Pinisil ko ang aking mga daliri at ipinaliwanag ang aking layunin kung bakit ako nagpunta at hindi ko maitago ang matinding kahihiyan.Biglang nagdilim ang mga mata ni Joaquin, at ngumiti siya sa akin at nagtanong, "Ano sa tingin mo ang rason kung bakit kita tutulungan?"Dahil alam kong hindi magtatagumpay ang paghingi ko ng tulong, gumawa na ako ng palusot para makaalis. "Kung gayon, magpanggap ka nalang na hindi ako nagpunta rito."'Yun nga lang, kahit gaano kasama ang pakikitungo namin sa kanya, hindi pa rin siya gumaganti sa pamilya namin, pero magagawa niya kayang tulungan ang pamilya ko matapos ang lahat ng iyon? Napaka-walanghiya ko talaga para magkaroon ng lakas ng loob na magmakaawa sa kanya. Hays, sobrang nakakahiyang isipin itong mga pinanggagawa ko. Gusto kong tumakas ngayon ngunit mabilis niya akong pinigilan, "Caroline, sabihin mo sa akin kung ano ang nais mong hilingin, kung sa tingin kong madali lang, hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka." Aniya.Natig
Last Updated : 2025-01-07 Read more