Share

Chapter 7.3

Author: Duraneous
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Parehong nakalaglag ang mga panga naming apat. Tatanungin ko na sana sila pero obvious na obvious sa mga reaction nila na wala silang kaalam-alam sa nangyayari.

"Totoo ba 'yong narinig ko?" tanong bigla ni Keith.

Halo-halong emosyon ang makikita ko sa mata ni Keith. Naguguluhan, nasasaktan at tampo. Well, naiintindihan ko siya. Matagal na niyang kaibigan si Xander at matagal na siyang may gusto kay Jenelle, at alam ni Xander 'yon pero sa isang iglap, malalaman niya na lang na mag-jowa na ang dalawa? Kahit saang banda, masakit 'yon. Masakit na masakit 'yon. Walang sumagot sa tanong niya dahil wala naman talagang may alam.

"Jaypee."

Napaangat kaming apat nang may biglang dumating sa table namin at tinawag si jaypee. May pagka-mestisa ito, singkit at siguro, kaedad lang ni Mommy.

"Tita," bati ni Jaypee.

Tumayo si Jaypee, gano'n na rin ang ginawa namin. Unang b****o si Jaypee na sinundan ni Franzen, Keith at ako ang panghuli.

"Where's Xander?"

Medyo may pagka-korean ang accent niya. Ito siguro ang Mommy ni Xander. Nabanggit niya kasi sa 'kin before na may lahing Korean siya.

"Ahm," napakamot si Jaypee sa batok, nawawalan ng masabi. "Umalis po, Tita... kasama po si Jenelle."

"Al gess-eoyo. gamsa haeyo."

"Cheonman-eyo, ajumma."

Nakanganga lang kaming apat dahil wala naman kaming naintindihan. Umalis na ang babae sa harap namin kaya may pagkakataon na akong itanong kung tama ba talaga ang hinala ko.

"Mommy ba ni Xander, 'yon?"

Tumango lang si Jaypee kaya hindi na ako nagngulit pa. Bumalik na lang kami sa pagkakaupo. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin maka-get over ang tatlo sa nasaksihan nila kanina. Well, ako, okay na naman sa 'kin. That's their life. Wala na kaming magagawa sa kanila. Eh, sino ba naman ako? Isa lang akong hamak na kaibigan na palihim na may pagtingin sa kaniya.

"Oh my God!"

Napatingin kaming apat kay Franzen. Mukhang nataranta pa si Jaypee nang nakita niyang naiiyak ang girlfriend niya.

"Bakit? Anong nangyari? Okay ka lang?"

"Totoo ba 'yong nakita ko? Totoo ba 'yon?"

"Ang alin?" singit ko. Medyo nag-aalala na rin ako kay Franzen dahil nanginginig siya.

"Iyong cake kanina. Ang sarap kasing tingnan. Gusto ko nang gano'n, baby. Pwede ba akong manghingi? Please?"

Pareho kaming napatunganga ni Jaypee dahil sa sinabi ni Franzen. Akala ko naman kung anong napaka-importante dahil nanginginig pa talaga siya. Cake lang naman pala.

Umalis si Jaypee sandali dahil kukuha raw siya ng cake para sa girlfriend niya. Biglang tumayo si Keith at nakapamulsang humarap sa 'ming dalawa ni Franzen.

"Una na ako, guys."

Hindi na niya kami hinayaang sumagot at pigilan siya. Tumalikod siya sa 'min at diretsong naglakad palabas. Hindi ko masasabing alam ko ang nararamdaman niya pero naiintindihan ko siya. Gano'n na lang ba talaga ka-importante si Jenelle sa buhay niya? Eh, halata namang wala siyang puwang sa buhay nito, eh.

"Alam ko ang nararamdaman ni Keith."

Nakuha ni Franzen ang buong atensyon ko. Hindi ako sumagot kaya ipinagpatuloy niya ang dapat niyang sabihin.

"Gan'yan din kasi kami ni Jaypee noon. Naalala mo no'ng sinabi ko sa 'yo noon? 'Yong sinabi ko sa 'yong sinagot ko kaagad siya no'ng nangligaw siya sa 'kin?"

"Ahm, oo."

"Sinagot ko siya noon kasi nanghingi siya ng tulong sa 'kin. Sinabi niya sa 'kin na may girlfriend na siya pero hindi niya naman mahal 'yon. Ang parents niya lang ang may gusto sa babaeng 'yon kasi anak 'yon ng business partner nila. Syempre no'ng nalaman ko 'yon, nasaktan ako, crush ko siya, eh."

"Sinabi niya sa 'king kailangan niyang humanap ng babae na handang magpanggap na jowa niya para ipakilala sa parents niya... para mahiwalayan niya 'yong babaeng anak ng business partner nila. No'ng una, ayaw niyang ako ang gamitin, kasi hindi ko raw deserve 'yon. Mas deserve kong mahalin ng totoo... hindi ko raw deserve na gamitin lang ng isang katulad niya. Eh, kung kasing gwapo niya lang naman ang gagamit sa 'kin, why not, 'di ba?"

Medyo natawa ako sa huling sinabi ni Franzen. Halata sa mukha niyang nasasaktan siyang balikan ang nangyari noon sa pagitan nila ni Jaypee pero nakuha niya pang tumawa.

"So, 'yon. In the end, sa 'kin pa rin ang bagsak niya. Ako ang ginamit niya. Sabi pa niya sa 'kin noon na kahit hanggang isang buwan lang 'yong pekeng relasyon namin kasi hindi ko naman daw siya gusto... hindi ko raw siya mahal. Gusto ko nga siyang sagutin noon na kung alam niya lang na palagi ko siyang pinagnanasahan sa isip ko, eh. Pero hindi pa kasi gano'n kakapal ang mukha ko noon. Pero luckily, hindi lang kami hanggang isang buwan, kasi habang tumatagal, napamahal na kami sa isa't isa."

"Hey, anong pinag-uusapan niyo?"

Hindi namin namalayan ang pagdating ni Jaypee habang may dala-dalang 4 na slices ng cake. Medyo nakatuon lang kasi kami sa isa't isa ni Franzen.

"Sinabi ko lang kay Raya 'yong nangyari sa 'tin noon. Ganito rin kasi tayo noon, 'di ba? Crush kita tapos nalaman kong may girlfriend ka na. Ang sakit lang."

"Oh, I'm sorry, baby. Hindi ko naman sinasadya 'yon, eh."

"Eh, ano pa nga ba? Mahal kita, eh."

Tumukhim ako dahil parang hindi na ako maka-relate sa kanila. Tumawa lang ang dalawa.

"By the way, where's Keith?"

"Ayon, umalis na. Hindi yata kinaya ang nga revelations ngayon, eh," sagot naman ni Franzen.

"Loko 'yon, ah."

"Hayaan mo na, sadboy, eh."

Hindi na kumibo pa si Jaypee at iniabot na lang sa amin ni Franzen ang tig-iisang slice ng cake.

"Thank you."

"Pwe! Bakit ganito 'yong amoy? Ang pangit naman ng amoy na 'yan, baby. Ilayo mo sa 'kin 'yan. Please."

Inamoy ko ang cake pero hindi naman pangit ang amoy. Gano'n na rin ang ginawa ni Jaypee.

"Hindi naman, ah."

Tinakpan na lang ni Franzen ang bibig niya at patakbong umalis. Hindi ko alam kung saan ang punta niya pero nagmamadali kaming sumunod sa kaniya ni Jaypee. Parehong nag-aalala kung ano ang nagyayari sa kaniya.

Napahinto kaming pareho ni Jaypee nang narinig naming dumuduwal na si Franzen sa loob ng powder room. Nanlaki pa ang mata ni Jaypee na nakatingin sa 'kin bago nagmamadaling pumasok sa loob. Sumunod na rin ako sa kaniya.

Naabutan naming nagkalat na sa buong lababo ang idinuwal niya. Inalis ko ang tingin ko roon kasi feeling ko, anytime ay masusuka na rin ako.

"What happen?"

"I don't know, bigla na lang... bigla na lang kasi akong nasuka no'ng naamoy ko 'yong cake. Hindi ko rin maintindihan, eh. Alam mo namang paborito ko 'yon, 'di ba? Kaya ewan ko kung paano at bakit nangyari 'yon."

Bigla na lang akong natulala. Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang posibleng nagyayari kay Franzen. Nilingon ko ang dalawa na ngayon ay magkayakap na.

"Buntis ka ba, Franzen?"

Biglang napahiwalay si Franzen kay Jaypee at tiningnan ako ng masama.

"Raya, bakit mo nasasabi 'yan? Pino-point mo bang gano'n akong babae? Pino-point mo bang pabaya ak—"

Hindi ko alam pero biglang nanlaki ang mga mata ni Franzen at bumaling sa boyfriend niya na ngayon ay parang naubusan na ng dugo dahil sa putla.

"Oh my god! Ito na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo, eh. Bakit ba kasi hindi ka nakinig sa 'kin, Jaypee?" naiiyak na sabi ni Franzen at hinahampas pa ang d****b ni Jaypee.

"Hindi ko alam na mangyayari 'to, okay? I'm sorry."

Hindi man nila sabihin pero alam ko kung ano ang pinag-uusapan nila. I can't believe this. They're too young para sa bagay na 'yon. Grade 10 pa lang kami for God's sake.

Hindi kami nagtagal sa powder room kasi pare-pareho na kaming nadidiri sa amoy roon. Bumalik kami sa table namin. Walang nagsasalita.

"Raya, I hope you don't judge us."

"Bakit ko naman kayo huhusgahan, Jaypee? Hindi niyo nga ako hinusgahan no'ng nalaman niyong pinagsamantalahan ako, 'di ba?" ngumiti pa ako sa kanila.

"Hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang mangyayari, eh," tila nagsisising tugon ni Jaypee.

"So pinagsisisihan mo ang nangyari sa 'tin, gano'n ba, Jaypee?"

"Of course, not. Masyado kasing mabilis ang pangyayari."

"Siguro mas better kung magpa-check up muna kayo para naman sure, 'di ba?"

"Uh, Pwede mo ba kaming samahan sa sabado, Raya?" ani ni Jaypee.

"Ha? Eh, sige. Wala rin naman akong gagawin, eh."

"Salamat."

Todo bantay si Jaypee kay Franzen buong magdamag. Kinukuha niya lahat ng gustong kainin Franzen kahit pa palagi na lang na hindi nito kinakain ng girlfriend. Nagpaalam na rin ako sa kanila no'ng nag-text si Mommy na uuwi na raw kami at late na. Nangako na lang ako sa kanilang sasamahan ko silang dalawa bukas para magpa-check up.

Madaling araw na siguro ako nakatulog dahil puno ang isip ko. Hindi ko kaagad naproseso ang mga nangyari kanina sa party. Iyong nalaman naming magjowa pala si Jenelle at Xander, 'yong nakwento ni Franzen ang nangyari sa kanila ni Jaypee noon at 'yong hinala naming buntis nga si Franzen.

What a day!

Related chapters

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 8

    Tulad nang nakasanayan, maaga akong pumunta sa school pero parang late pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ang may problema. Advance lang siguro ang oras ng school kaysa sa bahay kaya gano'n.Pagkababa ko ng sasakyan, sinalubong kaagad ako ng isang maganda at fresh na preggy."Good morning, Raya.""Good morning, Franz," pabalik na bati ko sa kaniya. "Oh, bakit ka pa nandito at saka nasaan si Jaypee?" tanong ko nang napansin kong siya lang mag-isa."Nauna na siyang pumasok sa 'kin, sabi niya, kakausapin niya raw si Keith at Jaypee about doon sa nnagyari kagabi at sasabihin niya raw 'yong hinala natin about sa nangyari sa 'tin."Oo nga pala. Siguro ay mayro'n pang tampo si Keith about sa nangyari kagabi. Siguro nga ay tama ang gagawin ni Jaypee para hindi rin kami mahihirapang makisama sa kanila. Mahirap rin nama

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 9

    Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, dali-dali ko itong sinagot. Ni-loud speaker ko na lang ito para marinig ko pa rin habang nagbibihis ako."Uy, Thalia. Good morning!""Good morning, Raya. Kumusta ka na?""Okay naman. Ikaw ba?""O-Okay naman," medyo may pag-alinlangang sagot niya.Napaupo tuloy ako sa kama... nag-aalala kung talagang okay siya. Alam ko kung okay ba talaga ito o hindi kasi hindi naman ito nag-aalangan kapag tinatanong ko ito noon."Okay ka ba talaga?"Natahimik siya sa kabilang linya. Hindi ko siya kinulit dahil alam kong ayaw na ayaw niya no'n. Kalaunan ay nakarinig ako ng mahinang hikbi."W-Wala akong k-kwenta, Raya. I'm useless. Nang dahil sa 'kin... nag-away sina Mama'

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 10

    "V-Vince?" Paano ako natunton ng lalaking 'to?Nagtangka siyang lumapit sa 'kin kaya dali-dali akong naglakad papalayo sa kaniya. Pero dahil nga matataas ang biyas niya, ay naabutan niya pa rin ako at marahas na hinawakan ang braso ko. Bakit ba kasi nandito 'to? Paano niya ba ako napuntahan? Taena naman."Raya, please. Kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya."Wala na tayong dapat pag-usapan, Vince. Pwede ba, bitawan mo ako?"Imbes na bitawan ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko."No. May dapat tayong pag-usapan, Raya. Bumiyahe ako galing Batangas para sa 'yo tapos hindi mo ako kakausapin?"Aba, ang kapal nga naman ng kalyo sa mukha nitong lalaking 'to."Eh, sino bang may sabi sa 'yong pumunta ka rito?" na

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 11

    Pagkapasok ko ng school kinabukasan, nahagip kaagad sa paningin ko si Jaypee na nakaupo lang sa isa sa mga bench malapit sa building namin at mukhang may malalim na iniisip. Alam na kaya ng mga magulang nila?"Hi, morning," bati ko sa kaniya at umupo sa tabi niya.Bahagya lang siyang tumango pero hindi siya nag-angat ng tingin sa 'kin."Si Franzen?"Nanatili siyang nakayuko at hindi nagsasalita kaya bigla akong kinabahan."Wala na. Umalis na siya, R-Raya," naiiyak na aniya.Hindi ko alam ang gagawin ko nang unti-unting nalaglag ang mga luha niya."H-Ha?""Alam na ng parents niya... kaya sila umalis. N-nalaman ko lang... kanina no'ng susunduin ko na dapat siya."

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Prologue

    Maginhawa ang buhay ko noon sa Laguna kasama ang mga magulang ko. Iyong tipong binibigay nila lahat ng gusto ko, mga pangangailangan ko at kahit ang mga bagay na hindi ko naman hinihingi sa kanila. Maraming naiinggit na mga kaedad ko sa kung anong meron ako.Pero ang hindi nila alam, hindi ako masaya sa buhay kong ito. Hindi batayan sa 'kin ang materyal na nabibigay sa 'kin ng mga magulang ko para maging masaya. Ang tanging bagay lang na gusto ko ay magkaroon kami ng bonding nina Mommy't Daddy, pero wala eh.Hanggang dumating 'yong puntong kinailangan kong lumipat sa puder ng Lola ko dahil sa mga trabahong tinahak nila. Pareho silang politicians, Mayor si Daddy habang kapitana naman si Mommy. Busy sila masyado at hindi nila ako nabibigyan ng sapat na oras at atensyon... mas pinili nilang kay Lola na lang ako manirahan pansamantala.Kaya heto ako ngayon, after a couple of years, babalik sa puder nila dahil sa isang pangyayaring gusto kong kalimutan.

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 1

    Raya Digo "Bakit ka ba lumipat dito sa Laguna?" anang kaibigan kong si Keith. Almost 2 months na akong nandito sa Laguna. Simula no'n, nakasanayan na namin ni Keith ang lumabas every Sunday. Bonding na rin, gano'n. Nandito kami ngayon sa paborito naming coffee shop na malapit lang sa village namin. Linggo ngayon kaya lumabas kaming dalawa. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay at siya naman ang kasama ko kaya okay lang. Sumimsim pa muna ako ng kape bago ko siya sinagot. "Because I want to." "Naku! Kung ako ikaw, do'n na lang ako sa Batangas, maganda rin naman do'n, hindi ba?" "Kung naranasan mo lang ang mga pinagdaanan ko sa Batangas, Keith... sigurado akong aalis ka rin do'n at dito rin ang bagsak mo." Iyan sana ang isasagot ko sa kaniya pero huwag na lang pala, baka kasi tanong lang siya nang tanong. Mahal pa naman laway

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 2

    Kinabukasan, maaga akong nagising. Pagtingin ko sa orasan na nasa side table ng kama ko, 5:11 am pa lang. Hindi pa siguro umalis sina Mommy't Daddy. Hindi na ako nagsayang pa ng oras kakahilata sa kama, agad akong naligo at ginawa ang iba ko pang ritwal. Wala pa akong school uniform so nagsuot muna ako ng white t-shirt tucked inside my high-waisted mom jeans, partnered with white sandals.Pababa ko sa hagdan, nakita ko si Keith na nakaupo na sa sala kasama si Daddy."Hi Raya. Good morning," nakangiting bati sa akin ni Keith nang nakita niya ako."Good morning din."Lumapit ako gawi nila at umupo sa tabi ni Daddy."Good morning, Dad." Hinalikan ko pa sa pisngi si Daddy."Good morning too, Baby. How's your sleep?""Hindi ko po alam, tulog po ako, eh."Narinig ko pang mahinang tumawa si Keith habang si Daddy naman.

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 3

    Natapos ang pang-umaga naming klase na puro ako pagpapakilala sa mga lecturer ko. Masasabi kong maganda naman silang makitungo sa mga estudyante rito.Actually, lahat ng nandito ay naaayon sa plano ko. Gusto ko kasing mag-aral nang mapayapa at sa tingin ko... nasa tamang paaralan ako.Iyong mga estudyanteng nakakasalubong namin ay ngumingiti sa 'kin, which is strange for me. Hindi naman kasi ganito ang mga estudyante sa former school ko.Tinatahak namin ngayon ni Keith ang pasilyo patungong canteen. Dito raw kami kakain para ma-try ko ang mga pagkain nila rito.Punong-puno ng estudyante ang canteen pagkapasok namin ni Keith. Lahat ng tables ay occupied na rin.Hinawakan ako ni Keith sa kamay at hinila papunta sa kanang bahagi ng canteen. Huminto kami sa table kung saan nakaupo na do'n sina Franzen at Jaypee— iyong dalawang nagpakilala sa 'kin kanina."H

Latest chapter

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 11

    Pagkapasok ko ng school kinabukasan, nahagip kaagad sa paningin ko si Jaypee na nakaupo lang sa isa sa mga bench malapit sa building namin at mukhang may malalim na iniisip. Alam na kaya ng mga magulang nila?"Hi, morning," bati ko sa kaniya at umupo sa tabi niya.Bahagya lang siyang tumango pero hindi siya nag-angat ng tingin sa 'kin."Si Franzen?"Nanatili siyang nakayuko at hindi nagsasalita kaya bigla akong kinabahan."Wala na. Umalis na siya, R-Raya," naiiyak na aniya.Hindi ko alam ang gagawin ko nang unti-unting nalaglag ang mga luha niya."H-Ha?""Alam na ng parents niya... kaya sila umalis. N-nalaman ko lang... kanina no'ng susunduin ko na dapat siya."

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 10

    "V-Vince?" Paano ako natunton ng lalaking 'to?Nagtangka siyang lumapit sa 'kin kaya dali-dali akong naglakad papalayo sa kaniya. Pero dahil nga matataas ang biyas niya, ay naabutan niya pa rin ako at marahas na hinawakan ang braso ko. Bakit ba kasi nandito 'to? Paano niya ba ako napuntahan? Taena naman."Raya, please. Kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya."Wala na tayong dapat pag-usapan, Vince. Pwede ba, bitawan mo ako?"Imbes na bitawan ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko."No. May dapat tayong pag-usapan, Raya. Bumiyahe ako galing Batangas para sa 'yo tapos hindi mo ako kakausapin?"Aba, ang kapal nga naman ng kalyo sa mukha nitong lalaking 'to."Eh, sino bang may sabi sa 'yong pumunta ka rito?" na

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 9

    Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, dali-dali ko itong sinagot. Ni-loud speaker ko na lang ito para marinig ko pa rin habang nagbibihis ako."Uy, Thalia. Good morning!""Good morning, Raya. Kumusta ka na?""Okay naman. Ikaw ba?""O-Okay naman," medyo may pag-alinlangang sagot niya.Napaupo tuloy ako sa kama... nag-aalala kung talagang okay siya. Alam ko kung okay ba talaga ito o hindi kasi hindi naman ito nag-aalangan kapag tinatanong ko ito noon."Okay ka ba talaga?"Natahimik siya sa kabilang linya. Hindi ko siya kinulit dahil alam kong ayaw na ayaw niya no'n. Kalaunan ay nakarinig ako ng mahinang hikbi."W-Wala akong k-kwenta, Raya. I'm useless. Nang dahil sa 'kin... nag-away sina Mama'

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 8

    Tulad nang nakasanayan, maaga akong pumunta sa school pero parang late pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ang may problema. Advance lang siguro ang oras ng school kaysa sa bahay kaya gano'n.Pagkababa ko ng sasakyan, sinalubong kaagad ako ng isang maganda at fresh na preggy."Good morning, Raya.""Good morning, Franz," pabalik na bati ko sa kaniya. "Oh, bakit ka pa nandito at saka nasaan si Jaypee?" tanong ko nang napansin kong siya lang mag-isa."Nauna na siyang pumasok sa 'kin, sabi niya, kakausapin niya raw si Keith at Jaypee about doon sa nnagyari kagabi at sasabihin niya raw 'yong hinala natin about sa nangyari sa 'tin."Oo nga pala. Siguro ay mayro'n pang tampo si Keith about sa nangyari kagabi. Siguro nga ay tama ang gagawin ni Jaypee para hindi rin kami mahihirapang makisama sa kanila. Mahirap rin nama

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 7.3

    Parehong nakalaglag ang mga panga naming apat. Tatanungin ko na sana sila pero obvious na obvious sa mga reaction nila na wala silang kaalam-alam sa nangyayari."Totoo ba 'yong narinig ko?" tanong bigla ni Keith.Halo-halong emosyon ang makikita ko sa mata ni Keith. Naguguluhan, nasasaktan at tampo. Well, naiintindihan ko siya. Matagal na niyang kaibigan si Xander at matagal na siyang may gusto kay Jenelle, at alam ni Xander 'yon pero sa isang iglap, malalaman niya na lang na mag-jowa na ang dalawa? Kahit saang banda, masakit 'yon. Masakit na masakit 'yon. Walang sumagot sa tanong niya dahil wala naman talagang may alam."Jaypee."Napaangat kaming apat nang may biglang dumating sa table namin at tinawag si jaypee. May pagka-mestisa ito, singkit at siguro, kaedad lang ni Mommy."Tita," bati ni Jaypee.Tumayo si Jaypee, gano'n na rin ang ginawa namin. Unang bum

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 7.2

    Ipinarada ni Kuya Dan ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Hindi ko gaanong kita ang disenyong nito dahil medyo madilim na rin. Habang papasok sa malaking bahay na iyon, lagi lang akong nakayuko dahil sa nakakasilaw na mga ilaw galing sa mga camera ng mga reporter na nasa gilid. Hindi ko alam na covered by media pala itong party na ito. Kung nalaman ko lang, sana hindi na ako sumama pa. "Are you okay?" biglang tanong ni Mommy habang nakahawak ako sa kanilang dalawa ni Daddy. "Hindi ko naman po alam na may media po pala. Sana hindi na lang po ako sum—" "Good Evening, pare. Buti naman at nakapunta ka, kakalimutan ko na sanang magkaibigan tayo, eh." Isang baritonong boses ang sumalubong sa aming tatlo. May edad na rin siguro ito dahil halos kulay puti na rin ang kaniyang bigote at ang buho

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 7.1

    Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi. Palagi kasing sumasagi sa isip ko ang mumunting reaksiyon na nakita ko kay Xander kahapon. Kung paano siya natulala pagkatapos nilang marinig ang kwento ng nakaraan ko, ang mga tawa niya, at kahit ang pagsimangot niya. Sa iksi nang panahon na nakasama ko si Xander, masasabi kong magaan ang loob ko sa kaniya at alam ko na siya 'yong tipo ng kaibigan na andiyan palagi para sa 'yo na handang pakinggan ka sa mga kadramahan mo sa buhay, handang damayan ka lalo na sa mga oras na down na down ka na. Hindi ko pa siya gaanong kakilala. Hindi ko pa alam ang mga strength at weaknesses niya. Hindi pa ako umaabot sa puntong pinapangarap ko na sana kami na lang, na sana siya na lang ang nakilala ko noon kaysa kay Vince. Pero alam kung humahanga ako sa kaniya, by his physical appearance at sa mga maliliit na bagay na alam ko tungkol sa kaniya— positive or negative.

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 6

    "What now?"Nasa sala na kami ngayon, kakarating lang namin. Kaming lima na lang nina Franzen, Jaypee, Keith at Xander ang magkasama dahil nagpaalam si Daddy na may aasikasuhin pa raw siya, si mommy naman ay pumunta muna sa kusina para maghanda ng pagkain."May wine ba kayo rito, Raya?""Meron naman. Bakit?" sagot ko kay Franzen."Gagamitin sana natin. Since we're bored, bakit hindi tayo maglaro?""Anong laro naman?" nagtatakang tanong ni Jaypee kay Franzen."Truth or Dare.""Uy, Game!""G!"Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagsang-ayon ng tatlo. Medyo kinakabahan ako sa larong naisip nila kasi baka may maitanong silang hindi ko masagot o masyadong personal.Kabado man

  • Accidentally Inlove with Mr. President   Chapter 5.3

    Napalingon kaming lahat nang may biglang galit na sumigaw. Iyong adviser lang pala ni Jenelle— mukhang pinapagalitan siya. Dahil siguro sa kasabihan niya? We don't know.Hindi na kami nakinig sa usapan ni Jenelle at ng adviser nila. Nagbihis na rin ako. Nagsuot lang ako ng isang blue formal dress. Iyong mga kasama ko naman ay suot-suot pa rin ang white t-shirt na may print ng mukha ko pero nagdagdag sila ng denim jacket para match daw sa blue dress ko.Kinabahan ako nang nagsimula na ang talent portion. May mga kumanta, sumayaw, tumula, at umarte. Pang-sampo ako kaya medyo nape-pressure ako dahil nakita ko na ang mga pinagmamalaking talent ng ibang mga contestant.Mas dumoble ang kaba ko nang ako na ang tinawag. Matagal bago kami nagsimula dahil sinet-up pa ang mga instrument na gagamitin namin.Todo cheer ang mga classmate namin nang nagsimula na si Keith sa pagtipa sa piano. Iwinagayway pa ni

DMCA.com Protection Status