi siya pinapapasok ng kapatid niya at wala itong pinapapasok na iba maliban na lang kay Kfer. Pero hindi siya sumuko, tinatangka niyang kausapin at pasukin sa loob ng kwarto ni Mica pero tulad kahapon, pinapapalabas lang din siya.Hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya maintindihan kung ano ang nagawa niya sa kapatid."Mav."Napaangat ang ulo ni Mavy mula sa pagkakasubsob sa kaniyang tuhod nang biglang narinig niya ang isang pamilyar na tinig na tumatawag sa kaniya. Inayos niya ang kaniyang pagkakaupo at alangang ngumiti kay Kfer."Ikaw pala 'yan," sabi niya.Ngumiti sa kaniya pabalik si Kfer at umupo sa tabi niya. Iniyuko niya ulit ang kaniyang ulo at pinaglaruan ang kaniyang mga daliri."Why are you here? Tulog ba si Mica?" tanong ni Kfer sa kaniya.Mapaklang ngumiti siya at umiiling."Hindi ko alam, eh. Hindi pa ako pumapasok... ayokong makitang nahihirapan si Mica, eh," pagsisinungaling niya.Ayaw niyang sabihin ang tot

Latest chapter

  • Because... I love you   Chapter 4

    Kinabukasan, hanggang labas lang ng hospital si Mavy. Hindi siya pinapapasok ng kapatid niya at wala itong pinapapasok na iba maliban na lang kay Kfer. Pero hindi siya sumuko, tinatangka niyang kausapin at pasukin sa loob ng kwarto ni Mica pero tulad kahapon, pinapapalabas lang din siya.Hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya maintindihan kung ano ang nagawa niya sa kapatid."Mav."Napaangat ang ulo ni Mavy mula sa pagkakasubsob sa kaniyang tuhod nang biglang narinig niya ang isang pamilyar na tinig na tumatawag sa kaniya. Inayos niya ang kaniyang pagkakaupo at alangang ngumiti kay Kfer."Ikaw pala 'yan," sabi niya.Ngumiti sa kaniya pabalik si Kfer at umupo sa tabi niya. Iniyuko niya ulit ang kaniyang ulo at pinaglaruan ang kaniyang mga daliri."Why are you here? Tulog ba si Mica?" tanong ni Kfer sa kaniya.Mapaklang ngumiti siya at umiiling."Hindi ko alam, eh. Hindi pa ako pumapasok... ayokong makitang nahihirapan si Mica, eh," pagsisinungaling niya.Ayaw niyang sabihin ang tot

  • Because... I love you   Chapter 3

    Naguguluhang tinignan ni Mavy ang kapatid na ngayon ay nakikipaglaro sa peke niyang kasintahang si Kfer. Successful ang operasyon nito kahapon pero paglabas nito ng operating room, hindi siya pinansin o kinausap man lang nito."May nagawa ba akong mali, Jude? Hindi naman siya gan'yan noon, eh."Totoong hindi gano'n si Mica sa kaniya. Ito na nga yata ang pinaka-sweet na taong nakilala niya. Never pa siya nitong dinedma kaya naging bigdeal kay Mavy ang inasal ng kapatid."Baka kailangan lang ng pahinga ni Mica, bakla. Alam nating pareho na clingy at malambing 'yang si Mica sa 'yo... alam kong lilipas din ang mga dedmahan moments niyo ngayon."Nasa labas si Mavy at Jude ng hospital room ni Mica ngayon. Inayang lumabas ni Mavy ang kaibigan nang nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib dahil sa sitwasyon nila ni Mica ngayon."Sana nga, Jude. Sana nga."Tinitigan nan

  • Because... I love you   Chapter 2

    "Mr. San Jose," tawag kay Mavy ng doktor ni Mica nang nakasalubong niya ito sa hallway ng hospital.Buti na lang at hindi niya kasama si Kfer ngayon dahil pumasok na raw ito sa trabaho. Kung hindi ay baka narinig nito na tinawag siyang Mister ng doktor."Bakit po, Doc?""I just want to ask for your permission para sa surgery ni Mica.""Okay na okay po ako do'n, Doc. Basta po gawin niyo po ang lahat para mapagaling niyo po ang kapatid ko.""I just also want to inform you na ang kukunin lang namin is 'yong part lang ng breast ng kapatid mo na may cancer. Luckily, hindi pa masyadong kumalat ang cancer sa katawan ni Mica pero medyo delikado pa rin ito dahil hindi kinaya ng katawan niya. Masyadong kulang sa resistansiya ang katawan niya."Tumango lang si Mavy at nagsimula nang mapakali. Umalis na rin ang doktor at sinabing babalik ito kaagad para masimulan na ang

  • Because... I love you   Chapter 1

    Masaya naman daw maging mahirap. Simpleng buhay at mapayapa. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon may saya... hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ka.Sabi nila, kakambal daw ni Saya si Sakit. Hindi mo masasabing masaya ka kung hindi mo naranasan ang sakit na dulot ni tadhana.Mahirap lang ang buhay na mayro'n si Mavy. Ulila na siya at silang dalawa na lang ng kapatid niya ang magkasama sa buhay sa loob ng dalawang taon. Two years ago, namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Kaya naman, nasa kaniya na ang mga obligasyon o responsibilibad na dapat ay ang mga magulang niya ang gumagawa.Mahirap. Napakahirap ng dinanas ni Mavy dahil sakitin din ang kapatid niya. Gusto man niyang humanap ng trabaho pero hindi niya maiwan-iwan ang kapatid. Kaya minsan, hindi sila nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Naghihintay lang sila kung sino man ang handang magbigay ng tulong sa kanila. Pero kinaya nila... kinaya nilang mabuhay sa kabila nang hirap ng buh

DMCA.com Protection Status