"Mr. San Jose," tawag kay Mavy ng doktor ni Mica nang nakasalubong niya ito sa hallway ng hospital.
Buti na lang at hindi niya kasama si Kfer ngayon dahil pumasok na raw ito sa trabaho. Kung hindi ay baka narinig nito na tinawag siyang Mister ng doktor.
"Bakit po, Doc?"
"I just want to ask for your permission para sa surgery ni Mica."
"Okay na okay po ako do'n, Doc. Basta po gawin niyo po ang lahat para mapagaling niyo po ang kapatid ko."
"I just also want to inform you na ang kukunin lang namin is 'yong part lang ng breast ng kapatid mo na may cancer. Luckily, hindi pa masyadong kumalat ang cancer sa katawan ni Mica pero medyo delikado pa rin ito dahil hindi kinaya ng katawan niya. Masyadong kulang sa resistansiya ang katawan niya."
Tumango lang si Mavy at nagsimula nang mapakali. Umalis na rin ang doktor at sinabing babalik ito kaagad para masimulan na ang operasyon ng kapatid.
Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa kapatid. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi sana mas mahirapan si Mica ngayon. Kung sana lang nagtrabaho siya noon, napapakain niya nang maayos ang kapatid at maaaring makayanan nito ang iniindang sakit kahit paano.
Pumasok siya sa maliit na chapel na malapit sa hospital. Ipagdadasal niyang magiging successful ang operasyon ng kapatid nang hindi na ito mahirapan pa.
Paluhod siyang lumapit sa may altar. Umiiyak siyang nagdasal, buti na lang at walang ibang tao kundi siya lang. All this time, Diyos lang ang kinakapitan niya para mag-survive. Alam niyang walang siyang ibang sasandalan kung hindi ang panginoon lamang.
Kasabay ang pagpahid niya sa luha ang paglakas ng hangin. Nasa labas na siya ngayon ng chapel at hinihintay ang kaibigang si Jude. Sinabi sa kaniya ng kaibigan na pupunta ito para may kasama siya ngayong araw.
"Alam kong kakayanin ni Mica, Mav. Malakas siya... tulad mo." Jude said trying to lighten up his mood.
"I don't know what to do anymore, Jude. I just hope na magiging successful nga ang operation."
"Oo nga pala, bakit nawala ka kagabi? Nilibot ko ang buong club pero 'di kita nakita. What happen? Nagka-emergency ba?"
Pangako nilang dalawa na wala silang itatago sa isa't isa. Gusto niya ring marinig galing kay Jude kung tama ba ang ginagawa niya.
Tulad ng ginawa niya kay Mica, ikinuwento ni Mavy kay Jude ang dahilan kung bakit siya biglang nawala kagabi. But unlike Mica, sinabi niya lahat-lahat kay Jude ang dahilan.
"Are you serious, Mavy? Hindi madali iyang pinasok mo. Alam kong ayaw mong may taong mapagpanggap pero ngayon... ikaw mismo ang nagpapanggap, Mavy," sermon sa kaniya ng kaibigan.
Mapait na ngumiti siya at bumaling sa kaibigan.
"Wala akong choice, Jude. Kailangan ko ng pera. Iisipin ko pa ba 'yon samantalang ang kapatid ko... naghihirap na?"
"Ando'n na tayo, eh. Pero sana man lang sinabi mo kay Mr. Vargaz na lalaki ka at hindi babae tulad ng tingin niya. Kilala mo naman si karma, 'di ba? Hindi ka ba natatakot? Hindi ka ba natatakot sa kung ano man ang maaaring maging balik sa 'yo nang ginawa mo?" mahabang litanya ni Jude.
Never nairita si Mavy kay Jude. Never siyang nagreklamo kapag pinagsasabihan siya nito dahil para sa kapakanan naman niya ito. Si Jude ang palaging sinasabihan niya ng problema at ito ang nagiging adviser niya.
"Tinulungan niya ako, Jude. Kaya tutulungan ko rin siya. Ayaw kong sabihin sa kaniya na lalaki ako dahil alam kong lalayo ang loob niya sa akin at hindi namin masusunod ang talagang plano namin."
Wala na siyang narinig na sagot galing kay Jude kaya niyaya niya na itong pumunta na sa hospital at baka tapos na ang operasyon ng kapatid.
Bumuntonghininga si Kfer at umupo sa swivel chair niya nang nakalabas na ang mga department head na nagpasa sa kaniya ng mga report. Kailangan niya itong i-review ngayon at pirmahan. Ito ang mga natambak na trabaho niya nang nag-one week leave siya.
Bubuksan na sana niya ang unang folder nang biglang tumunog ang phone niya.
"Hello, Anak? Kumusta naman ang operasyon ni Mica? Successful ba?" tanong ng ina niya nang sinagot niya ang tawag.
"Ahm. I don't know, Mom."
"Anong I don't know? Bakit hindi mo alam? Bakit hindi mo alamin? Anak, naman! Alamin mo, anak. Alamin mo," ani ng Ina niya at medyo tumaas na ang boses.
"Relax, Mom. Pupuntahan ko sila mamaya after my duty."
"Okay, anak. Make sure to inform us agad. Okay?" mahinahon nang tugon ng ina niya.
Pinatay niya ang tawag pagkatapos. Simula nang nalaman ng mga ito ang kalagayan ng kapatid ni Mavy na si Mica, hindi na siya nito natantanan kakatanong kung kumusta ito.
Ibinalik niya na lang ang atensyon sa pagre-review at pagsa-sign ng mga document. Hindi na niya nagawa pang mag-lunch dahil sa mga ito.
"Sir, lunch niyo po," anang secretary niyang si James.
"Pakilagay na lang sa center table, James. Salamat."
Lalaki ang hinire niyang secretary dahil ayaw niya sa mga babae. Masyado itong mga maarte sa tingin niya... masyadong malalandi. Ayaw na ayaw niyang may pumapasok sa opisina niyang putok sa blush-on, makapal ang make-up at malaswang suot tulad ng mga nag-apply sa kumpanya nila.
Inabot rin ng dalawang oras bago niya natapos ang ginagawa. Marahas siyang bumuga ng malalim na hininga. Hindi na niya nagawa pang kunin ang lunch na binili sa kaniya ng secretary niya dahil sa pagmamadali.
"James," tawag niya sa secretary niya nang lumabas siya ng opisina.
"Yes, sir?"
"Pakibigay sa mga department head ang mga napirmahan kong documents. Actually, lahat 'yon ay tapos ko nang pirmahan."
"Okay, sir."
Tinanguan niya lang ang secretary niya at sumakay na ng elevator. Plano niyang puntahan si Mavy sa hospital para kumustahin ang lagay ng kapatid nito.
Pagbukas ng elevator, pormal na lumabas si Kfer. Maraming bumabating empleyado sa kaniya pero wala siyang pinansin kahit isa. Diretso lang ang lakad niya patungong parking lot.
Umangkas siya sa kotse niya at binuhay ang makina nito. Bago pa niya ito napaandar palabas ng parking lot, biglang tumunog ang phone niya.
"Hello, Dwine?"
"Kfer, nakuha ko na ang pera. Salamat dito pero kulang 'to, eh. 6k kasi 'yong sapatos," malambing na sagot ng nasa kabilang linya.
"Busy ako ngayon, Dwine. Bukas na lang."
Hindi na niya hinintay ang sagot nito at pinausad na ang kotse palabas ng parking lot.
Hindi siya nagtagal at nakarating kaagad sa hospital na hindi rin naman kalayuan sa kumpanya nila.
Hindi naman siya nahirapang hanapin si Mavy dahil nakita niya kaagad ito sa lobby ng hospital at may kasama.
"Mavy," tawag niya rito dahilan para mapatalon sa gulat si Mavy pati na rin ang kasama nito.
Medyo nanibago si Kfer sa suot ngayon ni Mavy. Naka-oversize t-shirt ito at shorts na above-the-knee tapos naka-slippers lang.
"Ikaw pala 'yan. Kumusta?" tanong ni Mavy sa kaniya.
"Ako dapat magtanong sa 'yo niyan, Mav," mahinang natawa si Kfer.
"Okay naman ako. Ikaw? Kumusta na? Kumusta ang operasyon ni Mica?" dagdag niya nang hindi sumagot si Mavy.
"Okay naman ako. Iyong operasyon ni Mica, hindi pa tapos, eh."
Tumango lang si Kfer at tinignan ang kasama ni Mavy. Malaki ang pangangatawan nito pero naka-make up kaya alam kaagad ni Kfer na bakla ito.
Siguro ay nakita ni Mavy na tumingin si Kfer sa kasama niya kaya ipinakilala niya ito.
"Ahm. Kfer, si Jude nga pala, best friend ko. Jude, si Kfer. Boyfriend ko."
Pormal na iniabot naman ni Kfer ang kamay kay Jude at gano'n na rin ito sa kaniya.
"Nice meeting you, Jude."
"Nice to meet you, Kfer."
Nakaramdam si Kfer ng gutom kaya inaya niya ang dalawa na kumain muna sa cafeteria ng hospital.
"Alas-dos na, ah. Hindi ka pa rin nagla-lunch?" takang tanong ni Mavy sa kaniya.
"Maraming inasikaso sa opisina, eh."
Hindi na sila kumibo pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Maraming tao ang nasa cafeteria pagkapasok nila. Medyo nahirapan pa silang humanap ng table para sa kanilang tatlo.
Dumiretso na sa counter si Kfer at umorder ng kakainin. Hindi na lang umorder ang dalawa dahil kagagaling lang daw din nilang kumain.
"Bakla, bakit parang babae kung kumilos iyang si Kfer?" nagtatakang tanong sa kaniya ni Jude.
Napansin din 'yon ni Mavy pero binalewala niya ito. Lalaki ito sa paningin niya. Hindi naman siya nito yayayain kung baklang tunay talaga ito.
"Hindi naman."
"Ay, naku. Bahala ka, Mav. Mukhang babae, oh. Pero 'yong sinabi ko sa 'yo kanina, ha? Okay na 'yong tinulong niya sa 'yo. Huwag ka nang tatanggap pa ng mga bagay o ano pa man galing sa kaniya dahil sure akong may kapalit 'yon."
Hindi na nagsalita pa si Mavy dahil papunta na rin sa gawi nila si Kfer at may dala-dalang tray.
"Here." Inabot ni Kfer ang dalawang mamon at dalawang milktea sa kanila.
Ayaw na sanag tanggapin ni Mavy pero naunahan siya ni Jude.
"Salamat, Kfer. Actually, isaw lang ang kinain namin kanina tapos isa—"
Siniko ni Mavy si Jude para patigilin.
"Akala ko ba na hindi na dapat tatanggap ng kahit ano galing sa kaniya?" bulong niya kay Jude. Nagpeke pa siya nang ngiti dahil nakatingin sa kanila si Kfer.
Pinandilatan siya ng kaibigan.
"Grasya na 'to, bakla. Alam kong hindi ka pa nakakakain ng mamon kaya huwag kang mag-inarte," ngumiti rin si Jude sa kaniya.
"May problema ba?" tanong ni Kfer sa kanila.
Nagpeke sila ng tawa na para bang nakakatawa ang pinag-uusapan nila.
"Haha. Wala naman," sagot ni Jude at kinuha ang mamon na para kay Mavy at isinubo ito sa kaniya.
Dahil sa ginawa ni Jude ay muntik nang maisuka ni Mavy ang mamon. Dali-dali niyang kinuha ang milktea at uminom.
"Okay ka lang, Mav?" nag-aalalang tanong ni Kfer sa kaniya.
Matagal bago pa nakasagot si Mavy.
"O-Okay lang,"
Pinipigilan ng kaibigang si Jude ang tawa dahil sa hitsura ngayon ni Mavy. Hindi niya aakalaing titiklop pala ito dahil lang kay Kfer. Kung nagkataon mang wala si Kfer, alam niyang bugbog siya kay Mavy.
Hindi rin naman sila nagtagal doon at bumalik na lang sa lobby ng hospital. Doon nila hihintaying matapos ang operasyon ng kapatid.
"Fortunately, nakayanan ni Mica ang operasyon. Kailangan niya lang ng pahinga para maka-recover kaagad," masayang tugon sa kanila ng doctor ni Mica pagkalabas nito sa operating room.
Nabigla si Kfer nang biglang yumakap si Mavy sa kaniya nang mahigpit.
"Thank you so much, Kfer. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi maooperahan ang kapatid ko," naiiyak nitong tugon.
Hindi pa rin naka-recover si Kfer sa gulat. Nakaramdam siya ng bagong feeling na hindi niya mapangalanan.
Humiwalay si Mavy sa pagkakayakap sa kaniya nang na-realize nito ang posisyon nilang dalawa. Sinulyapan niya ang kaibigan na ngayon ay may nanunuksong tingin sa kaniya.
Binalewala niya ang hiya dahil mas lamang ang saya na nararamdaman niya ngayon dahil successful ang operasyon ng kapatid.
Naguguluhang tinignan ni Mavy ang kapatid na ngayon ay nakikipaglaro sa peke niyang kasintahang si Kfer. Successful ang operasyon nito kahapon pero paglabas nito ng operating room, hindi siya pinansin o kinausap man lang nito."May nagawa ba akong mali, Jude? Hindi naman siya gan'yan noon, eh."Totoong hindi gano'n si Mica sa kaniya. Ito na nga yata ang pinaka-sweet na taong nakilala niya. Never pa siya nitong dinedma kaya naging bigdeal kay Mavy ang inasal ng kapatid."Baka kailangan lang ng pahinga ni Mica, bakla. Alam nating pareho na clingy at malambing 'yang si Mica sa 'yo... alam kong lilipas din ang mga dedmahan moments niyo ngayon."Nasa labas si Mavy at Jude ng hospital room ni Mica ngayon. Inayang lumabas ni Mavy ang kaibigan nang nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib dahil sa sitwasyon nila ni Mica ngayon."Sana nga, Jude. Sana nga."Tinitigan nan
Kinabukasan, hanggang labas lang ng hospital si Mavy. Hindi siya pinapapasok ng kapatid niya at wala itong pinapapasok na iba maliban na lang kay Kfer. Pero hindi siya sumuko, tinatangka niyang kausapin at pasukin sa loob ng kwarto ni Mica pero tulad kahapon, pinapapalabas lang din siya.Hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya maintindihan kung ano ang nagawa niya sa kapatid."Mav."Napaangat ang ulo ni Mavy mula sa pagkakasubsob sa kaniyang tuhod nang biglang narinig niya ang isang pamilyar na tinig na tumatawag sa kaniya. Inayos niya ang kaniyang pagkakaupo at alangang ngumiti kay Kfer."Ikaw pala 'yan," sabi niya.Ngumiti sa kaniya pabalik si Kfer at umupo sa tabi niya. Iniyuko niya ulit ang kaniyang ulo at pinaglaruan ang kaniyang mga daliri."Why are you here? Tulog ba si Mica?" tanong ni Kfer sa kaniya.Mapaklang ngumiti siya at umiiling."Hindi ko alam, eh. Hindi pa ako pumapasok... ayokong makitang nahihirapan si Mica, eh," pagsisinungaling niya.Ayaw niyang sabihin ang tot
Masaya naman daw maging mahirap. Simpleng buhay at mapayapa. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon may saya... hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ka.Sabi nila, kakambal daw ni Saya si Sakit. Hindi mo masasabing masaya ka kung hindi mo naranasan ang sakit na dulot ni tadhana.Mahirap lang ang buhay na mayro'n si Mavy. Ulila na siya at silang dalawa na lang ng kapatid niya ang magkasama sa buhay sa loob ng dalawang taon. Two years ago, namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Kaya naman, nasa kaniya na ang mga obligasyon o responsibilibad na dapat ay ang mga magulang niya ang gumagawa.Mahirap. Napakahirap ng dinanas ni Mavy dahil sakitin din ang kapatid niya. Gusto man niyang humanap ng trabaho pero hindi niya maiwan-iwan ang kapatid. Kaya minsan, hindi sila nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Naghihintay lang sila kung sino man ang handang magbigay ng tulong sa kanila. Pero kinaya nila... kinaya nilang mabuhay sa kabila nang hirap ng buh

"Mr. San Jose," tawag kay Mavy ng doktor ni Mica nang nakasalubong niya ito sa hallway ng hospital.Buti na lang at hindi niya kasama si Kfer ngayon dahil pumasok na raw ito sa trabaho. Kung hindi ay baka narinig nito na tinawag siyang Mister ng doktor."Bakit po, Doc?""I just want to ask for your permission para sa surgery ni Mica.""Okay na okay po ako do'n, Doc. Basta po gawin niyo po ang lahat para mapagaling niyo po ang kapatid ko.""I just also want to inform you na ang kukunin lang namin is 'yong part lang ng breast ng kapatid mo na may cancer. Luckily, hindi pa masyadong kumalat ang cancer sa katawan ni Mica pero medyo delikado pa rin ito dahil hindi kinaya ng katawan niya. Masyadong kulang sa resistansiya ang katawan niya."Tumango lang si Mavy at nagsimula nang mapakali. Umalis na rin ang doktor at sinabing babalik ito kaagad para masimulan na ang