All Chapters of The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife: Chapter 11 - Chapter 20

50 Chapters

KABANATA 11

Ang pinakamalaking takot ko ay nagkatotoo.Nasa bar si Joaquin, at matagal na pala niya akong nakita!Ang mga kasinungalingang sinabi ko lang kanina ay parang sampal sa mukha ko.Nanatili akong nakatayo, hindi makagalaw.Hinalikan ako ni Joaquin nang matagal at mariin bago ako binitiwan.Hinaplos niya ang namamaga kong labi gamit ang kanyang mahahabang daliri.Ang kanyang madilim na mga mata ay nakangiti sa akin, pero malamig ang tono ng kanyang boses. "Natulog ka ba sa bar?" Nainis ako nang maisip na alam pala niyang nasa bar ako, pero tinawagan pa rin niya ako para magtanong, dahilan para magsinungaling ako."Alam mo naman palang nandito ako, bakit kailangan mo pa akong tanungin?" Naiinis kong sagot. Ang mga mata ni Joaquin ay dumilim, at tila may ngiting nanunukso, "Inakala kong sasabihin mo ang totoo. Binigyan pa kita ng pagkakataon, pero nagsinungaling ka pa rin hanggang huli." Ang mga daliri niya ay gumalaw sa paligid ng leeg ko, na parang anumang oras ay kaya niyang
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more

KABANATA 12

Pagkapasok namin sa kwarto, isinandal niya ako sa pinto at hinalikan nang mariin.  Ang mga kamay niya ay dumako sa baywang ko, at sa tindi ng halik niya, parang nawalan ako ng ulirat.  Bigla siyang bumulong sa tainga ko, may bahagyang tawa, "Kanino ka nagpapasikat sa suot mong napaka-seksi?"  Hindi ako sumagot.  Dinala niya ako sa kama at sa dalawang galaw lang, napunit na ang suot kong palda.  Ang lalim ng tingin niya, puno ng galit, "Alam mong darating siya ngayon, kaya nagbihis ka nang ganito kaganda para salubungin siya?"  Gusto ko sana siyang ismaran, pero natatakot akong lalo lang siyang magalit.  Kaya inis nalang sinabi, "Kailan ba ako nagdamit nang pangit?”  Napairap siya, malamig ang ekspresyon at may halong pangungutya. Biglang tumunog ulit ang cellphone ko — si Joseph na naman ang tumatawag. Kinuha ni Joaquin ang cellphone ko at tanong niya, tila nanunukso, "Gusto mo bang sagutin ito?"  Mabilis akong umiling.  Ngumiti siya nang may kalokohan:  “Paano n
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more

KABANATA 13

[Juliana Smith] Ha? Sino 'yun?  Sa pagkakaalala ko, parang wala naman akong kilalang ganitong tao, at hindi ko rin siya kilala at wala akong maalala na naka-save ang numero niya sa cellphone ko.  Habang naguguluhan ako, biglang hinablot ang cellphone mula sa kamay ko.  Napalingon ako at gulat na makita si Joaquin na nakatayo sa likuran ko, nakatapis lang ng tuwalya.  Doon ko lang naalala. Oo nga pala, cellphone niya ito, at baka isa si Juliana sa mga kakilala niya.  Napabuntong-hininga ako. Mukhang kailangan ko nang magpalit ng cellphone at ringtone. Hindi pwedeng pareho pa kami ng gamit.  Lumapit si Joaquin sa bintana para sagutin ang tawag, pero buong oras ay nakatitig siya sa akin. Sinundan ko ang tingin niya at napansin ang sarili ko.  Pagkatapos ng isang segundo, namula ako sa hiya at agad kong kinuha ang nightgown sa gilid ng kama at isinuot ito.  Pagkatapos, naupo ako sa dulo ng kama na parang walang nangyari.  Tumingin siya sa ibang direksyon, pero ang ngiti
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more

KABANATA 14

Biglang sumimangot si Joaquin, at nagkaroon ng bahagyang dilim sa mukha niya.  Napahagikhik siya nang malamig, "Talaga bang gusto mong makasama ko siya?"  Napanganga ako. Ano raw?  Anong ibig niyang sabihin na gusto niyang makasama si Juliana? Hindi ba't iyon naman talaga ang gusto niya mula sa simula?  Kung sasabihin ko bang huwag na siyang makipagkita kay Juliana, susundin ba niya ako?  Isa na akonf kinamumuhian at pinagpaparusahang asawa kaya may kapangyarihan pa ba akong gawin iyon?  Habang nilalamon ako ng sarili kong pag-aalipusta, bigla siyang tumayo mula sa pagkakadagan sa akin.  Kumuha siya ng sigarilyo at malamig na nagsalita, "Ikaw kasi ang nagsabing hanapin ko na ang ibang babae, para makapunta ka agad kay Joseph, 'di ba?"  "Hindi, huwag ka nganf mag-isip ng ganyan!"  Sabi nila, ang mga babae raw ang mahilig mag-overthink at maging prangka pero parang mas malala pa siya!  Pinigilan niya ang sarili at tahimik na nagpatuloy sa paninigarilyo sa tabi ng bin
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more

KABANATA 15

"Hello? Sino 'to?"  "Caroline..."  Nanikip ang dibdib ko nang marinig ang malumanay na boses na iyon.  Si Joseph.  Punong-puno ng hinanakit ang boses niya, "Ngayon, kahit tumawag ako, ayaw mo na rin bang sagutin?"  "Bakit ka tumatawag?"  Kung tutuusin, hindi pa naging malinaw ang relasyon namin ni Joseph. Wala kaming pangako sa isa't isa, puro kalituhan lang ang nararamdaman namin noon.  Pero kahit ganoon, palagi akong nakakaramdam ng pagsisisi at pagkakautang ng loob sa kanya.  Nag-aatubili siyang tanungin, "Anong nangyari kagabi... ayos ka lang ba?"  Alam kong narinig niya ang sigaw ko kagabi, pati ang mga ungol na hindi ko napigilang kumawala. Alam niya kung ano ang nangyari.  Pinipigil ko ang emosyon ko, "Ayos lang... normal lang naman na nangyayari iyon sa mag-asawa."  Bigla siyang natahimik, at ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat niyang paghinga.  Noon, nagustuhan namin ang isa’t isa sa isang bulag na paraan, pero ngayon, ang damdaming iyon ay na
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more

KABANATA 16 

Nakatitig sa akin si Joseph, ang mga mata niya’y malalim habang bahagyang humihigpit ang pagkakakapit ng mga kamay niya sa mesa.  Huminga ako nang malalim at nagsabi, "Pasensya na."  Lumingon siya at ngumiti nang pilit, "Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Wala namang namamagitan sa atin, at ang pagmamahal mo sa kanya ay hindi naman matatawag na pagtataksil sa akin."  Ewan ko kung imahinasyon ko lang, pero nang sabihin niya iyon, tila may bahagyang malamig at malupit na ningning sa kanyang karaniwang banayad na mga mata.  Pero paano nangyari iyon?  Si Joseph na kilala ko ay laging mahinahon, magaan ang loob, at hindi kailanman nagpakita ng ganitong uri ng ekspresyon.  Baka mali lang talaga ang nakita ko.  Hindi pa rin makapaniwala si Charlene at nagtanong. "Caroline, paano mo nagustuhan si Joaquin? Ginamit niya ang kahinaan ng iba para sa sarili niyang interes. Lahat tayo ay galit na galit sa kanya. Bakit bigla mo siyang nagustuhan?"  "Ang daming nangyari sa loob ng ta
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more

KABANATA 17

Nanigas ako bigla.  Ang tunog at tawang iyon ay kay…JOAQUIN! Bakit ang malas ko? Parang kahit saan ako magpunta, palagi ko siyang nakikita.  At ngayong nandito siya, sigurado akong tapos na ang lahat.  Si Joaquin, suot ang isang maayos na black suit at kurbata, ay nakatayo sa hindi kalayuan. Tila ba siya’y isang taong mataas ang posisyon at puno ng dignidad.  Kahit ang simpleng tingin niya ay nagdadala ng nakakatakot na presyon. Noon, siya’y mapagpakumbaba at mahinahon, ngunit ngayon ay parang isa siyang hari na hindi maaaring suwayin.  Napabuntong-hininga ako. Napakalaki ng naging pagbabago niya, para bang ibang tao na ang sumanib sa kanya.  Si Charlene, na dati’y sobrang naiinis kay Joaquin at palaging galit kapag pinag-uusapan siya ay biglang natahimik at mukhang takot.  Pati si Joseph ay ngumisi at nagsabi:  "Kapatid, hindi ba dapat nasa ospital ka?"  *Huh?* Pumunta si Joaquin sa ospital? Nasaktan ba siya?  Hindi ko napigilang tingnan siya mula ulo hanggang p
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more

KABANATA 18

Habang mas nagiging tensyonado ang sitwasyon, biglang nagsalita si Joseph kay Joaquin. "Sabihin mo nga, magkano ba talaga ang binayaran mo para sa pamilya nila? Kung hindi lang ako na-late ng uwi, hindi mo sana nakuha ang pagkakataong bayaran iyon para sa kanila."  "Talaga?" Humalakhak si Joaquin nang malamig, "Kung hindi ako, tiyak na hindi rin ikaw ang papalit."  "Hindi mo masisiguro ‘yan," sagot ni Joseph na puno ng kumpiyansa. "Kung nandito ako sa city, si Caroline ang unang lalapit sa akin."  Ako? Lalapit kay Joseph para humingi ng tulong?  Hindi ko alam. Ang mga haka-haka ay hindi kailanman nagkakaroon ng tiyak na sagot.  Ang mukha ni Joaquin ay naging mas madilim pa kaysa kanina.  Marahan niyang kinakatok ang gilid ng mesa gamit ang kanyang mahahabang daliri. Ang kilos na tila walang pakialam ay puno ng malamig na intensyon.  Habang tumatagal, ang tensyon sa paligid ay parang nakakasakal.  Sa bawat katok niya, parang tumitindi ang tibok ng puso ko.  Hindi ko
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more

KABANATA 19

"Tapusin mo muna ang sigarilyo bago ka umalis."  Hindi siya naninigarilyo sa harap ko noon.  Pero ngayon, palagi ko siyang nakikitang nagyoyosi. Ang madalas niyang pagyoyosi ay patunay na malakas ang bisyo niya rito.  Alam kong kaya niyang kontrolin ang emosyon at mga pagnanasa niya, pero nakakaintriga kung paano niya kinokontrol ang bisyo niya sa sigarilyo.  Nakaupo siya nang pabaluktot sa upuan, ang kamay niyang may hawak na sigarilyo ay nakasandig lang sa manibela.  Tila nakatingin siya sa kawalan, tamad ang postura ngunit nakakapukaw ng atensyon. Ang usok na lumalabas sa kanyang mga labi ay parang may kakaibang alindog na halos nakakabighani.  Masyado akong nalibang sa iniisip ko, at bago ko pa maialis ang tingin ko sa kanya, bigla niyang sinabi sa malamig na tono. "Get out of my car!"  Nayanig ang puso ko at napatingin ako sa kanya nang litong-lito. Hindi niya ako tinitingnan, pero malamig pa rin ang ekspresyon niya.  "Sino'ng nagsabing umakyat ka rito? Bumaba ka
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more

KABANATA 20

Ngunit hindi niya ako binitiwan. Sa halip, tinanong niya ako nang mariin, "Kung narito siya noon sa bayan, pupunta ka ba talaga sa kanya para humingi ng tulong at maging babae niya kapalit ng pagbabayad ng utang ng pamilya mo?"  "Hindi!"  Kahit ano pa ang naging plano ko noon, ang sagot ko ngayon ay "hindi!"  Inakala kong ikatutuwa niya ang sagot ko at pakakawalan ang baba ko. Pero bigla na lang siyang sumigaw at puno iyon ng pagkabigo,  "Caroline, sa tingin mo ba talagang mahal ka niya? Nilapitan ka lang niya dahil—"  “Sumosobra ka na, Joaquin!!”  Nakakainis!  Sinasabing may mahal na si Joaquin at wala siyang nararamdaman para sa akin. Habang si Joseph naman ay lumalapit sa akin at may ibang intensyon.Ano ba talaga? Wala na bang karapatang mahalin ang isang tulad ko? Hanggang dito na lang ba ako—paglaruan ng iba?  Matagal niya akong tinitigan nang may galit tsaka biglang tumawa.  Nakakakilabot ang ngiti niya—parang ngiti ng isang demonyo.  Binitiwan niya ang baba
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status