Share

Apple Dipped in Darkness
Apple Dipped in Darkness
Author: Duraneous

Simula

Addison Dionisho

Nakadungaw sa magandang tanawin, sinasalubong ang sariwang hangin galing sa labas ng bintana ng sasakyan. Pinoproseso ang mga pangyayaring matagal ko nang gustong gawin.

"Hey, are you okay?"

Napalingon ako kay Thornton sa tabi ko habang nakatuon lang ang tingin sa pagmamaneho. Umupo ako nang maayos at muling ibinalik ang tingin sa labas bago siya sinagot.

"Oo naman. Bakit hindi?"

"Natahamik ka kasi bigla diyan. Nagsisisi ka na ba?" nag-aalalang tanong niya.

Mabilis pa sa alas-kwatrong ibinaling ko sa kaniya ang buong atensiyon ko.

"Hindi, ah! Never pumasok sa isip ko ang pagsisisi, love. Kaya lang..." natigilan ako at tiningnan kung ano ang magiging reaction niya pero wala siyang naging tugon at nakatuon pa rin ang tingin sa pagmamaneho. "Kaya lang, kinakabahan ako, eh. Baka kasi anong magawa ni Mama kapag malaman niya 'to."

Natigilan ako nang biglang ibinaba ni Thorn ang kanan niyang kamay at biglang hinanap nito ang mga kamay ko. Nang nagtagumpay siya ay bahagya niya itong pinisil at pinaglaruan.

"Don't worry about Tita, love. Maiintindihan niya rin tayo. Hindi man ngayon, pero sure akong dadating din ang oras na 'yon," pang-aalo niya.

Gusto-gusto ang ganitong mga simpleng ginagawa niya. Ang paghawak sa kamay ko ay isang malaking tulong para pagaanin ang loob ko sa halos lahat ng oras at pagkakataon. At lalong-lalo na ang comforting na mga salitang binibitawan niya.

Ngayon, ginawa ko ang pinakamahirap na desisyon ko sa buhay. Nilisan ko ang isang mahal ko sa buhay para sumama sa isang taong mahal na mahal ko rin. Matagal na naming plano ni Thorn na magtanan at ngayon lang namin ito naisakatuparan dahil nasa tamang edad naman na kami. Magiging masaya dapat ako, 'di ba? Kasi finally, magsisimula na kami ni Anton ng buhay na magkasama pero hindi ko magawang magdiwang at magsaya kasi alam kong may naiwan akong ina sa Maynila na walang kaalam-alam sa desisyon naming ito.

Lumaki akong walang ama. Iniwan niya kami ni Mama noong nalaman niyang buntis si Mama at hindi na siya nagpakita pa ulit sa kabila nang paghihintay ni Mama sa kaniya. Walang binabanggit si Mama na pangalan ng Papa ko, iyon lang ang tanging ikwenento niya sa 'kin. Ako na lang dapat ang kasama ni Mama sa buhay, eh, karamay niya sa lahat ng hirap ng buhay, katulong niya sa bahay at pagtatrabaho pero heto ako ngayon... iniwan siyang mag-isa na naman sa buhay at mas pinili ko ang sariling kaligayahan.

"Hey, itigil mo na kung ano man ang iniisip mo ngayon. Tita Lia will understand, okay? Stop overthinking, love, makakasama 'yan sa baby," aniya't pinisil muli ang kamay kong nakahawak sa kaniya.

One more thing, buntis ako kaya mas pinili kong lumayo't iwan si Mama. Ayokong ma-disappoint siya sa 'kin kapag malaman niyang may dala-dala na akong bata sa sinapupunan ko. Pero alam kong ma-didisappoint siya sa ginawa kong 'to. Naghirap siyang palakihin at paaralin ako at ako, ito lang ang isusukli sa kaniya. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kaniya.

Hindi na ako sumagot pa sa kaniya at isinandal na lang ang ulo sa upuan at pinilit ang sariling makatulog para naman sana  makalimutan ko pansamantala ang kanina ko pa pinoproblema dahil alam ko ring malayo-layo pa ang kailangang tahakin bago kami makakarating sa Sorsogon, probinsiya kung saan nakatira ang pamilya ni Thorn pero ni ang pagpikit ay hindi ko magawa.

Halos ilang minuto pa lang na nakalapat ang batok ko sa upuan ng saksakyan nang biglang naglakbay muli ang isip ko.

"Mama..."

Umiiyak ako habang nakaupo sa tapat ni Mama. Hindi nahihiya sa kaniya kahit na naghahalo na ang sipon at luha ko, kahit na ang panget-panget ko habang umiiyak, hindi niya ako hinusgahan. Hinayaan niya akong umiyak at magsumbong habang tinitignan ako gamit ang tingin niyang punong-puno ng pagmamahal.

"Mama kasi po... si Andy, sinabi niya po sa aking hindi niya raw po ako magugustuhan kahit kailan. S-Sabi niya po sa 'kin na wala naman daw pong kagusto-gusto sa 'kin," humihikbing kwento ko sa kaniya.

Andy Libanda, ang childhood crush ko. Mabait, puti, matangkad at gwapo. Since grade 1 ay humahanga na ako sa kaniya kasi kahit anong laro niya tuwing lunch time sa ilalim ng tirik na tirik na araw ay hindi pa rin siya nag-aamoy araw. Kahit kailan ay hindi siya nag-aamoy pawis.

"Alam mo, anak, una, ay ang bata mo pa para sa bagay na 'yan. Grade 5 ka pa lang, anak. Marami ka pang lalaking makikilala kapag lumaki ka na't magdadalaga. Kung may mamahalin ka, siguraduhin mong 'yong mamahalin ka, anak, ha? Iyong hindi ka sasaktan at handang gawin ang lahat para sa 'yo. Iyong lalaki sanang katulad ng Papa mo," malambing na sabi niya habang sinusuklay ang buhok ko.

"Pero sinaktan ka po ni Papa, Mama. Iniwan niya tayo, 'di ba? Bakit po ako pipili ng lalaking iiwan din ako tulad ni Papa?" protesta ko sa sinabi niya.

Totoo naman, eh. Sabi sa 'kin ni Mama, hindi na bumalik si Papa sa 'min no'ng nalaman nitong buntis si Mama. Kaya bakit ako hahanap ng lalaking katulad niya? Ayokong matulad kay Mama na iniwan lang ding nasasaktan araw-araw at hindi na binalikan pa.

"Mabuting tao ang Papa mo, anak. Hindi man niya tayo binalikan noon, hindi ibig sabihin no'n ay masamang tao na siya. Nandiyan siya para damayan ako kapag may problema ako, anak. Hindi niya ako pinabayaan. Hindi ko alam ang rason kung hindi niya na ako nagawang balikan pero... sure akong may magandang dahilan ang Papa mo, anak. Maniwala ka."

Lahat ng mga sinabi sa 'kin noon ni Mama ay nanatiling sariwa sa 'kin. Lahat ng sinabi niya noonn ay hinding-hindi ko nagawang kalimutan. Lahat ng 'yon ay tumatak sa puso't isipan ko.

Sana lang talaga ay hindi magalit sa 'kin si Mama kapag nalaman niyang sumama na ako kay Thorn at buntis ako. Sinunod ko rin naman ang gusto niyang isang responsable, mabait, may takot sa Diyos at mapagmahal sa magulang ang magiging kasama ko sa pagbuo ng kinabukasa't pagbuo ng mga pangarap ko ngayon. Ni kahit isang beses ay hindi ako nakarinig ng kahit isang masakit na salita galing kay Thorn. Ini-spoil niya ako lalo na ngayong buntis ako, palagi niya akong inuuna sa lahat-lahat. Sana ay hindi lang ito sa ngayon.

Hindi ko na napansing unti-unti na pa lang bumagsak ang mga talukap ko't tuluyan nang kinain ng antok. Bago pa man malalim na nakatulog ay naramdaman ko na lang na biglang bumaba ang upuan at ramdam kong bahagya na akong nakahiga.

Nagising na lang ako sa mga tapik sa 'kin. Pagmulat ko, mukha ni Thorn ang bumungad sa 'kin. Bago pa man ako napabangon ay pinatakan niya kaagad ako ng halik sa pisngi at tinulungan sa pag-upo nang maayos. Pagtingin ko sa labas, kitang-kita ko ang isang moderno't malaking bahay na punong-puno ng halaman sa paligid. Nasiguro kong bahay iyon ng mga Elezar nang lumabas mula roon ang mga magulang niya na sa video call ko pa lang nakikita.

Medyo may edad na ang dalawa pero mukhang bata pa rin ang mga moreno't morena nilang balat at halatang maayos at malusog pa rin ang pangangatawan. Hindi na kami nagtagal sa loob ng sasakyan at lumapit kaagad kami sa kanila.

"Hi, Dad, Mom," bati ni Thorn habang nakaakbay sa 'kin.

"Anak, buti naman at ligtas kayong nakarating dito," sagot ng Daddy niya't tinapik siya sa balikat.

Ngumiti ako sa Daddy niya't bahagyang yumuko. Gano'n din dapat ang gagawin ko sa Mommy niya pero bigla akong natigil dahil sa paraan ng titig niya. Hindi ko alam kung galit ba iyon o pandidiri. Siguro ay napansin ng boyfriend ko ang pagkabigla ko kaya pinisil niya nang bahagya ang balikat ko na hawak-hawak niya.

"Pumasok na kayo sa loob. May inihanda kaming tanghalian para sa inyo," Daddy niya, iginiya kami papasok habang nakasunod sa kaniya ang tahimik niyang asawa.

Nilingon ko si Thorn pero ngumiti lang siya sa 'kin. Nang tuluyang nakapasok na kami sa loob, nalaglag ang panga ko kasabay nang paglaki ng mata sa bumungad sa 'kin. Malawak na living room at isang napakalaking family picture sa pinakasentro nito, sa dingding malapit sa hagdan patungong ikalawang palapag. Makikita roon sa picture na 'yon ang mag-asawa, si Thorn at isang lalaki na sa tingin ko'y iyong kuya niya na nakukwento niya sa 'kin.

Naputol ang pagkabigla ko nang diretso lang ang lakad ni Thorn papunta sa kung saan. Muli na naman akong namangha nang makita ang dining area nila. Medyo hindi gaanong malaki ang mesa nila na sa tingin ko ay kasya lang sa kanilang magpamilya pero punong-puno ito ng pagkain at mukhang hindi ito nauubusan no'n.

Ihinigit ako niya ako ng upuan at nakangiting umupo na rin sa tabi ko pagkatapos. Nakangiting pinagmasdan kami ng Daddy niya samantalang striktang nakatingin pa rin ang Mommy niya sa 'kin. Hindi ko na muna iyon pinansin at kumain na lang tulad ng iniutos ng Daddy niyang si Tito Alfred.

"Mabuti naman at naisipan mong panagutan ang magiging apo namin, Thornton," biro ng Daddy niya.

"Apo nga ba natin," singit ni Tita Laecy, mommy niya.

Hindi man niya sabihin nang diretso pero alam ko kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya. Gano'n na ba talaga ang disgusto niya sa 'kin at iniisip niyang ibang lalaki ang nakabuntis sa 'kin at hindi ang anak nila?

Kinuha ni Thorn ang kamay ko sa ilalim ng mesa at hinawakan iyon ng mahigpit. Tila ba doon niya binubuntong lahat ng pagpipigil niyang huwag sagutin ang ina. Habang si Tito Alfred naman ay halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni Tita Lacey.

"Nga pala, sa wakas at nagkita na tayo, iha. Sa videocall lang kasi tayo nag-uusap noon. Ang gandang bata mo pala," si Tito Alfred.

Nahihiya akong ngumuti sa kaniya. "Maraming Salamat po."

"Sigurado akong magiging maganda o gwapo ang magiging apo niyo, Dad," mayabang na singit naman ni Thorn na ikinatawa naming lahat, syempre, maliban sa mommy niya.

"Sino ang mga magulang mo, Trisha?"

"Ah, wala na po akong tatay. Si Lia po ang nanay ko. Lia Dionisho po," sagot ko kay Tita Lacey.

Bigla akong nag-panick nang biglang nabitawan ni Tita Lacey ang hawak-hawak niyang baso at nabitawan niya ito habang namumutla. Si Tito Alfred naman ay halata rin ang gulat sa narinig.

Kilala ba nila si Mama?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status