Falling in love with him was completely unexpected. I only see him as my enemy and i don't expect anything else. There was definitely a moment when something quite magical happened and we both agree that it transformed our relationship.
View MoreValeen's POVWALA na akong nagawa kundi ang sumama kay Erroze. Hindi ko akalain na ganito pala ka seloso ang lalaking 'to. Kahit pa nga kapatid niya si Renzo ay pinagseselosan parin. 8:30 na nang makarating kami dito sa office dahil natagalan pa ako sa pag memake-up. Tinakpan ko pa kasi ang mga galos o gasgas sa mukha, leeg at braso ko. Upang hindi masyadong halata ang mga galos sa braso ko ay nagsuot na lang ako ng long sleeve white dress kagaya ng gustong gusto ko na suotin.Sa gwapo ng asawa ko ay ayaw ko namang magmukha akong katulong lang kapag magkasama kami lalo na kapag lalabas kami. "Late na tayo." Usad ko habang nakahawak ito sa bewang ko at magkasabay na naglakad papasok ng kanyang office."Hmm. Okay lang yun mahal. Wala naman akong meeting ngayon." Malambing na sagot nito. Napatango na lang ako at hindi na muling kumibo. "Renzo?" Bulong ko sa sarili ko ng mahagip ng mata ko ang papalapit na si Renzo. "Oh? Renzo, anong ginagawa mo dito?" Ngiting tanong ko tsaka inantay
Valeen's POVDito kami sa bahay nila Erroze dumiretso dahil sabi niya ay dito na 'daw kami tumira noon. Maayos naman kahit papano ang pagsasama naming mag-asawa at ayon nga lang hindi ko parin maalis ang hiya ko kapag may pagkakataong nahuhuli ko siyang matamis na nakangiting nakatitig sa akin kahit pa mag-asawa na kami.Napakabuti niyang tao. Mayroong lang isang bagay na hindi ko maintindihan kung bakit blinock ako ni Jaya sa social media pati na 'din sa number na ginagamit niya. Nung nasa hospital pa lang ako ay plinano ko na siyang ichat sana para batiin sana siya sa araw na yon dahil sakto naman na birthday niya pero nagtaka na lang ako dahil hindi ko na siya maichat pa. Mas lalo pa akong kinabahan at nasaktan mula sa mga panunumbat at masasakit na salitang iniwan niya sa convo namin bago niya ako iblock. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lang katindi ang galit niya sa akin dahil halos isumpa niya na ako at ng magiging anak namin ni Erroze. Minsan tina
Valeen's POVValeen's POVNagising ako na halos purong puti na ang nakikita ko. Nasaan ako? Anong nangyayari? Napalinga-linga na lang ako sa paligid ko at napagtantong nasa hospital pala ako. Anong ginagawa ko dito? Bahagya kong tinignan ang kaliwang kamay ko na may nakakabit na dextros ganon na 'din sa kanang kamay ko na agad kong napansing may lalaking nakahawak dito habang mahimbing na natutulog. Sino 'to? Bakit nakahawak sa kanang kamay ko?Biglang bumukas ang pinto tsaka pumasok si mommy na pula ang kanyang mata na halatang kakagaling lang sa matagal na pag-iyak.Sa kanyang pagpasok at pagsarado ng pinto, humarap ito sa kinaroroonan ko at muling tumulo ang kanyang luha ng makita ako kaya agad na lumapit sa akin at tsaka ako niyakap at hinalikan sa noo."Salamat naman anak ko at gising ka na. Akala ko mawawala ka na sa akin. Ikakamatay ko kapag nangyari 'yon!" Hagulgol niyang iyak kasabay ng pag-angat ng ul
Wala na akong nagawa kundi ang humiga sa tabo niya kahit naiilang parin ako. 'Di bale ay maluwang naman ang kama ko ay dito sa gilid na lang ako mahihiga kung saan medyo malayo sa tabi niya. Tahimik na lang akong humiga nang bigla na lang ako nitong hilain palapit sa kanyang katawan.Ramdam ko pa ang init ng katawan niya dahil tanging boxer lang ang suot nito at wala ng damit. Pagkatapos niya akong hilain ay palapit sa kanya ay agad nitong ipinatong ang kanyang braso sa aking bewang tsaka mas lalo pa akong niyakap kasabay ng paglagay niya ng ulo ko sa isang braso niya upang magsilbing unan ko."Good night misis." Malambing na saad nito. Hindi ko na lang pinansin kahit gusto ng kumawal ng puso ko mula sa dibdib ko.KINABUKASAN ay nagising ako na wala na si Erroze sa tabi ko. Umuwi na kaya siya? Umalis na naman ba ng wala na namang paalam? Hayystt! 'Di bale na nga!Bumangon na lang ako tsaka inayos ang kama ko at naglakad patungong c
Valeen's POVTanghali na ng magising ako. Hindi 'din ako bumangon agad at sandaling natulala pa dahil bumalik sa isip ko lahat ng nangyari kagabi. Napansin 'kong wala 'din si Erroze sa tabi ko kaya naman sigurado akong hindi 'din siya dito natulog kagabi.Saan naman kaya natulog 'yun? Napabuntong hininga na lang ako tsaka bumangon at nagtungo sa banyo upang maligo.Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng maiksing short at maluwang na sando na nababagay sa akin. Lalabas na 'din sana ako ng makitang medyo mainit kaya nagsuot na lang 'din ako ng sumbrerong tamang-tama para sa damit na suot ko tsaka tuluyang lumabas.Pagkarating ko ng kinaroroonan nila Renzo ay naabutan ko ang limang tauhan ni Erroze at dalawang katulong na masaya sa paglalangoy. Nahagip naman ng mata ko si Renzo na tahimik na nakaupo lang sa lamesa habang nakatingin sa malayo. Problema nito? Teka nasaan si Erroze?Agad akong naglakad papunta 'kay Renzo tsaka umupo
Valeen's POV"Huwag ka ng magalit sa akin. Hindi ko na naman uulitin eh." Seryosong usad nito kaya agad akong napatigil. Hindi ko alam kung paanong agad humupa ang galit ko at nangibabaw ang nararamdaman ko para sa kanya."Gutom na ako. Hindi ka pa ba nagugutom?" Pangiiba ko ng usapan."Tara kain na tayo. Oorder ba tayo o pupunta na 'dun mismo?" Tanong nito."Doon na lang siguro." Sagot ko. Tumayo ako tsaka agad na inayos ang sarili ko.Habang naglalakad kami ni Erroze hindi ko na lang maiwasang mapangiti ng sobra sa kilig dahil hawak ako nito sa bewang na para bang ikinakabisa ang kurba ng aking katawan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagrereklamo kahit pa hawak na niya ako sa bewang na para bang isang tunay na magkasintahan."Teka." Biglang sinabi ni Erroze kaya naman agad 'din akong napatigil."Bakit?" Tanong ko."Tara balik tayo sa kubo." Usad nito. Napataas
Valeen's POV Hapon na ng makarating kami dito sa boracay. Agad naman kaming in-assist ng gwapong lalaking nagtratrabaho dito, itinuro nito ang magiging cottage namin. Naiilang na lang ako sa tuwing napapatingin ako sa gwapong lalaki kapag nahuhulo ko itong nakatitig sa akin habang masama naman kung tignan nila Erroze at Renzo ang lalaki. Ang ganda lang ng kubo na tutuluyan namin dahil hindi lang 'to basta kubo kundi ay para na 'din itong bahay na kumpleto na ang lahat. Mula sa banyo, kama, sa kusina kung trip mo magluto. Mayroon 'ding restaurant na nadaanan namin kanina lang at kung sinumpong ka ng katamaran ay pwede ka 'ding umorder na lang ng pagkain at dito na kumain sa kubo. "Valeen!" Tawag sa akin ni Renzo habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Lilingon na sana ako ng mabilis na hilain ni Erroze ang bewang ko tsaka inilapit sa kanya at nagsalita. "Huwag 'kang lilingon." Utos ni Erroze sa akin
Valeen's POVPauwi na kami ni Renzo pero nakiusap akong dumaan muna sa bahay upang bumisita kaya heto kami ngayon sa harap ng bahay. Pinagmamasdan ko lang ang kabuoan ng bahay mula dito sa bintana ng kotse.Sobrang miss na miss ko na si mom at dad. Gusto ko na silang yakapin at makausap manlang upang iurong ang kasal kaso nagdesisyon akong huwag ng pumasok dahil hindi 'din naman ako papakinggan kahit ilang beses pa akong lumuhod sa harapan nila. Kahit pa siguro umiyak ako ng dugo ay hindi na talaga mababago ang isipan nila.Masaya kaya sila kahit hindi ako nakikita ng halos dalawang linggo na? Masaya parin ba sila kahit alam nilang sinasaktan ako ng lalaking gusto nila para sa akin? Hindi manlang nila ako tinawagan upang kamustahin kung buhay pa ba ako o patay na.Tsaka okay na 'din kung hindi ako pumasok sa loob. Paniguradong tatalakan na naman ako ni dad kapag nakita niyang si Renzo ang kasama ko at hindi si Erroze.
Valeen's POVKINABUKASAN, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napataas na lang ang kilay ko at nanibago sa mga nakikita ko.Ang mga saradong bintana ay bukas na at ang mga itim na kurtina ay napalitan na ng puti. Grabe, hindi ko manlang naramdaman na pinalitan na pala ang mga kurtina.Napakaganda na lalo ng buong silid dahil sa sikat ng araw at malamig na hangin na nanggagaling mula sa labas dahil sa bukas na malalaking bintana.Nakakapagtaka lang dahil akala ko ba ay ayaw ni Erroze sa maliliwanag pero bakit bukas na ang mga bintana ngayon? 'Di bale na nga!Naglakad ako palapit sa sliding door papunta sa may terrace tsaka ito tuluyang binuksan dahil nakaawang lang ito ng kaonti tsaka ako lumabas at nilasap ang malamig at sariwang hangin."Ang ganda." Saad ko nang masilayan ang paligid ng bahay mula dito sa taas. Kung ganito lang sana palagi ang makikita ko ay hindi ko na pa
Have you ever met someone that surprised you? Like, you meet this person and at first you hardly pay any attention to them. 'Yung mahirap makitungo kasi hindi mo naman ineexpect na magkakaroon ka ng makakasama sa hindi mo inaasahang oras o pangyayari. 'Yung hindi kayo magkatulad o magkasundo kasi hindi naman siya ang lalaking gusto mo. 'Yung hindi ka malapit sa kanya kasi akala mo masama siya but as you get to know him, you notice yourself falling for him.This person that was once average to
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments