Share

Chapter 4

Pinagtatawanan ni Theo ang Daddy niya habang pinapakita niya rito ang picture noong nahimatay nito pagkatapos malamang buntis ako. Hindi ko maipinta ang mukha ni Thorn habang tinitingnan ang picture. Para bang nahihiya siya at hindi niya nagustuhan ang mukha niya roon. Nakakatawa naman talaga kasi.

"Daddy, you look like an angry bird knocked-out by a piggy tales," natatawang kantyaw ni Theo sa ama.

"That was last week, anak. Kalimutan mo na 'yan, please," pagmamakaawa niya rito.

Hindi na sumagot pa si Theo pero patuloy pa rin ito sa pagtawa. Kinuha ko na ang opportunity na 'yon para lapitan sila.

"Theo, baby," pagtawag pansin ko sa anak ko.

Taas-kilay na tiningnan ako ni Tristan. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mata niya.

"Starting tomorrow, Daddy needs to go to work, hmm? He will not be here all the time. Is it okay with you?" malumanay na sabi ko sa kaniya.

Tumayo ang anak namin at humarap sa 'ming dalawa ng Daddy niya. Inabot ng dalawa niyang braso ang magkabilang pisngi namin ni Thorn at ngumiti sa 'min.

"I understand, Mommy. Don't worry to Theo. He's bigboy na," nakangiti niyang sagot bago niya kami halikan sa pisngi ng Daddy niya.

I love how smart, understanding and sweet our Theo is. Kahit pa makulit ito, siga at Daddy's boy ay hindi siya naging sakit sa ulo naming mag-asawa dahil palagi niya kaming naiintindihan. Tulad ngayon, akala ko ay magtatampo siya dahil hindi na niya makakasama ang Daddy niya, hindi na niya ito makakalaro buong araw pero kabaliktaran ang nangyari. Naintindihan niya kami. Naintindihan niya ang desisyon ng Daddy niya.

"But, Daddy. Promise Theo to please make time to still play with me and time for Mommy. Please?" nakangusong pakiusap niya sa Daddy niya.

Nagkatinginan kami ni Thorn bago niya ako hinapit papalapit sa kaniya at hinalikan kaming pareho ni Theo sa noo.

"Promise, anak. Babawi ako palagi sa inyo ng Mommy mo. Behave, okay?"

Masayang ipinulupot ni Theo ang maliliit niyang braso sa leeg ni Thorn at isiniksik ang ulo sa leeg ng ama. Napuno ng tawa naming tatlo ang buong sala dahil pagkikiliti ni Thorn sa bata. Hindi ko maisawang maisip na magbabago kaya ang samahan namin bukas? Anong mangyayari simula bukas?

"Hey, may problema ba?"

Malungkot na napangiti ako sa asawa ko. Nang mapansin niya 'yon ay hinila niya ako at ginawaran nang mahigpit na yakap.

"Don't worry, love. Para namang mawawala ako niyan, eh. Magtatrabaho lang naman ako. Sa inyo rin naman ang uwi ko gabi-gabi at pangakong babawi ako palagi sa inyo ni Theo," pang-aalo niya.

Hindi ako sumagot sa kaniya. Tumatango ako sa kaniya dahil wala naman na akong magagawa pa. I don't want to stop him from persuing his dream. Ayaw kong maging dahilan para hindi niya magawa ang mga gusto niyang gawin talaga. Hindi ko lang talaga maiwasang magtanong na what if ganito ang mangyayari? What if ganiyan? Nagtitiwala ako sa asawa ko pero nahihirapan akong magtiwala ulit ng buo sa ibang tao.

Umalis nang hapon si Thorn dahil may importanteng party daw siyang pupuntahan. Hindi ko na naitanong kung para saan ang party dahil nagmamadali siya. Gusto niya raw sana akong isama pero baka ano pang mangyari sa 'kin doon, buntis pa naman daw ako. Ayaw niyang mapahamak kami ni baby. Pinanood na lang namin siya ni Theo hanggang sa mawala na ang kotse niya sa paningin namin pareho ng anak namin.

Hinawakan ko ang maliit na kamay ng anak ko at inalalayan siya hanggang papasok ng bahay. Iisang hakbang na lang sana'y makakapasok na kami sa loob nang may biglang bumusina sa labas. Pinahintay ko ang anak ko sa labas ng pintuan bago pinuntahan ang kanina pa bumubusina sa labas.

Nakita ko ang isang itim na kotse. Hindi pamilyar sa 'kin ang kotseng ito. Ngayon ko lang ito nakita lalo na ang nagmamaneho nito. Masamang tingin ang iginawad sa 'kin ng lalaki sa loob ng kotse. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang nakakatandang kapatid ni Thornn, si Kuya Thomas.

"Buksan mo ang gate," utos niya sa 'kin na kaagad kong tinugon.

Hindi ko alam na strikto pala siya. Sa mga litrato niya kasing nandoon sa loob ay ang bait-bait niyang tingnan. Wala rin kasi akong ideya sa totoo niyang ugali dahil wala namang nakukwento sina Mama't Papa pati na rin si Thorn tungkol sa kaniya.

Nang mabuksan ko ang gate ay mabilis na ipinasok niya ang kotse niya at dumiretso sa garahe. Ako naman ay mabilis na isinarado ang gate at mabilis na pinuntahan ang anak na ngayon ay takot na nakatingin kay Kuya Thomas. Hindi sanay si Theo na makakita nang gano'n kabilis na magmaneho ng sasakyan.

Hinawakan ko ang kamay ng anak ko at papasok na sana sa loob nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Hindi ko alam na pwede pa lang magdala ng anak dito ang mga katulong."

Napalingon ako kaagad at nakitang diretsong nakatingin si Kuya Aldrin sa 'kin habang ako naman ay nakalaglag ang panga sa narinig.

Katulong? Ako ba ang tinutukoy niya?

Napaiwas kami ni Theo nang bigla siyang dumaan at diretsong pumasok sa loob ng bahay.

"Mommy, who's that bad guy?" biglang tanong ng anak ko.

Yumuko ako't pinantayan ang tingin ng anak.

"He's not a bad guy, baby."

Napatungo siya't napanguso. Alam kong hindi siya sumasang-ayon sa sinabi kong hindi bad guy ang lalaki. Knowing Theo, alam kong may namumuo ng idea sa isipan niyang sinabi ko lang 'yon para hindi siya matakot sa lalaki. Hindi na nagsalita pa ang anak ko kaya tumayo na ako't pumasok na kami sa loob.

Naabutan namin sina Papa't Mama kasama si Kuya Thomas sa sala. Ngayon ko lang nakita sina Mama at Papa ngayong araw. Ngayon pa lang yata sila lumabas ng kwarto dahil narito ang panganay nilang anak.

Ngumiti ako sa kanila at lalampasan na sana para dalhin si Theo sa kwarto niya pero tinawag ako ni Papa at inutusang samahan ko silang tatlo. Tinawag ko muna si Ate Feli para dalhin si Theo sa kwarto niya at patulugin dahil alam kong kanina pa ito inaantok.

Nang nawala sa paningin ko si Ate Feli at ang anak ko ay pumunta na ako sa sala at sinamahan silang tatlo na ngayon ay parehong nakatingin na sa 'kin. Umupo ako sa tabi ni Kuya Thomas pero malayo sa kaniya.

"Thomas, anak, ito nga pala si Addison, asawa ni Thornton. Iha, ito si Thomas, pangnay namin," pormal na pakilala ni Mama Laecy.

Humarap ako kay Kuya Thomas at ngumiti sa kaniya. Pero nagulat ako nang makitang iniabot niya ang kanang kamay sa 'kin at pormal na ipinakilala ang sarili.

"Thomas."

Nahihiyang iniabot ko ang kamay ko sa kaniya para ipakilala rin ang sarili. Ayoko nang patagalin at baka sungitan na naman ako dahil pinaghintay ko na naman siya't baka mangawit.

"Addison po."

Napangiwi ako nang hinigpitan niya ang pakikipagkamay sa 'kin. Doon ko lang din siya natitigan nang matagal. Napansin kong kilay lang pala ang magka-iba sa kanila ni Thornton. Medyo halos magkadugtong na ang kilay nitong si Kuya Thomas, parang palaging galit.

"Nice to finally meet you, Addison," aniya bago bitawan ang kamay ko.

Awkward na ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay kong hawak niya kanina lang.

Ang sakit no'n, ah.

Tumikhim si Papa Alfred na nakapagpabalik sa 'kin sa kasalukuyan. Nakalimutan kong nandito pala sila dahil mas ininda ko ang sakit nang pagkakahawak ni Kuya Thomas sa 'kin kanina.

"Anak, buti naman at bumisita ka rito sa 'min," masaya pero naluluhang sabi ni Mama.

Noong mga nakaraang araw, linggo, buwan at taon ay kitang-kita sa mata ni Mama ang pangungulila. Pangungulilang nakikita ko rin sa mismo kong mga mata dahil sa pangungulila ko sa Mama kong naiwan sa Manila.

Miss na Miss ko na si Mama.

"I'm here to only visit you, actually. Pero," sabi niya't lumingon sa 'kin.

Kitang-kita ko ang pananabik sa mga mata nina Mama't Papa habang hinihintay ang sagot ni Kuya Aldrin pero pagtingin ko sa kaniya ay nakatingin siya nang diretso sa 'kin.

"Pero mukhang may rason na ako para mag-stay," dugtong niya.

Kinilabutana ng buo kong katawan sa sinabi niya habang masayang-masaya naman sina Mama't Papa. Bakit ba siya tumingin sa 'kin habang sinasabi 'yon?

Ang creepy naman!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status