Sa kabila nang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog, maaga pa rin akong gumising para maghanda ng agahan. May mga katulong naman kami pero nagpumilit pa rin akong ako ang magluluto.
"Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka, iha, ha?" si Ate Feli, asawa ni Kuya Alias na siyang mayordoma.
"Opo, ate."
Kumuha ako ng itlog, hotdog, bacon at prinito ito dahil ito ang paboritong agahan ng mga Elezar. Gumawa na rin ako nang vegetable salad para sa kanila.
Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa isipan ko ang pangalang binabanggit ni Thorn kagabi hanggang madaling araw. Ang pangalang 'yon ay hinding-hindi ko makakalimutan. Para bang hina-hunting pa rin ako hanggang ngayon sa pangalang 'yon.
"Addi, kapag malaman mong may ibang babae si Thornton, anong gagawin mo?"
Napalingon ako kay Beatrice dahil sa sinabi niya. Ibang babae? Si Thornton? Impossible naman yata.
"Hindi magagawa ni Thorn sa 'kin yan, Be," mabilis na sagot ko sa kaniya.
"Paano nga kung meron? Anong gagawin mo?" pagpupumilit niya.
Anong gagawin ko? Hindi ko alam. Baka malalaman ko na lang kapag umabot na kami sa puntong 'yon. Pero malabo naman dahil sinabi naman sa 'kin ni Thorn na ako lang ang mahal niya.
"Hindi ko alam, Be. Siguro ay malalaman ko lang 'yan kapag aabot man kami sa sitwasyong 'yan," sagot ko.
Nagkibit-balikat siya sa 'kin at ipinagpatuloy ang pagkain. Sakto namang pagyuko ko ay siyang pag-ingay ng buong canteen. Hindi na nakapagtataka kung anong ingay iyon dahil iisang rason lang naman ang nagbibigay ng ganitong epekto sa mga estudyante rito, ang grupo ni Thorn.
"I don't know what's with Thorn. Bakit siya nagtatiyaga sa babaeng 'yon?" bulong ni Jake pero umabot iyon sa pandinig ko.
Naupo sila sa likod kong mesa at paniguradong hindi nila ako napansin dahil nakasuot ako ng hoddie at nakatali ang buhok ko ngayon unlike kapag nakakasalubong o nakikita nila ako na nakalugay lang.
"She's adorable, actually. She's sweet. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit pinaglalaruan siya ni Thorn. Alam naman nating lahat na mahal niya si Bellatrix, 'di ba?" sagot naman ni Yohan.
"Nakuha na niya ang gusto niya kay Addison. Bakit parang nag-eenjoy naman siyang paglaruan 'yong babae? Kung tapos na naman pala siya, sana binigay na niya sa 'kin. Masarap pa naman daw tikmam 'yon. Gusto ko ring maranasang marinig na inuungol niya ang pangalan ko. 'Ohh, Jed! Sige pa! Ughh!'" natatawang sagot naman ng isa nilang kasama na si Jed na dahilan para mabitawan ko ang hawak kong kutsara't gumawa ito ng tunog nang mahulog ito sa baunan ko.
"Hey, Addi. Okay ka lang?" biglang tanong ni Beatrice.
Kaya ba itinanong niya sa 'kin kung anong gagawin ko kapag may ibang babae si Thorn ay dahil alam niyang mayroon nga? Dahil alam ba niyang ang totoong mahal pala ni Thorn ay si Bellatrix na kakambal niya? Gano'n ba 'yon?
Dali-dali kong niligpit ang pinagkainan ko't tumayo na roon. Doon ko lang napansin na halos lahat pala ng estudyante sa loob ng canteen ay nakatingin sa 'kin, pati na ang mga kaibigan ni Thorn na ngayon ay parang nakakita ng multo sa gulat at pamumutla.
Bago pa man ako makalabas ng canteen ay tinawag akong muli ni Beatrice.
"Addison, anong gagawin mo?" nakangising tanong niya sa 'kin.
Traydor!
Trinaydor nila ako. Lahat sila. Pinaglaruan nila ako. Trinato ko naman silang tunay na kaibigan, ah. Trinato ko naman silang parang kadugo ko na. Bakit nagawa iyon sa 'kin ng kambal? Kaya ba palaging hindi sumasama si Bellatrix sa 'min dahil kay Thorn siya palaging sumasama na walang ibang dinahilan sa 'kin kung hindi ay palagi siyang busy? Gano'n ba?
Ang tanga mo, Addison! Sinuko mo ang pagkabirhen mo sa lalaking walang ginawa kung hindi ang paglaruan ka. Tanga mo!
Ang mas masakit pa ay nakasalubong ko silang nagtatawanan sa hallway. Natigil lang sila nang sinadya kong dumaan sa gitna nila mismo.
'Habulin mo ako, Anton. Magpapaliwanag ka lang sa 'kin, mapapatawad kita. Magpapaliwanag ka lang sa 'kin, hindi ako titigil na mahalin ka.' sabi ko sa isip ko habang humahakbang palayo sa kanila.
Hindi nga ako nagkamali. Hinablot niya ang braso ko't pinilit na pinaharap sa kaniya.
"Love... let me explain."
Nakakatawa lang dahil sa isang paliwanag niya ay okay na kaagad ako. Sa isang paliwanag niya, nawawala na kaagad ang inis o galit ko sa kaniya. Hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang epekto niya sa 'kin.
"Shit!"
Bumalik ako sa kasalukuyan nang makarinig ako ng malutong na mura. Doon ko lang napansin na sunog na pala ang niluluto ko't nakalapat lang ang kamay ko sa mainit na frying pan.
Mabilis na ilayo ko ang kamay ko roon nang maramdaman ko ang init. Bigla akong napadaing sa hapding dulot nito sa mga daliri ko.
"Are you okay? Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot. Are you okay, love?" aniya habang hinihipan ang napaso kong mga daliri.
"Ah, oo," sagot ko sa kaniya.
Inalalayan lang niya ako papunta sa sala at tinawag si Aling Feli na kung pwede ay ito ang tumapos sa niluluto ko. Nagreklamo ako dahil maliit lang naman ang paso ko't kaya ko naman pero hindi niya ako pinayagan at iniwan ako roon para kumuha ng first aid kit.
Napatingin ako sa kaniya habang nilalagyan niya ng oinment ang paso ko. Matapos ay umupo siya sa tabi ko at hinapit papalapit sa kaniya.
"Better?"
Tumango lang ako sa kaniya at bigla siyang niyakap. Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya habang pinulupot niya naman ang dalawang braso niya sa baywang ko.
"Saan ka nanggaling kagabi?" tanong ko sa kaniya.
"I was with Yohan, Jake and Jed. Pumunta silang Sorsogon kahapon lang dahil gusto nilang mag-inuman daw kami. Hindi ko sila natanggihan kasi matagal na rin simula no'ng huli kaming nagkasamang apat," sagot niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"Galit ka ba?" tanong niya sa 'kin nang hindi ako sumagot.
Mabilis na umiling ako sa kaniya. Wala naman akong dapat na ikagalit doon. Birthday niya naman at mga kaibigan niya pala ang kasama kaya okay lang sa 'kin.
"Hindi naman. Nagtatampo lang kasi may inihanda kaming surpresa sa 'yo kahapon pero hindi ka dumating. Hindi ka man lang nag-text na hindi ka pala makakarating," nakangusong sagot ko habang kumakalas sa yakap niya't umayos nang upo sa tabi niya.
"I'm sorry, love. I didn't know where my phone is. Actually, kahapon ko pa siya hinahanap, eh. I think naiwan ko lang somewhere."
Kaya pala hindi siya nakapag-reply kagabi. Buti na lang at walang ibang laman ang phone niyang 'yon kung hindi ang contact number ko lang at number ng mga kasama namin dito sa bahay. Lahat ng importante ay nasa business pc namin. Ang emails ng client, investors, mga magpa-franchise.
"Love, I have something to tell you."
"May importanteng sasabihin ako sa 'yo, love."
Sabay naming sabi. Natawa kaming pareho pero sininyasan niya akong ako na ang maunang magsabi pero ibinalik ko sa kaniya ang senyas na siya na ang mauna.
"I think, naiwan ko ang phone ko sa PicStudio kahapon."
"PicStudio?" pagkaklaro ko sa kaniya.
Sa pagkakaalala ko ay isa iyon sa pinakasikat na photography studio rito sa Sorsogon. Anong ginagawa niya roon?
"Yes, love. Naghahanap sila ng photographer, so I grab the opportunity. I know na matagal ko nang hindi nagagamit ang natapos ko kaya nag-apply ako," aniya.
Nang tumira kami dito sa Sorsogon ay tinapos niya ang kurso niya sa isang film school dito sa Sorsogon habang ako naman ay namamahala sa pinatayo naming cafe. Pareho kaming film student sa Manila noon pero siya lang ang nagpatuloy. Hindi niya nagamit iyon dahil mas pinili niyang tulungan ako sa cafe at maging hands-on Daddy kay Theo.
"Natanggap ka naman siguro, 'di ba? Malaking kawalan ka sa Studio na 'yon kung hindi ka nila tanggapin," masayang sagot ko.
Wala akong karapatang maging malungkot sa ginawa niya. Ang totoo nga'y masaya ako dahil sa wakas ay magagawa na niya ang totoong gusto niyang gawin sa buhay.
"Oo naman, love. Takot lang nilang pakawalan ako, 'no!" mayabang na aniya.
Natatawa ako sa kayabangan niya. Ang taas-taas talaga ng kumpyansa sa sarili, eh.
"Huwag mo akong pagtawanan, love. Baka nakakalimutan mong may sasabihin ka rin sa 'kin?"
Napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya. Oo nga pala. Ito na ang tamang oras para sabihin ko sa kaniya 'to. Deserve niyang maging masaya.
"Love..."
"Hmmm?" sagot niya habang nilalapit ang mukha sa 'kin.
"I'm 2 months pregnant."
Bigla siyang napatigil sa paglapit sa 'kin at nanlalaki ang mata dahil sa narinig. Nakangiti ako nang malapad dahil sa reaksiyon niya pero biglang nawala ang ngiti ko nang bigla siyang bumagsak sa kinauupuan niya.
Wtf?
"Thornton! Love!"
Napalingon ako nang marinig kong may mga yabag na papalapit sa 'kin habang ako ay nanginginig pa rin.
"Mommy? Why is Daddy knocked-out?"