Kinabukasan, maaga akong nagising. Pagtingin ko sa orasan na nasa side table ng kama ko, 5:11 am pa lang. Hindi pa siguro umalis sina Mommy't Daddy. Hindi na ako nagsayang pa ng oras kakahilata sa kama, agad akong naligo at ginawa ang iba ko pang ritwal. Wala pa akong school uniform so nagsuot muna ako ng white t-shirt tucked inside my high-waisted mom jeans, partnered with white sandals. Pababa ko sa hagdan, nakita ko si Keith na nakaupo na sa sala kasama si Daddy. "Hi Raya. Good morning," nakangiting bati sa akin ni Keith nang nakita niya ako. "Good morning din." Lumapit ako gawi nila at umupo sa tabi ni Daddy. "Good morning, Dad." Hinalikan ko pa sa pisngi si Daddy. "Good morning too, Baby. How's your sleep?" "Hindi ko po alam, tulog po ako, eh." Narinig ko pang mahinang tumawa si Keith habang si Daddy naman.
Last Updated : 2021-09-06 Read more