Kung ilarawan ng mga tao si Raya Digo, siya ay masayahin, maganda, at matalino. Taglay niya rin ang buhay na kinaiinggitan ng marami. Ngunit ang hindi nila alam, sa likod ng mga ngiti ay may nakatago na matinding lungkot sa kaniyang dibdib, na nagpapa miserable rito sa araw-araw. Lumaki si Raya sa puder ng kaniyang lola dahil sa trabahong tinahak ng kaniyang mga magulang. Sadya nga namang malupit ang tandhana. Makakayanan pa kaya ng dalaga ang ibabatong unos kung haharapin niya ito ng mag-isa, at kung siya ay wasak na wasak pa?
View MorePagkapasok ko ng school kinabukasan, nahagip kaagad sa paningin ko si Jaypee na nakaupo lang sa isa sa mga bench malapit sa building namin at mukhang may malalim na iniisip. Alam na kaya ng mga magulang nila?"Hi, morning," bati ko sa kaniya at umupo sa tabi niya.Bahagya lang siyang tumango pero hindi siya nag-angat ng tingin sa 'kin."Si Franzen?"Nanatili siyang nakayuko at hindi nagsasalita kaya bigla akong kinabahan."Wala na. Umalis na siya, R-Raya," naiiyak na aniya.Hindi ko alam ang gagawin ko nang unti-unting nalaglag ang mga luha niya."H-Ha?""Alam na ng parents niya... kaya sila umalis. N-nalaman ko lang... kanina no'ng susunduin ko na dapat siya."
"V-Vince?" Paano ako natunton ng lalaking 'to?Nagtangka siyang lumapit sa 'kin kaya dali-dali akong naglakad papalayo sa kaniya. Pero dahil nga matataas ang biyas niya, ay naabutan niya pa rin ako at marahas na hinawakan ang braso ko. Bakit ba kasi nandito 'to? Paano niya ba ako napuntahan? Taena naman."Raya, please. Kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya."Wala na tayong dapat pag-usapan, Vince. Pwede ba, bitawan mo ako?"Imbes na bitawan ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko."No. May dapat tayong pag-usapan, Raya. Bumiyahe ako galing Batangas para sa 'yo tapos hindi mo ako kakausapin?"Aba, ang kapal nga naman ng kalyo sa mukha nitong lalaking 'to."Eh, sino bang may sabi sa 'yong pumunta ka rito?" na
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, dali-dali ko itong sinagot. Ni-loud speaker ko na lang ito para marinig ko pa rin habang nagbibihis ako."Uy, Thalia. Good morning!""Good morning, Raya. Kumusta ka na?""Okay naman. Ikaw ba?""O-Okay naman," medyo may pag-alinlangang sagot niya.Napaupo tuloy ako sa kama... nag-aalala kung talagang okay siya. Alam ko kung okay ba talaga ito o hindi kasi hindi naman ito nag-aalangan kapag tinatanong ko ito noon."Okay ka ba talaga?"Natahimik siya sa kabilang linya. Hindi ko siya kinulit dahil alam kong ayaw na ayaw niya no'n. Kalaunan ay nakarinig ako ng mahinang hikbi."W-Wala akong k-kwenta, Raya. I'm useless. Nang dahil sa 'kin... nag-away sina Mama'
Tulad nang nakasanayan, maaga akong pumunta sa school pero parang late pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ang may problema. Advance lang siguro ang oras ng school kaysa sa bahay kaya gano'n.Pagkababa ko ng sasakyan, sinalubong kaagad ako ng isang maganda at fresh na preggy."Good morning, Raya.""Good morning, Franz," pabalik na bati ko sa kaniya. "Oh, bakit ka pa nandito at saka nasaan si Jaypee?" tanong ko nang napansin kong siya lang mag-isa."Nauna na siyang pumasok sa 'kin, sabi niya, kakausapin niya raw si Keith at Jaypee about doon sa nnagyari kagabi at sasabihin niya raw 'yong hinala natin about sa nangyari sa 'tin."Oo nga pala. Siguro ay mayro'n pang tampo si Keith about sa nangyari kagabi. Siguro nga ay tama ang gagawin ni Jaypee para hindi rin kami mahihirapang makisama sa kanila. Mahirap rin nama
Parehong nakalaglag ang mga panga naming apat. Tatanungin ko na sana sila pero obvious na obvious sa mga reaction nila na wala silang kaalam-alam sa nangyayari."Totoo ba 'yong narinig ko?" tanong bigla ni Keith.Halo-halong emosyon ang makikita ko sa mata ni Keith. Naguguluhan, nasasaktan at tampo. Well, naiintindihan ko siya. Matagal na niyang kaibigan si Xander at matagal na siyang may gusto kay Jenelle, at alam ni Xander 'yon pero sa isang iglap, malalaman niya na lang na mag-jowa na ang dalawa? Kahit saang banda, masakit 'yon. Masakit na masakit 'yon. Walang sumagot sa tanong niya dahil wala naman talagang may alam."Jaypee."Napaangat kaming apat nang may biglang dumating sa table namin at tinawag si jaypee. May pagka-mestisa ito, singkit at siguro, kaedad lang ni Mommy."Tita," bati ni Jaypee.Tumayo si Jaypee, gano'n na rin ang ginawa namin. Unang bum
Ipinarada ni Kuya Dan ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Hindi ko gaanong kita ang disenyong nito dahil medyo madilim na rin. Habang papasok sa malaking bahay na iyon, lagi lang akong nakayuko dahil sa nakakasilaw na mga ilaw galing sa mga camera ng mga reporter na nasa gilid. Hindi ko alam na covered by media pala itong party na ito. Kung nalaman ko lang, sana hindi na ako sumama pa. "Are you okay?" biglang tanong ni Mommy habang nakahawak ako sa kanilang dalawa ni Daddy. "Hindi ko naman po alam na may media po pala. Sana hindi na lang po ako sum—" "Good Evening, pare. Buti naman at nakapunta ka, kakalimutan ko na sanang magkaibigan tayo, eh." Isang baritonong boses ang sumalubong sa aming tatlo. May edad na rin siguro ito dahil halos kulay puti na rin ang kaniyang bigote at ang buho
Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi. Palagi kasing sumasagi sa isip ko ang mumunting reaksiyon na nakita ko kay Xander kahapon. Kung paano siya natulala pagkatapos nilang marinig ang kwento ng nakaraan ko, ang mga tawa niya, at kahit ang pagsimangot niya. Sa iksi nang panahon na nakasama ko si Xander, masasabi kong magaan ang loob ko sa kaniya at alam ko na siya 'yong tipo ng kaibigan na andiyan palagi para sa 'yo na handang pakinggan ka sa mga kadramahan mo sa buhay, handang damayan ka lalo na sa mga oras na down na down ka na. Hindi ko pa siya gaanong kakilala. Hindi ko pa alam ang mga strength at weaknesses niya. Hindi pa ako umaabot sa puntong pinapangarap ko na sana kami na lang, na sana siya na lang ang nakilala ko noon kaysa kay Vince. Pero alam kung humahanga ako sa kaniya, by his physical appearance at sa mga maliliit na bagay na alam ko tungkol sa kaniya— positive or negative.
"What now?"Nasa sala na kami ngayon, kakarating lang namin. Kaming lima na lang nina Franzen, Jaypee, Keith at Xander ang magkasama dahil nagpaalam si Daddy na may aasikasuhin pa raw siya, si mommy naman ay pumunta muna sa kusina para maghanda ng pagkain."May wine ba kayo rito, Raya?""Meron naman. Bakit?" sagot ko kay Franzen."Gagamitin sana natin. Since we're bored, bakit hindi tayo maglaro?""Anong laro naman?" nagtatakang tanong ni Jaypee kay Franzen."Truth or Dare.""Uy, Game!""G!"Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagsang-ayon ng tatlo. Medyo kinakabahan ako sa larong naisip nila kasi baka may maitanong silang hindi ko masagot o masyadong personal.Kabado man
Napalingon kaming lahat nang may biglang galit na sumigaw. Iyong adviser lang pala ni Jenelle— mukhang pinapagalitan siya. Dahil siguro sa kasabihan niya? We don't know.Hindi na kami nakinig sa usapan ni Jenelle at ng adviser nila. Nagbihis na rin ako. Nagsuot lang ako ng isang blue formal dress. Iyong mga kasama ko naman ay suot-suot pa rin ang white t-shirt na may print ng mukha ko pero nagdagdag sila ng denim jacket para match daw sa blue dress ko.Kinabahan ako nang nagsimula na ang talent portion. May mga kumanta, sumayaw, tumula, at umarte. Pang-sampo ako kaya medyo nape-pressure ako dahil nakita ko na ang mga pinagmamalaking talent ng ibang mga contestant.Mas dumoble ang kaba ko nang ako na ang tinawag. Matagal bago kami nagsimula dahil sinet-up pa ang mga instrument na gagamitin namin.Todo cheer ang mga classmate namin nang nagsimula na si Keith sa pagtipa sa piano. Iwinagayway pa ni
Maginhawa ang buhay ko noon sa Laguna kasama ang mga magulang ko. Iyong tipong binibigay nila lahat ng gusto ko, mga pangangailangan ko at kahit ang mga bagay na hindi ko naman hinihingi sa kanila. Maraming naiinggit na mga kaedad ko sa kung anong meron ako.Pero ang hindi nila alam, hindi ako masaya sa buhay kong ito. Hindi batayan sa 'kin ang materyal na nabibigay sa 'kin ng mga magulang ko para maging masaya. Ang tanging bagay lang na gusto ko ay magkaroon kami ng bonding nina Mommy't Daddy, pero wala eh.Hanggang dumating 'yong puntong kinailangan kong lumipat sa puder ng Lola ko dahil sa mga trabahong tinahak nila. Pareho silang politicians, Mayor si Daddy habang kapitana naman si Mommy. Busy sila masyado at hindi nila ako nabibigyan ng sapat na oras at atensyon... mas pinili nilang kay Lola na lang ako manirahan pansamantala.Kaya heto ako ngayon, after a couple of years, babalik sa puder nila dahil sa isang pangyayaring gusto kong kalimutan.
Comments