Kinabukasan, maaga akong nagising. Pagtingin ko sa orasan na nasa side table ng kama ko, 5:11 am pa lang. Hindi pa siguro umalis sina Mommy't Daddy. Hindi na ako nagsayang pa ng oras kakahilata sa kama, agad akong naligo at ginawa ang iba ko pang ritwal. Wala pa akong school uniform so nagsuot muna ako ng white t-shirt tucked inside my high-waisted mom jeans, partnered with white sandals.
Pababa ko sa hagdan, nakita ko si Keith na nakaupo na sa sala kasama si Daddy.
"Hi Raya. Good morning," nakangiting bati sa akin ni Keith nang nakita niya ako.
"Good morning din."
Lumapit ako gawi nila at umupo sa tabi ni Daddy.
"Good morning, Dad." Hinalikan ko pa sa pisngi si Daddy.
"Good morning too, Baby. How's your sleep?"
"Hindi ko po alam, tulog po ako, eh."
Narinig ko pang mahinang tumawa si Keith habang si Daddy naman... he looked peeved.
"Hehe. Okay lang po, Dad," bawi ko sa kaniya.
Nakahinga ako ng maluwag nang biglang sumulpot si Mommy galing sa kusina. Buti naman at hindi ko makikita ang bangis ng isang naasar na Rome Digo.
"Good morning, Baby. Good morning, Keith." bati niya sa amin ni Keith at hinalikan pa ako sa pisngi.
"Good morning too, Mom."
"Good morning too, Tita."
Sabay naming bati pabalik sa kaniya.
"Breakfast is ready. Kumain muna kayo bago pumasok sa school. Kumain ka na rin do'n Keith," nakangiting ani Mommy at tumabi kay Daddy.
Sabay naming tinungo ni Keith ang kusina para mag-agahan. Pagpasok namin sa kusina, nakita namin kaagad ang dining table na puno ng pagkain.
Habang kumakain kami, panay ang kwento sa 'kin ni Keith about sa mga karanasan niya rito sa Laguna noong mga panahong nasa Batangas ako. He's hoping na kasama niya ako sa memories na 'yon. Close kami ni Keith to the point na gagawan kami ng issue ng mga taong nakapaligid sa 'min.
After naming mag-breakfast, napagdesisyunan naming umalis na at baka ma-late pa kami sa klase. Hindi na kami nagpahatid kay Kuya Dan papuntang school dahil may dalang sasakyan naman daw si Keith.
"Alis na po kami, Mom, Dad," paalam ko sa kanila at hinalikan silang pareho sa pisngi.
"Mag-ingat kayo," nakangiting paalala ni Mommy.
"We will, Tita." ani Keith at tumalikod na.
Isang magandang motor ang bumungad sa 'kin pagkalabas namin. Iyong Ducati na motor.
"Bago ba 'to?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Oo, bigay 'yan sa 'kin ni Lolo kahapon. Hindi na nila ako pinayagang magkotse, kaya motor na lang daw."
"Ay, dahil pa rin ba do'n sa nangyari noon?"
Tumango si Keith at napakamot sa ulo.
Naaksidente kasi iyang si Keith dati dahil umalis siya ng bahay nila dala ang kotse ng Daddy niya para umattend ng party nang hindi nagpapaalam. Nalasing siya no'n kaya pag-uwi niya, nakabangga siya, buti na lang at okay na raw ngayon ang nabangga niya.
"Hindi ba delikado mag-motor?" kinakabahang tanong ko sa kaniya habang sinusuotan niya ako ng helmet habang siya ay nakasakay na sa Ducati niya.
"Hmm, don't worry... marunong na akong mag-drive," natatawang tugon niya.
"Okay, siguraduhin mo lang at baka masapak kita." tugon ko at umangkas na.
Tawa lang ang sinagot niya sa 'kin at pinaandar iyon palabas ng village. Hindi nagtagal at nakarating na kami sa school. Isang malaking parking lot ang bumungad sa 'kin.
"Ang laki naman ng parking Lot dito." Bumaba na ako sa Ducati niya at ipinalibot ang paningin sa kabuuan ng parking lot.
Karamihan sa mga nakita kong sasakyan na naka-park ay mga motor. Iilan lang ang kotse na nakita ko.
"Oo nga, eh. Pinasadya raw talaga ito para iwas disgrasya."
"Ah, kaya naman pala."
Nasa gano'n kaming sitwasyon nang makarinig kami nang tunog ng bell.
"Shit," mura ni Keith.
"Keith, anong meron?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Tara na. Late na tayo." Hinila pa niya ako papasok sa gate.
Lakad-takbo ang ginawa namin ni Keith habang tinungo ang building kung nasaan ang classroom namin. Buti na lang at magkaklase kami ni Keith dahil kung hindi, baka kung saan-saan na ako ngayon napadpad kakahanap sa classroom ko.
Hinihingal kaming huminto sa isang classroom na may nakalagay na 'GRADE 10 Section A' sa pintuan. Nakompirma kong ito na nga ang classroom namin nang hilahin ako ni Keith papasok. Buti na lang at pagpasok namin ay wala pang Lecturer.
Pinagtitinginan ako ng mga 'new classmates' ko. May iba na ngumiti pa sa akin, may iba namang inirapan ako at may iba na parang wala namang pakialam. Yumuko na lang ako habang hila-hila pa rin ako ni Keith papunta sa likurang bahagi.
"Upo ka na," hinihingal na saad ni Keith.
Kumuha pa muna ako ng bottled water sa bag ko at iniabot sa kaniya. Tumanggi pa siya no'ng una pero sinabihan ko siya na dalawa naman ang dala ko, kay tinanggap niya na lang din. Aba'y mahirap tanggihan ang grasya lalo na kung galing sa 'kin dahil kukulitin ko talaga siya hanggang tanggapin niya.
Umupo na rin ako sa katabing upuan ni Keith.
"Siya ba 'yong transferee?" rinig ko pang bulong ng katabi kong babae.
Bulong na nga lang, rinig na rinig ko pa. Haha chos!
"Siguro," sagot naman ng isa na naka-upo sa armchair.
"Mga Bobo. Siya lang naman 'yong nakikita nating bago, 'di ba? So siya 'yong transferee," singit naman ng isang lalaki.
"You're so mean," nakangusong sagot naman ng katabi ko.
Umiling na lang ako at kinuha ang cellphone ko. Abala rin kasi si Keith kaya hindi ko na lang siya dinisturbo. As usual, scroll lang ako nang scroll sa f******k dahil wala naman akong ka-chat.
Napaangat ako ng tingin nang may lumapit sa akin at nagpakilala.
"Hi, miss. I'm Jaypee Licardo," nakangiting pakilala sa 'kin no'ng lalaki at inilahad pa ang kamay. Simple lang siya, matangkad, maputi, sakto lang ang katawan at medyo singkit.
Tumingin pa ako sa gilid ko pero wala na ro'n si Keith. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Tumayo muna ako at nakipag-shakes hand sa kaniya at nagpakilala na rin.
"Uhm, Hi Jaypee. I'm Raya Digo,"
"Hi, Raya. I'm Franzen Basilan," anang babaeng kasama niya. Maganda siya. Para siyang anghel. Maputi, simple, matangkad, sexy, mahinhin at maamo ang mukha.
"Hi, Franzen," naiilang na bati ko sa kaniya at tinanggap ang kamay niya.
"Sige, Raya. Mamaya na lang ulit," wika ni Franzen at tumalikod na silang dalawa sa 'kin.
Hindi ko alam kong anong ibig niyang sabihin sa 'mamaya na lang ulit'. Pero hinayaan ko na lang. Umupo na ako at bumalik ang atensyon ko kaka-online.
"Good Morning, Class."
Napaangat ako nang tingin nang may biglang nagsalita sa harap. Napaayos ako nang upo nang mapagtantong Lecturer pala iyon.
"Good morning, Mr. Leron," bati ng lahat.
Tiningnan niya pa ang lahat bago dumako ang tingin niya sa akin at nagkatinginan kami.
Wag kayong assuming. Nagkatinginan lang kami ni Sir. Walang malisya do'n. Hindi kami puwede... may pagka-girl kasi si Sir base sa kilos niya. Hindi ako judgmental niyan ah, great observer lang.
"Oh! You have a new classmate. Please stand up new student and introduce yourself." utos pa sa 'kin ni Sir.
Tumingin muna ako kay Keith at tinanguan niya ako, tila sinasabing 'wag akong kabahan.
"Good Morning, Everyone. I'm Raya Digo."
Nakita ko pang tumango-tango si Sir Leron.
"Raya, nice name," puri niya sa pangalan ko. "Kaano-ano mo si Mayor, Ms. Digo?"
"He's my father, Sir." taas-noong sagot ko sa kaniya.
Well, proud naman talaga ako sa parents ko kahit napabayaan nila ako noon dahil sa trabaho nilang pareho. May iilan pang nagulat dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam pero siguro dahil hindi ako rito lumaki kaya hindi nila ako kilala.
"Okay, you may now take you—" hindi na natapos ni Sir Leron ang dapat niyang sabihin dahil may biglang pumasok sa classroom.
"Sorry, Sir. Im late." Nagbaba pa ito ng tingin kay Sir Leron. Pagkatapos ay tumingin sa gawi ko dahil nanatili pa rin akong nakatayo.
Hindi ko itatanggi na gwapo siya, matangkad, medyo may pagka-mestiso at singkit.
Uso ba ang matatangkad dito? Hiyang-hiya naman ang height ko.
Nang nagtama ang mga mata namin, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko 'yong feeling na 'yon dahil naranasan ko na rin ito noon.
Is this love at first sight?
Natapos ang pang-umaga naming klase na puro ako pagpapakilala sa mga lecturer ko. Masasabi kong maganda naman silang makitungo sa mga estudyante rito.Actually, lahat ng nandito ay naaayon sa plano ko. Gusto ko kasing mag-aral nang mapayapa at sa tingin ko... nasa tamang paaralan ako.Iyong mga estudyanteng nakakasalubong namin ay ngumingiti sa 'kin, which is strange for me. Hindi naman kasi ganito ang mga estudyante sa former school ko.Tinatahak namin ngayon ni Keith ang pasilyo patungong canteen. Dito raw kami kakain para ma-try ko ang mga pagkain nila rito.Punong-puno ng estudyante ang canteen pagkapasok namin ni Keith. Lahat ng tables ay occupied na rin.Hinawakan ako ni Keith sa kamay at hinila papunta sa kanang bahagi ng canteen. Huminto kami sa table kung saan nakaupo na do'n sina Franzen at Jaypee— iyong dalawang nagpakilala sa 'kin kanina."H
Kapag nabo-bored ako, kadalasang ginagawa ko ay gumagawa ako nang blog kung ano ang mga ginagawa ko ngayong araw at pinopost ko sa social media accounts ko para memories na rin.Andito kami ngayon sa room, 1:41 pm na pero wala pa ring pumapasok na Lecturer. Walang nakakaalam kung bakit pero mukhang pabor naman sa lahat. Halos lahat ng classmates ko ay busy. May mga naglalaro ng video games, may mga kumakain, may mga natutulog, may naghaharutan, nag-aasaran at may iba din na parang may sariling mundo.Si Keith ay busy. Hindi ko alam kung ano ba 'yong ginagawa niya, ayaw niya kasing magpa-distract.Si Jaypee at Franzen naman, parang ayaw mahiwalay sa isa't isa. Buti naman at hindi pa sila nilalanggam sa kasweetan nilang dalawa. Sana all lang, noh?Si Xander? Hanggang ngayon ay wala pa siya rito. Siguro ay importante ang pinag-usapan nila ni Dean. Napag-alaman ko lang naman na siya pala ang President ng
Lumingon ako nang may tumawag sa 'kin. Si Alexander lang pala."Ikaw na lang daw ang mag-represent sa section natin sabi ni Sir Leron," saad niya."Hala. Ba't ako?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.Ako? Parang hindi naman yata bagay."Ang adviser daw kasi natin ang mag-oorganize no'ng event kaya si Sir Leron ang naatasang mag-manage sa section natin. At siya na rin ang nagpili sayo," paliwanag niya."Raya, payag ka na. Total, maganda ka naman tapos matalino," singit naman ni Franzen na nakikinig din pala.Well, hindi lang siya ang nakikinig, pati 'yong dalawa— si Keith at Jaypee."Oo nga. Beauty and brain din kasi 'yang Ms. Campus kaya ka siguro pinili ni Sir Leron dahil matalino ka," sang-ayon naman sa kaniya ni Jaypee.Kahit kailan talaga, supportive itong si Jaypee kay Franz
Medyo late na akong nagising. May eyebags pa ako dahil siguro sa iyakan kagabi. Nah, I wanna forget about what happened last night. Ayoko sa lahat ay nakikitang umiiyak ang parents ko dahil nasasaktan din ako.Mas maigi sigurong mag-focus ako sa present dahil ayoko rin namang mabuhay sa nakaraan. Pinalaki akong masayahin ni Lola... 'di ko raw dapat problemahin ang mga problema. Sabi rin sa 'kin ni Mommy dati noong bata pa ako na hindi ko raw dapat tambayan ang mga problema.Kaya heto ako ngayon at ngiti nang ngiti na para bang walang nangyari kagabi.Nagsuot lang ako nang isang plain white long sleeves at tinucked-in sa high-waisted mom jeans ko at white sandals. Naglagay na rin ako ng light make-up para matago ko ang maitim at malaki kong mga eyebags.Sinalubong ako ng mga nag-aalalang mukha nina Mommy at Daddy."Good morning, Dad," nakangiting bati ko kay Daddy at hinalikan siy
Napalingon kaming lahat nang may biglang galit na sumigaw. Iyong adviser lang pala ni Jenelle— mukhang pinapagalitan siya. Dahil siguro sa kasabihan niya? We don't know.Hindi na kami nakinig sa usapan ni Jenelle at ng adviser nila. Nagbihis na rin ako. Nagsuot lang ako ng isang blue formal dress. Iyong mga kasama ko naman ay suot-suot pa rin ang white t-shirt na may print ng mukha ko pero nagdagdag sila ng denim jacket para match daw sa blue dress ko.Kinabahan ako nang nagsimula na ang talent portion. May mga kumanta, sumayaw, tumula, at umarte. Pang-sampo ako kaya medyo nape-pressure ako dahil nakita ko na ang mga pinagmamalaking talent ng ibang mga contestant.Mas dumoble ang kaba ko nang ako na ang tinawag. Matagal bago kami nagsimula dahil sinet-up pa ang mga instrument na gagamitin namin.Todo cheer ang mga classmate namin nang nagsimula na si Keith sa pagtipa sa piano. Iwinagayway pa ni
"What now?"Nasa sala na kami ngayon, kakarating lang namin. Kaming lima na lang nina Franzen, Jaypee, Keith at Xander ang magkasama dahil nagpaalam si Daddy na may aasikasuhin pa raw siya, si mommy naman ay pumunta muna sa kusina para maghanda ng pagkain."May wine ba kayo rito, Raya?""Meron naman. Bakit?" sagot ko kay Franzen."Gagamitin sana natin. Since we're bored, bakit hindi tayo maglaro?""Anong laro naman?" nagtatakang tanong ni Jaypee kay Franzen."Truth or Dare.""Uy, Game!""G!"Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagsang-ayon ng tatlo. Medyo kinakabahan ako sa larong naisip nila kasi baka may maitanong silang hindi ko masagot o masyadong personal.Kabado man
Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi. Palagi kasing sumasagi sa isip ko ang mumunting reaksiyon na nakita ko kay Xander kahapon. Kung paano siya natulala pagkatapos nilang marinig ang kwento ng nakaraan ko, ang mga tawa niya, at kahit ang pagsimangot niya. Sa iksi nang panahon na nakasama ko si Xander, masasabi kong magaan ang loob ko sa kaniya at alam ko na siya 'yong tipo ng kaibigan na andiyan palagi para sa 'yo na handang pakinggan ka sa mga kadramahan mo sa buhay, handang damayan ka lalo na sa mga oras na down na down ka na. Hindi ko pa siya gaanong kakilala. Hindi ko pa alam ang mga strength at weaknesses niya. Hindi pa ako umaabot sa puntong pinapangarap ko na sana kami na lang, na sana siya na lang ang nakilala ko noon kaysa kay Vince. Pero alam kung humahanga ako sa kaniya, by his physical appearance at sa mga maliliit na bagay na alam ko tungkol sa kaniya— positive or negative.
Ipinarada ni Kuya Dan ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Hindi ko gaanong kita ang disenyong nito dahil medyo madilim na rin. Habang papasok sa malaking bahay na iyon, lagi lang akong nakayuko dahil sa nakakasilaw na mga ilaw galing sa mga camera ng mga reporter na nasa gilid. Hindi ko alam na covered by media pala itong party na ito. Kung nalaman ko lang, sana hindi na ako sumama pa. "Are you okay?" biglang tanong ni Mommy habang nakahawak ako sa kanilang dalawa ni Daddy. "Hindi ko naman po alam na may media po pala. Sana hindi na lang po ako sum—" "Good Evening, pare. Buti naman at nakapunta ka, kakalimutan ko na sanang magkaibigan tayo, eh." Isang baritonong boses ang sumalubong sa aming tatlo. May edad na rin siguro ito dahil halos kulay puti na rin ang kaniyang bigote at ang buho
Pagkapasok ko ng school kinabukasan, nahagip kaagad sa paningin ko si Jaypee na nakaupo lang sa isa sa mga bench malapit sa building namin at mukhang may malalim na iniisip. Alam na kaya ng mga magulang nila?"Hi, morning," bati ko sa kaniya at umupo sa tabi niya.Bahagya lang siyang tumango pero hindi siya nag-angat ng tingin sa 'kin."Si Franzen?"Nanatili siyang nakayuko at hindi nagsasalita kaya bigla akong kinabahan."Wala na. Umalis na siya, R-Raya," naiiyak na aniya.Hindi ko alam ang gagawin ko nang unti-unting nalaglag ang mga luha niya."H-Ha?""Alam na ng parents niya... kaya sila umalis. N-nalaman ko lang... kanina no'ng susunduin ko na dapat siya."
"V-Vince?" Paano ako natunton ng lalaking 'to?Nagtangka siyang lumapit sa 'kin kaya dali-dali akong naglakad papalayo sa kaniya. Pero dahil nga matataas ang biyas niya, ay naabutan niya pa rin ako at marahas na hinawakan ang braso ko. Bakit ba kasi nandito 'to? Paano niya ba ako napuntahan? Taena naman."Raya, please. Kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya."Wala na tayong dapat pag-usapan, Vince. Pwede ba, bitawan mo ako?"Imbes na bitawan ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko."No. May dapat tayong pag-usapan, Raya. Bumiyahe ako galing Batangas para sa 'yo tapos hindi mo ako kakausapin?"Aba, ang kapal nga naman ng kalyo sa mukha nitong lalaking 'to."Eh, sino bang may sabi sa 'yong pumunta ka rito?" na
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, dali-dali ko itong sinagot. Ni-loud speaker ko na lang ito para marinig ko pa rin habang nagbibihis ako."Uy, Thalia. Good morning!""Good morning, Raya. Kumusta ka na?""Okay naman. Ikaw ba?""O-Okay naman," medyo may pag-alinlangang sagot niya.Napaupo tuloy ako sa kama... nag-aalala kung talagang okay siya. Alam ko kung okay ba talaga ito o hindi kasi hindi naman ito nag-aalangan kapag tinatanong ko ito noon."Okay ka ba talaga?"Natahimik siya sa kabilang linya. Hindi ko siya kinulit dahil alam kong ayaw na ayaw niya no'n. Kalaunan ay nakarinig ako ng mahinang hikbi."W-Wala akong k-kwenta, Raya. I'm useless. Nang dahil sa 'kin... nag-away sina Mama'
Tulad nang nakasanayan, maaga akong pumunta sa school pero parang late pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ang may problema. Advance lang siguro ang oras ng school kaysa sa bahay kaya gano'n.Pagkababa ko ng sasakyan, sinalubong kaagad ako ng isang maganda at fresh na preggy."Good morning, Raya.""Good morning, Franz," pabalik na bati ko sa kaniya. "Oh, bakit ka pa nandito at saka nasaan si Jaypee?" tanong ko nang napansin kong siya lang mag-isa."Nauna na siyang pumasok sa 'kin, sabi niya, kakausapin niya raw si Keith at Jaypee about doon sa nnagyari kagabi at sasabihin niya raw 'yong hinala natin about sa nangyari sa 'tin."Oo nga pala. Siguro ay mayro'n pang tampo si Keith about sa nangyari kagabi. Siguro nga ay tama ang gagawin ni Jaypee para hindi rin kami mahihirapang makisama sa kanila. Mahirap rin nama
Parehong nakalaglag ang mga panga naming apat. Tatanungin ko na sana sila pero obvious na obvious sa mga reaction nila na wala silang kaalam-alam sa nangyayari."Totoo ba 'yong narinig ko?" tanong bigla ni Keith.Halo-halong emosyon ang makikita ko sa mata ni Keith. Naguguluhan, nasasaktan at tampo. Well, naiintindihan ko siya. Matagal na niyang kaibigan si Xander at matagal na siyang may gusto kay Jenelle, at alam ni Xander 'yon pero sa isang iglap, malalaman niya na lang na mag-jowa na ang dalawa? Kahit saang banda, masakit 'yon. Masakit na masakit 'yon. Walang sumagot sa tanong niya dahil wala naman talagang may alam."Jaypee."Napaangat kaming apat nang may biglang dumating sa table namin at tinawag si jaypee. May pagka-mestisa ito, singkit at siguro, kaedad lang ni Mommy."Tita," bati ni Jaypee.Tumayo si Jaypee, gano'n na rin ang ginawa namin. Unang bum