Share

Chapter 1

Pauwi na ako galing sa grocery nang madatnan kong naghahabulan si Thorn at si Theo, ang anak namin. Todo ang ngiti ko habang pinagmamasdan sila't naririnig ko ang mga tawa't halakhak nilang pareho. Wala na akong ibang mahihiling pa. Ibinigay na sa 'kin ng Diyos ang lahat ng bagay na gustong-gusto ko. Ang magkaroon ng isang kompleto't masayang pamilya.

Nangangalaga lang kami ni Thorn sa cafe na itinayo namin. 4 years ago, nang matapos kaming ikasal sa huwes ay naisipan naming magnegosyo sa tulong na rin ng mga magulang niya. At sa ngayon, may anim na branch na ito dito sa Sorsogon at ang iba ay sa CamSur.

Napabalik lang ako sa kasalukuyan nang nakitang papunta na pala sa gawi ko ang mag-ama. Lumuhod ako at ibinuka ang dalawang braso para salubungin ng yakap ang napaka-cute at napakasiga naming anak.

"Hi, babyboy," ani ko't niyakap siya nang mahigpit.

"Ouch, Mommy. You're hug is so tight. I can't breathe na po," reklamo niya.

Natatawa akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at hinawakan siya sa braso.

"Let's get inside, hmm? I have something for you."

Excited na tumango ang anak ko at nauna pa ngang pumasok sa loob. Natatawang umayos ako ng tayo at saka binalingan si Thorn na tila naaaliw sa pinapanood.

"Malaki na si Theo. Gusto kong baby na lang siya forever, love," nakasimangot na aniya.

"Oo nga, eh. Hindi ko rin naman gustong lumaki na siya agad pero alam naman nating pareho na wala na tayong magagawa diyan," malungkot na sang-ayon ko sa kaniya.

Sa isang 3 years old na bata, hindi alam ni Theo kung paano niya kami pinapasaya ng Daddy niya. Kahit na makulit siya, siga kung minsan ay nagagawa niya ring kulayan ang mga buhay naming mag-asawa. Kapag nakikita namin siya, nakakalimutan namin ang mga problemang bumabagabag sa 'min.

"Pero pwede namang sundan na lang natin si Theo, Love. Para paglaki niya, may makulit na baby nama—"

Hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil ginawaran ko siya ng hampas sa braso. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya roon. Matagal na niyang sinasabing gusto na niyang sundan namin si Theo dahil gusto niya nga daw bumuo ng basketball team. Hindi ako inahing baboy, ano!

"Kunin mo na nga lang ang mga pinamili ko sa kotse. Puro ka kalokohan diyan, eh," utos ko't tinalikuran siya.

"Seryoso ako, Love. Sundan na natin si Theo," pahabol niyang sigaw.

Itong lalaki talagang 'to!

Napangiti ako habang umiiling dahil sa kakulitan niya. Hindi na talaga ako nagtataka kung saan nakuha ng anak ko ang kakulitan nito. Napaka-unfair nga dahil wala man lang minana si Theo sa 'kin, kahit mata, ilong, bibig ay wala. Carbon copy siya ni Thorn. Sinabi pa nga ni Mama Lacey na kamukhang-kamukha ni Tristan ang batang version ni Anton noon.

Speaking of Mama, naabutan ko siyang nilalaro si Theo na nakaupo sa kandungan ni Papa habang nakaupo sila sa sala. Napangiti ako sa magandang tanawin, isang apo habang tumatawa kasama ang mga lolo't lola niya. Simula noong nalaman nila kung sino ang ina ko'y biglang nagbago ang pakikitungo ni Mama Lacey sa 'kin at biglang naging maalaga't mabait siya sa 'kin. Sana nga ay nandito rin Mama kasama namin. Siguro ay close rin sila ng anak ko kapag nagkataon.

I miss you, Ma.

Napaigtad ako sa gulat nang may humawak sa baywang ko't pinisil iyon habang bumubulong sa 'kin.

"Dalian mo na't gagawa pa tayo ng baby, love," bulong ni Thorn at pagkatapos ay nilagpasan ako dala-dala ang mga pinamili ko kanina.

Dumiretso siya sa kusina habang ako naman ay dumiretso sa sala kung naasan sina Mama, Papa at Tristan. Pero bago pa man ako makalapit ng tuluyan sa kanila ay narinig ko pang may pinag-uusapan silang mag-asawa.

"Tumatanda na tayo, mahal, iisa pa rin ang apo natin," malungkot na sabi ni Papa Alfred.

"Nakalimutan mo na bang may isang apo pa rin tayo, mahal?" malambing na sagot naman ni Mama.

Hindi na sumagot si Papa't pinaglaruan na lang ang daliri ni Tristan habang nakikinig ito sa kanilang dalawa.

"Apo, sabihin mo sa Mommy't Daddy mo na gumawa ulit sila ng baby, ha. Para naman may isang apo na naman kami at para naman may kalaro ka na," si Papa sa anak ko.

Napanganga ako sa narinig. Gano'n na ba talaga nila kagusto magkaroon ng apo? Hindi man lang nila naisip ang hirap ko habang nagbubuntis at habang umiiri sa loob ng hospital habang minumura ang anak nila sa ginawa niyang pagbuntis sa 'kin? I cannot. Pero mas lalong nalaglag lang ang panga ko sa narinig na sagot ng anak ko.

"I would love to, Grandpa. Don't worry po. I will convince Mommy and Daddy to make me younger siblings for you to make us happy po."

Younger siblings? Siblings? Anak, alam mo ba ang pinagsasabi mo? Plural 'yon, ah.

Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa dumating nga si Thorn galing kusina.

"Oh, okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin.

Hindi ako sumagot sa kaniya at hinila na lang siya papalapit sa tatlo.

"Oh, andiyan na pala ang Mommy't Daddy mo, apo. Ikaw na magsabi sa deal natin, ah? May pupuntahan lang kami ng Grandma mo," habilin ni Papa sa anak ko habang inuupo niya ito ng maayos sa sofa.

Pagtingin ko sa asawa ko, nakakunot na ang noo niya, alam kong dahil sa naguguluhan siya sa sinabi ni Papa na mabilis na tinanguan ng anak namin. Natatawang nagkibit-balikat si Papa habang natatawa naman si Mama sa naging reaction ni Thorn. Hindi namin alam kung saan pupunta ang mag-asawa pero hinayaan na lang namin sila.

Nagsimula nang kulitin ni Thorn ang anak na sabihin sa amin ang deal na sinasabi ni Papa kanina. Napuno ng tawa naming tatlo ang buong sala dahil nahahawa kami sa pagtawa ni Theo habang kinikiliti siya ni Thorn, kinukulit na magsalita.

"I can't answer you, Daddy. You keep on t— HAHAHAHA," ang nakakahawang tawa niyang 'yon ang naririnig lang sa loob ng bahay. Sure akong naririnig kami ng mga kasama namin dito sa bahay.

Sumuko na rin sa pagkiliti si Thorn kay Theo at pinahupa muna ang pagtawa nito bago tinanong ulit ng seryoso. Nanatili lang akong tahimik na nakikinig sa kanilang dalawa.

"Okay. Grandma and Grandpa said, they want new apo, Daddy. And I want to have din po," seryosong sagot ng anak ko sa ama niya.

Lumingon si Thorn sa 'kin pero nagkibit-balikat lang ako. Ibinalik niya ang tingin sa anak at kinarga niya ito't pinaupo sa kandungan niya.

"You want baby siblings?" malambing na tanong niya kay Theo.

Baby siblings talaga? Pareho talaga silang mag-ama. Mahilig sa plural.

Mabilis na tumatango si Theo. "I want many many many siblings, Daddy. And I want to see how you and Mommy make it para naman po matulungan kayo ni Theo," inosenteng sabi ng anak namin.

Pareho kaming napaubo ni Thorn sa narinig. Ano bang sinasabi ng batang 'to? Dios ko! Aatakehin yata ako dahil sa batang 'to.

"Baby, it's a private thing. You can't watch Mommy and Daddy while making babies, okay? Magiging wil—"

"Thornton!" pagpipigil ko kung ano man ang binabalak niyang sabihin sa anak namin.

Buset na lalaking 'to. Kung hindi ko lang talaga mahal 'to, matagal nang napektusan 'to, eh.

"Okay, Daddy. I won't watch you and Mommy po," nagulat kami nang umalis sa kandungan ni Thorn ang anak namin at umupo sa tabi ng ama. "Just go, Daddy. Go make a baby with Mommy na po. I won't watch."

Tumawa nang malakas si Thorn habang ako ay umiiling sa sinabi ng anak. Bakit ba nagkaroon ako ng ganito kakulit na anak?

"Okay, bigboy. Your wish is my command," ani Thorn at hinila ako papunta sa ikalawang palapag at iniwan ang anak naming pumapalakpak habang pinapanood namin.

Hindi rin naman ako nag-alala dahil dumating din agad pabalik sina Mama Laecy at Papa Alfred.

"Love, sign na talaga 'to. Your Theo, Your in-laws and your handsome husband wants to have babies. May palag ka pa?" pang-aasar niya habang papasok kami sa kwarto.

Napangiti ako dahil sa kakulitan niya. Manang-mana talaga ang anak namin sa kaniya. Dios ko.

"Love, gustuhin ko man pero parang hindi ko pa rin kaya. Alam mo naman kung paano ako naghirap noong pinapanganak ko si Theo, 'di ba? Minura pa nga kita ng todo, eh."

Sa totoo lang, gustong-gusto ko rin naman makipag-'make love' sa asawa ko. Pero parang hindi naman namin kailangan pang abutin pang muli ang langit at hintayin ang pagbuga ng bulkan lalo na ngayon...

"I won't mind, love. Kahit pa murahin mo ako nang murahin. Hindi ako magrereklamo. Promise, love," pagsusumamo niya nang maupo kami sa dulo ng kama.

Kitang-kita sa mga mata niyang gustong-gusto niya talagang magkaroon ng anak. Hindi lang sex ang habol niya sa 'kin, kung hindi ang anak. Ang sarili niyang Golden State Warriors. Pero hindi ko siya pinagbigyan.

Hindi ko alam kung galit ba siya o nagtatampo pero nauna na siyang matulog sa 'kin na ikinagulat ko. Hinalikan ko na lang sa sintido at kinumutan.

"Ilang araw na lang, love. Malalaman mo na rin," bulong ko sa kaniya bago lumabas mg kwarto't pinuntahan ang kwarto ni Theo.

Naabutan kong mahimbing na natutulog na ang anak ko. Naging routine na talaga nilang mag-ama na matulog nang hapon. Pinapaniwalaan kasi nilang tatangkad ka kapag natutulog ka ng tanghali o hapon. Hays, mapamahiin pala itong asawa ko.

Nilapitan ko si Theo at katulad ng sa ama niya, hinalikan ko rin siya't inayos ang kumot niya.

"You're baby sibling is waving, anak."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status